webnovel

The Girl I Love The Most (JenLisa GirlxGirl)

She was the best thing that ever happened to me. The only treasure I keep in the world. She is my happiness, which I do not want to share with others. But SHE is my best friend. And yes, I love her. I fell in love with her. I fell in love with the person I should not love more than a friend.

Jennex · LGBT+
Zu wenig Bewertungen
49 Chs

Chapter 38

Now playing: Better In Time by Leona Lewis

Nami

"Stop smiling Nami, will you?" Saway sa akin ni Miyu noong madaanan ako nitong wagas kung makangiti habang tinitignan ang last night convo namin ni Jennie sa messenger.

Pasimple at sandaling lumapit ito sa akin, para silipin kung ano ba 'yung tinitignan ko nang bigla itong napatawa ng mapang-asar!

"Ni-reply ka lang ng good night tapos hindi ka na nagawang mai-reply, kinikilig ka na doon?" Napapailing na sambit nito habang tinitignan ako na para bang hindi makapaniwala sa akin.

"Grabe! Ang lala ng tama mo kay Jennie!" Pagkatapos ay tinaasan ako nito ng kilay. Kaagad naman na tinignan ko ito ng masama.

"Pwede bang umalis ka sa harapan ko ngayon din at baka makalimutan kong iisang dugo lang ang nananalaytay sa atin." Muli ay napatawa lamang ito.

"Good bye! And good luck sa pakikipag-kompetensya kay Lisa." Atsaka walang sabi na tinalikuran na ako nito.

I don't get her!

She obviously like Jennie. Pero noong malaman nitong parehas kami ng babaeng napupusuan at noong malaman niya na may pagtingin din ang best friend nitong si Lisa, ay para bang bigla na lamang siyang sumuko at tinanggap na lamang na hanggang magkaibigan na lang sila.

I mean, why didn't she even try it once? Eh mas close pa nga sila ni Jennie sa amin eh.

Isa pa, mas nauna siyang nakilala ni Jennie kaysa sa akin.

Gusto ko si Jennie pero syempre nasasaktan din ako para sa pinsan ko, dahil alam kong minsan lamang siya magkagusto sa isang tao.

Well, ito nga yata ang kauna-unahang nagkagusto siya sa isang babae. Tapos kinompetensya ko pa.

Napapailing na lamang na umakyat akong muli ng hagdanan patungo sa aking kwarto upang makaligo na. Naalala kong marami pala akong gagawin ngayong araw.

Napahinga ako ng malalim at hindi mapigilan ang hindi malungkot.

Sigurado kasi na mamimiss ko na naman si Jennie, dahil hindi ko ito mapupuntahan ngayong araw.

Nararamdaman ko na kahit konti, mayroon na akong pag-asa sa kanya. Nararamdaman ko naman kasi na sinusubukan nitong buksan ang kanyang puso para sa akin. Kaya hindi ko mapigilan ang hindi maging masaya sa bawat pagdilat ng aking mga mata sa umaga, sinyales kasi iyon na malapit ko nang makuha ang puso ni Jennie.

Sana.

Matapos ang halos dalawang oras ay handa na ako sa pagpasok sa eskwela, hinihintay ko na lamang si Miyuki dahil sasabay daw itong muli sa akin.

Minsan, ang tamad talagang mag-drive ng babaeng iyon. May sasakyan naman sana siya eh. Tsk!

Napapailing ako sa aking sarili noong makita ko na itong nagmamadali sa paghakbang patungo sa aking sasakyan.

"Let's go?" Hinihingal na sabi nito sa akin noong tuluyang maisara ang pintuan ng sasakyan at isinukbit ang kanyang seat belt. Agad naman na binuhay ko ang makina.

"You know what? Kung wala ka nang balak pang mag-confess kay Jennie, try to find someone else to pick you up whenever you na tinatamad kang mag-drive." Utos ko sa kanya at kunot noong pinasibad na ang aking sasakyan.

Napa-pout naman ito.

"Ang damot mo talaga! Nakikisabay lang naman eh! Hmp!" Bago ito napa-cross arms!

"Stop acting like a child. Alam mo hindi talaga kita ma-gets! Minsan okay ka naman kausap, mas matino ka pa sa matino, pero minsan..." Napasulyap ako sa kanya. "Hindi ko maintindihan."

Rinig kong napahinga ito nang malalim at hindi na lamang kumibo. Sa halip ay ibinaling na lamang nito ang kanyang mga mata sa labas ng bintana.

Buong biyahe ay tahimik lamang kami pareho hanggang sa makarating kami sa gate ng St. Wood. Nagpapalinga-linga ako sa paligid, hoping na baka makita si Jennie.

"Paki tabi na lang ang sasakyan." Para bang mabigat pa rin ang loob na sabi ni Miyuki sa akin.

Hindi ko pa man tuluyang naitatabi ang sasakyan ng buksan na agad nito ang pintuan at agad na lumabas na. Hindi man lamang nag-good bye o kahit na ano. Hindi ko na lamang pinansin ngunit napapamura ako sa loob-loob sa ko.

"Crazy." Bulong ko sa sarili nang muling pinatakbo ang sasakyan patungo na naman this time sa aking eskwelahan.

Two blocks away lang naman ang University na pinapasukan ko mula sa St. Wood kaya mabilis lamang akong nakarating. Agad na iparada ko na ang aking sasakyan nang makarating.

Panay naman ang pagbati sa akin ng mga estudyante noong makita ako.

Ugh! This is sucks!

Kailan ba ako darating sa University na ito na parang magiging invisible ako sa paningin nilang lahat? I'm so sick of it!

"Nami."

Naglalakad na ako sa hallway nang marinig kong mayroong tumawag sa pangalan ko. Mabilis na napalingon ako sa direksyon nang pinanggalingan ng boses.

I could not hide the shock on my face when I saw her here at our University. And what is she doing here?

Napaisip ako sandali bago tuluyang lumapit sa kanya.

"What do you need from me?" Agad na tanong ko sa kanya noong makarating ako sa kanyang harapan at agad na napa-cross arms.

Tinitigan ko ito sa kanyang mga mata ngunit ang gaga, hindi rin nagpatalo at nakipaglabanan din ng titigan. Naging dahilan iyon upang makaagaw kami ng atensyon ng ibang mga estudyante.

Of course, we are both queens of our University, so other students will recognize her immediately.

"What is she doing here?"

"I think they are arguing about something."

"But hey, they are both gorgeous! Gosh! Kapag ako ang mamimili sa kanilang dalawa talagang mahihirapan akong mamili."

"Woah! What is happening? Bakit nandito ang reyna ng St. Wood?"

Iilan lamang iyan sa mga naririnig naming bulong-bulungan sa paligid mula sa mga estudyanteng naka-recognize kay Lisa.

Sa huli, ako na ang unang nagbawi ng aking paningin bago napayuko.

"Pwede bang sabihin mo na kung anong kailangan mo dahil mala-late na ako sa klase ko?" Panimula ko.

Narinig kong napahinga ito ng malalim.

"Do you have quizzes or exams today?" Tanong niya sa akin na mas lalong ipinagtaka ko.

At kailan pa siya naging concerns kung meron akong exams and quizzes today? Napangisi ako bago siya tinignan na para bang nakakatawa.

Magsasalita na sana ako nang muli siyang magsalita.

"Don't laugh!" Agad na saway nito noong mapansin na gusto ko ng matawa. "Because I have something important to tell you, so I asked if you have any quizzes that you can miss today." Napalunok ako. "Don't worry, hindi naman ako magtatagal."

"Okay? A-and what is it?" Natatawa na sagot ko. "Don't tell me, ako na ang type mo ngayon at hindi na si Jennie?" Dagdag na pang-aasar ko pa ngunit malamig na tinignan lamang ako nito bago mabilis na tumalikod na.

I know that kind of move. Gusto niyang sundan ko siya. Napailing na lamang ako at walang nagawa na sinundan na lamang din talaga siya pabalik sa may parking lot kung saan wala nang mga estudyante ngayon dahil sa nagsisimula na ang mga klase.

---

"Siguraduhin mong worth it ang pagbibigay ko ng oras sa'yo dahil---"

"Gaano mo kagustong mapasayo si Jennie?" Awtomatiko akong natigilan sa itinanong nito. Pakiramdam ko rin nabingi ako.

"Ow, so it's about Jen?" Napatango ito bago napalunok ng mariin.

Napakunot naman ang aking noo.

I really can't read her mind right now.

"Or should I say, gaano mo siya gustong panindigan." Dagdag pa nito.

I stared at her face for a moment, trying to figure out what is running on her mind.

"Can you please direct to the point?" Lumalakas ang kabog sa aking dibdib.

Talo na ba ako?

Namili na ba si Jennie?

Dahil ba single na si Lisa ngayon?

Of course, alam kong wala na sila ni Brent dahil may pakpak ang balita at may tenga ang lupa.

Hirap na napalunok ito bago nagpatuloy. Para bang nahihirapan na sabihin ang gusto niyang sabihin sa akin.

"I want to make a deal." Mas lalo akong maguluhan na ibig nitong sabihin.

"What kind of deal---"

"Hindi ako manhid para hindi maramdaman, that something is happening between you and Jennie." Putol nito sa akin. "I don't want her to suffer with me while I'm fixing myself. So, I want you to take good care of her."

"W-Wait, what?" Gulat na bulalas ko. "So...you are telling me now that you're giving up?"

Nakangiti na tanong ko. Hindi maitago ang excitement na aking nararamdaman.

Ngunit hindi ako kaagad na sinagot nito. Mataman na nakatitig lamang siya sa mukha ko.

"Take good care of her, Nami." Iyong tono ng pananalita niya ay para bang nakikiusap. "At hayaan natin siyang mag-decide ng para sa sarili niya."

Napailing ako. "I don't get you." Saad ko. "Ito ba ang deal na sinasabi mo? Gusto mong i-give up siya at ipinapaubaya siya sa akin, tapos gusto mong mag-decide siya kung sino ba talaga ang pipiliin niya sa ating dalawa? Ganon ba?"

Napataas lamang ito ng kanyang noo.

"I think you already know the answer." Kompiyansang sagot niya. "And that's all I wanted to say." Dagdag pa niya.

Gusto ko sanang itanong kung bakit?

Para saan?

Pero naisip ko rin na huwag na lang dahil baka may marinig lamang ako na ikakasakit ng aking damdamin.

Iniisip ko rin sa mga sandaling ito, paano kapag nalaman ni Jennie ang lahat ng ito? Ano na lang ang iisipin niya kay Lisa? Masasaktan siya ng husto, alam ko. Dahil hindi man lamang siya magawang ipaglaban ng babaeng minamahal niya.

Hindi ko rin magets si Lisa.

Tatalikuran na sana ako nito ng pigilan ko siya, pero ako naman itong biglang parang natuklaw ng ahas noong mapansin ang babaeng nakatayo mula sa likuran ni Lisa at nasasaktan ang mga matang nakatingin sa aming dalawa.

Fuck!

Awtomatikong napabitiw ako sa paghawak sa kamay ni Lisa. Bago hirap na napalunok.

"J-Jennie...w-what are you---what are you doing here?" Hindi ko inaasahan na maliligaw rin siya rito sa University.

Halata na bigla ring nanigas si Lisa noong marinig ang sinabi ko. Pagkatapos ay mabilis na napaharap sa kanyang likuran.

Ngunit malamig ang mga mata at diretsong tinignan lamang ni Jennie ang kanyang best friend. At doon, nagsimulang bumuhos ang kanyang mga luha.

Pain can be seen in her eyes as she looks Lisa straight in the eye.

"Is it really that easy for you to give me up?" May pait at kirot na sabi nito kay Lisa habang napapailing. "Siguro naman may karapatan din akong magdesisyon ng para sa sarili ko, tama?" Muli nitong ibinalik ang kanyang mga mata sa akin.

"J-Jen..."

"Do what you want, Jennie. I will not interfere in any of your decisions in life anymore. It's your life anyway, so you can decide for yourself." Diretsahan na sabi ni Lisa sa kanya at pagkatapos ay agad na kaming tinalikuran at tuluyang iniwanan.

Hindi ko mapigilan ang hindi makaramdam ng awa kay Jennie lalo na noong mapagulhol ito, habang magkahalong inis at galit naman ang aking nararamdaman kay Lisa para saktan ng ganito si Jennie sa harapan ko.

Agad na lumapit ako kay Jennie at niyakap ito ng mahigpit.

Iyong mahigpit na mahigpit na para bang malilipat ang lahat ng sakit na kanyang nararamdaman sa akin.