Are you sure you will be okay here?" Tanong ni Andrew sa dalaga nang ihatid niya ito sa mansion nang lolo niya. Nasa labas sila nang gate hindi na pumasok ang binata dahil papaalis na rin sila para sa bagong misyon. Inihatid Siya nito kahit na dapat ay paalis na ito.
"I'll be okay. Mas inaalala ko sina Dahlia. Si Ramil lang ang kasama nila sa bahay." Wika nang dalaga.
"Don't worry. Nasa kulong na ang ama-amahan nila hindi rin iyon agad-agad na makakalabas. Isa pa. pinaigting ko ang seguridad sa compound matapos ang nangyari." Wika nang binata.
"That's a relief." Nakahinga nang maluwag na wika nang dalaga. Ilang saglit ang katahimikang namagitan sa kanila ni Andrew. Hindi kumibo ang binata bagkus ay nakatingin lang ito sa kanya nang derecho. "B-Bakit?" Nauutal na wika nang dalaga. Bigla siyang naconscious sa tingin nang binata sa kanya. Ngunit hindi nagsalita ang binata nakatingin parin ito nang derecho sa mukha niya bagay na lalo nag painit sa mukha niya at maging ang puso niya ay hindi rin mapalagay.
"Bakit ba nakatingin ka lang sa akin nang ganyan? May dumi ba sa mukha ko?" Wika nang dalaga saka napahawak sa mukha niya. Para na din makaiwas sa tingin nang binata.
"I was just thinking if it is really okay to leave you here. Narito ang Tita Melissa and Daniella. The last time I remember---" biglang naputol ang sasabihin ni Andrew nang biglang takpan nang dalaga ang bibig nang binata nang kamay nito.
"Sorry." Biglang wika ni Anica saka tinanggal ang kamay sa bibig nang binata. "I am not thinking of that anymore. Sapalagay ko naman hindi sila ganoon ka immature to go after me or to still treat me as before. And--- I think I can Defend myself well enough." Wika nang dalaga saka ngumiti. Iniisip niyang wala na sa poder nang mga ito ang mama niya kay hindi na niya pwedeng gawing rason iyon para hindi lumaban. Hindi rin naman niya gustong maging api-apihan sa mga ito.
"Defend yourself ha. Surely you know how to talk big." Wika nang binata saka inilagay sa ulo nang dalaga ang kamay niya. "If you say you can defend yourself, I think I can settle with that."
"You are talking like I am useless troublesome person." Wika nang dalaga saka tinanggal ang kamay nang binata sa ulo niya.
Oh Heart just calm down. Wika nang isip ni Anica habang parang nasa riot parin ang puso niya lalo na sa gesture ni Andrew sa kanya. Ilang beses na itong ginawa ni Andrew sa kanya pero tila hindi parin siya masanay-sanay. Kumakabog parin ang puso niya.
"Sure you are a troublesome person. Someone I can't take my eyes off." Wika nang binata saka tumingin ang derecho sa kanya. Dahil sa huling sinabi nito lalo namang wala ang tibok nang puso niya. Anong ibig sabihin nang binata sa huling sinabi nito? Dapat ba niyang bigyang iyon nang ibang kahulugan?
"Why are you still outside?" biglang natigilan ang dalawa saka sabay na na napatingin sa nagsalita. Nakita nila si Don Menandro na naglakad patungo sa gate kasama ang personal assistant nito na siyang nagbukas nang gate.
"Lolo!" wika ni Anica nang malabas ang matanda saka agad na lumapit dito at nagmano. Nakatingin naman nang derecho ang matanda sa binata. Nang makita nang binata ang matanda agad itong sumaludo.
"Bakit hindi kayo pumasok sa loob nang bahay? Are you planning to just drop my granddaughter outside my gate and leave?" asik ni Menandro sa binata.
"I apologize for that Sir. I was on my way to----"
"Reasons. You are a General and you are living up to your cold disposition. I am starting to regret giving my granddaughter to you." Wika nang matanda.
"Lolo. Nagmamadali lang si Shin---"
"And since when did you start siding him? Hindi dahil asawa mo siya Papayagan ko nang mag mataas siya sa akin. Hindi porque Heneral siya. Mas mataas na ang estado niya sa akin. A nameless person will always be a nameless person. Kahit anong gawin mo." Wika nito saka tumalikod
"Let's get inside now." Wika nito saka naglakad papasok nang gate. Napatingin naman si Anica sa binata hindi niya maintindihan ang sinabi nang lolo niya anong ibig sabihin nitong nameless person. Anak nang isang pamusong pamilya si Andrew and a General to boot. He is a good man and a dependable soldier. Hindi rin niya maintindihan ang pinaggagalingan nang galit nang lolo niya.
Napansin nang dalaga ang nakakuyom na kamay nang binata. Alam niyang nagpipigil ito nang galit. Harap-harapan ang pagpapakita nang matanda sa binata nang disguto nito sa binata.
"Anica. Get inside now." Wika nang matanda saka tumigil at lumingon sa dalaga. Nakatingin siya sa lolo niya saka tumingin sa binata.
"Shin----" mahinang wika nang dalaga saka sinubukang abutin ang nakakuyom na kamao nang binata ngunit biglang iniiwas iyon nang binata.
"Off you go." Wika nang binata Saka tumalikod saka tumingin sa sasakyan nila kung saan naroon si Rafael sa labas na naghihintay.
"Shin." Mahinang wika nang dalaga. "I'm Sorry. Hindi ko alam kung bakit---"
"It's not your fault. Don't feel burden. Take care of yourself. I have to go now. Get inside. Hinihintay ka nan ang lolo mo." Wika nang binata nang hindi lumilingon sa dalaga. Pakiramdam nang dalaga nasaktan ang binata sa mga sinabi nang lolo niya lalo sa sa huling sinabi nito na gumugulo sa isip niya.
"But Shin---" wika nang dalaga saka tinangkang hawakan ang braso nang binata.
"See you after 1 week." Wika nang binata saka naglakad patungo sa sasakyan kung saan nag hihintay ang mga tauhan niya. Tila naman piniga ang puso nang dalaga dahil sa naging reaksyon nang binata. He is cold she knows it. He is like that to everyone.
Kaya lang alam niyang hindi naman totoong ganoon ang binata he can feel his warmth every time they are together. Sa mga sinabi nang lolo niya tiyak na may dahilan kung bakit na trigger ang binata o kung bakit ito nasaktan.
Nameless person huh. I guess he already know. Wika nang binata habang naglalakad patungo sa sasakyan nang mga tauhan.
"What Happen? It is okay if you leave her like that. I think she is about to cry." Wika ni Rafael na nakatingin sa dalaga habang nakatayo sa labas nang Gate at nakatingin sa kanya.
"She'll be fine. Let's go." Wika ni Andrew saka sumakay. Si Charles naman na nasa driver's seat ay napatingin sa dalaga. Pasimpleng tumingin si Rafael sa dalaga bago ito sumakay.
"You have to be good with her you know. It was never easy to marry a Demon General." Wika ni Rafael nang sumakay at isara ang pinto nang sasakyan.
"I am a Cold Demon General even before she married me." wika nang binata. "Let's head out." Anito kay Charles.
"Yes Sir." Wika nang binata saka pinaandar ang sasakyan. Inihatid lang nang tingin ni Anica ang sasakyan nina Andrew papalayo ito hanggang sa hindi na niya matanaw.
Totoo ba? Nasa school na ito ang asawa nang Sikat na Demon General? And what is more exciting is that she is in our department." Wika nang isang babae sa cafeteria nang school nina Anica. Saktong pumasok si Anica sa cafeteria nang marinig niya ang sinabi nang babae. Isang buwan nan ang ikasal siya kay Andrew. Nailathala noon sa mga new papers ang tungkol sa kasal nila. But for some odd reason. Nawala lahat nang ang copies nang mga news papers na iyon. Kahit sa social media at internet searches hindi na iyon makita.
"Nabalitaan ko rin yun. Ngunit walang nakakaalam kung sino siya. Even the news about it ay nahinto din. Articles and topics about them was removed as well. Maging ang school natin ay tahimik din tungkol dito." Wika nang babae.
"Well kung ako ang asawa nang isang General Surely my identity would be hidden as well. Sa dami ba naman nang kalaban nang Famous Demon General tiyak na siya ang magiging puntirya no." wika pa nang isa.
"Well, I think the reason is different." Wika ni Natasha na dumating kasama si Paula ang pamangkin ni Andrew. Nang makita nang dalaga ang dalawa agad niyang inilayo ang mukha para hindi siya mapansin nang dalawa.
Kailan pa naging close ang dalawang yan Kilala sila sa Univeristy bilang arch-enemy sa department nila. Wika nang isip nang dalaga. Napatingin naman ang lahat sa bagong dating. Walang hindi nakakalilala sa campus beauties. Bukod sa pagiging top student silang dalawa din ang nag-aagaw sa pagiging number 1 sa business department. It's very rare to see them together.
Alam nang lahat ang tungkol sa pag-iisa nang dalawang malaking business giants. Bryant and Earhardt. Dahil sa kasalang Daniella at Zane ang third Generation Union na inaabangan nang lahat. Lalo na dahil sa kakaibang storya nang arrange marriage nila. Ilang articles pa nga ang lumabas na ilang business establishments are being threatened dahil sa merger na ito.
"Natasha Earhardt and Paula Bryant!" Sabay na wika nang tatlo.
"Nakakagulat bang makita kami?" natatawang wika ni Paula.
"It's the first time we see you together. Kilala kayo bilang arch-enemy."
"Well, It's not the case this time." Wika ni Natasha. "Narinig kong pinag-uusapan niyo ang tungkol sa Asawa nang demon general" Wika pa nito.
"Oo we are just curious. Who could be the lucky Girl." Wika nang isang babae.
"Lucky ha. Well I guess you can say that." Wika ni Paula saka tumingin kay Natasha. "And just be clear. Articles were remove not because she is being protected. But because her very presence will give the family a disgrace." Wika ni Paula. Nagkatinginan naman ang tatlo dahil sa sinabi nang dalaga.
"Don't bother yourselves looking for that Girl. Cause your will just get disappointed." Wika ni Natasha. "Let's go." Wika nang dalaga kay Paula.
"Anica! Nandito ka lang pala kanina pa kita hinahanap." Wika nang isang lalaki na dumating saka kumaway sa dalagang nakahalukipkip sa isang Mesa. Nang marinig nina Paula at Natasha ang pangalang binanggit nang lalaki napatingin sila sa lalaki at sinundan nang tingin ang dalagang nilapitan. Nang makita naman ni Anica ang dumating sinenyasan niya ang lalaki hinaan ang boses saka simpleng lumingon sa dalawang dalaga ngunit nang lumingon siya saktong nagtama ang tingin nilang tatlo.
"Busted." Wika ni Natasha then she Smirk. Napakagat labi naman si Anica saka tumingin sa binata.
"Senior. Masyado kang maingay. Nakakatawag ka nang pansin." Wika ni Anica saka hinatak ang binata paupo.
"That's Dennis Espinosa right? Siya ang Number 1 heartthrob nang Law department. Ama niya ang isang kilalang Judge. And who is that girl?" tanong nang isang dalaga nang makita ang dalagang nilapitan nang binata.
"Di ba dating Boyfriend ni Paula Bryant ang Sikat na law student na yan?" bulong nang isang babae sa kaibigan nito na hindi naman nakaligtas sa pandinig nina Paula at Natasha.
"Really an apple never fall far the tree." Wika ni Natasha habang nakatingin kay Anica at sa binata.
"Let's go." Wika ni Paula saka naunang maglakad patungo pinto nangkataong patuno din sa direksyon nina Anica at Dennis. Hindi naman nakaligtas sa mata ni Anica sang dalawang dalaga na naglakad patungo sa direksyon nila.
"Bakit ka kumakain nang mag-isa dito? Kanina pa kita hinahanap." Wika ni Dennis.
"Bakit mo naman ako hinahanap?" Mahinang tanong ni Anica.
"Bakit ka bumubulong?" takang wika ni Dennis sa dalaga.
"Dahil masyado kang maingay. Nakatawag ka nang atensyon at hindi siya nakakatuwa." Wika nang dalaga na bumubulong pa din.
"Wala naman tayo sa library so talking normally is not something bad. You really are an interesting girl." Nakangiting wika nito saka tinangkang hawakan ang ulo nang dalaga ngunit bigla siyang lumayo. Maging si Anica ay angulat sa ginawa niya.
"You really are something else." Natatawa paring wika nito saka dinampot ang mansanas sa tray niya saka kinagat at muling bumaling sa dalaga.
"Yeah. The reason why I was looking for you is that. I got an approval for a freshman to join a mock trial for the midterm. You said you wanted to join right?" wika nang binata.
"Talaga?" biglang ngumiting wika nang dalaga. Alam niyang hindi pwede sumali sa mock trial ang isang freshman they can observe but not participate.
Nang mag enrol siya sa Law school sa club kung saan si Dennis ang head ang siyang sinalihan niya. Doon din niya nakilala ang binatang law student na number sa buong department at kilala hindi lang sa galing nito kundi sa pagiging babaero.Kilala din ito dahil ito ang pitcher at clean up nang varsity baseball nang university. Maraming umiidolo dito dahil kaya nitong e-balanse ang sports at pag-aaral. Hindi rin lingid sa kaalaman niyang naging kasintahan nito ang pamangkin ni Andrew. Naging malaking shock din sa buong campus ang biglang paghihiwalay nang dalawa. Tinatawag silang dream couple noon. Ngunit bigla nalang nabalitaan nang lahat na hiwalay na ang dalawa.
"Now you are interested." Wika nang binata. "Well, it won't be easy. You have of course to complete with the rest of the freshmen interested."
"Of course. I'll do my best."
"Well you should. I recommended you as my capable junior." Wika ni Dennis.
"May mga tao talagang hindi magbabago kahit anong gawin mo. Kung ano ang puno siya rin ang bunga." Wika ni Natasha nang dumaan sa mesa nila Anica saka huminto at tumingin sa dalaga. "Would you agree Dennis?" sakristong wika ang tinuran nang dalaga saka tumingin kay Anica.
"Natasha! Paula! It's so rare to see to Arch-enemy getting along well." Wika nang binata.
"It's so rare to see you here. But what is not changing is you being with a different girl everytime." Wika ni Paula saka tumingin sa dalaga.
Something is telling me this is not good. Wika nang isip nang dalaga saka tumingin sa pamangkin ni Andrew. Iniisip niya kung anong iniisip nito sa kanya. At sa sinabi ni Natasha hindi naman lingid sa kanya kung ano ang ibig sabihin nito. Masama ba ang iniisip nito sa kanya? BInibigyan ba nito nang kahulugan na magkasama sila ni Dennis.
"You sounded like I am a total Jerk. Baka maniwala si Anica saiyo." Natawang wika ni Dennis at tumayo. "I think I have to go. I still have to do some research." Wika nito saka bumaling kay Anica. "I expect you to pass. See you later." Wika nito saka bumaling sa dalawang dalaga. "See you later girls." Wika ni Dennis saka nagmamadaling umalis.
"Mukhang wala ka ring pinagkaiba sa mama mo. Sabagay mag-ina nga kayo." Wika ni Natasha.
"Anong sabi mo?------" Wika ni Anica saka tumayo. Saka napatingin sa paligid. Nasa kanila ang atensyon nang lahat. Kaya bigla din siyang tumigil hindi siya pwedeng gumawa nang gulo. Ayaw nyang gumawa nang ingay. Lalo na kung magdudulot iyon nang masama sa pangalan ni Andrew.
"SIguro naman may delekadesa. Alam mong may asawa ka at alam nang lahat na si Paula ang Ex ni Dennis. You should know better to distant yourself at huwag kang gagawa nang bagay na sisira sa pangalan nang pamilya." Wika ni Natasha.
"Malinis ang konsensya ko at wala akong ginagawang masama." Wika nang dalaga.
"Yan din ang sinasabi nang bawat taong gumagawa nang mali para pagtakpan angbaho nila. Binabalaan kita. Huwag kang gagawa nang kalat." Wika ni Natasha. "Let's go. Baka mahawa tayo sa sakit niya." Wika ni Natasha saka hinawakan ang kamay ni Paula at hinatak ang dalaga papalayo. Napatingin naman si Anica sa mga tao sa loob nang cafeteria na nakatingin pa rin sa kanya.
Kinuha niya ang gamit niya saka lumabas doon. Gusto lang naman niyang Mabuhay nang normal. Ngunit mukhang hindi madaling makamit iyon. Nakasal siya sa isang taong wala namang gusto sa kanya. Ngayon naman dalawang pamilya ang dapat niyang pakisamahan. Hindi siya pwedeng makagawa nang pagkakamali dahil hindi lang isang pangalan ang masisira. Mukhang tama si Andrew she is all but all talk. Kaya ba talaga niyang protektahan ang sarili niya? Nang magdesisyon siyang magpakasal kay Andrew handa ba talaga siya sa mga pwedeng mangyari? O baka nabigla lang siya nang mga panahong iyon. Dahil sa labis na takot.