webnovel

The Girl From Nowhere (tagalog)

tagalog story / fantasy it makes you believe that forever doesn't really exist.

xiunoxki · Fantasie
Zu wenig Bewertungen
57 Chs

Chapter 51

NAUPO NA LANG ulit ako at nililibot pa rin ang tingin sa paligid. Medyo nahirapan akong huminga at abnormal na naman ang tibok ng puso ko. Lumipas ang halos dalawang minuto pa, nag-ring ang cellphone ko.

"Nasaan ka na ba?" sagot ko agad nang makita kong siya ang tumatawag at napatayo pa ako.

"Nasa likod mo." sagot niya.

Agad akong lumingon sa likuran ko na para pang huminto ang oras at nakahinga ako ng maluwag. Narinig ko ang boses niya sa cellphone at narinig ko rin ang pagsalita niya sa likod ko. At nandun nga siya. Nakangiti siya at napangiti na lang din ako. Naibsan ang pangamba ko. Salamat at nandito siya sa harapan ko.

"Hahampasin na ba kita?" tanong ko. Ginaya niya kasi yung eksena kanina ng dalawang matanda na nakita namin. Eh, hinampas dun si lolong nanggulat sa likod.

"Yakap, pwede?" pa-cute na suggestion niya. Pero bakit lungkot ang nararamdaman ko sa mga mata niya na parang may mabigat siyang inaalala at pinagdaraanan na sana di na lang nangyayari?

"Pwede." Sagot ko. Niyakap ko siya nang mahigpit at yumakap din siya. "Salbahe ka. Pinaghintay mo, ako." Sita ko sa kanya. "I love you." Medyo emosyonal na ako. Haist! Parang gusto kong maluha.

"Same here." Sagot niya. Ang classic lang, ang daming tao sa food court.

Pagka-upo namin nagpalitan na kami ng gift. Para lang kaming mga ewan? Nakabalot ng dark-blue gift wrapper ang gift niya sa 'kin at medyo mabigat. Yung bigay ko sa kanya magaan lang. Napakunot-noo pa siya kung ano yun nang alog-alugin niya. Di namin inalam kong ano ang laman ng gift namin sa isa't isa. Sabi niya kasi pagkauwi na namin bubuksan. Ilang saglit lang nagpasya na kaming lumabas ng mall.

Sumakay kami ng FX pabalik sa convenience store nina Edward. Tinanong ko siya kong ihahatid ko na siya pauwi habang nasa byahe kami, pero sabi niya ayaw niya pang umuwi.

"Sure kang di ka pa hahanapin sa inyo?" tanong ko sa kanya pagdating namin sa convenience store.

"Pinapauwi mo na ba ako?" patampong tanong niya.

"Di naman. Sama kasi ng panahon, mukhang uulan na naman? Baka kasi hinahanap ka na sa inyo?" sabi ko. Nag-aalala lang naman talaga si bf sa gf niya.

"Ligo tayo sa ulan?" sabi niya. Astang bata na naman siya na parang di ako narinig.

"Wala akong bihisan. At ba't naman ako maliligo d'yan? Ano, bata?" pagkasabi ko nun, bumuhos na ang malakas na ulan. Agad-agad?

Ewan ko talaga kung naririnig niya ako? Kinuha niya sa 'kin ang gift na bigay niya at nilapag sa mesa kasama ng bigay ko sa kanya. Tapos ayun, hinila niya ako palabas. Haist! Hilahan day ba ngayon?

Wala na akong nagawa. Ayaw ko talaga sana dahil nakasapatos kami. Pero narito na kami sa gitna ng ulanan. Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan siyang nakatingala't nakapikit, at nakangiting dinarama ang bawat patak ng ulan sa kanyang mukha, sa mga palad at buong katawan. Habang may mga taong dumaraan na pinagtitinginan naman kami.

Napatingala na rin ako't napapikit at dinama ang bawat patak ng ulan. Niliyad ko rin ang mga palad ko. Napakalamig ng bawat patak ng ulan, lamig na nagpagaan sa 'king pakiramdam. Napadilat ako nang may ibang talsik ng tubig akong naramdaman sa mukha ko. Pagdilat ko nakita ko siyang pinagtatawanan ako.

"Ano yun?" tanong ko.

Ngumiti lang siya at nag-ipon ng patak ng ulan sa bibig niya sabay ihip sa 'kin. Sapol ako ng tubig-ulan sa mukha. "Doon galing." Sabi niya. Tapos pa-cute siya at nag-peace sign pa.

"Chelsa?" napasalubong ang kilay ko pero napangiti na lang ako. Pero yung ngiting may pagbabanta na sinasabing, patay ka!

"Joke lang!" sigaw niya.

"Walang joke-joke sa 'kin!" banta ko. Takbo siya, habol naman ako.

Naghabulan kami. Yung tipong parang nasa madamong burol lang at may mga bulaklak sa paligid, at slow-motion pa. Eh, ang reality, nasa tabi lang kami ng kalsada. Kaya para kaming mga temang. May mga tao pang dumaraan. At ang nakakainis pa, natalsikan ako ng tubig kanal ata yun nang may dumaang sasakyan! Buti di tumama sa mukha ko.

"Chelsa!" napasigaw ako.

"Sorry na kasi!" sigaw rin niya habang paatras na lumalayo sa 'kin. Pero tinakbo ko pa rin siya.

Nang maabutan ko siya, niyakap ko siya. Back hug ang pagkakayakap ko sa kanya at di ko na siya tinantanan ng buga ng tubig-ulan mukha mula sa bibig ko. Wow, swerte ng gf ko.

"Tama na!" saway niya sa 'kin. Pero parang tuwang-tuwa naman?

"Bakit?" tanong ko nang magkaharap na kaming dalawa. Nakatitig lang kasi siya sa 'kin. Nakangiting umiling lang siya. "Umiyak ka ba?" tanong ko. Para kasing umiiyak siya? Namumula ang mga mata niya. Pero normal lang naman siguro yun kapag napasok ng tubig-ulan ang mga mata mo. Kahit siguro ako namumula rin ang mga mata ko?

"Hindi." Iling niya. Hinaplos niya ang mukha ko. Naramdaman ko ang sobrang lamig ng kamay niya. "Kasali 'to sa list ko na gagawin natin for one month."

#6. MALIGO SA ULAN KAPAG UMULAN, KASAMA SI NATE.

"Talaga? Alam mo ang babaw mo." ngiti ko.

"Grabe ka!" at hinampas niya ako. "So, normal 'tong nagagawa ng magjowa, ang maligo sa ulan?" tanong niya. Napaisip ako. Oo nga naman, di naman siguro lahat ng magkasintahan naligo na sa ulan. Napangiti na lang ako.

"Nakakarami na tayo sa list mo na gagawin natin, hah? Halos one week pa lang tayo, naka-lima na tayo sa 10 list mo?"

Di siya sumagot at tinitigan niya lang ako. Muli niyang hinaplos ang mukha ko. Sa pagkakataong ito dalawang kamay niya ang nakahawak sa mgakabilang-mukha ko. Napagmasdan ko ang mga mata niya. Nakangiti siya pero pakiramdam ko talaga napakalungkot niya sa loob niya. Naiinis na ako sa mga naiisip ko!

Ngumiti na lang ako at muli siyang binugahan ng ulan sa mukha. Ang bastos ng lambingan namin, 'no? Asar niya akong hinampas. Sa huli siya pa ang naasar, samantalang siya naman ang nauna. Ayun, pinagkukurot pa ako. Natawa na lang ako. Pero in fairness, ang sakit ng kurot niya. Parang gusto ko nang upakan, eh! Joke lang, love ko gf ko.

Ending, dahil sa kaharutan namin sa gitna ng ulan, nangatog kami sa lamig pagkapasok namin kay Nicole. Para kaming mga basang sisiw. Wala si Edward. Buti alam ko kung saan niya tinatago ang susi.

"Maghubad ka na." Utos ko sa kanya.

"N-Nate?" nanlaki mga mata niya at napayakap sa sarili niya.

"A-Ano – m-magbihis ka dun sa banyo." Nautal naman ako dun. Medyo uminit tuloy ang panahon. Haist! Ano bang iniisip niya? Parang nangyari na 'to? Kumuha ako ng damit at short sa kabinet ni Edward. Patakbo pa ang kilos ko. May mga gamit din kasi ako rito. Madalas kasi akong makitulog dito lalo na kapag tinatamad akong umuwi ng bahay. "Ito." At inabot ko sa kanya yung damit at short. "Damit ko yan. Magbihis ka para habang hinihintay yung driver di ka naman masyadong lamigin." Paliwanag ko. Magpapasundo kasi kami sa driver ko at para na rin ihatid siya sa bahay nila.

"Okay." Siya, tapos mabilis siyang pumasok ng banyo.

"Pwede ka narin maligo d'yan. May sabon d'yan." Sigaw ko pagkapasok niya. Haist! Ba't parang ang awkward?

After 2 weeks, lumabas din siya ng banyo. Haist! Ganun ba katagal maligo ang babae? Napatikhim ako nang makita ko siya. Parang mas maganda siya ngayon kapag bagong ligo?

"Ano?" tanong niya. Napatulala kasi ako.

"W-Wala! Sabi mo walang forever? Eh, halos forever ka nang nasa loob ng banyo, hah?" sita ko. Ang tagal niya kaya. Nangangatog na ako sa lamig, eh! Feeling ko nasa North Pole na ako?

"Tse! Wala pa ngang 30 minutes yun!" yun lang ang sagot niya tapos inirapan ako.

Pumasok naman ako agad sa banyo para maligo at makapagbihis na. Siguro natagalan siya dahil pinatuyo-tuyo niya pa underwear niya kaya umabot siya nang halos isang oras sa loob ng banyo. Wala naman kasi akong mapapahiran sa kanya. Buti ako meron extra rito. Parang ang pangit naman kung pag-brief-in ko siya.

Pagkabihis namin, ramdam pa rin namin ang lamig kaya share kaming nagtalukbong sa isang kumot habang humihigop ng sabaw sa kanya-kanya namin cup noodles. Nakaupo kami sa sahig sa tabi ng kama. Napapangiti ako, para kaming bagong tanan na teenager na wala pang alam sa buhay at nagmadaling mag-asawa. Kaya ito, cup noodles lang ang hapunan sa gitna ng malamig na panahon. At habang ang mga basa namin damit nakasampay sa plastic chair.

Bumukas ang pinto, pumasok si Edward. Nakangiti akong nag-signed ng 'hi' sa kanya. Nawala ang ngiti ko nang sunod-sunod na pumasok ang tropa. Oh, shit! Sigaw ko sa utak ko. Sina Jasper, Cristy, Lyhn, Kyle, Karl at Zab, kasamang pumasok ni Edward. Si Chelsa nagulat at napatago sa ilalim ng kumot. Wala naman kaming ginagawang masama, pero parang umurong dila ko. Awkward much!

Suot pa rin nila ang mga suot nila kanina, maliban kay Cristy. Di na niya suot yung couple shirts nila ni Kristan.

Napansin ko agad ang talim ng mga tingin ni Cristy nang tingnan niya ako. Lalo na nang makita niya ang mga damit namin ni Chelsa na nakasampay sa upuan. Magkatabi pa naman ang couple shirts namin. Haits! Baka mag-green mode sila?

"Lumabas ka na diyan. Nakita ka na namin." Diretsong sabi ni Cristy na alam kong si Chelsa ang tinutukoy niya.

Dahan-dahan dumungaw si Chelsa at napayuko lang siya sabay higop ng sabaw. "Noodles?" alok niya sa tropa ko. Gumuhit ng konti ang ngiti sa labi ko pero pinigilan ko. Adik din talaga 'to, eh.

Ang epic ng reaksyon nina Edward, Kyle, Karl at Zab. Di naman halatang nagulat sila sa drop jaw expression nila. Haits! Nagbiberde na ang utak ng mga 'to! Lumabas ba naman sa ilalim ng kumot si Chelsa na nakatakip sa katawan ko.

Si Lhyn, nanlaki ang mga butas ng ilong at tumulis ang nguso sa gulat. "OMG?" narining kong nasabi niya sabay irap sa 'min.

Si Jasper, dama ko pa rin ang galit niya sa 'kin. Tiningnan niya lang ako at naupo siya sa upuan sa mesa. Pailing-iling pa siya na parang tama ang iniisip niya – kung ano man yun?

Si Cristy, blank expression lang. Nakatingin lang siya sa kung saan. Haist! Di naman green ang wall ni Nicole pero parang nasa green zoned silang lahat?

Tumayo ako para magpaliwanag. Na di ko naman dapat gawin. "Look, guys. Wala kaming ginawa. Wag kayong mag-isip nang kung ano. We're too young for that, okay?" Sabi ko. Pero parang di nila ako narinig. Uso ba na di ako pakinggan? Di nila ako inintindi na para lang akong hangin na dumaan. Baka naman kasi ako lang ang nag-iisip na may iniisip sila? Ang guilty lang tuloy ng dating ko.

Lumapit sa 'min si Edward at hinila niya ako palayo sa lahat. "Bro, ginawa niyo rito? Di ba sabi ko walang gagawa nang kalokohan dito?" pabulong na sita niya sa 'kin. At talaga ngang di ako pinakinggan. At may iniisip talaga sila!

"Wag ka ngang green!" pabulong na saway ko at siniko ko siya. "Wala kaming ginawa. Nabasa lang kami ng ulan. Yun lang. Kaya nagbihis kami!"

"Sure ka?"

"Haist! Wag ka nga!"

Pasimple niyang sinulyapan si Chelsa. "Teka, damit ko ba yung suot niya?"

"Oo. Pero sabi ko damit ko. Baka kasi mahiyang isuot 'pag sinabi kong sa 'yo."

"Tsk, tsk, tsk." Haist! Yan yung nakakairitang expression nila. "Damit ko rin yang suot mo, hah?"

"Wala na pala kasi akong damit na available rito. Nagamit ko na ata lahat?" Medyo nahiya ako dun, ah.

"Tsk, tsk, tsk." Nagpahabol pa bago ako iniwan.

Tinuloy namin ni Chelsa ang pagkain habang nakatalukbong pa rin ng kumot. Nakaupo pa rin kami sa sahig sa tabi ng kama. Habang ang tropa nasa mesa at nagpu-food trip. May pizza, burger, french fries, mga chips at soft drinks. Na usual na kinakain namin kapag magkakasama kami. Napapatingin ako sa kanila. Ang saya ng usapan nila. Pasimple akong napapangiti kapag naririnig ko ang tuksuhan at tawanan nila. Nakaka-miss din. Ang tagal ko nang di sila nakakasama.

Iniisip kong lapitan na sila at makipag-ayos na habang kompleto kami rito. Kaso sumusundot din ang pride ko. Piling ko kasi wala naman talaga akong ginawang masama at sila dapat ang lumapit sa 'kin. Pero okay na sigurong hayaan na lang na ganito muna. Hindi lang naman kasi simpleng tampuhan lang ang namagitan sa 'min, di tulad ng mga nakaraan na simpleng tapik lang ayos na. Hintayin na lang siguro ang araw na magigising kaming pinagtatawanan na lang ang away namin ng tropa. For sure, magkakaayos din kami.

Napansin ko na parang ang lalim nang iniisip ni Chelsa. "Ayos ka lang?" tanong ko. Ngumiti lang siya at hinawakan ang kamay ko.

"Ikaw ayos ka lang?" balik na tanong niya sa 'kin. Siguro napansin niya rin na may iniisip ako?

"Basta hawak mo ang kamay ko, maayos ako." Matamis na ngiting sagot ko.

Walang namagitang pansinan sa 'min ng tropa. Hanggang dumating na si manong Billy, ang driver ko. Lumabas kami ng pinto ni Chelsa na parang wala kami roon. Si Edward tinanguan kami ni Chelsa bago kami lumabas ng pinto.

Medyo madilim na. Pero parang wala sa mukha ni Chelsa ang pag-aalala kung papagalitan siya sa kanila?

"Sure kang dito ang bahay n'yo?" tanong ko kay Chelsa nang ipara niya ang kotse sa tapat ng gate ng isang subdivision.

"Oo. Bakit?" gulat na tanong niya naman. Bumaba siya at sinundan ko siya.

"Dito ka lang pala nakatira. May ninang kasi akong dito rin nakatira. Duktor siya at president siya ng homeowners' dito. Siguro kilala mo siya? Dr. Sanchez, may kilala ka?" Tuwang-tuwang pahayag ko nang sundan ko siya pababa. Yung ninang kong makulit na duktora ang tinutukoy ko. Yung mahilig sa pagong.

"W-Wala." Sagot niya. "Bakit?" tanong niya ng mapangiti ako.

"Wala." Sagot ko. May bigla kasi akong naalala. Nung araw nang magpa-checkup ako kay ninang dahil sa kakaibang nararamdaman ko mula nang magkrus ang landas namin ni Chelsa. Para akong tanga nun na pinakonsulta ang hirap ko nang paghinga at malfunction ng tibok ng puso ko sa sobrang bilis. Yun pala in love lang ako. Na-recall ko pa yung advice sa 'kin ni ninang na dapat isa lang ang laman ng puso't isipan para di ako mahirapan. Tama nga siya. Dahil nang masiguro kong si Chelsa lang ang laman ng puso at isip ko, maayos na ako. Kung mag-system malfunction man ako, malfunction na napapangiti ako dahil sa happiness na nararamdaman ko.

"Sige, na. Umuwi na kayo." Sabi niya.

"Sure kang di ka magpapahatid hanggang sa bahay n'yo? Madilim na kaya."

"Maglalakad na lang ako. Malapit na rito ang bahay namin. Sige na, baka makaharang pa kayo sa dadaan na sasakyan."

"Sure ka talaga?"

"Ang kulit." Ngiti niya at tinulak niya ako papasok sa kotse.

"Pasok ka na sa gate." Sabi ko.

"Hintayin ko nang makaalis kayo." Sabi naman niya.

"Walang kiss?" lambing ko. Humalik lang siya sa palad niya at dinampi sa labi ko.

"Bye." Matamis niyang ngiti.

"Pwede dumalaw sa inyo? Para makilala ko na parents mo at ate mo."

"Next time na lang. Di ba sabi ko, di pa pumapayag si mama na mag-boyfriend ako." May lungkot na sabi niya. "Kulit mo talaga." Sinamaan niya ako nang tingin. At ngayon ako na ang makulit? Samantalang kanina kung hila-hilahin niya ako wagas. "Sa Monday na lang. Bye, Nate."

"Okay, see you on Monday." Ngiti ko. Hay, napakasaya ko lang. Ngayon ko lang talaga naramdaman 'to.

Tinatanaw ko pa siya habang paalis na kami. She waved goodbye, hanggang sa lumiko ang kotse at mawala na siya sa paningin ko. Pero ba't ganun yung pagkakasabi niya ng 'bye, Nate'? Ba't parang iba yung dating sa 'kin. Napansin ko yung lungkot sa mga mata niya. Parang hindi lang simpleng 'goodbye'? Parang tuluyan nang pamamaalam.

"Sandali!" pinahinto ko ang kotse at bumaba ako. Tinakbo ko ang palikong daan habang sapo ko ang dibdib ko dahil sa bilis ng tibok nito at bumagal ang paghinga ko. Natanaw ko ang entrance gate ng subdivision, wala na si Chelsa.

"Bakit, sir?" tanong ni manong Billy.

"Wala po. Tayo na." sagot ko hawak pa rin ang dibdib ko.

What is love? Nakaka-paranoid! Ba't ba kasi ganun ang mga kinikilos niya? Ang nakakainis pa sa pakiramdam ko, minsan nagkakatotoo.