webnovel

The Girl I Love The Most (JenLisa GirlxGirl)

She was the best thing that ever happened to me. The only treasure I keep in the world. She is my happiness, which I do not want to share with others. But SHE is my best friend. And yes, I love her. I fell in love with her. I fell in love with the person I should not love more than a friend.

Jennex · LGBT+
Zu wenig Bewertungen
49 Chs

Chapter 1

Jennie

Nakakabingi na katahimikan ng paligid, amoy ng mga bago at lumang libro, panulat na ballpen, earphone at mga paborito kong kanta ang tangi ko lamang na kasama sa araw-araw.

Ang mga bagay na ito lamang ang nagsisilbi kong kaibigan, wala ng iba pa. Masaya na ako sa buhay na ganito dahil payapa at talagang nakakapag isip ako palagi ng maayos. Iyong tipo na hindi ko kailangan ng kahit na ano, sapat na ang mga ito sa akin na makasama palagi.

Hindi ako lumaki na mahilig makipag kaibigan. Palagi lamang akong nasa isang sulok. Tamang nagmamatyag, nanonood sa mga magkakabarkada at pinagmamasdan ang mga gawain nila at mga kalokohan, na inaamin kong nakakatuwa naman talaga kung minsan.

Tahimik lamang talaga ang aking buhay. Kung MINSAN. Dahil madalas ay pinag titripan ako ng mga barkada ng aking kuya. Yes, mayroon akong kuya. At sobrang magkaiba ang mundo na aming ginagalawan dahil isa itong sikat at campus crush ng aming University, na kung tawagin siya ay si 'King Brent'.

Lahat ng tao hinahangaan siya. Lahat gusto siya. Paborito siya. Well, wala namang kaso sa akin 'yun as long as inaalagaan at mabait siya sa akin. Napaka sweet pa niya at talagang hindi niya ako pinababayaan. Kaya nakakaproud at bagay lamang na tawagin siya na King sa aming school.

Napapagod na nga ako sa pagtatanggol nito sa akin palagi eh. Sanay naman na kasi ako sa mga pang bubully ng mga kaibigan niya at ng mga taong hinahangaan siya.

Ah, oo nga pala. Bago ko tuluyang makalimutan, mayroon nga palang girlfriend ang kuya ko, si Lisa. Ang aking bestfriend.

Oo, mayroon naman akong kaibigan kahit paano, ano? Bukod sa mga libro at papel na palagi kong hawak eh may nag-iisa naman na masasabi kong kaibigan ko talaga. Iyong matatakbuhan ko anumang oras, makakausap at mapagsasabihin ng aking mga hinaing sa buhay. Iyon nga lang, nagbago ang lahat ng iyon magmula nang maging nobya siya ng aking kuya.

Hindi na kami madalas magkasama. Wala na rin itong masyadong oras sa akin, hindi kagaya ng dati. Pero ayos lang, nakikita ko naman silang masaya ni kuya, kaya ayos na ako.

Katulad ni Kuya, si Lisa ay isang sikat din sa aming campus. Na kung tawagin ay 'Queen Lisa'. Isa itong top student kagaya ko. Isa rin siyang cheerleader. Hindi ba? Beauty na brain pa! Hehe. Habang ang aking kuya naman ay isang team captain ng soccer team.

Bagay na bagay sila. Kaya nga marami ang humahanga sa kanilang relasyon. Napaka perfect match nila na talagang maiingit ang karamihan. Hindi lamang din sila sikat sa St. Woods University, sikat at kilala rin sila mula sa ibang eskwelahan. At sa hindi sa pagmamayabang, mga artistahin naman kasi talaga silang dalawa.

"Bunso, pwede bang paabot naman ng sandwich malalate na kasi ako sa unang klase ko." Pakiusap sa akin ni kuya habang nagsusuot ng kanyang sapatos.

Mabilis naman na iginawa ko ito ng sandwich at pagkatapos ay isinubo sa kanyang bunganga. Nang matapos na ito sa kanyang ginagawa ay mabilis na hinalikan ako nito sa aking noo.

"Mauuna na ako ha?" Paalam nito sa akin at tatalikod na sana nang guluhin nito ang buhok ko. "Kay Lisa kana rin muna sumabay, naliligo pa yata iyong babaeng 'yun." Dagdag nito bago tuluyan na nga akong tinalikuran.

Napapanguso naman na naupo akong muli sa harap ng lamesa.

Bakit naman kay Lisa pa ako sasabay? Eh iniiwasan ko nga 'yung babaeng yun. Tiyak na kukuyugin na naman ako ng mga maldita niyang taga hanga kapag nakitang sabay na naman kami sa pagpasok. Naku naman!

"Jennie! Let's go!" Narinig kong sigaw ni Lisa mula sa kabilang bakod.

"Heto na!" Agad na sigaw ko rin dito pabalik, atsaka tamad na tamad na kinuha ang aking bag at lumabas na nga ng bahay.

Sumakto naman na paglabas ko eh nagmamadaling palabas na rin ito ng kanilang gate. Nasabi ko na ba sa inyong magkapibahay lamang kami? Hehe. Simula pa kasi noong mga bata pa lamang kami ay hindi na kami mapaghiwalay. Paano ba naman kasi pati mga magulang namin eh matalik din na magkakaibigan.

Halatang nagmamadali na nga ito dahil basang-basa pa ang kanyang buhok na hindi pa yata nito nasusuklay dahil magulo pa. Lalong lalo na ang bangs nitong hindi ko maintindihan kung saan na papunta.

Wala parin itong ayos o kahit na anong kulay sa kanyang mukha. Medyo nabasa rin ang suot nitong blouse banda sa kanyang dibdib, dahil sa kanyang buhok.

Pero kahit na ganoon, ang ganda-ganda parin niya. Ang unfair lang. Napapailing na lamang ako sa aking sarili.

Kunot noo na tinignan niya ako sa aking kabuohan noong makita akong nakatayo sa kanyang unahan.

"Ano ba yang suot mo?" Tanong nito sa akin nang makita na naka loose t-shirt lamang ako at pantalon. Habang rubber shoes naman sa pang ibaba.

"Anong problema sa suot ko?" Tanong ko naman. Pati ba naman siya hindi parin sanay sa pananamit ko?

Nagkibit balikat lamang ito. "Nothing. You look...cute." Pagkatapos ay tinalikuran na ako. Awtomatiko naman na nang init ang aking mukha dahil sa sinabi niya.

Mabilis na umikot ito sa kabila ng kanyang sasakyan, sa driver seat bago pumasok na sa loob. Habang ako naman ay mabilis na sumunod din sa kanya atsaka binuksan ang kabilang pintuan.

Binuhay na nito ang makina ng kanyang sasakyan at agad na pinasibad iyon ngunit pinigilan ko siya. Nagtataka naman ang mga mata na tinignan ako nito sa aking mukha.

"S-Sandali lang." Wika ko bago kinuha ang isang face towel mula sa aking bag. Tahimik lamang din na pinagmamasdan niya ako. "Lapit ka nga ng konti." Utos ko na agad na naman niyang ginawa.

Marahan na pinunasan ko ang buhok nito na hanggang ngayon ay tumutulo parin ang tubig mula rito. Nakita kong napangiti siya kaya agad na itigil ko na ang aking ginagawa.

"You're so sweet talaga." Naka ngiting komento nito. Napairap lamang ako.

"Malalate na tayo." Iyon na lamang ang tanging nasabi ko bago ibinaling ang tingin sa labas ng bintana para itago ang pamumula ng aking muka.

---

Pagdating sa school ay mas nauna na akong bumaba ng sasakyan kaysa kay Lisa bago pa nito maiparada ang kanyang sasakyan. Tiyak kasi na mayroong mga fans nito ang naghihintay sa pagdating niya at iyon ang iniiwasan kong mangyari. Ang makita ng mga ito na magkasabay na naman kami sa pagpasok.

Sinabi nito na hintayin ko siya at sabay na kaming papasok sa aming unang klase. Ngunit hindi siya pinakinggan.

Habang naglalakad ay may nakasalubong akong dalawang babae na agad na natawa noong makita ako. Mabilis naman na napayuko ako at hindi na sana papansinin ang mga ito nang bigla nilang hinarangan ang dadaanan ko.

"Where do you think you're going, JOLOGS?" Maarte at bigay diin na tanong ng isa sa akin. Iyong medyo matangkad.

Hindi ako nagsalita at nanatili lamang na nakayuko.

"Hoy! Kapag kinakausap ka, sumagot ka!" Singit naman ng kaibigan nito saka itinulak ang noo ko gamit ang kanyang hintuturo.

"Oh my gosh! Why did you do that?" Tanong ng matangkad sa kanyang kaibigan.

"Do what?!"

Napatawa iyong matangkad. "Hindi mo dapat hinahayaan na maglapat 'yang mga daliri mo sa balat ng jologs na ito. That's eww!" Patuloy na panglalait sa akin nito. Kunwari naman na nagulat ang isa bago naglabas ng alcohol mula sa kanyang bag atsaka nag spray sa kamay nito at idinamay pa ako.

"WHAT THE HELL?!" Rinig kong sigaw at boses iyon ni Lisa dahilan upang matigilan silang dalawa.

Napalunok ang mga ito at agad na lumapit sa paparating na si Lisa. Noon din ay nag-angat na ako ng aking mukha at tinignan sila.

Hindi kagaya kanina na wala pa itong ayos sa kanyang mukha. Dahil ngayon ay naka pony tail na ang may kahabaan nitong buhok kahit na basa pa iyon at suot na rin nito ang kanyang paboritong red lipstick, na mas lalong nagpapatingkad palagi ng kanyang ganda dahil bagay na bagay ito sa kanya.

"Ano ba sa tingin ninyo ang ginagawa niyo?" Namumula ang mukha ng kaibigan ko habang tinitignan sila.

"Queen Lisa, alam mo naman na hindi kayo bagay na maging magkaibigan ng jologs na yan. Kami na ang gumagawa ng paraan para lumayo siya---" Natigilan ito noong tinignan ito ng masama ni Lisa sa kanyang mga mata.

"Eh ano naman ngayon kung jologs siya kung pumorma? Maganda parin siya. Eh kayo? Kinulang na nga sa tela 'yang mga suot ninyo, wala paring nagbago sa mga itsura ninyo." Matigas at medyo harsh na sabi nito sa dalawa.

"Ang sakit mo namang magsalita." Naiiyak na sabi noong matangkad bago napayuko.

"Well, truth is hurts." Sabay hawak at higit ni Lisa sa aking braso.

"Let's go." Pagkatapos ay kinaladkad na ako nito patungo sa aming classroom para sa aming unang klase.

Habang hila at hawak parin nito ang aking braso ay mabilis na natigilan ako sa paghakbang bago binawi ang aking braso mula sa kanya.

"Hindi mo na sana ginawa 'yun." Panimula ko. "Parehas lang kayo ni kuya. Palagi ninyo nalang akong pinagtatanggol kahit na hindi naman dapat." Dismayadong dagdag ko pa.

Hindi naman nito napigilan ang mapatirik ng kanyang mga mata.

"At hanggang kailan mo naman hindi ipagtatanggol ang sarili mo? Bakit ba palagi mo nalang hinahayaan na ginaganon ka nila? Hindi ka dapat pumapayag na---"

"Lisa, please. Kaya ko ang sarili ko." Putol ko sa kanya. "Hindi naman nila ako sasaktan---"

"STOP! Just stop, Jennie. I know what I'm doing." Seryoso ang mukha na sabi nito sa akin. Napahinga ito ng malalim bago ako hinawakan sa magkabilaang balikat ko, atsaka napatitig sa aking mga mata.

"I will never get tired of protecting you." Wika nito. Dahil doon ay hindi ko na napigilan pa ang mapangiti ng tuluyan. "Kami ng kuya mo." Dagdag pa niya.

"T-thanks." Pagpapasalamat ko bago napaiwas ng tingin.

"Let's go?" Napatango ako at pagkatapos ay magkahawak kamay kaming naglakad muli hanggang sa makarating sa aming klase.

Bagay na lihim na nagpangingiti sa aking puso.