webnovel

The Former Villain

I am Jax Blaine. I already forgot this feeling long time ago. Caring and loving someone is already deleted in my vocabulary. Unfortunately, didn't expect I felt those things again because of that lady.

Parisfrans99 · realistisch
Zu wenig Bewertungen
57 Chs

Chapter 10

Jax Blaine's POV

"Should I drop, Alfonso?" I just asked him to tease his boss and it's not really a question.

"H-ha? Ako? Ba't ako tinatanong mo? Desisyon mo 'yan!"

I just didn't mind him 'cause I will just kill him after this!

"I see... you're making me more interested to you. I heard that Noreen already invited you?"

Franz, as what I saw in his ID. He's now composed unlike minutes ago.

"Noreen? I thought your group were enemies. Was it just an act?"

"That's how we recruit anyone!" he seriously stated it. I guess it hurts his pride.

It's fun! It makes me more excited teasing them. He's members are looking at me like they'll gonna attack me any moment now. Pft! I would have love that because I just miss those feelings! If that happens, it's not already my fault.

"I don't want to be recruited by anyone. But since you're inviting me, I'm willing to accept the invitation!"

I showed him a smile. A smile that can make him think it's not good messing up with me.

"I have the video that was taken by the stalker you planted on me. If it goes viral, it will be a good favor to you and to your group..." I grin and lean closer to whisper to him. "...Your group might be the rank one if you have this. But you have to kill me first for you to have it!"

Yes! I am challenging him because I'm still confident he can't have it.

Curiosity kills, and he can just die because he can't have it and he'll never know about it unless I will publish it to the campus' website, and unless that idiot won't tell his boss.

I turned around to pick up my bag. Kitkat's not saying anything but I saw her worried face while looking at me. And I have an idea what is it. She don't want me to go to this invitation because she already witness what will gonna happen there.

As I pick up my bag, her phone suddenly vibrated and there was a message that popped up. I saw it because it was just on the table. I don't know who texted her but as soon as she read it, her expression shows she's terrified.

I held her hand to drag her along with me. Then I glared at Alfonso. "You have to come with us if you don't want your dead body goes viral. You know I meant it!"

"Oo na! Oo na!"

We are about to leave the cafeteria without minding everyone's attention. But suddenly the Head of the Committee arrives. We meet our gaze and he bare this innocent and curious look about what happened here.

I pass by him as if I didn't saw him. He even called my name but I didn't look back. Before the door close, I heard someone saying, "Ano na naman ang ginawa nitong pakialamerong matanda dito?"

I always know most of them didn't respect him and just continuously insulting him. I don't want to care but I don't know why I wanted to teach a lesson to those bastards who don't have manners!

But in the end, I, myself didn't also care.

"Anong kelangan mo sa 'kin at sinama mo 'ko? Sa'n ba tayo pupunta?

"Just shut up and follow me!"

...

Third Person's POV

Hindi maalis ni Kitkat ang kanyang tingin sa kamay niyang mahigpit na hinawakan ni Jax habang naglalakad. Ang lalaki pa ng mga hakbang nito kaya nahihirapan siyang sabayan ang binata.

Nakasimangot naman si Alfonso habang sumusunod sa dalawa. Sa 'di malamang dahilan, takot siyang hindi sundin si Jax kasi aside sa nakakatakot nitong aura, alam niyang hindi ito nagbibiro.

'Ayoko pang mamatay!' sa isip niya.

Nagtaka naman silang dalawa nang sa rooftop sila dinala ni Jax. Sinara pa nito ang pinto at ni-lock. Napapalunok tuloy ng laway si Alfonso.

Binatawan na ni Jax si Kitkat pero hinablot niya naman si Alfonso. Hinawakan siya nito sa kwelyo tsaka kinaladkad papunta sa bakod.

"HOY! HOY! AHHH!" sigaw nito nang itulak pa ito ni Jax. Kung bibitawan ni Jax ang kwelyo nito, mahuhulog na talaga ito.

"J-Jax! Anong ginagawa mo?" nagpa-panic na tanong ng dalaga tsaka nilapitan ang mga ito para patigilin ang binata.

"Stay away!" sigaw niya sa dalaga kaya natigilan ito pero hindi ito lumayo sa dalawa.

"Jax ano ba! Mamamatay 'yan kung bibitawan mo! Jax itigil mo na 'yan pakiusap! Bakit mo ba ginagawa 'yan?" walang tigil sa pagsigaw ng dalaga.

Hindi niya alam kung anong gagawin para lang matigil si Jax. Wala siyang idea kung bakit nagkaganto ito.

"Heard that? You will die here if I let go of you!" panakot pa ni Jax kay Alfonso. "And you don't have a chance to fight me 'cause the moment you try, I'm gonna let go!"

"BAKIT BA? WALA NAMAN AKONG MALING NAGAWA AHHHH! TULONG! HOY TULUNGAN MO 'KO! AHHH MAMAMATAY NA AKO!" hingi niya ng tulong kay Kitkat.

"I have a favor to ask you and you will only gonna say yes to it. Or maybe you're curious what it feels to fall from 8th floor?"

"Yes! Yes! YESSS!" gigil nitong sigaw.

Hinila naman siya ni Jax para makababa sila sa bakod tsaka ito binitawan. Napaluhod naman si Alfonso at umuubo habang nakaluhod.

"Pota! Gan'on ba manghingi ng pabor? Hindi ba pwedeng idaan sa pera na lang? Walangya!"

"You said something?"

"Wala! Yes na nga! Yes na! Ano bang pabor na 'yan?" Dali-dali naman itong tumayo nang maayos tsaka biglang sinamaan ng tingin si Kitkat na ikinagulat nito.

'Di mo 'ko tinulungan!' sabi nito nang walang tunog.

Jax sighed as he's now sure that this bastard is going to follow his order.

"First of all, what you saw yesterday stays  between the two of us. Even if your boss ask you, don't tell him!"

"Ha? Ano namang makukuha ni Franz do'n kung malaman niya?"

"I am challenging him. I'm the only one

who can use this video anytime I want."

Sumimangot lang ang mukha ni Alfonso pero tumango naman ito pagkatapos.

"Second, you can still run an errand to him. But you can only tell him information about me the things that I wanted to tell. That way you can still earn your money and have his trust. I'm always gonna watch you so the moment you tell him about me without me ordering it, you already know what happen."

Nakasimangot man pero napapatango na lang ito nang hindi umaangal. Hindi niya ma-explain kung bakit napapatango na lang siya rito. Parang mas nakakatakot pa ito kesa sa leader ng Gold Snakes.

"Third..."

"May pangatlo pa?"

"Third!" Sinamaan siya ng tingin ni Jax kaya napaiwas na lang siya ng tingin. "...protect this idiot no matter what," tukoy niya kay Kitkat.

Nagtataka naman ang dalawa at sabay pang nagkatinginan. Muli namang sumimangot ang mukha ng mga ito tsaka sabay ding inirapan ang isa't-isa.

"Teka lang! Teka lang! Ba't sa 'kin mo 'yan pinapabantayan? Isa pa malaki na 'yan! No need ng i-babysit! Psh!"

"Hoy! Same lang tayo! Ba't ikaw pa eh pwede namang si Jax na lang!" Tumingin si Kitkat kay Jax. "At bakit kailangan mo akong pabantayan? Pabantayan saan?"

"Idiots doesn't need an explanation."

Sumimangot naman ang mukha ng dalawa sa sinabi nito.

Ilang sandali, tumunog ang cellphone ni Jax kaya napakunot ang noo nito at napalayo sa dalawa.

"If it's not important, don't disturb me!" bungad ni Jax pagkasagot pa lang niya sa tawag ni Kernel.

"Chix lang din 'yong mga iniistorbo ko. Chix ka ba?" sagot ni Kernel sa kabilang linya.

"Bye!"

"Wait! Wait! Too hot-headed! We already have information about Exseven!"

Napaayos naman ng tayo si Jax Blaine sa kanyang narinig.

Pagka-alis naman ni Jax palayo sa dalawa, dali-daling lumapit si Kitkat kay Alfonso habang sinusulyapan si Jax sa malayo kung nakatingin ba ito sa kanila o hindi.

"Sabihin mo nga sa 'kin! Ano 'yong video na 'yon at kailangan 'di ipaalam sa iba?" mahinang tanong ni Kitkat.

"Chismosa!"

"Dali na! Ano nga? 'Di ko naman ipagsasabi! Ako lang 'di nakaalam sa 'ting tatlo! Ano ba iyon?"

"Lumayo ka nga ng kunti! 'Di mo ba narinig sinabi ng Jax na 'yan kanina? Mamamatay ako kung ipagsasabi ko!"

"Sige na! Ililibre kita! Sabihin mo na bilis habang busy pa si Jax! 'Di ko naman sasabihin na sinabihan mo ako! 'Di niya malalaman! Tayo-tayo lang din naman!" Pangungulit ni Kitkat.

"Hindi libre iyon! Bilhin mo! Sa panahon ngayon, kelangan mo nang magbayad para lang sa mahalagang impormasyon! Subscription fee! 'Di mo ba alam?"

"Tsk! Magkano ba kelangan mo?"

Nagbago naman ang expression ng mukha ni Alfonso tsaka pinipigilan ang sariling ngumiti. "50,000!"

"Ano?"

Mabilis na napatakip ng bibig si Kitkat dahil sa presyo na sinabi ni Alfonso. Sinulyapan niya din si Jax baka nakatingin sa kanila pero buti na lang ay busy pa rin ito.

"Wag mo nga akong lukuhin! Sige na dali! Hindi naman niya malalaman!"

Niyugyug niya naman ang braso ni Alfonso kasi natataranta na siya baka babalik si Jax at parang mamamatay siya sa curiosity.

"Hay! Mga chismosa talaga! Parang mamamatay kung 'di maka-chismis! Ito na! 'Yong video na 'yon ay SPG. Bawal sa mga maliliit na katulad mo!"

Sinapak niya naman si Alfonso dahil sa inis. "Wag mo nga akong biruin! Ano nga?"

"Aray! SPG nga! Video lang naman nina Jax at Noreen 'yon! Tsk!"

Natigilan naman bigla si Kitkat at parang may kung anong kirot ang nararamdaman niya nang marinig niya ang pangalan ni Noreen. Kung anu-ano na lang ang pumasok sa isip niya dahil d'on.

"V-video n-na ano?" parang walang lumabas na boses sa bibig niya dahil dahil sa kaba. Nanlalamig din ang kamay niya. Parang ayaw niyang marinig pero hindi din siya makakatulog kung hindi niya malalaman.

Sumulyap naman si Alfonso sa gawi ni Jax para tingnan kung busy pa rin ba ito. Nang ma-confirm niyang may katawag pa ito, bumulong siya sa dalaga.

"Naghahalikan! Hahaha! SPG!"

"Ha?"

"Nahuli ko silang dalawa na naghahalikan kagabi na parang wala nang bukas! Pft! Hahaha!"

Natatawa naman si Alfonso sa naging reaction ni Kitkat. Alam niya namang si Noreen ang nang-akit kay Jax pero gusto niyang i-exaggerate para makaganti sa binata at gusto niya ring asarin si Kitkat. Alam niya kasing may gusto ang dalaga kay Jax.

Babawiin na sana ni Alfonso ang sinabi niya at sabihing, 'joke lang, si Noreen lang nanghalik,' kaso biglang lumapit si Jax sa kanila kaya 'di na niya mabawi ang sinabi niya.

Nakakunot pa ang noo nito at magkasalubong pa ang mga kilay na parang galit na galit.

"Oh b-bakit?" kinakabahang tanong ni Alfonso sa madilim na aura ni Jax.

"I don't want you to go there tonight because it's already dangerous. I want you to watch this tiny idiot..." natigilan naman si Jax sa kanyang sasabihin nang makita niyang nakatulala si Kitkat at tumutubig pa ang mga mata nito na parang maiiyak na.

"What happened? What's that drama you're acting?" tanong niya sa dalaga pero hindi man lang siya tiningnan nito.

Kitang-kita pa ang pagpipigil nito sa pag-iyak at pag-iiwas sa kanya.

"M-may klase pa p-pala ako hehehe!" nanginginig na sabi ng dalaga tsaka nagmamadaling umalis sa rooftop.

Sinamaan naman ng tingin ni Jax si Alfonso.

"I-inaasar ko lang!" depensa agad nito nang hindi makatingin sa mata ni Jax.

"Tsk!"

...

Kitkat Reyes' POV

Nang maakalis ako sa rooftop, 'di ko na mapigilan ang luha ko. Alam ko naman wala akong karapatang masaktan at magselos kasi hindi ko naman talaga boyfriend si Jax. Pero 'di ko maiwasan.

Matulad pa rin ba ito sa dati?

Hindi ko naman masabing katulad ng dati, na inagaw ni Noreen si Clark sa 'kin. Kasi ngayon, hindi naman akin si Jax.

Bakit 'yong mga taong gusto ko mapupunta lang lahat kay Noreen? Dahil ba mas maganda siya? Dahil marunong makipaglaban kaya ang astig niya? Maganda ang katawan?

Kung sana hindi na lang ako humingi ng tulong kay Jax noon, 'di niya sana makuha ang attention ng Mysterious Knights. 'Di sana siya makilala ni Noreen.

Kung ako naman si Jax, ba't ko sasayangin ang tulad ni Noreen?

Nang makaalis ako sa building, biglang may humila sa 'kin at kinaladkad ako sa isang vacant room.

Sinamaan ko naman siya nang tingin nang binitawan na niya ako.

"Ano ba!"

Kahit kailan hindi mawawala ang galit ko sa kanya. Kahit ano mang gawin niya.

"Did you already know what's that video all about? I texted you earlier!"

Natigilan naman ako. Nawala kasi sa isip ko ang text niya kasi hindi ko naman talaga iyon pinagtutuonan ng pansin.

Simula nang magkahiwalay kami, hindi na niya ako tinext o tinawagan. Tapos ang pinakauna niyang i-message sa 'kin ay alamin ko kung ano ang laman ng video na iyon?

"Ano bang paki ko do'n! At kung malalaman ko man hindi ko rin sasabihin sa 'yo!"

Aalis na sana ako kasi ayokong makita ang pagmumukha niya pero hinawakan niya ang braso ko tsaka hinila palapit sa kanya.

"Kitkat..."

Natigilan naman ako nang bigla niyang binanggit ang pangalan ko. Mahina lang pagkakasabi niya pero parang may nararamdaman akong kakaiba.

Muli na namang bumalik lahat ng mga alala naming dalawa. Pati na 'yong mga times na nasasaktan na ako nang husto nang hinayaan niya lang akong ipaapi sa mga members niya.

"Ano ba Clark! Wala na tayo matagal na!"

Hinarap ko siya at sinamaan ng tingin kahit may mga luhang lumalabas sa mata ko. 'Di ko mapigilan. Parang inaasar ako ng panahon. Nasasaktan ako dahil nalaman kong naghahalikan sina Jax at Noreen. Nasasaktan din akong makita si Clark.

"Iniwan mo ako dahil kay Noreen! At ngayon iiwanan ka rin niya! Karma mo 'yon! Buti nga sa 'yo!"

Pilit kong hinila ang braso ko sa pagkakahawak niya pero hindi ko mahila sa higpit ng hawak niya.

"Ano ba! Bitawan mo nga ako! Ano pang kailangan mo sa 'kin? Kung akala mo magagamit mo ako laban kay Jax, pwes hindi! Akala mo siguro isang text mo lang, isang utos mo lang sa 'kin susunod agad ako tulad noon! Akala mo lang 'yon! Bitaw!"

Bigla namang nagalit ang expression niya tsaka mas hinigpitan pa ang paghawak sa 'kin. Hinawakan na niya ang magkabilang balikat ko.

"N-nasasaktan ako!"

Hindi ko napigilan... 'Di ko mapigilang umiyak sa harapan niya. Hindi mawala sa isip ko ang nangyari kina Jax at Noreen. Matulad lang ng dati! Makuha lang ni Noreen si Jax. At wala na akong karapatang magalit at humingi ng explanation kay Jax kasi hindi naman siya akin!

"So you're already falling for him?" gigil niyang tanong sa 'kin pero patuloy pa rin akong umiiyak.

"Tell me!" sigaw niya.

"Oo! Kasi hindi ako masasaktan ng gan'to kung hindi ko siya gusto!"

Pilit ko siyang tiningnan sa mata. "Wala kang karapatang tratuhin ako nang gan'to! Ikaw ang nang iwan sa 'kin! Pinili mo siya kesa sa 'kin! Pinabayaan mo akong tratuhin ng gan'on ng mga kasama mo at ng girlfriend mo! Kaya pwede ba! Bantayan mo 'yang girlfriend mo! Pwede ba ilayo mo siya kay Jax!"

Alam ko ang hina ko. Naiiyak agad ako sa maliit na bagay. Nasasaktan agad ako sa mababaw na dahilan.

"Do you really think that Jax of yours will survive?"

Napatigil ako sa paghikbi at napatingin sa kanya nang biglang nagbago ang tono ng boses niya.

"Do you think I'm not capable of killing him?"

"A-anong i-ibig mong sabihin?"

"Do you know what really happened to those rumors about the dead bodies in the forbidden place? That rumor was true! And I am the one who really killed them!" bulong niya sa 'kin na ikinatayo ng balahibo ko.

Ngayon ko pa lang siyang nakitang ganito. Ngayon ko lang din alam na nakapatay na pala siya ng tao. Hindi ko ma-imagine!

"H-hindi ako n-naniniwala sa 'yo! K-kilala kita! N-nagbibiro ka lang. Alam kong mabait ka Clark. Alam kong tinatakot mo lang ako!"

Bigla naman siyang natawa. 'Yong tawa na parang hindi siya si Clark na nakilala ko noon. 

"That friend of yours who dropped out? Do you think he really dropped out? Didn't you wonder where is he now?"

Kinuha naman niya ang phone niya at may ginawa doon. Nang ipakita niya sa 'kin ang cellphone niya, agad akong napalayo sa kanya at natumba.

Nanginginig ang tuhod ko sa takot.

Ang larawang pinakita niya... ay ang burol ng bestfriend ko.

Dahil sa sobrang takot ko sa kanya, agad akong napapaatras tuwing lalapit siya sa 'kin.

"Lumayo ka sa 'kin! Lumayo ka! Hayop ka!" naiiyak kong sigaw sa kanya. Hindi ko maisipi na nagawa niyang patayin ang kaibigan ko noon! Kahit alam niyang kaibigan ko 'yon! 'Di man lang niya binigyan ng chance!

Nandidiri ako sa kanya. Nandidiri din ako sa sarili ko kasi nagmahal ako nang mamamatay tao!

"That Jax Blaine..."

Agad nanglaki ang mata ko sa takot nang binanggit niya ang pangalan ni Jax. Umiiling din ako habang patuloy na umiiyak.

"Wag mo siyang sasaktan! Maawa ka Clark! Maawa ka! Layuan mo siya! Nasali lang siya sa gulo dahil sa 'kin!"

Agad akong lumuhod sa harapan niya at nagmamakaawa. Naiisip ko pa lang kung papatayin din niya si Jax, hindi ko na alam ang gagawin ko.

"H-humingi lang ako ng tulong sa kanya. Nakaaway niya lang si Lance dahil sa 'kin! Pakiusap Clark. Promise gagawin ko lahat ng gusto mo layuan mo lang siya!"

Wala na akong pake kung nagmumukha akong desperada sa paningin niya. Takot lang ako!

Nagtaka naman ako nang bigla siyang natigilan habang nakakunot ang noo na nakatingin sa 'kin. Kinuyom niya rin ang kanyang kamao na parang galit na galit siya. Mas lalo tuloy akong natakot sa kanya.

"Do you really love him that much?"

Hindi ko alam kung bakit may tumulo sa mata niya pero agad din niyang pinunasan.

"Sasabihin ko na! Sasabihin ko ang tungkol sa video na iyon! Please layuan mo si Jax!"

Lalapit na sana siya sa 'kin nang biglang may parang maingay na bagay sa may pintuan. Ilang segundo, bumukas ito at bumungad si Jax. May dala-dala itong malaking bato pero tinapon niya agad. Sinira niya pala ang doorknob.

Napasinghap naman ako tsaka dali-daling tumayo para itakbo siya palayo kay Clark. Bakit pa siya pumunta rito? Pa'no niya nalamang nandito kami?

"Pathetic!" gigil niyang sabi.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya at hinawakan na lang ang kanyang braso para hilahin palayo. Pero siya itong nanghila sa 'kin palapit sa kanya tsaka ako niyakap.

"Why are you begging there like an idiot just to save me? Save me from what?" inis niyang tanong.

Hindi ko alam pero umiyak lang ako nang malakas habang mahigpit siyang niyakap. Natatakot akong mawala siya sa 'kin. Kahit alam kong walang kami.

"I'll be there tonight at the said time! Do you think I will run away from your invitation? I just didn't want to attend because it's too cringe that makes me bored watching it! You wanna kill me? Be my guest!" hamon niya kay Clark.

...

Itutuloy...