webnovel

Kapitulo 4 : ANG REPORMA

PAULIT-ULIT na dinalaw si Esmeralda sa kaniyang panaginip ng tagpong nanghihingi ng tulong si Greco. Hindi niya maintindihan ang emosyong iyon. Nakita niya ang sarili kung paano manghingi ng awa sa bathala na dugtungan ang buhay ng mga mahal niya sa buhay. Ngunit tulad niya ay walang tugon at hinayaan niyang mawala ang buhay na iyon. Baka nga hindi nakarating sa kalangitan ang kaniyang pagiyak at pagluluksa.

Pinagpatuloy niya ang paggawa sa bukid at isinantabi ang poot na nararamdaman sa pagkawala ng mga magulang niya. Isa lamang siyang alipin sa manor ng gobernador at sa ngayon ay bago na ang namumunong gobernador. Kailangan niyang mabuhay para sa mga taga-San Ferrer at habang buhay na ipagluksa ang mga kaawa-awang kaluluwa ng mga ito.

Kainitan na ay nasa gitna pa siyang bukid para sa pagpapatubig. Samantalang ang mga kasamahan niya sa bukid ay nasa bahay pahingahan na. Napatda siya ng marinig ang isang kilalang boses.

"Hindi na ako magtataka kung mamatay ka sa kasipagan?" ani ni Greco.

Noon lamang niya napansin na wala ng iba pang tao roon maliban sa lalaking nasa harapan niya.

"Inaasahan ko ang magandang ani ngayong taon. Kailangan nating mamahagi sa labas," sabi ni Greco.

Pinagmasdan niya ang pagka-elegante ng kasuotan nito. Hindi ito simpleng Gobernador lamang kundi isang maharlika ngunit para kay Esmeralda ay pantay-pantay lamang iyon sa paningin niya. Inismiran lamang niya ang lalaki.

"Nakikiramay ako sa pagkawala ng tiyuhin mo," matamlay niyang sabi.

"Nah.. Matagal na siyang naghihirap sa karamdamang iyon. Siguro oras na para siya ay magpahinga. Halika at may kailangan ako sa iyong ipagawa?" sabi ni Greco.

Sumunod siya sa gobernador. Napansin niyang walang masyadong kasamang sundalo habang naglilibot sa buong asyenda.

"Hindi kaba natatakot na bigla kang kitilin sa lugar na ito? Wala kang kasamang sundalo?" sabi ni Esmeralda.

"Hindi na kailangan dahil isa ako sa mga makikisig at matatapang na heneral sa himpilan ng Pambansang-hangganan," pagyayabang ni Greco.

"Kung gayon marami ka ng buhay na kinuha? Mga buhay ng ama, asawa, anak at mga kapatid?" sa sinabi niyang iyon ay hindi napigilan ni Greco na huminto. Tinignan niya ang mga berdeng lente ng mga mata ni Esmeralda. Akala niya ay magagawa niyang magalit ngunit para siyang nahulog sa kalaliman na iyon.

Nagulat si Esmeralda sa mga titig na iyon. Iniwas niya ang kaniyang tingin. "P-Pasensya na hindi ko gustong sabihin iyon?" sabi ni Esmeralda.

"A-Ang alin? Ang pagiging isang mamatay-tao? Sa digmaan walang ama, walang asawa, kapatid o bilang isang malayang mamayan. Lahat ay may dalang espada at armas para pumatay," sabi nito at nagpatuloy silang naglakad sa pilapil.

Tumahimik nalang si Esmeralda dahil baka iba na naman ang lumabas sa kaniyang bibig. Ng sandaling iyon ay naalala niya ang laging paalala sa kaniya ng kaniyang yumaong ama. Ang pagiging matabil ng kaniyang bibig. Muli na naman siyang naibalik sa panahon na kasama niya pa ang kaniyang mga magulang.

'Bog!'

"A-Aray?" sabi ni Esmeralda ng bumangga siya sa likod ni Greco. Huminto kasi ito bigla-bigla.

"Nandito na tayo," sabi ni Greco at pinagmasdan niya kung paano hilutin ni Esmeralda ang kaniyang noong tumama sa likod ni Greco.

Inilibot niya ang mata at nagulat siya ng makitang ito ang pinakalikod na bahagi ng mansyon ng Gobernardor. Napakalayo na pala nila at matagal na pala siyang nalunod sa paggunita sa nakaraan.

"Gusto kong magtanim ka dito ng mga gusto mong halamang-gamot o mga bulaklak," sabi ni Greco. Nagtataka man siya ay hindi nalang niya ito masyadong inisip. Basta ibinigay sa kaniya ni Greco ang piraso ng lupang iyon para magtanim ng gusto niyang halaman.

"S-Sige, Gobernador," maikli niyang tugon. Tatalikod na sana siya ng biglang magsalita si Greco.

"A-Ano ang iyong pangalan?" ilang beses na silang nagkaharap ni Greco ngunit ni minsan ay hindi parin nila nagkakaroon ng pagkakataong magpakilala sa isat-isa.

"E-Esmeralda po," sabi niya habang nakayuko.

"Ako nga pala si Greco," pormal na sabi ni Greco.

"H-Hindi na ninyo kailangan pang magpakilala dahil isa lamang po akong hamak na alipin," sabi ni Esmeralda.

"G-Gusto ko lang bumawi dahil mali ang pagkakakilala mo sa akin. At nais kong manghingi ng paumanhin kung pinilit kitang gamutin ang tiyuhin ko," sabi ni Greco.

Sa pagdating ni Tyrione ay naputol ang kanilang paguusap. Nagpaalam si Esmeralda upang bumalik sa kaniyang pinatutubigang bukid.

"O, hindi ba iyon ang babaeng lumason sa iyo? Kamahalan nakikipagusap ka ng pribado sa isang babae? Mayroon ba ako dapat ibalita sa imperyo," sabi ni Tyrione.

"Isa lamang siyang manggagawa sa bukid. Naging bastos ako at nais ko lamang bumawi sa kawawang babaeng iyon. Ang tahanan niya ay nawasak at napadpad dito bilang isang alipin," salaysay ni Greco.

"Siya nga pala may mga umuugong na usapan sa kapital. Naalala mo ang usapin sa pagdadag ng buwis sa mga maharlika. Tinutulan ng ilang ministro at kapag nagtagal ang mga usaping ito ay magkakawatak-watak na naman ang puso ng bawat mamayan?" ngumisi lamang si Greco.

"Wala na akong pakielam sa kanila. Wala akong magagawa kung pati ako ay magdagdag ng buwis o humigit pa basta ang mabuhay malayo sa kanila ang mahalaga. May pagasa bang mabawi ang San Ferrer?" sabi ni Greco.

"Kasalukuyan ng nasa mga bandido ang halos kalahati ng lupain. At nagkampo na sila roon," sabi ni Tyrione.

"Hindi na natin basta-basta mababawi ang lugar pero sikapin mong mailigtas ang ilan sa mga taga-roon. Ngayong ako na ang Gobernador, marami akong ipapatud na batas sa bawat nasasakupan ko. Lalo na ang mga pagbebenta ng mga alipin sa Santa Lucia. Bigyan sila ng mga pangkabuhayan para wala ng gagalang kababaihan. Lahat ng tumututol ay dalhin sa akin," sabi ni Greco.

Nais niyang magkaroon ng kaunting reporma sa Probinsyang pamumunuan niya. Mayaman ang lupain at ang kailangan lamang ay turuan ang mga taong maging masipag.

Ilang araw pa ang lumipas at hindi nagtagal lumikha ng pangalan si Esmeralda bilang mahusay na magsasaka. At sa panahong matapos ang pagsasaka at maaari silang magpalit ng gulay.

"E-Esmeralda? Nais kang makita ng Gobernador," sabi ng isang sundalo. Nagulat na lamang siya na sa kalahatian ng gabi siya ay ipinatawag. May nais ba sa kaniyang ipagawa sa dis-oras ng gabi?