webnovel

8

Chapter 8

- Diana's POV -

"Muhkang nangangamoy nanaman ang loveteam ng dalawang iyon, ahh?" Biglang sabi ni Winller.

"What do you mean?" Tanong ko.

"Muhka kasing ok na silang dalawa." Sagot nya.

"Sabi nya sa akin gusto na daw nya magkaanak." Biglang sabi ni Mommy. Napalingon kami sa kanya lahat pero nakatingin lang sya sa picture ni Ate na nasa may gilid. "Gusto na nyang magkaroon ng maliit na Amira." Nakangiti paring sabi nya.

"Sinabi nya yon?" Tanong ni Daddy.

"Oo. Nagulat nga din ako, ehh. Yumakap pa sya sa akin." Natatawang sabi ni Mommy.

"Naglalambing ata. Lasing kasi iyon, mommy." Sabi ni Kuya.

"Hayaan nyo na sila. Malalaki na sila." Sabat ni Daddy.

"Ehh, kayo? Kelan ang kasal?" Biglang tanong ni Mommy. Nag-iwas ako ng tingin dahil wala akong maisagot.

"Soon na po, Tita. Magreready pa po kami." Nakangiting sagot ni Winller. Inirapan ko nalang sya.

- Amira's POV -

Nang makauwi kami ni Luke ay may nangyari nanaman sa amin. Hanggang sa malapit na magliwanag ay patuloy parin ang paggawa namin ng ingay sa buong kwarto habang dinadama ang isa't isa.

Lumipas ang mga araw ay naging ganon nanaman kami ni Luke. Magkatunggali sa trabaho, tapos pag-uwi ko ay kasama ko si Loreen. Ok lang naman daw sa asawa nyang lagi ko syang kasama kasi lagi din naman daw itong nasa duty.

Hanggang isang araw ay niyaya ako ni Loreen sa Amusement park.

"Bakit doon? Bumabalik ka ba sa pagkabata?" Tanong ko.

"Gusto mo doon, diba? Dati, gusto mong pumunta tayong tatlo doon. Kasama si Sam." Nakangiting sabi nya.

"Wala naman na tayong work kaya..." Sinadya kong pumulin. "Tara!" Sigaw ko saka kinuha ang mga gamit namin. Naglakad kami palabas at paglabas namin ay sumabulong sa amin sila Daddy na parehong nagtataka din.

"Saan ang punta nyo?" Tanong ni Daddy.

"We're going to Amusement Park." Masayang sabi ko.

"Amusement Park? Ano kayo bata? Oras ng trabaho ngayon tapos pupunta kayo doon?" Panenermon ni Daddy. Nakatingin kami ni Loreen tapos sabay din bumalik ng tingin kay Dad.

"Edi, pag nagsawa na kayo sa akin. Fired me. I don't care." Natatawng sabi ko. Tumawa din si Loreen tapos marahan akong binatukan.

"Gaga ka talaga." Natatawang sabi nya.

"Tara na nga. Bye, Old man. Hahaha!" Malakas kong sabi tapos naglakad na kasunod si Loreen. Nang makababa kami sa parking lot ay nagkanya-kanya kami. Sya sa kotse nya, ako sa kotse ko.

Nang makarating kami doon ay agad kaming namangha. Tinitignan palang namin ang mga rides na pwede naming sakyan ay namamangha na kami. Bumili kami ng tickets at dahil muhkang sakop to ni Dad ay bibigyan pa sana kami ng free pass.

"Grabe, sana kasama din natin si Sam." Malungkot kong sabi.

"Ok lang yan. Wag kang mag-alala. Magiging ayos din tayo kahit na wala si Sam. Hindi man natin sya makasama, hindi naman natin sya makakalimutan." Mahabang sabi nya.

"Haha. Oo nga, enjoy nalang tayo." Natatawang sabi ko. Nakangiting tumango sya tapos excited kaming pumasok sa unang ride na sasakyan namin.

- Diana's POV -

"Parang nagiging weird na si Ate kasama ang bestfriend nya?" Nakangiwing sabi ko.

"Ehem!" Kunwaring pag-ubo ni Winller.

"Hindi ikaw!" Sigaw ko.

"Haha. Hayaan mo na, matapang ang bestfriend ng ate mo. Dati, naririnig ko sa school nila na binansagan silang 'The Tri-Queens'. Ang Queen-B'ng si Samantha Gonzalez, ang G-Knight na si Loreen Grezyal, at Ang tinatawag nilang Princess-Baby, ang ate mo." Mahabang sabi ni Kuya.

"So, babae pala si Sam?" Biglang sabat ni Luke. Tinanguan sya ni Dad tapos napatango-tango sya sa kawalan. "Nagselos pa naman ako, akala ko lalaki." Bulong nya.

"Princess-Baby? Parang bagay pa sa kanya ang Evil Witch." Sabat ko.

"Ewan ko nga kung bakit nila tinawag na ganon ang ate nyo. Basta ang school campus ang nagpangalan noon sa ate mo." Sagot nya.

"Ehh, bakit si Loreen? Bakit G-Knight?" Tanong ko pa.

"It's for girl knight. Matapang daw kasi talaga ang kaibigang iyon ng ate mo." Natatawang sabi ni Dad.

"But, nasaan na si Sam?" Tanong ko pa.

"I don't know." Sagot ni Dad.

"She's dead." Biglang sabat ni Luke kaya napalingon kami sa kanya.

"Really?" Tanong ko. Tumango lang nya.

"That's sad." Mahinang sabi ko.

"Akala ko nga lalaki sya. Nag-iyakan kasi ang dalawang iyon nuong birthday nya." Sagot nya pa.

"Ahh... Nagseselos ka lang." Biglang sabi ni Kuya.

"Tsk." Singhal nya tapos naunang umalis.

"Sabi sa inyo, nagseselos lang sya, ehh." Natatawang sabi pa ni Kuya.

- Amira's POV -

"Ang saya ng araw na to." Natatawang sabi ko.

"Haha. Oo nga. Sobrang saya. Sana maulit pa." Masayang sabi nya. Pareho kaming natigilan ng biglang tumunog ang phone nya.

"Haha. Sagutin mo na." Natatawang sabi ko.

"Sige." Natatawang sabi nya. "Hello? Nasa Amusement Park. Wala akong pakialam sa kanila... Pauwi na kami. Wag na. Sige, bye. Love you more." Tapos binaba na nito ang cellphone nya.

"Uwi na tayo?" Tanong ko.

"Oo. Gabi na, ohh." Turo nya sa langit.

"Oo nga. May trabaho pa tayo bukas." Natatawang sabi ko.

"Tara na." Sabi nya tapos sabay kaming sumakay sa kotse namin tapos dumiretso kami sa bahay ko. Pagdating namin doon ay nandoon si Luke at si Yohan na nag-uusap.

"Muhkang may Boy's talk ang dalawang iyon, ahh?" Natatawang sabi ko.

"Hihi. Oo nga." Humahagikgik nyang sabi. Tumikim sya at sabay kaming sumeryoso. Seryosong kaming tumingin sa mga lalaking nasa harap namin na nagtingin na sa amin.

"Anong ginagawa nyo dito?" Seryosong tanong ko.

"Nagtext ako na pupunta ako dito." Sagot ni Luke.

"Ok." Maikling sagot ko tapos bumaling kay Loreen. "Pasok na tayo." Yaya ko sa kanya.

"Sige. Medyo nahihilo kasi ako, ehh." Mahinang sabi nya.

"Are you ok?" Tanong ko.

"I'm fine. Sige na. Pasok na tayo." Nakangiting sabi nya. Pero dahil bestfriend ko sya, alam kong pilit lang iyon.

"Nahilo ka ba dahil sa mga sinakyan natin? Hindi ka naman mahihiluhin, ahh?"

"Ok lang nga ako." Pilit nya.

"Upo ka muna." Sabi ko tapos pinaupo sya.

"Why, love? Are you not feeling well?" Tanong ng asawa nya.

"Medyo. Baka dahil lang to sa pagsakay namin sa lahat ng rides sa Amusement Park." Mahinang nyang sabi habang nakapikit at nakakapit sa asawa nya.

"Sigurado ka?" Tanong pa ng asawa nya.

"Oo nga. Ang kulit." Naiinis nyang sabi.

"Sabi sayo ok lang sya, ehh." Natatawang sabi ko.

"Ikaw, ok ka lang?" Tanong sa akin ni Luke.

"Medyo fine. Medyo nahihilo din ako, ehh." Sagot ko habang nakangiti.

"Hindi halata." Biglang sabi ni Loreen.

"Kumain na ba kayo?" Tanong ko.

"Hindi pa."

"Hindi pa."

Sabay nilang sagot tapos nagkatinginan. Nag-iwas silang pareho ng tingin tapos kami naman ni Loreen ay napailing.

"Kain na tayo. Magpa-deliver nalang tayo." Sabi ko. Si Luke ang tumawag ng restaurant tapos nag-order. Nang dumating ay sabay-sabay kaming kumain tapos umuwi na sila Loreen. Naiwan naman kaming dalawa ni Luke sa bahay.

"Hindi ka pa uuwi?" Tanong ko.

"Hindi pa." Maikling sagot nya. Tumayo sya tapos yumakap sa akin.

"Ohh? Ano nanamang problema mo?" Tanong ko.

"Wala lang. Namiss ko lang ang makasama ka. Puro kasi tayo away sa trabaho." Mahinang sabi nya.

"I love you, hon." Sabi ko. Hinalikan naman nya ang gilid ng noo ko bago sumagot.

"I love you more." Sagot nya. Ngumiti ako at hinawakan ang kamay nyang nakayakap sa akin. Naglakad ako at nagpaigaya naman sya. Nang makarating kami sa kwarto ko at nahiga kami doon hanggang sa makatulog nalang kami.

Kinabukasan ay sabay kaming pumasok ni Luke. Nag-uusap kami habang bumibili ng kape. Inaasar ko kasi sya tapis pikon na pikon din naman ang loko.

"Grabe ka talaga. Pati si Sam pinagselosan mo. Wag kang mag-alala, mas mahal ko si Sam kesa sayo." Natatawang sabi ko.

"Bakit?" Tanong nyo.

"Shempre, bestfriend ko yon, ehh. Ikaw? Asawa lang kita. Mas mahal ko sya kesa sayo." Nang-aasar kong sabi. Umigting naman lalo ang panga nya, lalong nagpipigil ng inis.

"Edi, hindi na din kita mahal." Sabi nya.

"Edi, wag." Sabi ko tapos tumawa-tawa. Akmang tatayo ako ng bigla nya akong hilahin tapos paupuin sa hita nya tapis hinalikan ako.

"Love mo na ako?" Tanong nya. Tatawa-tawa akong umiiling. Tapos hinalikan nya ulit ako pero dalawang beses naman. "Ngayon? Love mo na ako?" Tanong nya. Tatawa-tawa parin akong umiling. Hinalikan nya ako pero hindi lang tatlo, madami tapos dahan-dahan iyong bumaba sa leeg ko.

"Haha. Tama na, sige na. Love na kita. Haha." Natatawang sabi ko tapos yumakap sa leeg nya at hinalikan sya sa pisnge. "I love you." Natatawang sabi ko.

"Love you too." Mahina nyang sabi.

"Baka naman langgamin na kayo nyan." Tinig galing sa kung saan. Sabay kaming napalingon ni Luke sa nagsalita at nakita namin ang seryosong muhka ni Stacy.

"Stacy!" Malakas kong tawag.

"Hello." Nakangiting sabi nya.

"Kumusta?" Biglang akong napalingon sa tyan nya. "Nanganak ka na pala? How are you?" Tanong ko. Ganyan na kami ni Stacy. Ok na kasi kami ngayon, genuine na kami mag-usap, yung parang dati.

"Ok lang naman. Thank god, maayos ang panganganak ko." Nakangiting sabi nya.

"I hope to see her soon." Nakangiting sabi ko. "Oww, by the way, where is she?" Tanong ko.

"Nandoon sa tatay nya. Ayaw na nga nya bitawan simula nung makalabas sa akin, ehh." Sagot nya.

"Nakakaingit ka naman. May anak ka na rin." Parang batang sabi ko.

"Gumawa na kasi kayo ng asawa mo." Natatawang sabi nya.

"Hmm. Hayaan mo na, bahala na." Natatawang sabi ko.

"Ma'am, ito na po yung order nyo." Biglang singit ng isang waitress.

"Thank you." Sabi nya sa waitress. "Paano, Amira. I'll go ahead. Baka hinahanap na ako ng asawa ko."

"Sige. See you around."

"See you." Sagot nya saka ako iniwan. Lumingon ako sa kinauupuan namin kanina at nakitang wala doon ang asawa ko. Nang makuta ko sya ay papalapit sya sa akin.

"Where have you been?" Tanong ko.

"I got a call. May emergency meeting daw ngayon. Mga 7:00 am. Ito na pala ang coffee natin." Sabi nya at inabot sa akin ang kape.

NANG makarating kami sa office ay halos malate na kami pero buti nalang at sila palang ang nandoon. Nandoon na din ang secretary ko, si Loreen.

"Bakit ang tagal nyo?" Tanong ni Diana pero hindi ko sya pinansin. Dumiretso na agad ako kay Loreen.

"Nahihilo ka pa?" Mahinang tanong ko. Tumango sya bilang sagot. "Ako din, ehh." Mahinang sabi ko.

"Pa-check-up kaya tayo mamaya?" Mahina ding tanong nya.

"Hmm. Mamaya. Tapusin muna natin tong meeting." Mahinang sagot ko. Nagsimula ang meeting at aboyt lang iyon sa buwanang pa beach ni Dad. Pumupunta kasi ang ibang investors local man o international.

Buwan-buwang may ganon. Lagi kaming nagbe-beach dahil sa mga investors na maaarte. Yung iba kasing investors, nagkipag-beach na, hindi parin nag-invest.

Pagkatapos ng meeting ay agad kaming pumunta sa ospital para magpatingin. Alam kong kahit nahihilo sya ay pinipilit nya parin dahil pareho kaming kinakabahan na ngayon.

"Ahm... Doc.? What is our diagnosis?" Tanong ko.

"Ahm... I'm happy for the both of you." Nakangiting sabi nya.

"Why, doc.?" Tanong pa ni Loreen.

"Mrs. Hale and Mrs. Devis. You are both pregnant." Nakangiting sabi ng OB-Gyne na kaharap namin. Parehong umawang ang labi namin ni Loreen.

"Really, doc.?" Hindi parin makapaniwalang tanong ko. Tango lang ang isinagot ng OB-Gyne.

NANG makabalik kami sa office ay may dala kaming parehong pagkain. We are both craving for everything and I don't if she have a weird taste too.

"What if, sabihin na natin sa kanila?" Tanong ni Loreen habang kinukotkot ang palaman na binili amin ng sabay sa 7-eleven.

"Wag muna. Siguro pagkatapos nalang ng pa-beach ni Daddy. Sabay na tayo mag-resign." Sabi ko.

"Oo nga. Sige, payag ako dyan." Masayang sabi nya tapos nag-apir kami.

- To Be Continued -

(Tue, May 25, 2021)