"ANG PAGHAHARAP"
ANG NAKARAAN,
Nakuha na nila ang huling sandata na kekelanganin ni Samantha. At habang nasa Dalaket sila. Agad silang sinundo Nina Jake at Theo upang magtungo sa Jamais.
Na kaagad namang sinundan nina Alpia, Mia At Raven.
SA PAGPAPATULOY...
Sa lagusan papasok ng Jamais,
"Ito naba ang Jamais? Nararamdaman ko nga si Tyler dito!" Sabi ni Raven.
"Raven? Umamin ka nga? After 30 years may nararamdaman ka pa din kay Tyler no?" Tanong ni Mia.
"Hindi naman yun mawawala, pero tanggap ko na kasi masaya naman sila ni Jake. Pero teka bakit ako ang nasa hot seat? Mabuti pa pumasok na tayo sa lagusan!" Sabi ni Raven.
"Mabuti pa!" Sabi ni Alpia at inilapit ni Alpia ang kanyang kamay at agad syang nakuryente na agad naman syang Napa atras.
"Aray! Bakit ganun?" Pagtatakang sabi ni Alpia.
Lumapit naman sina Mia at Raven at sinubukan ding pumasok pero tumilapon lang sila.
"May restrictions ang harang ng Jamais.. parang.." sambit ni Raven nang biglang may nag salita sa kanilang likuran at nang lingunin nila ito, nakita nila ang kanilang dating kasamahan nasina...
"Dahil, sa utos ni Jenna na madamay kayong mga Dalaket. Lalo kana Reyna Alpia. Kapag nakuha nila ang isang patak ng dugo nyo. Makakalabas si Hex sa Jamais." Sambit ni Chad na ngayon ay kulay abo na ang buhok. Hindi sila tumanda katulad Nina Jenna.
"Chad?" Gulat na Sabi ni Mia.
"Ian pare? Ikaw ba Yan?" Dagdag naman ni Raven.
"Oo kami nga, kami ang inatasan nila Jenna na mag bantay sa lagusan. Incase na makalabas man si Hex o papasok si Alpeydous. Hindi dapat magkita ang mga anak ni Sitan." Sabi ni Ian.
"Pero bakit?" Tanong ni Alpia.
"Hindi mo ba naalala Mahal na reyna, Kayo ni Jenna ang nagsealed sa pintuan ng impyerno?" Sagot ni Chad.
"Oo nga Your highness, Kayo ni Jenna, newly crowned queen Sierra and queen Jessel. " Sabi ni Mia.
"So meaning, if may masamang mangyayari Kay Jenna. Nanganganib sila Jessel at Sierra." Sabi ni Raven.
"Tama, kaya Mahal na reyna. Bumalik na kayo sa Dalaket. Nararamdaman ko na nanghihina na si Jenna. " Sabi ni Ian.
"Pero papano ang mga Bata?" Sabi ni Alpia.
"Isipin mo your highness, Ang mga bata na yun ay parang tayo din noon. Baliktad nga lang? Kasi tayo Ang mga diwata sila Ang tayo noon! " Sabi ni Mia.
"Anong ibig mong sabihin Mia?" Tanong ni Alpia.
"Nakuha ko na, may tiwala saating kakayahan ang mga diwata. At dapat tayo din." Sabi ni Raven.
Tumango Naman Sina Chad at Ian.
Samantala sa Jamais..
"Nasaan sina Selena?" Tanong ni Xavier.
"You mean nanay mo ?" Sabi ni Aira.
"Sugurin na natin ang palasyo! Iligtas na natin sila!" Sigaw ni Joshua.
"Hindi pwde, kelangan nating gumawa ng paraan upang iligtas sila nang walang nasusugutan sa Isa sa mga kawal ni Reyna Anya at mga hukbo ng Jamais, Andromeda, Lakur na tapat sa Reyna Anya." Sabi ni Jake.
"Tama si Jake. Dapat kelangan nating maghanap ng paraan." Sabi ni Theo.
Dumating naman si Liam at hinahanap si Sam.
"Samantha? Samuel? Saan ka?" Sabi ni Liam.
"Nasaan si Sam?" Tanong ni Aira.
"Hindi ko Alam Sabi nya kakausapin lang nya si Jake. Pero teka Wala ba sya dito?" Sagot ni Liam.
"Naloko na, Ang tigas ng ulo ng batang yun!" Sabi ni Theo.
"Bakit Aira? May nasabi ba sya?" Tanong ni Joshua.
Hindi sumagot si Aira at agad syang nag palit anyo biglang isang malaking ibon at sabay salita.
"Nasa Harte si Sam. Sumunod kayo!"
Agad namang nagpalit anyo Sina Joshua, Liam at Xavier.
"Ang kulit!" Naiinis na sabi ni Joshua.
Agad silang naglaho habang si Aira naman ay lumipad kasama Sina Theo at Jake.
Samantala sa palasyo ng Harte...
"Saan kaya nila ikinulong si Tiya Selena? At si Mama?" Sabi ni Sam habang nagtatago sa likud ng malalaking estatwa.
Biglang may humawak sa kanyang likuran at nang lingunin nya ito. Nakita nya si Kathleya at Cloud.
"Nako po anong ginagawa nyo dito?" Sabi ni Sam.
"Ikaw anong ginagawa mo dito? Diba nasa Dalaket ka?" Sabi ni Kathleya.
"Mag iingat Kayo baka Makita tayo!" Sabi ni cloud.
"Hindi nakuha ko na kasi Yung pana.. pero walang palaso. Kayo akala ko ba nag walk out kayo?" Sabi ni Sam.
"Hindi dito kami pumunta ililigtas namin ang mama namin!" Sabi ni Cloud.
"Mabuti pa dito tayo kasi, dito ko nakita Yung mga panget na pumunta nag dala ng pagkain para sa bihag. " Sabi ni Sam.
"Sandali Sam! Papano ka nagiging babae?" Tanong ni Kathleya.
"Di ko Alam basta bigla bigla nalang!" Sagot ni Sam.
"Alam ko Kung papano, naalala mo yung nasa Tribo tayo? Alam ko kasi na may second personality kapa. Akong bahala sayo Sam. " Sabi ni Cloud.
Agad nilang pinuntahan ang isang lagusan Kung saan papunta sa kulungan.
Samantala nakikita Naman ni hex ang mga galaw nila.
"Via ikaw nang bahala sa kapatid mong si Aira. At si Kora Naman Ang bahala sa mga guardians." Sabi ni Hex habang nakatingin sa kanyang mahiwagang Salamin.
"Maraming bisita ang magtutungo sa palasyo panginoon. Ang saya!" Sabi ni Via.
"Oo nga panginoon.at sa wakas oras na para magamit ko Ang aking bagong kapangyarihan!" Sabi ni Kora.
Si Kora, ay ang bagong alagad ni Hex na kayang gayahin ang ibat ibang anyo ng kanyang makakalaban.
"Anong gagawin mo sa anak nina Theo at Katalina pati na sa anak mo Panginoon?" Sabi ni Via.
"Magpapakilala ako! Bilang kakampi!" Sabi ni Hex at agad niyang hunubad Ang kanyang kapa at tinanggal din nya Ang kanyang Maskara.
Suminyas sya sa isang kawal. Agad namang lumapit ang isang kawal at nilagyan sya ng posas sa kamay.
"Kawal ano to? Anong Ginagawa mo sa panginoon natin?" Galit na Sabi ni Via.
Na ginaya Naman sya ni Kora at inulit Ang kanyang sinabi..
"Ito Ang plano ko para makuha ko Ang Anak ko Via. Magpapakilala ako bilang ama nyang nakakulong. " Ngiting Sabi ni Hex.
Ngumiti naman si Via at tila Alam na nya Kung anong plano ni Hex.
Agad dinala ng kawal si Hex papunta sa isang kulungan. Tyempo naman dumaan sina Sam doon.
"Sandali may paparating!" Sabi ni Cloud.
"Kumapit ka sakin Sam!" Sabi ni Kathleya at agad silang naglaho.
"Wag kang magiingay Sam. Naka invisible tayo !" Sabi ni Kathleya.
Nang dumaan sina Hex at ang kawal, tinitigan ni Hex Sina Sam na nasa pader nakatayo.
Nagtaka naman si Sam dahil parang nakikita sila ng pamilyar na lalaki. Nang makalagpas Sina Hex sakanila. Nag wika si Sam at...
"Parang kilala ko ang lalaking yun!" Sabi ni Sam.
"Huh? Sino?" Tanong ni Kathleya.
"Masama Ang kutob ko sa lalaking yun!" Sabat ni cloud.
"Sandali papa ko yun!" Sabi ni Sam.
"Huh? Sandali ! " Mahinang Sabi ni Kathleya Ng biglang tumakbo si Sam.
"Naloko na Kath. baka Makita sya ng mga kawal!" Sabi ni Cloud at sinundan nila si Sam.
Samantala nakarating naman Sina Aira, Jake at Theo sa Harte agad silang sinalubong ni Via.
"Half Sis? Kamusta ka?" Ngiting Sabi ni Via.
"Via Hindi kaba talaga titino?" Sigaw ni Aira.
"Kapatid mo yan Aira?" Tanong ni Jake.
"Sa kasamaang palad!" Yamot na sagot ni Aira.
Itutuloy....