webnovel

The Heiress (MayWard)

of love and lies Maymay is an orphan heiress but is a simple girl at heart. She needs to find a husband who will protect her family's fortune since it is her grandfather's will Edward is a rich heir who needs to find a wife of equal stature to avoid opportunists who are after his wealth

walakabampira · Prominente
Zu wenig Bewertungen
67 Chs

Chapter XLII

Tiningnan ni Edward ng seryoso si Marco.

"Kung tungkol lang sa mana ang inaalala ko eh di sana si Savannah na lang ang pinakasalan ko! Or anyone who's rich and who I don't have feelings for! You know me, Marco, I consider emotional involvement as a sign of weakness! So why would I choose someone who makes me feel weak and totally not in control?"

"Nung nakilala ko sya I totally forgot my plans for a business deal of a marriage!"

Pinapakinggan lang sya ni Marco habang seryoso ito sa pagdadrive.

"Siguro nga hindi kapani-paniwala na pagmamahal na ang nararamdaman ko kay Mary Dale. But believe me when I say that if ever there is someone I want to spend the rest of my life with, I want...no, I need it to be her!"

"Kilala mo ako Marco, hindi madali para sa akin ang magtiwala sa mga tao. Pero kay Maymay, sa sandaling panahon na nakilala ko sya...she earned my trust! I feel that I can trust her and be honest with her!"

Nagpatuloy lang si Edward sa pagsasalita.

"I'm happy when I'm with her!"

"I love seeing her smile!"

"I'm so effing jealous when I see her smile at other men... even you!"

"I want to be the reason that she smiles!"

"I want to make lots of babies with her!"

Binatukan sya ni Marco.

"Sira-ulo! Kamanyakan na naman yang naiisip mo!"

Napangiti lang si Edward.

"What?!?"

"I can't help it if I want to have lots of children with her! Imagine me, wanting to become a father!"

"I've always enjoyed being a bachelor but with Maymay I can easily see myself settling down and having lots of kids!"

"Marami talaga ha! Ilan ba gusto mong anak?"

"Fifty!"

"Gago! Ano yon? Hindi na kayo lalabas ng kwarto wala na kayong ibang gagawin kundi gumawa ng bata?"

"Pwede!" at tinaas-taas pa nya ang kilay nya.

"Pero seryoso, bro, sigurado ka na ba? Kasal ang pinag-uusapan natin dito! Pareho kayong mahalaga sa akin ni Maymay kaya ayokong masaktan kayo. Kaya sana sigurado ka sa nararamdaman mo at sa desisyon mo!"

"I understand you Marco! And believe me, hindi ko rin akalain na mababago ni Maymay ang pananaw ko sa pag-aasawa at pagkakaroon ng pamilya."

Parang nahihiya syang aminin ito kay Marco.

"Hay!" Napabuntong-hininga si Marco.

"Kung sabagay, hindi pa naman tayo sigurado kung tatanggapin ni Maymay yung proposal mo kaya hahayaan na muna kita dyan sa ilusyon mo!" Pang-aasar ni Marco sa kanya.

Napasimangot naman si Edward sa sinabi ng kaibigan.

Now why didn't he think about the possibility of Maymay rejecting his proposal?

Nakarating naman sila ni Marco ng maayos sa condo nya.

Pinagpahinga na muna nya ang kaibigan bago hinayaan na bumalik sa mansyon nila Maymay.

Tinawagan nya agad ang dalaga para ipaalam na nasa Manila na sila.

"Hello, Yamyam! I miss you!" paglalambing nito sa dalaga.

Natawa naman ang dalaga sa kanya.

"You haven't been gone for a day and you miss me already?" ang hindi makapaniwalang sabi nito.

At tumawa pa ulit.

Yung tawang nakakapagpahina ng tuhod ni Dodong.

Yung tawang nakakapagpatindig ng....

balahibo nya.

"Oh God, your laugh sounds even sexier on the phone!" ang bulong nya.

Natahimik naman si Maymay sa kabilang linya.

"Yamyam, are you still there?"

"Ah... yes! I'm still here!"

Edward settled comfortably on his bed.

"What are you doing right now?"

"Di ba sabi mo you want to get to know my parents and lolo?"

"Yeah I did!"

"So, I'm looking through our old photo albums para pagbalik mo dito maipakilala ko sila sa'yo!"

"That's nice!" bigla syang napahikab.

Narinig naman iyon ng dalaga.

"Magpahinga ka na lang muna Dodong! Alam kong pagod ka sa byahe at kulang ka pa sa tulog!"

"Ikaw kasi pinuyat mo ako!"

Natawa ang dalaga.

"Napuyat din naman ako kaya quits lang tayo!" at tumawa pa ulit ito.

Edward groaned in frustration.

Nakakaramdam na naman sya ng pagkagising sa pagtawa ng dalaga.

She is the only woman who has this immediate effect on him.

"Sige na nga matutulog na muna ako! Bye Yamyam! I miss you! I love you!"

"Bye Dodong! I miss you and I love you too!"

At tuluyan na ngang nagpadala sa antok ang katawan ng binata.

Samantala sa mansyon ay patuloy na nagtitingin sa mga lumang photo album si Maymay.

Dinatnan sya ni Juliana na napapalibutan ng mga ito sa basement.

"May, what are you doing here?" at naubo pa ito sa alikabok pero lumapit pa rin sa pwesto ng pinsan.

Dumampot din ito ng isang photo album at nagsimulang tumingin-tingin sa mga lumang litrato.

"I want to show these to Dodong so he'll know a little bit more about my parents and lolo Joe!"

"Meet the parents?" asar ng pinsan sa dalaga.

"You could say that!" at ngumiti sya sa pinsan.

"Wait lang! May iba sa ngiti mo!" at pinagmasdan nya ng mabuti ang pinsan.

"Wala kaya!"

"Mary Dale Entrata, umamin ka na! Meron talaga akong ibang nasesense sa mga ngiti mo na yan!"