Hindi na nagtumpik-tumpik pa si Cherry na yakapin nang napakahigpit ang asawa. Unti-unting bumubuhos ang patak ng kanyang luha. Halos di niya matanggap ang sinabi ni Alfred sa kanya.
Tumitig ito sa kanya at mabilis na hinalikan sa labi hanggang sa pagsawaan nila ang pagkakataon na iyon. Panay buhos pa rin ang luha ni Cherry habang ginagawa nila ang bagay na iyon.
Ngayon, nakabalot na lang ng kumot kanilang katawan. Nagkalat kanilang mga damit sa sahig. Parehas naging mahimbing kanilang tulog nang bigla na lang nagising si Cherry. Napatitig siya sa oras at nanlaki kanyang mga mata.
"Hays!" bulong niya sa isip. "Alas-otso na. Kailangan ko na maghanda ng pagkain pang-almusal," dagdag pa niya.
Dali-dali niyang sinuot ang tsinelas at nagbihis saka nagtungo sa kusina. Nagsimula nang magluto ng breafast para sa kanilang lahat.
Thirty-minutes nang nakalipas ay inihain na niya ang mga ulan at kanin. Mayroong itlog, hotdog at longganisa.
Mga ilang sandali pa ay nakarinig siya ng yapak ng paa sa sahig at nakita niya si Alfred na buhat-buhat nito ang bunso nilang anak na si Cyprus at nakakapit sa kanang braso niya si Carina.
Napangiti siya roon. "Tamang-tama nakahain na ang masarap na breakfast."
Nagsikainan na nga sila, nagkwentuhan at nagbiruan na rin. Nanood ng TV pagkatapos bilang kanilang family bonding. Magluluto naman ulit si Cherry ng kanilang pananghalian- tinolang manok.
Lumuwag kahit papaano ang loob ni Cherry na nagiging ok na sila ni Alfred. Pero hindi pa natatapos ang pagsubok niya lalo na may sakit ang asawa ng cancer sa buto, stage 2.
Sinubukan niya na dagdag kanyang raket para sa pangtustos sa pagpapa-check up at maging sa gamot ni Alfred. Tumutulong din ito sa kanya- rumaraket paminsan-minsan pero madalas siya naiiwang magbantay, mag-asikaso at maghatid-sundo ng mga bata sa kanilang school.
Isang araw mayroong importanteng school event sa school nila Carina- Family day. Hindi nga lang makakasama si Alfred dahil kailangan nitong pumunta sa lugar na kung saan siya suma-sideline.
Pansin ni Carina na halos kanyang mga kaklase ay kumpleto ang miyembro ng pamilya. "Hindi po ba talaga pupunta dito si Papa?" tanong niya sa kanyang ina.
"Hindi anak." Hinimas ni Cherry ang ulo ng bata. "Di ba sinabi ni Papa na may work siya? Kaya di siya makakapunta dito," kalmado niya lamang na saad. "Kaya naman natin ito kahit wala ang Papa niyo, ok?"
Inirapan lamang siya ng batang babae at muling binalik ang paningin sa kanyang mga kaklase.
Naging tahimik lamang si Carina sa kanyang kinaroroonan kasama kanyang kapatid na si Cyprus at ang inang si Cherry. Mga ilang sandali ay nilapitan siya ng ilan sa kanyang mga kaklase.
"Uy, Carina nasaan ang papa mo?" tanong naman sa kanya ni Angel na mas mababa sa kanya ng kaunti.
"Oo nga, Carina," sang-ayon namang saad ni Roger n kaklase din niyang lalaki.
"Tignan mo oh. Ikaw lang walang kasamang tatay," muling sambit pa ni Angel.
"This is a family day kaya dapat kumpleto ang miyembro ng pamilya," saad naman ng isa pang kaklase ni Carina na si Jannah.
Naudlot lamang kanilang pag-uusap nang magsalita na ang host ng event na iyon. Hudyat na magsisimula na nga ito kaya naghahanda na rin ang karamihan na kasali sa aktibidad.
Nanatiling di nakangiti si Carina at tahimik na pinagmamasdan pa rin ang kanyang mga kaklase. Hindi maiwasan niya ang mainggit sa mga ito dahil kasama kanilang mga tatay. Tanging siya lamang di kasama ang kanyang ama.
Pagkarating nila ng bahay ay kaagad na pinagpahinga na ni Cherry kanyang mga anak at ganoon din siya. Subalit, sa kinse minutos niyang pagpapahinga ay siya ring pagdating ng kanyang asawa. "Kamusta, ang trabaho?" bungad niyang tanong kay Alfred.
"Ayos lang pero di na gaya ng dati ang lakas ko ngayon," sagot nito ngunit mahina ang boses. Halatang pagod na pagod ito.
Umupo si Alfred sa kama at tumitig sa kanya. "I'm sorry." Iyon lamang ang lumabas sa bibig ng lalaki. Hindi niya alam kanyang sasabihin pero para sa kanya nasabi na niya rito ang salitang 'patawad'.
"I'm sorry sa lahat ng nagawa ko." Hinawakan niya ang kamay ni
Cherry. "Sorry kung nati-trigger ako sa nakaraang relasyon mo sa kanya." Pagtukoy nito kay Jared.
Alam niya kasi noon na kahit sila na ni Cherry mahal na mahal pa nito ang ex-boyfriend hanggang sa kinasal sila. Hindi mawala-wala sa isipan niya ang magselos doon at patuloy na umiikot sa imahinasyon niya na ginagamit lamang siya ng asawa bilang panggalan sa past relationship nito. Dahil doon nagagawa na niyang saktan ang damdamin ni Cherry at nagagawa na rin niyang manakit. Hindi na siya aware sa kanyang ginagawa dahil sa isang bagay nagti-trigger sa kanya.
Ngayon na-realized pa rin niya ang lahat na nagkamali siya. Napagtanto din niyang mahal pa niya si Cherry kaya heto siya gumagawa ng paraan para makabawi at tuluyan na siyang mapatawad.
"Dahil sa doon nagawa ko kayong saktan at naging selfish ako." Tumulo din ang luha mula sa mga mata ni Alfred. Kita sa kanya ang sinseridad na paghingi ng tawad at pagsisi sa nagawang kasalanan. "Sana mapatawad mo ako, Cherry. Huwag ka mag-alala babawi ako sa'yo, ah?" Hinawakan nito ang magkabilang pisngi ng asawa. Nakatitig lamang ito sa kanya at naghihintay ng bawat kanyang sasabihin. "Babawi ako."
Babawi siya lalo na kung wala ng kasiguraduhan kanyang buhay. Hindi niya alam kung hanggang kailan na lang siya sa mundo.
"Hayaan mo akong makabawe at gawin mga bagay na makakapagbalik sa atin sa nakaraan." Hinalikan ni Alfred ang noo ng asawa habang mariin na nakapikit. Patuloy lamang siya sa paghinga.
"Sapat na sa akin paghingi mo ng tawad, Alfred. Dahil diyan, nabunutan ako ng tinik sa lalamunan."
Ngumiti kanyang asawa. "Please, Cherry hayaan mo ako."
Bigla na lamang siya hinagkan sa labi ng kanyang asawa. Mabilis siyang nag-response sa halik na iyon. Habang tumatagal mas lumalalim ang bawat pagdampi ng kanilang mga labi. Dumako sa kung saan ang mga palad ni Alfred sa katawan ni Cherry. Habang ang babae naman abala sa paghimas sa magkabilang tagiliran niya hanggang sa nagawa nga nila ang bagay na iyon.
Pagkalipas ng tatlong buwan ay mas lumulubha na ang sakit ni Alfred. Hindi na siya gaano nakakagalaw katulad ng dati. Unti-unti na rin itong namamayat at pamamaga ng kanyang mga buto sa braso at paa.
Ito ang dahilan upang maging mas problemado si Cherry. Kaya kinabukasan ay di naging maganda ang awra nito dahilan upang mapansin siya ng kanyang mga katrabaho.
"Ok ka lang?" tanong sa kanya ni Karen. Napansin kasi niyang stress na stress ang mukha nito at mukhang puyat.
Tumango lamang si Cherry bilang tugon habang nagtitinginan ang mga ito isa isa't isa.
"Ayos lang kung magtime-out ka muna sa trabaho, Cherry," saad naman ni Glenda. "Ang importante makapagpahinga ka."
"Ayos lang ako. Huwag kayong mag-alala. Kaya ko pa..."
May sasabihin pa sana ang babae nang dumating si Aling Marietta. Napatingin siya sa kanila at huminto ang tingin niya kay Cherry.
"May problema ba?"
"Eh kasi po, Ma'am si Cherry di po maganda ang pakiramdam niya." Wala ng paligoy-ligoy na sabi ni Glenda.
Kumunot sandali ang noo ng ginang at lumapit kay Cherry. "Totoo ba?" Kasabay na rin ang pagtitig sa mukha nito.
Napabuntong-hininga si Aling Marietta. "Tama sila, iha. Kailangan mo muna magpahinga. Huwag mong intindihin ang trabaho na maiiwan mo dito. Sila na ang bahala diyan. Mas mahalagang tutukan mo muna sarili mo."
"Hindi po, Aling Marietta. Kayang-kaya ko pa magtrabaho ngayon." Pagtanggi pa rin ni Cherry sa kabila ng pagpayag sa kanyang magpahinga muna. Kailangan niya magtrabaho ngayon dahil sayang kikitain niya lalo maysakit kanyang asawa. Siya na lamang ang pag-asa para matustusan kanilang mga pangangailangan.
Wala siyang balak sabihin kay Aling Marietta ang tungkol kay Alfred. Ayaw na niya masyadong kaawaan siya at maging burden pa sa ginang lalo na may pinapaaral ito.
"Sigurado ka ba talaga, ah?" Tumango muli si Cherry. "Basta kapag nakita kong nanghihina ka na diyan. Papatigilin talaga kita sa trabaho. Sige na, back to work dahil marami pa akong aasikasuhin sa labas."
Bumalik muli sila sa kanilang mga gawain habang si Cherry na pilit na pinapatatag kanyang sarili.
Katatapos lamang ni Jared mag-impake ng mga gamit pamuntang Amerika. Naisipan niyang doon na manirahan kasama ang kanyang tiyuhin. Tinawag nga siya nito noong nakaraang linggo.
"Sigurado ka na ba talaga diyan?" tanong sa kanya ng kaibigan na si Marlo. "Alam ba ito ng mga magulang mo?"
"I think it's better they shouldn't know. Alam ko kasi kapag nagpunta ako ng abroad dadramahan na nanaman nila ako and everything."
"Pero magulang mo pa rin sila."
"I changed. Di ko kailangan ng opinyon nila para magdesisyon. Tapos na ako doon."
Napakibit-balikat na lamang si Marlo sa sinabi ni Jared. Talagang buo na rin ang desisyon nito.
"Ok, fine dude. Ikaw pa rin naman masusunod. Buhay mo 'yan. I'm just giving you an advice."
"Thanks pero tama naman ito para alam mo na di ba?"
"Siguro, tama naman na pumunta ka ng ibang bansa to change your lifestyle at syempre makalimutan mo na rin 'yong ex-girlfriend na kinababaliwan mo."
Tumawa lamang si Jared pero deep inside nalulungkot pa rin siya sa pag-alis lalo na di na niya makikita pa si Cherry. Sobra niyang nami-miss ito. Subalit, kailangan na niya gawin ang pag-alis ng Pilipinas upang makalimot na sa kanya at di na maghahabol pa't makikiusap.
Mamayang 1:00PM ng hapon ang kanyang flight papuntang America. May bahagi sa kanyang excitement dahil iyon na ang bagong opportunidad para sa kanyang buhay.
Pagkalipas ng dalawang buwan ay masayang kumakain ng dinner ang pamilya ni Cherry. Ramdam niya ngayon ang kakaibang saya. Mayroon sila na simpleng kwentuhan biruan.
"Pagkatapos kumain maghilamos na kaagad at magsipilyo," bilin niya sa kanyang dalawang anak.
"Opo, Mama," sagot ni Cyprus.
"Siya nga pala, gusto niyo bang matulog mamaya sa kwarto namin ng Mama niyo?" singit ni Alfred sa usapan.
"Talaga po, Papa?" Hindi makapaniwala si Carina sa kanyang narinig. First time niyang makakasama na matulog ang mga ito.
"Oo, pero dapat magsilinis muna kayo ng mga katawan niyo bago pumasok sa kwarto."
"Sige po, Papa. Maghihilamos na kami ni Cyprus."
Tumayo na kaagad ang mga bata at nagtungo sa banyo. Samantala, nagligpit naman ng pinagkainan si Cherry.
"Ako na lang maghuhugas ng mga pinggan," biglang saad ni Alfred.
"Huwag na. Ako na lang. Magpahinga ka lang diyan."
"Ano ka ba, Cherry. Kaya ko naman eh. Mas lalo lang ako magkakasakit kapag walang gagawin," giit pa ng asawa.
Ito na lang kasi ang natatanging paraan upang makabawi sa kanyang mag-iina. Makita niyang masaya mga ito at nakangiti, ok na sa kanya. Magawa man lamang niyang tulungan ang asawa sa gawaing bahay ay isa na ring nagagawa niyang pagbawi sa lahat ng nagawa kasalanan dito. Maipakita ang pagmamahal sa asawa at anak ay sapat ng makabawi na siya bago mawala sa mundo.
"Sige na nga. Basta kapag di mo kaya. Tawagin mo ako kaagad."
"Ok, asawa ko," paglalambing pa niya.
"Liligpitin ko muna 'yong ibang kalat sa sala."
"Sige."
Pagkalipas ng isang oras ay dahan-dahan silang humiga sa malambot nilang kama.
"Sana po araw-araw pong ganito noh?" sambit ni Carina sa kanila. Nagtinginan lamang sina Cherry at Alfred.
"Kung gusto niyo pwede naman eh," sabi pa ni Alfred.
"Pero hindi pwede lalo na kapag weekdays dahil may pasok kayo." Pagtanggi naman ni Cherry kaya simpleng napakunot ng noo ang dalawang bata.
"Ah oo nga pala nakalimutan ko."
"Matutulog lang kayo dito kapag weekends lang, ok?"
"Ok po, Mama," sagot ni Cyprus. Wala namang imik si Carina. Napansin ito ni Alfred kaya naisipan niyang makipagkwentuhan sa mga ito habang iniinda niya kanyang nararamdaman.
Naging mahaba kanilang usapan at biruan noong gabi na iyon hanggang sa nakaramdam na sila ng antok.
Hinalikan niya sa noo ang mag-iina bago matulog. Si Cherry naman ay pinag-switch off na ang ilaw saka nahiga.
Pagsapit ng umaga ay kaagad napansin ni Carina na wala ng buhay kanilang ama. Sinubukan nilang galawin ang katawan nito at pinakinggan ang heartbeat subalit wala siyang narinig.
Napasigaw siya, "Papa..." kasabay ng paghikbi.
Dinig na dinig iyon ni Cherry at nagmadali siyang nagtungo sa kanilang kwarto. Niyakap ang asawa at malakas na humagulgol.
"Alfred!!!"