I GRABBED HER hands at hinila ko siya paharap sa 'kin. Hinawakan ko ang makinis niyang mukha at bahagya ko siyang pinatingala. Shit! I was hypnotized! Mahahalikan ko na talaga 'to. Huminto ang oras nang matitigan ko ang mapupungay niyang mga mata. Napakagat-labi ako nang matingnan ko ang mapupulang labi niya. At dahan-dahang tinunton ng labi ko ang labi niya.
"Nate," mahinang usal niya.
"Ssshh…" that's it, and I kissed her. Napapikit ako. I tasted her lips. Lasang love, may pait, anghang at tamis. Or should I say, lasa ng iba't ibang kinain niya. Pagdilat ko, nakita kong nakapikit pa rin siya nang maghiwalay na ang aming mga labi. Nilapat ko ang noo ko sa noo niya. "I love you." bulong ko at parang naghahabol ako ng hininga sa bilis nang tibok ng puso ko.
"I love you too, Nate," makahulugang sagot niya.
"Natakot ka ba?" nakangiting tanong ko.
"Hindi, ah. Kinilig kaya ako." Natatawang sagot niya. At natawa naman din ako dun. Babaeng 'to talaga! At nag-nose to nose kami. Hay, sobrang saya ko lang. Naramdaman ko ang pagyakap niya sa batok ko. We're in that position ng biglang…
"What the f*ck!" sigaw ni Cristy mula sa likod ko kasabay nang pagbukas ng pinto.
Syempre we're shocked. Ang awkward kaya. Paglingon namin nakita namin sina Cristy at Kristan. At mas shocked sila. At ba't sila nandito? At ba't silang dalawa na naman?
"Malandi ka!" sigaw muli ni Cristy. Kay Chelsa siya nakatingin. Sinugod niya si Chelsa.
Sinabunutan ni Cristy si Chelsa. Lumaban naman si Chelsa pero puro pagdepensa lang sa sarili ang ginawa niya. Mabilis naman akong umawat at naitulak ko si Cristy. Napaupo ito sa sahig nang pasubsob. Napalakas ata ang pagkakatulak ko?
"Okay ka lang?" pag-aalala ko kay Chelsa. Tumango lang siya at niyakap ko siya. Narinig ko na lang ang pasigaw na iyak ni Cristy.
"Nate! How dare you?!" si Cristy. Nakita ko ang pagdugo ng tuhod niya. Nasugatan siya sa pagkakatulak ko sa kanya sa pagtama ng tuhod niya sa sahig.
Nanghina ako sa nagawa ko. Iniwan ko si Chelsa at nilapitan ko si Cristy. Pero bago ko pa siya matulungan, tinulak ako ni Kristan at isang malakas na suntok sa mukha ang natanggap ko. Nalasahan ko ang dugo sa bibig ko. Gusto kong gumanti, pero natigilan ako nang makita ko ang labis na pag-aalala ni Kristan kay Cristy. Ginanti niya lang si Cristy sa ginawa ko. I deserved it, kaya tatanggapin ko na lang.
"Makakatayo ka?" pag-aalala ni Kristan kay Cristy nang alalayan niya itong makatayo.
"Wala 'to kumpara sa sakit na nararamdaman ko sa puso ko!" iyak na sagot ni Cristy at sa 'kin pa rin siya nakatingin. Napansin ko naman ang pag-iba ng mukha ni Kristan. Nakita kong mahal na mahal talaga niya si Cristy. At alam kong ang paglapit nito kay Chelsa ay palabas lang. Ewan ko kung plano nilang dalawa yun? Pero sana, maramdaman ni Cristy ang pagmamahal na yun ni Kristan. I want her to be happy. Tulad nang sayang nararamdaman ko ngayon sa piling ni Chelsa.
"I'm sorry. I'm really sorry, Cristy." Ako. Ewan ko kung anong tamang salitang ibibigay ko sa kanya para mapatawad niya ako sa mga nagawa ko?
"F*ck your sorry, Nate!" sagot sa 'kin ni Cristy. Linapitan niya ako. "Yan ka na naman sa sorry mo! Ang unfair mo! Ang daya-daya mo! Ganun na lang ba yun? Basta na lang nagising ka isang araw na di mo na ako mahal? Tapos iiwan mo ako sa ere? Pa'no naman ako? Pa'no naman ang nararamdaman ko? Basta-basta mo na lang akong iniwan! Mahal na mahal pa rin kita! Ang sakit-sakit, Nate!" ramdam ko ang galit niya sa mga sinabi niya habang sinusuntok-suntok niya ako sa dibdib. "Bigla mo na lang akong pinagpalit sa malanding babaeng yan!" itinuro niya si Chelsa.
"Pero wala siyang kasalanan." Mahinang sabi ko.
"Masisisi mo ba ako? Masisisi mo ba ako kung magalit ako sa kanya?"
"Sorry," tanging naging sagot ko. Isa muling sorry. Ni di ko rin matingnan sa likod ko si Chelsa. Ako talaga ang may kasalanan sa lahat nang 'to. Alam kong nasasaktan din siya. Nagmumukha siyang masamang tao sa mga naririnig niya.
"Sorry na naman? Nate, please! Comeback to me!" sigaw ni Cristy at lalo pang dumaloy ang mga luha niya sa mga mata.
"Cristy, enough. Let's go. Don't do this to yourself. Please, wag kang magmakaawa sa kanya." Malumanay na sambit ni Kristan at pilit niyang hinihila si Cristy. Naramdaman ko ang pagmamakaawa niya wala man siyang sabihin. Makikita iyon sa kilos niya. Ang pagpigil niya kay Cristy na magmakaawa sa 'kin, yun ang eksaktong ginagawa niya ngayon kay Cristy. And his about to cry.
"Pwede ba, wag kang makialam. Labas ka sa usapang 'to!" sagot ni Cristy at inalis niya ang pagkakahawak sa kanya ni Kristan.
Napakuyom ng kamao si Kristan. "Ganun na lang ba talaga ako para sa 'yo, Cristy? Labas na lang? Alam ko kung anong nararamdaman mo. Alam ko kung gaano kasakit! Kaya ayaw kong makita kang ganyan!"
"Ano bang alam mo sa nararamdaman ko?!" galit na hinarap ni Cristy si Kristan.
"For the past two years, ganyan ako sa 'yo. Pinagpipilitan ko ang sarili ko. Nagpapakatanga ako! Nagpapakagago! Dahil mahal na mahal kita! Ginawa ko ang mga pinag-uutos mo, kahit ayaw ko. Dahil mahal kita… Cristy, di ba pwedeng tayo na lang? Ikaw na lang at ako? Ako na lang ang mahalin mo, please." At tuluyan nang pumatak ang mga luha ni Kristan. "Ayaw na sa 'yo ng gagong yan!" Itinuro niya ako na puno ng hinagpis. "Ako? Hindi kita aayawan." Niyakap niya si Cristy.
Cristy just cried. "I'm sorry." Mahinang sabi niya at kumawala siya sa pagkakayakap ni Kristan. Napayuko na lang si Kristan. Nagkatitigan kami ni Cristy. Nahiling ko na sana, mabaling na lang kay Kristan ang pagmamahal niya para sa 'kin.
Wala akong idea kung gaano ba kasakit ang ipagpilitan ang sarili mo sa taong mahal mo na ayaw sa 'yo. Matatanong mo siguro talaga, kung sa mahal ko o sa mahal ako? Siguro talagang napakasakit nun? Lalo pa't may mahal nang iba ang taong mahal mo. Nararamdaman ko yun sa mga luha nila. Dahil mas pinili nila ang taong mahal nila, na may mahal nang iba. Kailangan ba talagang masakatan kapag nagmamahal? Sana di ko maramdaman ang sakit na yun. What is love? Too complicated! Too painful!
"Nate!" narinig kong mahinang pagtawag sa 'kin ni Chelsa mula sa likod ko. In distress ang boses niya. Nag-flashback sa pakiramdam ko ang pakiramdam sa panaginip ko kanina. Kinabahan ako. At nang lingunin ko siya nakita ko ang pagdurugo ng ilong niya at ang pabagsak niyang katawan. Awtomatikong kumilos ang katawan ko para saluhin siya. Naghabol ako ng hininga sa sobrang takot ko, buti't nasalo ko siya.
"Hey? Chelsa? Chelsa?" rumagasa ang kaba sa dibdib ko. Nawalan na siya ng malay. Chineck ko pulso niya sa leeg at ang air way niya. Hinimatay lang siya. Pero sobra talaga ang takot ko. "Tulungan n'yo kami! Please, tulungan n'yo kami!" sigaw ko kina Kristan at Cristy na kitang-kita sa mga mukha ang pagkabigla.
Lumapit silang dalawa. Si Cristy napatakip na lang ng bibig sa nakita. "Oh my God! Anong gagawin ko? What happened to her? Is she alive?" hysterical siya. Naramdaman ko ang pag-aalala niya.
"Cristy, pumunta ka ng clinic. Humingi ka ng tulong. Mag-abang kayo ng stretcher sa baba ng hagdan." Si Kristan. Umiral ang pagiging lider niya. Nakita ko rin sa kanya ang pag-aalala.
"Okay!" si Cristy at tumakbo na siya pababa ng hagdan.
"Ano pang hinihintay mo, Nate? Buhatin mo siya sa likod mo at aalalayan kita pababa!" utos sa 'kin ni Kristan.
"O-Oo!" ako, na talagang di ko alam ang gagawin. Pangalawang beses na 'to at doble ngayon ang takot ko. Dahil na rin siguro sa napanaginipan ko. Tumango-tango na lang ako at binuhat ko si Chelsa sa likod ko.
Sobra talaga ang takot ko habang binabagtas ko ang daan papuntang clinic. Pinagpapawisan na ako ng malamig. Halos di ko na maramdaman ang pag-apak ng mga paa ko sa semento habang pababa kami. Pagkababa nang hagdan, sumalubong na ang stretcher kasama ang school nurse. Para kaming tumatakbo papuntang operating room sa isang ospital. Oo, ang OA lang. Pero nag-aalala talaga ako sa kalagayan ni Chelsa. Dahil di naman siguro normal yung ganun? Lalo pa't di lang isang beses yun. At pa'no kung nangyari na rin sa kanya yun sa iba pang pagkakataon? At ang nakakainis lang ang daming bystanders, syempre mga schoolmate namin yun. Ewan, pero piling ko natutuwa pa sila?
Kung ano-ano nang naiisip ko. Baka may sakit siya? Baka malala? O baka may nakain lang na di gusto ng katawan niya? O nasobrahan sa pagkain? O sobra siyang natakot kanina sa nangyari? O sobrang in love niya lang sa 'kin tulad ng sinabi niya nung una siyang mahimatay? Haist! Pambihira! Toxic ba yung halik ko? O masyado lang siyang kinilig dun? Ugh! Kalokohan na 'tong pinag-iisip ko!
"Iyakin!" parinig sa 'kin ni Kristan habang nakatayo kami sa tapat ni Chelsa na mahimbig ang tulog. Mapang-asar talaga ang kumag na 'to!
Nagkamalay na si Chelsa kanina. At sabi ng school doctor, okay naman siya at wala namang nakitang problema. Natutulog siya ngayon, kailangan niya ng pahinga. Kahit papaano nawala na ang labis na takot sa dibdib ko.
"Nagsalita!" nakangising parinig ko rin.
"Gago!" sagot ni Kristan at tiningnan ako nang masama. Napangiti ako. So, back to war zone na kami?
Inalok ko sa kanya ang hawak kong Betadine at cotton balls para sa sugat ni Cristy na nakaupo sa likuran namin. Kanina pa tahimik si Cristy na para bang kay lalim ng iniisip. Ni di siya naasikaso dahil sa labis na pag-aalala ng lahat kay Chelsa.
"Siguradong mas gusto niyang ikaw ang gumawa nun." Blangkong mukhang tugon sa 'kin ni Kristan.
"Sure ka?" tanong ko. Kanina ko pa kasi napapansin na gusto na niyang lapitan si Cristy. Ngumiti siya at tumango. Pero napansin ko talaga ang lungkot sa mga mata niya.
"Gamutin natin sugat mo." ani ko kay Cristy nang lapitan ko siya at maupo ako sa tabi niya. Tiningnan niya lang ako at muling pumatak ang luha niya sa mga mata. "Tahan na. Okay na." pinunas ko ang luha niya sa mukha. Tumango siya at sinimulan ko nang gamutin ang mga sugat niya. Pati pala sa kanang kamay niya may maliit na gasgas siya? Napuna kong nanginginig ang mga kamay niya. Natakot talaga siguro siya kanina?
"Hindi naman ako ang dahilan kung bakit siya nahimatay, di ba? Hindi naman ako ang may kasalanan, tama?" pag-aalala niya.
Ngumiti ako. "Wala kang kasalanan. Walang may kasalanan."
"Alam ko naman. Gusto ko lang marinig mula sa 'yo na di mo ako sinisisi sa nangyari." Iyak niya.
"Hindi ko gagawin yun. Tahan na." Pinadama ko sa kanya ang sincerity ko. At pinagpatuloy ko na ang paggamot sa mga sugat niya.
Biglang nagbukas ang pinto at napalingon kami sa pumasok. Sina Carly at Evy. Napansin ko rin ang ibang kagrupo nila na di na tumuloy sa loob. Nagsalubong pa ang malditang titigan nina Cristy at Carly, bago lumapit ang dalawa kay Kristan.
"Kumusta siya?" tanong ni Carly kay Kristan. Nakwento sa'kin ni Chelsa nang sabihan ko siyang lumayo sa grupo nina Kristan, na mabuting kaibigan sina Carly at Evy. At tama nga siya, dahil kita ko ang pag-aalala sa kanila.
"Okay na siya. Kailangan niyang magpahinga. Natutulog siya. Next time na lang natin siya kumustahin. May bantay na siya. Di na tayo kailangan dito." Sagot ni Kristan at naglakad siya palabas ng pinto.
"Pre, thank you." Sincere na pasasalamat ko kay Kristan bago siya makalabas ng pinto. He just smirked at middle finger ang ginanti niya sa pasasalamat ko. Napangisi na lang din ako. At bago siya tuluyang lumabas, napansin ko pa ang pahabol niyang pagsulyap kay Cristy. Nangungusap ang mga mata niya. Nandun pa rin ang pain. Pero si Cristy, iniwas lang ang tingin sa kanya.
Pinagmasdan saglit nina Carly at Evy si Chelsa bago sila sumunod palabas. At naglakad sila na parang walang ibang tao sa room.
~~~
> KRISTAN'S POV <
"ANO BA TALAGA ang nangyari? Ba't nahimatay na naman si Chelsa? May sakit ba siya? At si Cristy, ba't may sugat ang taong yun? At ba't kayo magkakasama? At ba't nag-thank you sa 'yo si Nate?" sunod-sunod na tanong ni Carly habang naglalakad kami ng buong grupo ko papuntang classroom namin. Wala ako sa mood na sagutin ang mga tanong niya.
"Carly, ayaw ko munang pag-usapan yun." Pagtanggi ko. Huminto ako. Nasa unahan akong naglalakad kaya napahinto din sila at hinarap ko sila. "Mga 'tol, gusto ko munang mapag-isa. Skip muna ako." Nasasaktan pa rin talaga kasi ako. At kapag siga ang nasaktan, naku!
"Sige, tol. Attendance ka na lang namin." Si Awin.
"Good luck, 'tol" si Arvin.
"Kaya mo yan." Si Melcho.
Naglakad na sila. Tinapik nila ako isa-isa sa balikat bilang pag-suporta sa kung anumang gumugulo sa isip ko. Di ko alam kong alam nila ang pinagdaraanan ko? Nag-assumed lang ako. Dahil siguro kailangan ko ng kaibigan sa problema kong 'to. Pero ayaw kong ipakita sa kanila ang kahinaan ko. Ang alam lang nila, tanga ako pagdating sa pag-ibig.
"Please, Carly." Sita ko kay Carly. Siya lang ang di kumilos at nanatiling nakatayo sa harapan ko. Nakatitig lang siya sa 'kin. Pero tinalikuran ko na lang siya at umakyat ako ng hagdan.
Pumasok ako sa bakanteng classroom na madalas tambayan ng barkada ko. Nagsisilbing pansamantalang tambakan ng mga sirang upuan ang kwarto. Nasa pinakadulo ito kaya tahimik at walang gaanong estudyanteng gumagawi dahil alam nilang teritoryo ito ng grupo namin.
Pagkapasok ko pabagsak kong isinara ang pinto. Sinipa ko ang isang upuan at naupo sa upuang walang arm chair. Itinumba ko pa ang upuan sa tabi ko. Pero ang gutso ko talaga, itapon sa labas ng bintana ang lahat ng upuan na nandito. Eh, kaso kapag ginawa ko naman yun, di naging sikat naman ako. Haist! Ang sakit kasi talaga!
"Si Cristy, di pa rin niya ako matanggap… Sa kabila ng lahat?" mahinang nasabi ko habang bumabalik sa alaala ko ang paghingi niya ng sorry kanina at pagkawala niya sa yakap ko. Napayuko na lang ako sa pagtulo ng luha ko at sinalo ko ng mga palad ko ang mukha ko. Pesteng pag-ibig 'to! Nasabi ko sa utak ko.
"Umiiyak ka?" medyo nagulat ako nang may biglang nagsalita. Pero di ako kumilos. Dahil alam ko kung sino yun. Si Carly, sinundan niya pa talaga ako? At di ko man lang naramdaman ang pagpasok niya?
Siguro dahil sa tindi nang sakit na nararamdaman ng puso ko, kaya wala na ang lakas ng pakiramdam ko? Sana tulad na lang ng pakiramdam ko ang puso ko. Para di ko na maramdaman ang sakit! Naku! Ang drama ko! Itong kahinaan kong 'to ang ayaw kong makita ng barkada ko.
"Napuwing lang ako, pagpasok ko rito." Sagot ko na di ko pa rin siya nililingon. Ganun pa rin ang posisyon ko nang maabutan niya ako. Sana tulad na lang ng puwing ang sakit na dulot ng pag-ibig. Para kapag inihipan mo, wala na.
"Alam mo namang handa lang akong makinig." Ramdam ko ang pagiging sincere ni Carly sa tinig niya. Naramdaman ko ang paglapat ng kamay niya sa kanang balikat ko. "Napakasakit naman, Kristan. Alam ko kasing nasasaktan ka dahil sa kanya." Di ko nakikita ang mukha niya, pero sa boses niya alam kong umiiyak siya.
Oo, nasasaktan ako. Napakasakit! At di ko na napigilang umiyak. Para akong batang inagawan ng laruan. Parang batang nawala sa gitna ng maraming tao. Umiyak ako sa harap ni Carly. Kailangan ko talaga ng kaibigang masasandalan. Kaibigang maiiyakan. Kaibigang lubos na naiintindihan kung ano ang nararamdaman ko. Pero sa ginagawa kong 'to nasasaktan ko siya. Dahil mahal niya ako. At umiiyak ako, dahil sa mahal ko.
Nakakatawa lang isipin, na ginagawa ko kay Carly ang ginagawa sa kkin ni Cristy – na ginagawa ni Nate kay Cristy. Nagmamahal kaming tatlo sa taong may mahal ng iba. Sana pwede ka na lang mahalin ng taong mahal mo. Kaso di pwede, dahil iba ang mahal niya. Woah! Drama! At ganito na nga masaktan at masawi ang siga, todo! Todo drama! What is love? It makes you weak!