webnovel

The Hidden Story Of Mysterious University

"Kasalanan ang bumuhay sayo, at kasalanan rin ang bubuhay sayo."

Yinexiyin_19 · Horror
Zu wenig Bewertungen
9 Chs

Chapter 4

Pagkagising ko ay napansin kong wala na akong kasama,Bumangon na lamang ako,Ngunit pagkabangon na pagkabangon ko ay tumunog kaagad ang tiyan ko.

Tinignan ko ang orasan na maliit dito sa gilid ng kama.

5:13 am

Nakalimutan pala namin ni Aisha na kumain kagabi dahil nakatulog kami kaagad.

Hindi sana ganto ang gutom ko ngayon kung di dahil kay Khane Demonyong yun.

Kaya dalian na akong tumayo at dumiretso sa C.r para umihi at pagkatapos ay lumabas na rin ako ng kwartong ito at hinanap si Aisha.

Nadatnan ko naman si Jairro sa sala na nagbabasa ng libro.

"Jairro"

"Hmm?" Saad nito ng di man lang lumilingon sa akin

"Nakita mo ba si Aisha?"

"Oo kasama nya kanina si Clark".

Di ko alam kung may galit ba sakin toh at ganto makipag usap parang tanga lang.

" San mo sila nakitang magkasama?"

"Sa Kusina" Hindi pa rin sya lumilingon

Ako'y napipikon sa lalaking toh,Kinakausap ng maayos tas di man lang tumitingin sa akin.

Imbis na sirain ko pa ang araw ko ng dahil sa lalaking ito ay nagmadali na lang akong pumunta sa kusina

Pag kapunta ko ay may narinig akong nag-uusap,Si Aisha yun.Para di ko sila maistorbo kailangan di ako mag-isip dahil maririnig yun ni Aisha for sure.

Kinalma ko muna ang sarili ko at lumapit ng konti sa kanila,Hindi naman nila ako mapapansin kasi nakatago ako dito sa gilid.

"Bakit ka pa bumalik?" Seryoso si Clark at halatang importante ang mga bagay na nais nyang tanungin oh sabihin kay Aisha.

"Alam mo na ang dahilan,Kaya pwede ba Jade manahimik ka na lang at umastang walang nangyari." Sa pananalita ni Aisha ay ramdam ko ang konting galit at inis sa kaniya.

"Sa tingin mo ba ay ganon kadali para sa akin yun?Hindi!Dahil sa tuwing nakikita ko yang mukha mo ay bumabalik lahat ng di ka---"

Meron bang namamagitan sa dalawang toh?

Nilapit ko ulit ang tenga ko para madinig ang usapan nila ngunit wala ng ingay ang nagmumula roon.

"Lumabas ka na diyan Yuna"

So?Narinig ni Aisha iniisip ko?Shit ka Yuna.

Wala narin akong nagawa kanina ko pa kasi gusto tanungin sarili ko pero di ko magawa dahil maririnig ni Aisha,Pero ayon di pa natapos,Pahamak din kasi tong utak na toh,Kaya lumabas na rin ako sa pinagtataguan ko.

"Ano ba pinag-uusapan nyo dyan?May Call sign ka papala kay Clark Aisha ah" Pangtutukso ko dito at nakita ko pa ang ilang na pagtititigan nilang dalawa.

"Anong kalimutan?" Mapanuksong pagtanong ko sa mga toh.

"Wala Yuna,Maligo ka na at susunod na ako,Baka nakalimutan mong  Grupo natin ngayon ang maglilinis ng Room diba?" Mataray na pagkatanong neto.

Aba tinatarayan ako ng Nerd na toh ah.

"May sinasabi ka?"

"Wala." Pagkasabi ko non ay tumakbo na ako papabalik sa kwarto HAHAHAHA.

Iniwan ko talaga sila dun para solo nila yung moment nila.

Tapos na ang First Subject namin kaya nag punta na ako sa Office para ihatid ang inuutos sa akin ni Ma'am Cherry na Files para sa Principal daw.

Andito na ako sa harapan ng pintuan ng Office Room kaya kumatok na rin ako.

*Tok*Tok*

"Pasok"

Nung marinig ko na yun ay binuksan ko na ang pinto at Sinarado rin matapos akong makapasok.

"Mr.Principal may ipinapaabot pong Files si ma'am cherry" Magalang napagkasabi ko dito at yumuko pa ng kaonti.

"Ilagay mo lang dyan"

Pagkasabi nya non ay inilapag ko na sa Table nya ang Files...Akmang aalis na sana ako ng bigla nyang tinawag ang pangalan ko.

"Yuna Can we talk?" Sinsirong pagkasabi nito.

Humarap ako ulit rito at tsaka nginitian sya,Pero pilit...Dahil God kinakabahan ako lalo na sa Boses nya.

"Anong alam mo sa University na ito?" Kunot noong pagkatanong nito,Hindi ko ramdam ang inis at galit sa kanya sadyang kunot lang talaga ang noo nya,Pero ang alam ko lang ay seryoso sya

"M-madami po"

"Ano ano yun?"

"Like ang gaganda ng paligid Sir,Ang ganda ng Mga Room ang lalawak pa,Alam mo ba Sir pati mga tinda sa Canteen mapapa Wow ka sa sarap,Hmmm Yummy" Tango tangong pagkasabi ko,Kailangan hindi nya mahalata ang pakay ko sa University na Ito.

"Well,I guess you're not lying" Pagkasabi nya non ay sinuot nya ang salamin nya tsaka matapang na nakipag titigan sa akin.

"Kung ako sayo ay itigil mo na ang pinaplano mo Yuna,Hindi kayo magtatagumpay."Pagkasabi nya non ay May kinuha syang kung anong bagay sa bulsa nya

"May alam ka ba dito Sir?"Pagkasabi ko nun ay yinukom ko ang kamao ko.

Kung alam nya ang katotohanan ay bakit hindi nya sabihin sa mga Pulis ang tungkol rito oh kahit ni sino mang pwedeng makakatulong.

" Marami akong alam na alam kong alam mo rin pag nagkataon"

Sa sinasabi nya ay nalilito ako,Ano nga ba talaga ang nais nyang sabihin at hindi nya na lamang ako Diretsahin.

"Hindi mo ako kalaban Yuna,Sa halip ay tutulungan pa kita,Kahit alam kung hindi kayo,TAYO,magtatagumpay sa planong ito."Tumayo na sya at akmang lalabas na sana pero nag salita ulit ako.

" Kung ganon Sir ay bakit hindi mo sabihin sa akin ang nalalaman mo at bakit hindi mo na lang ibunyag sa lahat kung ano man ang sekretong alam mo?Sabi mo ay hindi kita kalaban,Pero bakit?Bakit di mo sabihin?"Pagpipigil ng galit na pagkasabi ko.

"Maraming bagay na gusto mong sabihin sa isang tao,Pero meron ding mga bagay na HINDI pwedeng sabihin"Nakatalikod parin sya sa akin.

"Kung hindi pwedeng sabihin pero nais mong sabihin,Bakit di mo na lang piliin ang Gusto mo kaysa sa Bawal?" Inis na pagkasabi ko dito,Alam kong nawawalan na ako ng galang,Kailangan ko parin syang tratuhin bilang pagiging principal nya,Ngunit dahil hindi ko mapigilan ang emosyon ko ay hindi ko na nakakayanang galangin pa ang Principal na yan.

"Hindi mo ako naiintindihan lalo na't wala ka sa sitwasyon ko,Pero isang bagay lang ang sasabihin ko sa Inyo." Humarap sya sa akin at diretsong tumingin sa mga mata ko.

"Inyo?Namin?Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhan ako sa mga pinag-sasabi nya.

"Hindi lang ikaw ang may plano at nais malaman ang katotohanan dito,Ang mga taong iyon ay nasa paligid mo lamang."

"Pwed---"

"Mag-ingat kayo,Lalo ka na Yuna."

Pagkasabi nya non ay naiwan akong tulala rito.

Ngayon parang lahat na ng nasa paligid ko ay napaka WEIRD.

Dapat ba akong maniwala sa sinabi ni Sir oh dapat na balewalain na lang,Alam kung seryoso si Sir.

Pero kung may alam nga talaga si Sir Principal sa mga nangyayaring ito ay matutulungan nya ako.

Kung ayaw nya man umamin sa akin ng Harapan,Makikipag-alaman ako sa kanya ng patalikod,Kailangan ko syang manmanan palagi...Hanggang sa makakuha ako ng ibang impormasyon Tungkol sa University na toh.

Inayos ko na ang Itsura ko at tsaka tumayo ng Straight,Kailangan kong umakto na parang wala lang nangyari.

Lumabas na ako sa Office,Ngunit pagkalabas na pagkalabas ko palang ay isang lalaking naka itim at nakatakip din ng itim ang mukha nya,Mukha syang kidnapper, Holdaper,Basta May er Raper,Manyaker.

Ay puta!!!

Nagtama ang ulo nya at ulo ko dahil ang tanga nya!!Isa syang Bobo Inutil at walang Modo.

Hinawakan ko ang noo ko kung saan banda masakit.

"Tangina Tumitingin ka ba sa dinadaanan mo?" Tanong ko rito.

Nung Iangat nya ang tingin nya sa akin habang hawak rin ang noo nya,Ramdam ko ang panghihina ng tuhod nya at nanginginig syang umaatras palayo sa akin.

"Aba gago ka ah!!Natatakot ka ba sa mukha ko hah?Pwess kung natatakot ka dapat lang!!" Sigaw ko rito at akmang lalapitan na sana sya ulit ng may Dalawang lalaking Nakapansuot rin ng Holdaper,Raper,basta.

"Bitawan nyo nga ako,Apaka gago ng kasama nyo eh!!" Nagpupumiglas ako sa lakas ng pagkahawak ng dalawang mokhong natoh!!

"Shit andyan na sila!!"

Nanlaki naman ang mata ko sa narinig kong boses Clark?

Edi kung si Clark toh edi ang lalaking nanginginig at natatakot sa akin ngayon ay si KHANE??

MADERPAKER.

Lalapitan ko palang sana ulit si Khane.

"Takbo Icel,Khane" Utos ni Dwife.

Tumakbo si Clark at Icel na tig-iisa silang hawak sa Kamay ko.

Ambilis nilang tumakbo,Piling ko ay isa lamang akong bag na pinag-aagawan ng Snatcher at nang tunay na nag mamay-ari.

Habang tumatakbo sila ay nakisabay na rin ako baka maisubsob pa ako.

Lumingon ako sa likuran at nakita ko si Khane na nanghihinang tumatakbo at malapit na syang mahabol ng humahabol sa kaniya kung kaya't,Buong lakas akong nagpumiglas sa hawak ng dalawang ito at mabilisang tumakbo papalapit kay Khane

"Yuna!!"-Icel

" Mapapahamak ka diyan!!"-Clark.

Pero imbis na pakinggan sila ay mas binilisan ko pa ang takbo ko para maabutan si Khane.

Malapit na ako sa kanya at malapit na rin ang humahabol sa kaniya.

Shit!!Puta lumaban ka namang duwag ka wag kang lalampa lampa ngayon.

Bilisan mo pa Yuna malapit ka na sa kaniya.

Yess!!Naunahan ko ang mga Kalaban wuhoo!!

Mabilisan kong isanaklay ang kamay ni Khane sa balikat ko.

"Wag kang magpabigat" Inis na sabi ko rito.

Pero mas lalo pa syang nanghihina at di na rin makatakbo.

Shittt.

At dahil no choice ako ay Binuhat ko sya ng Pra bridal style.

Nawalan na rin sya ng malay.

Mabigat pero kakayanin!!!

Tumingin ako kala Icel ng deretso at iniisip ko na lamang na si Rose iyon at hinihintay akong makalapit sa kanya.

At dahil binilisan ko ay nakaabot na ako kila Icel at pagod na iniabot sa kanila si Khane.

Mabilisan naman itong pinagtulungang buhatin ni Clark at Icel.

Nakatago kami ngayon sa Likuran ng Canteen.

Inihiga namin si Khane dito sa may malinis na space.

At andito kami ngayong Pito habang parang pinagkukumpulan si Khane dahil nahimatay.

Nakaramdam naman ako ng konting awa sa kaniya dahil,Hindi nya dapat toh nararanasan kung hindi dahil sa akin,Alam ko nang may Phobia sya pero nilalapitan ko parin sya baka nga siguro Inlove na ak----

W-weyt wuttttt?

N-noo Yuna.Wat da Hel?

Erase erase.

"At bakit naman kasi Iniiwan nyo ang gagong yan?" Naka Cross arm na pagtanong ko sa Limang narito.

"Eh ang akala ko ay Kukunin na sya ni Jake kaya mabilis na kaming tumakbo ni Icel kasama ka" Paliwanag ni Clark.

"Shhh!!Wag kayong maingay!!" Pagkasabi non ni Dwife ay naitikom ang bibig namin ni Clark.

Di ko alam pero may tanong ako sa isip ko kanina pero nakalimutan ko lang.

Meron talaga eh ano ba kasi yun?

"Tanggalin na natin tong mga suot natin Tol"-Jairro

Bahagyang nanlaki ang mata ko at mabilisang tumingin sa ibang direksyon at umaaktong walang narinig.

" tara tanggali---"Pinutol ko na ang sasabihin ni Jake at nag salita ako.

"Teka teka nga!!Mag huhubad kayo sure kayong dito pa sa harapan ko?Asan respeto nyo asa Paa?" Gigil na pagkasabi ko sa mga ito.

"Nakadoble naman kami wag kang assuming" Always no emotion Jairro the Dumb.

"Anong assuming?Bakit nag aassume ba ako hah?".

" oo"pag sang ayon naman ni Icel habang tinatanggal ang nakatakip sa mukha nya.

"Iba ang assuming sa nag-aakala ah?Akala ko kasi ay maghuhubad kayo dito.At ang akala ko rin ay wala kayong Suot na DOBLE!!At ang assume ay---"

"Parehas lang din yun Yuna!!" Sabat ni Jake

"Anong parehas?" Tanong naman ni Clark

"Parehas lang din ng Meaning" Swabeng pagkasabi ni Jake.

"Hindi nag-iisip ka ba?" Pikon na pagkasabi ko at binalingan sila lahat ng tingin liban sa walang malay na si khane.

"Totoo naman sinabi ko ah!!" Pag pipilit nito.

"Anlayo!!" Depensa ko

"Parehas!!" Depensa naman nito.

"Spelling pa nga lang mapagkakamalan mo ng iba,Meaning pa kaya?" Gigil na gigil na pagkasabi ko rito.

"Tama na yan!" Pag awat ni Icel.

Lumingon ako dito at napansin kong wala na ang mga nakapatong na damit sa kanila na pang Holdaper or something.

"Para kayong bata" -Jairro

"Tara na at mag iistart na Second Subject natin" Pagkasabi non ni Dwife ay napatingin kaming lahat kay Khane

"Paano sya?"Sabay naming tanong ni Icel at sabay naman kami ni Clark na itunuro ang Bangkay ni Khane Charr.

Nagulat na lamang ako nang nasa akinna ang tingin ng Limang lalaking ito at tinitignan ako.

"Oh tingin tingin nyo dyan?"

"Ikaw na muna ang bahala kay Khane kung maari lang dahil mahahalata kami." Seryosong pagkasabi ni Jairro.

"Oo nga at tsaka panahon mo narin yan para ma solo si Khane" Mapang-asar na pagkasabi ni Jake.

"Hoy anong masosolo?Wag na nga---"

"De joke lang toh naman di mabiro"pangbabawi ni Jake sa sinabi nya.

"Kami na muna ang bahala sa Excuse letter mo" Pagkasabi non ni Icel ay nag sitalikuran na sila lahat.

"H-hoy paano ko toh mabubuhat?" Habol ko sa mga ito habang nakatalikod.

Humarap naman sa akin si Clark namay halong ngisi.

"Hindi ba't nabuhat mo sya kanina?Kung kaya't malaki ang tiwala namin sa iyo Yuna lalo na't alam naming hindi mo papabayaan ang aming Kaibigan" Asar na tonong pagkasabi ni Clark.

"Eh--"

Hindi na nila ako pinatapos ng biglang sumenyas si Dwife at mabilisan silang nagsitakbuhan papalayo.

Mga Pisti.

Shit paano natoh?Paano tong demonyong toh?

W-weyt naaalala ko na.

Naaalala ko na.

Hayop sila!!Hayop!!

Mga walang utang na loob!!

Ngayong naaalala ko na ang itatanong ko ay tsaka pa sila nawala?ang itatanong ko sana ay kung bakit sila hinahabol ng mga Guard at ng iba pang nagtratrabaho dito sa Campus.

Paano ko ba ito maidadala sa Clinic?

Haystt!!

Hinawakan ko ang kamay nya tsaka isinaklay sa balikat ko at dahan dahang ipinatayo ang katawan nya,Binabalance ko rin ito para di sya matumba.

Nakakabanas!!!

Para akong lantang Kamatis ng maihiga ko na si Khane dito sa Bed ng Clinic.

Napatingin ako sa kisame at hingal na hingal.

"Hayssst Ginhawa."

Kinuha ko ang upuan sa gilid at umupo malapit sa tabi ni Khane.

Ang init shet.

Tumingin naman ako kay Khane habang walang malay na nakahiga.

Tinitigan ko ang mukha nya,Gwapo naman sya at matangkad,Pero isa lang ang Problema.

Bakit takot sya sa mga babae?Hmmm?Baka siguro ay natakot na tong mainlove ulit?Hmmmm?Oh baka naman kasi Nirape ng mga baba---No...Erase erase.

Ano ba talaga dahilan?

Tinitigan ko naman ang leeg nya.

Wow ang ganda naman ng kwintas nya,Lumapit ako ng kaonti rito at marahang hinahawakan ang kwintas nya.

"Offilia".

Official siguro toh namali lang ng spelling.

Isang napaka tindig balahibo na nangyari sa akin.

Biglang may humawak sa kamay ko habang hawak ko pa ang kwintas at inilapit ang mukha ko sa mukha nya?Khane?

"A-ano ang ginagawa mo?" Nanginginig pa rin ang kamay nya kung kaya't ako na ang umiwas,itinanggal ko na ang kamay nya sa akin at tsaka tumayo na rin at Dumistansya sa kanya ng ilang metro.

Nanghihina naman nya akong tinignan.

"B-bakit m-mo ginawa iyon?" Tanong nito habang nakatitig sa akin.

Napaiwas naman ako ng tingin at tsaka nag kukunyaring walang paki alam sa sinasabi nya.

"B-bakit mo ako iniligtas?" Pagkatanong nya ng katagang iyon ay doon na ako napalingon sa kanya.

"Naisip ko kasing kasalanan ko naman kung bakit hindi ka makatakbo ng maayos kanina dahil nakalapit ka sa akin!At naisip ko rin na hindi ka sana nag susuffer kung hindi ako lumalapit sa iyo"Naging malamig ang ihip ng hangin na dumadapo sa balat namin pero kapwa kaming seryosong nakatingin lamang sa Isa't isa.

"Sa tingin ko ay hindi mo ako kailangang kaawaan dahil lamang nanghihina at naghihirap akosa tuwing lumalapit ka sa akin,Sa halip ay dapat pa nga kitang pasalamatan"Nanghihina parin sya pero lumalakas na sya ng kaonti.

"At bakit mo naman ako pasasalamatan?" Taas kilay na pagkatanong ko rito.

"Ay dahil nais kong matanggal na ang Phobia na ito sa akin,Ngunit sa tuwing may babaeng nagtatangkang lumapit sa akin ay hindi ko mapigilan ang sarili kong magwala,Sa tingin ko ay tama ka ring Duwag ako." Tumingin sya sa taas ng kisame at pansin ko ang pamumuo ng luha sa mga mata nya.

"Khane hindi mo naman siguro mamasamain kung itatanong ko sayo ang dahilan kung bakit ka may phobia saming mga babae" Diretsahang pagkasabi ko rito,Alam kong hindi dapat ako naghahalungkat ng nakaraan nya pero dahil Curious ako wala ka ng pake don.

"Simula nung maipanganak ako ng mama ko ay namatay sya dahil hindi nya nakayanan ang panganganak sa akin."

"Lumaki akong kulong sa bahay at ang tanging mga kumakalaro lamang sa akin ay Sila Clark,Dwife,Icel,Jairro,Jake,Sila yung mga tipong kaibigan na pag malungkot ka ay sasamahan at dadamayan ka nila,5 years old ako non nong pinakiusapan nila akong subukuang lumabas sa bahay namin,Wala akong nagawa kundi sundin ang hiling nila." Tumitig sya sa akin at tsaka tumingin sa kisame

"Ipinakilala rin nila sa akin ang matalik nilang kaibigan na si Helena,Sa katunayan ay naging Crush ko sya,Pero nung lumapit sya sa akin para makipag-shakehands ay unti-unti na lamang nanginginig ang buong katawan ko at piling ko ay hihimatayin ako dahil sa sakit,Konektado rin ang ulo ko sa sakit na naramdaman kong yun." Napansin kong may tumulo ng luha sa kanya kung kaya't lalapit na sana ako pero naalala kong baka haysst wag na.

Pero dahil namamanhid na rin ang paa ko habang nakatayo ay.Umupo na ako sa upuan malapit sakaniya.

Hindi nya naman ito pinansin dahil nakatingin lang sya sa kisame habang inaalala ang mapait na nangyari sa kanya Joke!!

"Ang akala ko ay ng dahil lang sa gusto ko sya kung kaya ko naramdaman yun,pero ang tanong ko sa sarili ko kung Dahil sa gusto ko lamang sya kaya ako nagkaganon ay bakit anlala?Kaya sa pangyayari yun habang naglalaro sila Clark kasama si Helena ay pinapanood ko nalamang sila,Hanggang sa may batang babae nanaman ang lumapit sa akin at ganon din ulit ang nangyari sa akin gaya ng nangyari".

Nagsipatakan na ang mga luha nya habang nakatingin sa kisame.

" Hanggang sa sinabi ng Doctor na may Phobia ako sa babae "Sabay tingin sa akin

" Kaya ang sagot sa tanong mo ay Wala "

"Kung ganon ay bakit di ka nanginginig ngayong katabi mo na ako?"nang-aasar na tono ko rito.

" Wag mo sabihing may gusto ka sakin?"Pigil ngiting pagkasabi ko.

Agad naman syang naupo sa kama at tinignan ang buong ayos nya,Tsaka tingin  sa akin.

"H-hoy wag ka ngang assuming!!" Pikon na pagkasabi nito.

"Tinatanong lang kita!!"

"Tinatanong pero ang paraan mo ng pagsasalita mo ay para kang nang-iinsulto" Asar na asar na pagkasabi nito habang kinuha ang unanat niyakap ito.

"Nasayo naman yon kung mag-papainsulto ka sa akin Blehhh"

"BALIW!!"

"DUWAG!!"

"PANGIT!!"

"BAKLA!!"

"TOMBOY!!"

"Tanginamo ah!!" Pikon na pagkasabi ko rito.

"Oh ano pikon ka ngayon noh?WAHAHAHAHA" Para syang demonyong tumatawa na may pahawak hawak pa sa tiyan.