webnovel

The Girl I Love The Most (JenLisa GirlxGirl)

She was the best thing that ever happened to me. The only treasure I keep in the world. She is my happiness, which I do not want to share with others. But SHE is my best friend. And yes, I love her. I fell in love with her. I fell in love with the person I should not love more than a friend.

Jennex · LGBT+
Zu wenig Bewertungen
49 Chs

Chapter 20

Now playing: Synesthesia by Mayonnaise

Jennie

Pagkatapos ng nakakapagod na araw at ng huling klase ay para bang gusto ng humilata agad ng katawan ko sa higaan.

Palabas pa lamang ako ng classroom ay sobrang ramdam na ramdam ko na ang panlalanta ng aking buong katawan.

Nang siya namang agad na nakita ko ang paparating na si Lisa habang nakangiti ng pagkalawak-lawak sa akin, at sobrang tamis.

Awtomatikong napakunot ang aking noo habang nagtataka na tinitignan siya sa kanyang buong mukha.

"A-Anong meron? Bakit parang ang saya mo yata?" Malawak ang ngiti na tanong ko sa kanya.

Napailing ito habang nakangiti pa rin.

"Sinusundo ko lang ang best friend ko?" Patanong na sagot nito habang humahakbang ng mabagal patungo sa likuran ko, at basta na lamang piniringan ang mga mata ko.

"Teka...at para saan naman ito?" Mas lalong may pagtataka sa boses ko habang napapahawak sa bagay na itinakip nito sa mga mata ko.

"Just...just trust me." Saad nito.

Pagkatapos ay naramdaman ko nalang na inaalalayan ako nito papunta sa kung saan. Narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng sasakyan, at agad na inalalayan ako papasok.

Noong maisara na niya ang pintuan sa tabi ko ay maya-maya lang, narinig ko na rin ang pagsakay nito sa driver seat at pati na rin ang pagbuhay nito ng makina.

"Lisa, saan mo ba talaga ako dadalhin?" Tanong ko sa kanya. "Pwede bang tanggalin nalang itong nakalagay sa mga mata ko? Wala akong makita eh!" Dagdag na reklamo ko pa.

"Jen, chill!" Pagpapakalma nito sa akin. "Kapag tinanggal mo 'yan, edi hindi na surprise ang pupuntahan natin." Paliwanag niya.

Napahinga ako ng malalim.

"B-Bakit naman kasi kailangan may pa-surprise pa? Ano bang meron?" Tanong ko.

Natahimik ito sandali bago muling nagsalita.

"Seryoso ba? Hindi mo talaga natatandaan?" Tanong niya.

Napakunot ang noo ko. Wala talaga akong ibang matandaan at maisip kung anong meron.

Napailing na lamang akong muli.

Narinig ko ang malalim na paghinga nito.

"Fine! Malalaman mo rin." Tila ba malapit nang maubusan ng pasensya na wika niya.

---

"Malayo pa ba tayo? Parang dalawang oras na tayong bumiyahe eh!" Muling pag reklamo ko.

Dahil sigurado akong malapit nang dumilim ngayon. Naka-idlip na nga ako eh. Pero hanggang ngayon nagbibiyahe pa rin kami.

"Relax. Pwede bang matulog ka na lang ulit?" Saway nito sa akin.

Hmp!

Napanguso ako.

Hindi nagtagal ay naramdaman ko ang paghinto ng sasakyan.

"May naisip ako!" Para bang biglang na-excite na wika nito.

Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin hanggang sa tuluyang tinanggal na nga nito ang panyo na nakapiring sa mga mata ko.

Medyo nangalay 'yung mga mata ko roon ha!

Napatingin ako sa labas ng sasakyan. Nasa isang tahimik na lugar kami at medyo liblib din dahil panay punong kahoy ang makikita sa paligid.

At tama nga ako, malapit nang dumilim dahil pasado alas sais na ng gabi.

"Nasaan ba kasi talaga tayo?" Muling pagtanong ko pa.

Napangisi si Lisa na tila ba may hindi magandang binabalak.

"Naaalala mo ba 'yung mga bata pa tayo? Kapag may mga nagsasara na mga resort or Park dahil hanggang 6pm lang sila open, eh pumapasok pa rin tayo kahit na hindi pwede at bawal?" Dire-diretsong tanong nito sa akin dahilan upang mapatawa ako.

"Oo, naaalala ko. Paano ko naman makakalimutan eh, nahuli tayo dati ni Tatay Berto, 'yung caretaker ng huling resort na pinasok natin at isinumbong tayo sa parents natin." Tumatawa na sagot ko naman habang naiiling pa.

"Yes! And that's the first time na napalo tayo ni mommy ng tsinelas sa pwet at dinagdagan ni ninang. Hahaha."

Kapwa kami magtatawanan sa loob ng sasakyan, hanggang sa awtomatikong naging mabagal si Lisa sa paningin ko at wala akong ibang naririnig kung hindi ang mga tawa niyang ang sarap-sarap sa tenga pakinggan.

Hindi ko alam na napatulala na pala ako sa maganda niyang mukha, kung hindi pa ito napatikhim.

Mabilis na napaiwas ako ng tingin bago napayuko para itago ang pamumula ng mga pisngi ko.

"And dahil doon, papasukin natin ang resort na 'yan." Sabay turo nito sa isang mataas na pader na nasa harapan ng kanyang kotse.

Mabilis na namilog ang mga mata ko atsaka napatingin sa kanya.

"N-Nagbibiro ka ba?" Tanong ko sa kanya.

Napailing ito.

"Nope. Nakita ko sa sign board doon sa may entrance na until 6pm lang sila ngayon. I don't know kung anong dahilan." Paliwanag niya sa akin.

Sa may entrance, so meaning, nasa likod kami ngayon ng resort.

"P-Paano kapag may nakahuli sa atin?" Kinakabahan na tanong ko sa kanya.

"Edi dating gawi." Sagot nito. "Tatakbo tayo." Pagkatapos ay napatawa siya kaya napabusangot ako.

"Just kidding. Hindi naman siguro nila mapapansin dahil may mga guest naman sa loob, aakalain lang nila na isa tayo sa mga guest nila." Napatango ako sa sinabi nito.

May point siya. Dahil doon ay napangiti ako at napatango.

"Okay, game!" Tuluyang pagpayag ko.

"Alright, let's go!" Masaya at kumikinang ang mga mata na nauna na itong lumabas ng sasakyan.

Si Lisa ang naghanap ng pwede naming madaanan. Hindi naman kasi namin kayang akyatin ang 'yung mataas na pader na iyon ano?

Mabuti na lamang at mayroon kaming natagpuan na parang maliit na lagusan papasok sa resort. Iyong una ay aakalain mong hindi kakasya ang isang tao roon, pero kapag sinubukan, eh kasya naman.

Napapa aper pa ako sa kanya noong tuluyan na kaming makapasok sa loob. At agad na bumungad sa amin ang malawak na garden ng resort.

Isang malawak na garden na mayroong iba't ibang uri ng mga halaman at bulaklak. Napangiti ako at awtomatikong napapikit upang amuyin at damhin ang buong paligid.

Naaamoy kasi sa buong paligid ang bango ng mga bulaklak. Isama mo pa ang mga napakaraming alitaptap na nagliliparan at nagpapalipat-lipat sa mga ito.

"Wow!" Hindi ko mapigilan ang mamangha.

"Pwede bang dito nalang tayo?" Tanong ko kay Lisa na hindi ko alam ay nakatitig lamang pala sa akin.

Mabilis na napaiwas ako ng tingin sa paraan ng pagtitig nito sa akin.

"Stop staring!" Saway ko sa kanya. "M-May dumi ba ako sa mukha?" Dagdag na tanong ko pa bago naupo sa tabi ng mga bulaklak.

Ang bango-bango talaga nila!

Agad na sumunod ito at naupo rin sa tabi ko. Mas madilim na ngayon ang paligid.

At ang tanging nagbibigay liwanag lamang ay ang mga alitaptap na nagliliparan sa buong garden at pati na rin ang nagkalat na mga poste ng ilaw.

"Baka naman may makakita sa atin rito." Sabi kong muli kay Lisa na masyadong malapit sa akin.

Napalunok ako at pilit na binalewala ang nagwawala kong puso. Ang bilis-bilis ng tibok nito na tila ba sasabog na.

"Mag-iingat naman tayo." Sabi nito. Nararamdaman ko parin ang mga mata niya sa akin.

"O-Okay." Muling napalunok ako at nagkunwari na hindi siya napapansin.

Pinili ko na lamang din ang manahimik.

Kaso, masyado talagang malapit ang mukha niya kaya naman napaurong ako ng konti. Ngunit ang siste, mas lalong lumapit pa siya sa akin.

"Lisa, pwede bang umu---"

Ngunit hindi ko na naituloy pa ang gusto kong sabihin, nang bigla ako nitong niyakap.

Iyong yakap na nakakakalma ng damdamin. Iyong yakap na nakakarelax at napakakampante sa pakiramdaman.

Iyong yakap na gustong-gusto kong maramdaman lamang at damhin habambuhay.

"L-Lisa?"

"Wag ka ngang malikot." Saway nito sa akin. "Bigla kasi akong nilamig eh." At pagkatapos ay isiniksik pa nito ang kanyang mukha sa aking leeg.

Napalunok na naman akong muli atsaka niyakap na rin siya pabalik.

Sana lang, hindi niya marinig 'yung mabilis at malakas na pintig ng puso ko. Lihim na napapapadasal na lamang din ako.

Oh, Gosh!

Napapikit ako at mas dinama pa ang init ng katawan niya at ng hininga nitong tumatama sa leeg ko.

Haaaaay. Hanggang kailan ko itatago itong nararamdaman ko para sa kanya?

Eh kung sabihin mo na kaya ngayon? Tukso ng aking isipan.

Oo nga! Pagkakataon na ito, Jennie. Sang-ayon naman ng aking sarili. Napahinga ako ng malalim.

Hayst! Bahala na nga!

"Uhmmm...Lis--- m-may gusto sana akong--"

"Sshhh!" Mas lalong hinigpitan pa nito ang pagyakap sa akin. "Huwag ka ngang magulo d'yan!" Sabi pa niya.

Hindi ko naman mapigilan ang mapangiti ng palihim dahil sa kilig.

Siguro, hindi pa ito ang tamang panahon para malaman niya?

"O-Okay. Sabi mo eh." Kagat labi na sabi ko naman. Hindi naman niya nakikitang naka ngiti ako eh.

"You're smiling. I know." Biglang komento nito at mabilis na kumalas sa pagyakap mula sa akin dahilan upang makita nito ang pag ngiti ko.

Dahil doon ay mas lalong namula ang itsura ko dahil sa kahihiyan.

Napangiti siya ng mas malawak kaysa kanina.

"I knew you!" Sabi nito sabay pingot sa ilong ko. "You're so cute, Jennie." Dagdag pa niya.

"But can I hug you again? Please!" Pagkatapos ay napa nguso pa nito.

Napatawa ako ng mahina kaya ako na ang kusang yumakap sa kanya.

"Heto na po mahal kong best friend." Atsaka niyakap siya. Ngunit hindi ko sinasadya na sumagi ang labi ko sa gilid ng tenga niya dahilan upang manigas ang katawan niya.

"S-Sorry." Agad na paghingi ko ng tawad ngunit sa halip na sagutin ako ay muling kumalas ito sa pagyakap bago ako tinignan ng diretso sa aking mga mata.

Napalunok ako, ganoon din siya. Tila ba nag-uusap ang aming mga mata na sila lamang ang nagkakaintindihan.

Hanggang sa dahan-dahan na gumuhit muli ang matamis na ngiti sa kanyang labi.

Bakit ba palagi siyang ngumingiti ngayon?

Mas lalo tuloy akong nahuhulog sa kanya.

"Let's go? Baka hinihintay na tayo nila." Biglang sabi nito atsaka agad na tumayo.

"Nila?" Kunot noo na tanong ko sa kanya habang tumatayo na rin.

"Yup!" Tipid na sagot niya. "Malalaman mo rin." Sabay kindat pa niya at nauna nang maglakad sa akin.

Ngunit pagdating namin muli sa sasakyan, hindi ko inaasahan ang sumunod niyang ginawa.

Basta na lamang kasi ako nitong hinila sa kwelyo ng aking blouse at ipinagdikit ang aming mga labi.

Itutulak ko pa sana ito dahil sa gulat nang mas idiniin pa niya ang paghalik sa akin.

Hindi naman iyon nagtagal nang muling paghiwalayin niya ang aming mga labi.

"L-Lis---"

"I'm sorry, Jen. I just can't help it." Putol nito sa akin nang hindi makatingin sa mga mata ko, atsaka binuhay na ang makina ng sasakyan.

Habang ako naman ay nakatulala pa rin sa kanyang mukha, at nag-uunahan sa pagtaas baba ang aking dibdib, pagkatapos ay napahawak sa aking labi.