webnovel

The Lady on the Well (TAGALOG)

Did you know that the world glitches? (Taglish) Glitch Series #1: The Lady on the well Steffie accidentally fell on the well. Fortunately, a mysterious man pulled her and saved her life. She noticed that there was something strange as she looked around. "Where the hell am I?! Am I in an another wolrd?!"

emi_san · Teenager
Zu wenig Bewertungen
6 Chs

Chapter 1: Knight in Shining Gold and Blue Coat

Ugh. We travelled all the way from Cebu to Nueva Ecija just because dito gustong magpakasal ni Tita Margaret, stepmom ko. Dito kasi ang hometown niya. At syempre, dahil sunod-sunuran si Dad sa kaniya, nandito kami ngayon.

One month na ang nakalipas mula noong nagpunta kami dito, and guess what, nalaman ko na bumili ng mansion si Dad somewhere within Cabiao (a town), at lilipat na kami doon mula sa house ng parents ni Tita. Wth? that means mag-sstay pa kami dito ng matagal! Sa loob ng one month ko dito sa N.E, ginawa ko ang lahat para mapigilan ang kasal nila. Gusto ko nang umalis dito huhu! Malayong malayo ang lugar na ito mula sa lugar kung saan ako lumaki, at kung nasaan ang mga friends ko!

Ilang araw pa ang lumipas, my Dad transferred me into a nearby private school. Sa General de Jesus College, kung saan nag-aaral ang stepsis ko na isang buwan ko pa lang ding nakikilala.

I made so many friends on my first day. Right now, narito kami ng kaibigan ko sa plaza ng San Isidro, eating the snacks we bought from 7-eleven na katapat lang namin.

"Nakapunta ka na ba sa sa munisipyo, Steffie?" Tanong sa akin ni Anya, classmate ko.

"No—"

"Hindi pa siya nakakapunta." Sabat ni Sophia. Siya nga pala ang stepsis ko. Halos same age lang kami.

"She's right, Anya." Sabi ko.

"Edi, ipapasyal na lang kita." Anya insisted.

Tumingin ako sa isang malaking gusali sa tapat ng plaza. Napakaantigo ng hitsura nito at mukhang isang maliit na kastilyo.

"Sige, naeexcite na ako, ang ganda kasi ng exterior e." I said.

"Tara."

Kinuha namin ang basura namin saka tinapon sa basurahan, then, tumawid na kami sa kalsada.

Habang naglalakad kami sa isang maikling hallway na nagsisilbing entrance ng munisipyo ay nakaramdam agad akong kakaibang vibes. Para akong ibinalik sa panahon ng mga espanyol.

Ang unang nakita ko pagpasok namin ay ang luntiang damuhan sa di kalayuan. Lumingon ako sa kaliwa, there, I saw a curved bench. Sa pagtingala ko naman ay may nakita akong portrait. Una kaming nagtungo sa damuhan, sa gitna ng pinakaloob ng gusali. I can see the bright blue sky as I look up. Bukod sa tila balkonahe na may dalawang hagdan sa magkabilang dulo na ginagamit upang makaakyat sa second floor ay naagaw ng isang malaking wishing well ang atensiyon ko. Dali dali akong tumakbo papalapit dito at sinundan naman ako ng dalawa.

"Ang ganda dito diba?" Anya asked.

"Oo, nakakaamaze." I answered.

"Syempre, ipinagmamalaki kaya 'to ng San Isidro." Sophia said, proudly.

Dahil sa sobrang curiosity ko, I decided to look closely. May something na intriguing sa well na 'to. Parang may bumubulong sa akin na alamin ang mga bagay tungkol dito.

"Guys, magccr lang ako ha." Pagpapaalam ni Anya.

"Hintayin ka na lang namin dito." -Sophia

Sobrang focused ako sa well kaya hindi na ko nakisali pa sa kanila. Walang masyadong tao dito na nakakita sa amin dahil mahigit 3 na ng hapon at kasalukuyang nagtatrabaho ang mga ito. Half day kasi kami ngayon kaya nakakagala kami.

Lumapit pa ako lalo sa balon, dinungaw ko ang pinakailalim nito. Masasabi kong sobrang lalim nito because the shadow underwater is too dark.

"Pwede kang magwish diyan, gusto mo itry?" Suggestion ni Sophia.

Whatever. Hindi naman magkakatotoo yun. That is just a myth, di na ko bata para maniwala. Pero dahil wala naman mawawala kapag sunubukan ko...

"Talaga? Okay!" I said, trying to make myself sound excited. Kinapa ko ang wallet ko mula sa bulsa ko saka kinuha ang wallet ko para maghanap ng barya. Shocks, puro buo! I only have bills, and my credit card. "Shet wala akong barya..." Bulong ko.

Seems like Sophia heard it. "Eto... marami akong barya."

Kaagad ko naman inabot ang 1 peso coins na inaabot niya sa akin. "Thanks!" I said.

Hinawakan ko ang coin gamit ang dalawa kong kamay at itinapat ko ito sa aking labi.

Sana hindi matuloy ang kasal ni Dad at Tita Margaret and... sana mahanap ko na ang prince charming ko.

Napangiti ako dahil sa naisip kong hiling. Hay, hindi ko na talaga maitago ang kaharutan ko.

Sabay kami ni Sophia na naghagis ng barya.

"What did you wish for?" I asked.

"Secret! Pag sinabi ko kasi, baka di na magkatotoo." She answered. "Wait, tignan mo, yung barya mo nastuck yata sa pagitan ng bato na 'yun oh! Baka di matupad yung hiling mo!"

"Ha?! Wait lang gagalawin ko para mahulog." Nastuck ngg sa pader ng wishing well na gawa sa bato ang barya. Pero— malay mo hindi ko naman barya yun kasi di ko naman nakita ang eksaktong pagkahulog nito.

Meh. Malay ko ba kung totoo nga na natutupad ang mga wish dito pero... Lahat na yata ginawa ko para lang matigil ang kasal ni Dad pero walang nagyayari kaya dito na lang ako aasa huhu. I know this is stupid pero desperada na ako dahil ayokong pakasalan ni Dad ang babaeng yun na yaman lang ang habol sa kaniya.

Tinry ko abutin ang barya gamit ang kamay ko.

"Mag-ingat ka, baka mahulog ka." Pag-aalala ni Sophia.

Hindi ko siya pinansin. Hay, kung tinulungan niya kaya ako.

"Aaahhh!" Napatili ako nang bigla na lamang akong nadulas ay nahulog sa wishing well. Buti na lang nakakapit ako sa gilid ng well. Nakalambitin ako, at kaunti na lang ay mahuhulog na ako dahil unti unti nang nadudulas ang kamay ko. "Sophia! Help me!" Sigaw ko. Kaagad naman niyang inabot ang kamay ko, at kumapit naman ako ng maigi sa kamay niya.

Maya maya pa ay napahinto si Sophia sa paghila sa akin pataas. Tumingin siya sa paligid na para bang naghahanap ng mahihingan ng tulong. "Shit, bakit walang tao sa paligid? Hindi kita kayang iangat mag-isa!" Aniya.

"Please help me! Wag mo kong bibitawan, ayoko pang mamatay!" I shouted, naiiyak na ako kaya medyo nagcrack yung boses ko.

Matapos kong sabihin ang mga salitang iyon ay natulala si Sophia. Nakatitig lang siya sa akin, and I found it creepy. Kinilabutan ako. Then, tears started falling from her eyes.

"S-sorry, Steffie... Sorry..." Naguluhan ako bigla, bakit ba siya nagsosorry?

"Why? This is not the right time for apologies, p-please pull me!" I answered. Whatever she's apologizing for, I'll forgive her! Just please, don't let me die!

"My wish... this is exactly what I wished for..." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Lalo pa akong kinilabutan dahil sa pagngiti niya habang lumuluha. Please tell me na mali ang iniisip ko? "Please forgive me... I am really sorry"

"Don't do this..."

Unti unti niyang binitawan ang kamay ko, dahilan para tuluyan na akong mahulog. I don't know how to swim pero as long as may mahahawakan ako, kaya kong lumutang.

Unfortunately, nauntog ako sa gilid ng well na gawa sa bato. Nakaramdam ako ng pagkahilo, at unti unti na ring nagdilim ang paningin ko habang akong lumulubog. Nakarinig pa ako ng malakas na tunog bago tuluyang pumikit ang mga mata ko.

Hindi ako makapaniwalang magagawa sa akin 'to ni Sophia. So, her wish is... mawala ako?

Sana hindi pa ito ang huli. Sana makaligtas ako.

Mom, please wag mo muna ako sunduin, papaalisin ko pa si Tita Margaret sa buhay namin ni Dad.

Dad, please, don't marry Tita Margaret, and don't trust Sophia.

Sophia...

My last breath... hindi ko na kayang pigilan ang paghinga ko. I opened my mouth, yeah, I guess this is the end. Naramdaman kong unti unting pumasok ang tubig sa katawan ko.

I'm drowning... and dying.

Pero bago pa man ako tuluyang mawalan ng malay ay naramdaman ko na bigla na lang may pumalupot sa kamay ko at unti unti ako nitong hinila pataas.

The next thing I knew, is... Nakahiga na ako sa lupa at muli nang nakakahinga. Napaubo ako at luckily, lumabas na ang na nahigop ko dahil sa pagkakunod.

As I opened my eyes, sobrang weird ng nakita ko. I saw the moon above me, it's a fool moon ang it's shining brightly. Diba hapon pa lang?

I looked around to look for Sophia pero hindi ko siya nakita. Everything is different. Wala na ako sa munisipyo ng San Isidro... ang nakikita ko na lamang ay isang napakalawak na hardin. Ang tanging pamilyar na lang sa akin ay ang wishing well kung saan ako nahulog.

"Maayos na ba ang iyong pakiramdam?" Tanong sa akin ng isang lalaki. Laking gulat ko nang bigla niya akong inalalayan upang makaupo. Kaagad naman akong lumayo sa kaniya. Seems like this guy... saved my life.

"Sino ka?!" Sigaw ko.

Itinapat niya ang hintuturo niya sa labi niya, "Shush, Wag kang maingay."

"Sagutin mo muna ang tanoajsjjdjek—" tinakpan niya ang bibig ko using his hands.

"Baka may makarinig sa iyo at makagawa ka pa ng gulo?" He asked.

"Bakit? Anong lugar ba 'to?" Pabulong kong tanong, mahirap na baka totoo ang sinsabi niya.

"Sa palasyo ng ikaapat na prinsipe."

Pfft. Kahit nanghihina pa ang katawan ko dahil sa nangyari kanina ay nagawa ko pang pigilin ang tawa ko. Nabagok ang ulo ko kanina pero hindi pa naman nasisira ang ulo ko para maniwala sa taong 'to.

"May nakakatawa ba sa aking sinabi?" Aba't nagtanong pa talaga siya.

"Lol. Nababaliw ka na yata. Akala mo ba papaniwalaan kita?" Sabi ko.

Mukha namang naguluhan lang siya sa sinabi ko.

"Bakit ka ba narito? Paano ka nakapasok sa palasyo ng prinsipe?"

Paano nga ba ako nakarating sa lugar na 'to? At bakit ang lalim ng pananalita ng lalaking 'to?

"H-hindi ko alam." Sagot ko. "I fell on the well, that's the only thing I can remember."

"Woah. Nakapagsasalita ka ng ingles? Tanging mahaharlikang pamilya lamang ang nakapagsasalita ng wikang iyan."

"Anong ibig mong sabihin?"

Titingnan ko siya mula ulo hanggang paa. Kakaiba ang damit na suot niya. Saan ko ba nakita ang ganoong style ng damit? Sabihan na akong nababaliw pero sa tingin ko, nagtime travel ko. Sigurado akong hindi ito spanish colonial period, dahil hindi naman siya nakabarong. Pero tagalog naman ang salita niya. Ang gulo.

"Base sa iyong kasuotan at pananalita, galing ka sa isang nobleng pamilya. Anak ka ba ng isang Duke? Count? Marquis?" Nalito ako lalo dahil sa tanong niya. Tumingin ako sa suot ko, nagulat ako dahil tama siya. Gosh, I am wearing a super fancy dress! "O di kaya naman ay..." Hinawakan niya ang espada mula sa kaniyang tagiliran at bahagya itong hinugot. "...isa kang espiya na ipinadala ng kabilang imperyo."

"H-hindi, nagkakamali ka ng i-iniisip." Nakaligtas nga ako mula sa pagkalunod pero mukhang mamamatay rin ako sa pamamagitan ng espada ng lalaking ito.

"Bigla ka na lamang sumulpot sa kaharian ng prinsipe sa gitna ng hatinggabi at higit sa lahat, pumasok ka sa hardin. Hindi mo ba alam na ito ang paboritong lugar ng prinsipe at bukod sa mga hardinero at ilan sa kaniyang mga gwardya ay siya lang ang maaaring pumasok dito?" Paliwanag niya. "Hindi mo ba alam na kamatayan ang parusa sa ginawa mo?" Napalunok ako. Mas gugustuhin ko pang malunod kaysa pugutan ng ulo ng lalaking 'to.

"K-kung ganoon, bakit nandito ka? I-isa ka bang h-hardinero— hindi, gwardya?"

Bahagya siyang natawa. Natawa siguro siya dahil sa nauutal kong boses.

"Tama ka, Isa akong gwardya."

Aaaaaaaaahhhhhh! Bakit pa niya ako niligtas? Para patayin?

"I-ikaw na ang nagsabi na baka galing ako sa n-nobleng pamilya, k-kaya hindi mo ako pwedeng patayin." I said. Sana convincing!

"Saang pamilya ka ba nabibilang?"

Ack. I need to think of a lie na makapagliligtas ng buhay ko!

"The truth is... I can't remember a-anything." I lied. Sana paniwalaan niyaaaa! Yumuko ako para hindi niya makita ang facial expression ko. I shivered dahil sa sobrang lamig, basang basa pa rin kasi ako.

Nagulat ako nang bigla niyang ipinatong sa akin ang suot niyang coat na may gold linings, parang royal knight ang datingan.

"Sumunod ka sa akin." He said, muka namang naawa siya sa akin. "Wag kang gagawa ng anumang ingay na ikabubulabog ng iba pang mga gwardya."

Sinubukan kong tumayo pero nanghihina pa ang mga tuhod ko kaya natumba ako kaagad.

Mas lalo ko pang ikinagulat ang pagbuhat niya sa akin. Princess carry. Aaaaaaah!

Nakatitig lang ako sa kaniya habang buhat buhat niya ako. Ang ganda ng postura niya at talagang nakachin up.

"Maari bang huwag mo akong titigan? Balak mo ba akong tunawin?" Pabiro niyang sambit. Kaagad naman akong umiwas ng tingin.

Ilang sandali pa ay napukaw ng isang malaking palasyo ang paningin ko. Hindi ko ito napansin kanina. Namangha ako dahil sobrang realistic nito at sobrang laki. Napakaganda nitong tingnan.

Nakatitiyak ako, na hindi panaginip ang nanyayari sa akin ngayon... everything feels so real yet so dreamy.

"Nasaan ba ako? I mean, what country?" Tanong ko. Napahinto naman sa siya paglalakad.

"Narito ka sa Imperyo ng Filiphia, na pinamumunuan ni Emperador Felipe IV."

WAIT.

DID I JUST...

TRANSMIGRATED

INTO

AN ANOTHER WORLD?!

Hi! nagustuhan mo ba ang plot ng story? if you have reactions, comment below! I also want to support you if you are a writer so icomment mo lang yung link ng story mo, rate or vote mine, i'll do the same for you! let's support each other kabayan! chuu~

emi_sancreators' thoughts