webnovel

The Girl From Nowhere (tagalog)

tagalog story / fantasy it makes you believe that forever doesn't really exist.

xiunoxki · Fantasie
Zu wenig Bewertungen
57 Chs

Chapter 47

DINALA SI CRISTY ni Kristan sa tambayan ng grupo nito sa bakanteng classroom na naging tambakan na ng mga sirang upuan ng school.

"Ito ba ang tambayan n'yo?" tanong ni Cristy at bumitaw siya sa pagkakahawak ni Kristan sa kamay niya.

"Oo." Matipid na sagot ng binata na lihim na ikinatutuwa ang sitwasyon nila ngayon.

"In fairness. Bodegang-bodega." Biro niya.

Napangiti si Kristan. "Maupo ka." alok nito at pinunasan ng kamay ang upuan. Naupo siya at tumabi ito sa kanya. "Long time no see, hah?"

"Oo nga, eh. Kumusta ka?"

Tinitigan siya ng binata bago ito sumagot. "Ito, mahal ka pa rin."

Napangiti si Cristy sa sagot nito. "Bakit ba ginagawa mo pa 'to?"

"Kailangan pa bang itanong? Ikaw nga dyan, eh."

"Ewan ko sa'yo!" napangiti lang siya. Alam niya ang ibig sabihin ni Kristan. "Pero salamat. Kanina kasi di ko alam kung anong gagawin ko. Buti nandun ka at inalayo mo ako."

"Kung papayag ka nga, mas ilalayo pa kita." Seryosong pahayag ng binatang handang isugal ang lahat para sa kanya.

"Tumigil ka nga!" ngumiti lang siya. "At hubarin mo na nga yan! Hindi sa 'yo yan!" hila niya sa suot nitong damit.

"Uy! Easy! Gusto mo lang atang makita ulit ang katawan ko. Eh?"

"Hoy! Ang kapal mo! Hindi nga sa 'yo yan!" tawa niya.

"Kung hindi akin 'to, ba't suot ko?"

"Ewan sa 'yo! May CriNate kaya sa likod n'yan."

"Buburain ko. Papalitan ko yung 'Nate' ng 'Kri' para 'CriKri'. Bagay 'no?"

"Yuck! Baduy much! Bahala ka nga!"

"So, couple na tayo?" pilyong tanong ni Kristan.

"Tigilang mo ako, Kristan! Bakit tayo naging couple?"

"Sabi mo, bahala ako. At naka-couple shirts tayo, kaya tayo na!"

"Ewan ko sa 'yo, Kristan! Dami mong alam!" tinawanan niya ito.

"Ikaw nga dyan, eh. Dami mong alam, mahalin lang ako ang hindi."

Muli lang siyang natawa. "Ang korni mo. Narinig ko na yan sa kung saan."

"Ano naman? At least napapatawa kita." Nakangiting sambit ni Kristan. "Tagal na nating di nag-usap nang ganito, hah?"

"Oo nga, eh." Napatitig si Cristy sa binata. Ngayon niya na lang ulit napagmasdan ang gwapo nitong mukha. Napansin niyang nag-matured na ang hitsura nito.

"Bakit?" tanong nito nang mapuna ang pagtahimik at pagtitig niya.

"Wala." Matipid na sagot niya.

Saglit din natahimik ang binata bago ito muling nagsalita. "Ano bang nangyari sa 'tin nun?" naging seryoso ang tono nito.

Muli niyang pinagmasdan si Kristan bago siya sumagot. "Ewan? Nakalimutan ko na lang." ibinaling ni Cristy ang tingin sa harapan. "At kahit masagot pa natin kung anong nangyari sa 'ting dalawa nun, wala na rin naman magbabago."

"Tama ka, wala nang magbabago." Sagot ng binata, sa harap din ito nakatingin. "Pero, pwedeng may magbalik." Nakangiting dagdag nito at ibinaling ang mga mata kay Cristy.

Napangiti rin siya at nilingon din si Kristan. "Sumisimple?" napabuntong-hininga siya. "Hindi ka ba nagsasawa sa'kin?" seryosong tanong niya.

"Hindi ko alam?" pinindot ng binata ang ilong niya. Na madalas nitong gawin nung sila pa two years ago. Rumihistro sa alaala niya ang mga moments na yun na nagpangiti sa kanya. "Minsan nga pinipilit ko na ang sarili kong masawa. Pero hindi pa rin. Siguro may pinakain ka sa 'kin nun, kaya ganito ako kahumaling sa 'yo?"

"Hoy, excuse me, hah!" Napangiti lang si Cristy sa biro ni Kristan. "Pero hanggang kailan?" tanong niya.

Hindi ito agad nakasagot. "Hangga't… mahal kita." Sagot ni Kristan na nagpabilis nang tibok ng puso niya. Naramdaman niya ang labis na pagmamahal nito. Pero di niya pa rin talaga alam kung masusuklian niya ba ang pagmamahal na yun.

Inihilig ni Cristy ang ulo niya sa balikat ni Kristan. "Hihintayin mo ba ako? Handa ka bang maghintay kahit walang kasiguruhan?" naluluhang tanong niya na di niya alam kung bakit niya dapat maramdaman ang emosyon na yun.

Hinawakan ni Kristan ang kamay niya. "Kung magpapahintay ka ba, eh?" sagot nito.

What is love? Well, true loves wait.

~~~

NAG-RING ANG BELL para sa lunch break. Agad nagtayuan ang lahat at ang mga naka-couple shirts ay excited para sa kanilang mini date. At isa na sa pinaka-excited ay sina Nate at Chelsa, na bigla na lang nawala sa upuan nila.

Sa roof top pumunta ang dalawa bitbit ang kanya-kanya nilang baon. Pero na-disappoint sila nang makitang may mga ibang estudyanteng naroon. Pagbukas nila ng pinto, napatingin sa kanila yung mga estudyanteng mga naka-couple shirts din. Nagulat ang mga ito at natigilan sa pagkain. Agad hinila ni Chelsa si Nate pabalik at isinara niya ang pinto. Nagmistulang picnic area ang roof top. Di ata sila na informed na kasama sa activity for couple shirts' day na gawing lunch area ang roof top, may itinayong malapad na tent para magsilbing bubong.

"Mukhang hindi lang tayo ang nakaisip nito, hah? Buong school ata?" nakangiting sabi ni Chelsa.

Di naman maipinta ang mukha ni Nate na salubong na ang kilay. "Tambayan kaya ng tropa namin 'to! Papaalisin ko sila." Inis na sabi nito. Kagabi pa kasi, nai-imagine na ni Nate ang napag-usapan nila ni Chelsa na lunch date sa roof top. May dala pa silang mat para sapin sa sahig sa bandang lilim sa gilid ng lugar.

"Wag na. Hayaan na natin sila." Saad ni Chelsa at hinila niya pababa ng hagdan si Ntae. "May alam akong lugar. Mas okay dun." Nakangiting suwestyon niya.

~~~

"TSK, TSK, TSK." Sabay-sabay na pabirong patama nina Edward, Kyle, Karl at Zab kina Jasper at Lhyn na may tampuhan pa rin habang naglalakad sila papuntang canteen.

Si Cristy, pasimpleng natatawa na suot pa rin ang couple shirts na pinatakpan ang 'CriNate' na nakasulat sa likod. Suggestion yun ni Kristan na pinanindigan na ang di paghubad ng damit na para sana kay Nate. Pinatakpan nila iyon sa booth na nagbebenta ng couple shirts at pwede rin magpa-print sa damit. Gusto sana ni Kristan palitan yung 'Nate' ng 'Kri' pero di pumayag si Cristy. Kaya pinatakpan na lang nila yun.

"Si Cristy, kahit single naka-couple shirts." Si Kyle.

"Tayong tatlo naka-couple shirts." Si Karl sabay turo kina Kyle at Zab.

"Ako, naka-couple shirts." Si Edward at inayos-ayos pa ang suot niyang damit.

"Yung iba d'yan?" sabay-sabay na pabirong sabi nina Cristy, Edward, Kyle, Karl at Zab na parinig kina Jasper at Lhyn na naka-uniform pa rin. At sabay tawanan ang mga ito. Na lalo naman ikinalukot ng mukha nung dalawa LQ.

Umakbay si Zab kay Jasper. "At bakit ka may bag, bro?" tanong nito.

"Mauna na nga kayo!" inis na sabi ni Jasper at itinulak si Zab. Na pinagtawanan lang ng mga kaibigan at nauna nang naglakad ang mga ito. "Lhyn, sandali!" tawag niya kay Lhyn nang sumabay ito sa mga katropa nilang maglakad.

"Nice, bro!" sigaw pa ng apat. Si Cristy, tawa lang nang tawa.

Huminto si Lhyn. "Bakit?" mataray na tanong nito nang makalayo na ang tropa nila at nag-crossed arms pa. Nakanguso pa itong tiningnan siya mula ulo hanggang paa.

Kinuha ni Jasper ang kanyang bag sa likod niya at binuksan ang zipper nito. May kukunin sana siya ngunit may biglang tumawag kay Lhyn kaya napatigil siya sa ginagawa.

"Lhyn!" tawag ni Awin at tumatakbo ito palapit sa kanila na ikinainis ni Jasper. May hawak itong kulay pink na damit sa kamay na ikinaasim ng mukha niya nang mapansin niya ito.

Anong gagawin ng mokong na 'to? Ngitngit niya sa isip niya.

"Hi, Awin!" matamis na bati ni Lhyn sa lumapit na binata.

Aba! Kumakaringking ka, hah! Lalong umasim ang mukha ni Jasper at lamalangitngit na ang kanyang mga ngipin sa galit. Sarkastiko siyang ngumiti at humarap kay Awin. "Anong kailangan mo?" tanong niya kay Awin na di bumubuka ang bibig niya.

"May singaw ka, pre?" kunot-noong tanong ni Awin sa kanya. Pinandilatan niya lang ito ng mata at maging si Lhyn nang makita niya ang pagpigil nito ng tawa. "Ah, pre, excuse me lang. Pero kay Lhyn lang ako may kailangan." Ngiti nito sa kanya. Na kung mga anime character sila umusok na ang ilong ni Jasper at nagkulay pula na siya sa galit.

"Anong kailangan mo sa 'kin?" pa-sweet ni Lhyn. Yung tipong akala mo may braces ang ngipin kung magsalita na wala naman. Na sinasadya nito para lalong asarin siya. Na effective naman at lalo itong kinaasar ni Jasper. Pinandilatan niya ang nobya ng mga mata.

Inalis ni Awin isa-isa ang pagkakabutones ng suot na polo at ipinakita ang t-shirt na suot sa loob ng polo. Kulay pink na may print na 'i like(like signed) Lhyn forever'. "For you, mine." Ipinakita ng binata ang hawak na pink shirt na may print na 'i like(like signed) Awin forever'. Alam na ni Awin na sina Jasper at Lhyn na pero nag-effort pa rin ito na gumawa ng couple shirts para sa kanila ni Lhyn.

Hindi naman malamam ni Lhyn kung ano ang gagawin sa alok na damit ng binata? Pinasadahan nito nang tingin ang dalawang gwapong binata sa kanyang harapan.

"Aaaaah!" biglang sigaw ni Jasper na kinagulat ng dalawa at napatingin ang mga ito sa kanya. "Mine?" parang magta-transform na siya sa pagiging Hulk Sa tanong niya kay Awin. May pang-iinsultong nginitian lang siya nito at tinaas-taasan pa siya ng kilay.

Naghubad si Jasper ng polo at patapon itong binitawan sa sahig. Tumambab sa dalawa ang suot niyang indigo t-shirt na may print na 'tatay' na puso ang nasa butas ng letters na 'a'. At pinakita niya kay Lhyn ang damit na kinuha niya sa bag na kulay pink at may print na 'nanay' at puso din ang nasa butas ng mga letters na 'a'.

"Nanay? Ako?" di makapaniwalang tanong ni Lhyn.

"Oo. Dahil mukha ka nang nanay." Sagot ni Jasper.

"Gusto mong sampalin kita, Jasper?" inis na sambit ng dalaga. Pasimple naman natawa si Awin.

"Nanay ng mga magiging anak ko sa future." Mata sa matang sabi niya sa nobya. Intense kung intenese ang mga titig niya.

"Nanay, agad?" sigaw ng dalaga.

"Bakit ayaw mo?" tanong niya at inabot niya ang damit kay Lhyn. Napanguso lang ito, pero halos maapakan na ang sariling buhok sa lupa. Kinuha nito ang damit sa kamay ng nobyo. Napangiti si Jasper at hinawakan ang kamay ni Lhyn. "Dude, sensya na. Taken na ang like mo." aniya kay Awin nang lingunin niya ito. "Thanks, na lang sa couple shirts at meron na kami." Tinaas-taasan niya rin ito ng kilay tulad ng ginawa nito sa kanya at humakbang siya hila si Lhyn palayo.

Pinagmasdan lang sila ni Awin. Bakas sa mukha nito ang pagkabigo.

Tumigil si Jasper at muling nilingun ang naiwang binata. "And one more thing, dude, walang forever. Wala talaga." Smirked niya at pailing-iling pa siya. "Adios!" paalam niya kay Awin at nag-salute pa siya ng goodbye bago sila tuluyang umalis ni Lhyn.

"Sorry, Awin." Mahinang nasambit ni Lhyn.

Napayuko na lang si Awin at nabitawan ang hawak na damit.

Bumalik si Jasper at pinulot ang polo niya sa sahig. "Sayang 'to." Aniya at patakbo niyang sinundan si Lhyn. Tinanaw na lamang sila muli ni Awin nang malungkot nitong mga mata at pinilit iguhit ang ngiti sa labi.

What is love? Love is selfless. Tinanggap na lang ni Awin na taken na ang babaeng gusto niya. Well, ang tunay na lalaki, kayang tanggapin ang kanyang pagkatalo. May love na dapat ipaglaban at may love na dapat alam mo kung kailan dapat ihinto na.

~~~

MAGKA-HOLDING HANDS NA dumating sa canteen sina Jasper at Lhyn suot ang couple shirts nila. Palakpakan na may kasamang sigawan ang tropa nila. May ilang nakipalakpan at nakisigaw din, at halos lahat nakangiting tiningnan sila.

Sa pinakadulo ng canteen magkakasamang kumakain sina Kristan, Arvin at Melcho. Si Kristan, mula nang maghiwalay sila ni Cristy kanina di na naalis ang ngiti sa labi. Kaya naman yung dalawa panay tinginan na lang dahil di alam kung anong nangyayari at ba't suot pa rin nito ang damit na galing kay Cristy. Sina Carly at Evy kanina pa nila hinahanap pero umalis na ang mga ito at naisip mag-bonding para i-celebrate ang friendship nila.

"Patay na nito si pareng Awin. Mukhang nagkatuluyan na yung dalawa?" si Melcho na ang tinutukoy ay sina Jasper at Lhyn.

"Ang dami kasing babaeng available dyan. Ba't ang gusto nila yung complicated pa?" si Arvin.

"Para daw may challenge. At mahal daw nila, 'tol."

"Mahal-mahal. Tingnan mong isang 'to, nabaliw na sa pagmamahal. Kanina pa yan." Itinuro ni Arvin si Kristan.

"Nakasinghot ng pag-asa, 'tol!" natatawang saad ni Melcho. Di rin mapigilan ni Arvin matawa.

"Wala yan. Sa huli iiyak din yan!" lalong lumakas pa ang tawanan ng dalawa sa sinabi ni Arvin.

"Mga gago kayo, hah! Wag n'yong sirain ang mood ko. Wag n'yong itulad sa nangyari sa lovelife n'yo ang akin. Makakatikim kayo! Kung pag-usapan n'yo akong dalawa parang wala ako sa harapan n'yo, ah!" banta ni Kristan sa mga ito pinagtawan lang ng dalawa.

Napalingon silang tatlo nang makita si Awin. Lupaypay itong naglalakad palapit sa kanila at pabagsak itong naupo sa tabi nila. Nakabukas na polo lang ang suot nito. Dahil itinapon na nito sa basurahan ang couple shirts nila dapat ni Lhyn.

"Wala ba talagang forever, mga 'tol?" tulalang tanong nito. Nagkatinginan ang tatlo.

"Meron." Sagot ni Melcho. "Si pareng Kristan, forever nang tanga sa pag-ibig yan. Ikaw ganun din."

"Tama!" pagsang-ayon ni Arvin at nag-apir pa ang dalawa. Bigla naman tumahimik ang mga ito nang tingnan sila ng masama ng dalawang iniinsulto nila.

"Ano nang gagawin ko? Talo na ako." muling tanong ni Awin.

"Tol, walang masamang matalo sa laban. Ang importante kung pa'no ka babangon mula sa pagkatalo mo." seryosong sagot ni Kristan.

"Wala rin naman sigurong masamang sumuko, kung alam mo nang wala nang pag-asang manalo, tama?" Tumango si Kristan sa sinabi ni Awin.

Biglang tumayo sina Arvin at Melcho. Kunot-noo ang mga ito. "Kayo ba talaga ang parekoy namin?!" pasigaw na tanong ng mga ito sa dalawa. Nagiging madrama na kasi sina Kristan at Awin, at di sanay ang mga ito sa pinagsasabi nila.

May point naman yung dalawang nagdadrama. Hay, ang nagagawa nga naman ng pag-ibig. What is love? Kaya kang baguhin nito. Nasa iyo na lang kung magiging mabuti ka o masama para rito. Para ka ring nagpaopera kapag nagmahal ka, either makabuti ito sa 'yo o makasama.