webnovel

The Forbidden: Awaken (Filipino Ver.)

The Forbbiden Trilogy, Book 1: Sania has been living a simple life with a supporting family and friends. She could never wish for more. But unexpextedly, her perfect life changed when she foolishly entered the secret place and unexplainably had the magical seal. Now, together with her friends, they will experience the a sudden turn of events that they never knew that could ever exist. Not in their life time.

unmannered · Fantasie
Zu wenig Bewertungen
19 Chs

17 - Babalikan

Ikalabing-pitong Kabanata

KUMUNOT yata ang buong mukha ko nang datnan ko sina Akinse at Baito sala na pinagpipistahan ang isang buong bloke ng Eden cheese, ipinapalaman nila sa tinapay na tingin ko ay 'yong natira kani-kanina lamang na nag-agahan kami. Natatanaw ko pa ang nanginginig na kamay ni Akinse na kinukutsilyo ng manipis na baha-bahagi ang keso, pilit na nagbibida sa harapan ni Baito na alam niya raw gamitin iyon.

"Hindi ka naman marunong, e! Hindi pantay-pantay ang iyong paghiwa! Naturingang humahawak ng espada, hindi naman marunong gumamit ng kay liit na talim!" Umirap pa si Baito at padabog na humalukipkip.

Sa buwisit ay tuluyan na ngang naging hindi pantay ang paghiwa ni Akinse sa keso. Padarag niyang binitiwan ang kutsilyo at gamuntik pang sakmalin si Baito na nasa harapan niya kung hindi lang ako nagsalita.

"Saan ninyo inumit ang cheese na 'yan?" Nginuso ko ang Eden cheese na mukha nang nalamutak mula sa platito nito. "Binuksan n'yo ang ref?"

"Hindi ako!" Mabilis na umiling-iling si Akinse sabay turo kay Baito. "Siya 'yon! Ang sinabi niya pa, ayos lang daw kahit na magalit ka! Pinigilan ko siya ngunit masiyado siyang mapilit!"

"Waah!" Napatayo sa kinauupuan niya si Baito. "At sino naman kaya ang mabalahibong nilalang na 'to na hinablot ang talim sa lagayan nito at may kasakiman pang inagaw sa akin ang keso nang makuha ko na iyon sa loob ng nagyeyelo sa lamig na puting kahon!"

Ilang minuto silang nagsisisihan sa kanilang mga kanilalagyan habang busy na ako sa pagbabalik niyong Eden cheese sa ref. Urgh. Ang baho talaga n'on, nakakasuka.

"Kakakain lang natin ng agahan, gutom na naman kayo? Ano bang klaseng sikmura ang mayro'n kayo?" Iiling-iling ko silang nilingon. Nakayuko sila parehas, ayaw salubungin ang mga mata ko.

Ngayon, para silang mababait na nilalang na 'di makabasag-pinggan.

"Nga pala, Baito, paanong alam mo ang tawag sa keso?" Kunot-noo akong bumalik sa hapag dala na ang botelya ng mayonaise.

Mas masarap 'to, 'di pa mabaho. Pinang-asikaso ko kaagad si Akinse nang makita kong mariin ang titig n'ya sa dala ko.

"Bilang matagal na rin akong nakikihalubilo sa inyong mga tao, alam ko na ang ilan sa mga katawagan at gamit ninyo. Ang Ive'y lahi ng mga mensahero mula sa inyong mundo patungo sa aming mundo." Nakangising kinuha ni Baito ang inalok kong tinapay. "Ngunit, sa ibang pagkakataon, mayroon pang ibang mga lahi ang pinayagang makihalubilo sa inyong kalupaan para naman sa ibang layunin."

Tumango-tango ako habang nagpapalaman ng panibagong tinapay para kay Akinse.

Ibig ba noong sabihin, sa daan-daang mga nakahahalubilo kong mga tao, maaring ilan doon ang kalahi nila?

Iba-iba ang layunin para sa iba-ibang lahi...

That thought alone gave me chills. Excitemend filled my body. That's ... amazing.

Bago pa matapos sa panginginain sina Akinse ay dumating si Ailyn na, as usual, kasabay ko sa pagpasok at sinundan pa nina Kuya Mago kasama ang isa pang lalaki. Muntik ko nang hindi maalala kung sino iyon kung hindi pa ako nag-isip ng mabuti.

May ipinakilala nga pala si Kuya Mago sa amin kahapon, kababata niya raw na bumisita sa kanila, isinama niya rito sa bahay. Eydi ang pangalan. Ang nakapagtataka nga lang ay nang makita siya ni Akinse, sumigaw ang huli, "Kalahi ni Alpha!"

"Eydi, o! Sayang, patapos na kami kumain! Hindi ka na umabot!" nakangising ani Baito bago kinain ang huling piraso ng tinapay sa kaniyang kamay.

Si Eydi na nananahimik lang sana sa tabi ni Kuya Mago ay ngumiti at saka nagsalita, "Baito, pumarito ka sa 'king harapan. Lumapit ka at itapat mo sa akin ang iyong tainga." Sumesenyas pa siya kay Baito na lumapit ang huli.

Lumapit naman ang Ive, ngiting-ngiting ginawa ang pinagagawa ni Eydi.

Just that, Eydi placed his lips across Baito's ear, saka bumulong, "Wala akong pakialalam." Tama lang para marinig naming lahat.

Dahil sa naging pambabara yata ni Eydi kay Baito ay nagtubig ang itim na itim na mga mata ng huli. Naglinga-linga siya at nakita si Ailyn sa malapit na agad niyang nilapitan, nagtago siya roon sa likod ng babaita kahit pa ang tangkad niyang 'di hamak. Para bang naghahanap ng kakampi.

Lumibot ang braso ni Ailyn sa likuran ni Baito at tinapik-tapik iyon, halos yakapin ang nilalang. "Aww~ Halika ka, Baito, halika."

Napairap ako at bumaling kay Akinse nang mapansin kong nakatitig siya sa akin

"Bakit?" tanong ko.

"W-Wala!" Mabilis siyang nag-iwas ng tingin.

Napailing-iling na lang ako. Napakawirdo talaga ng asong ito.

Lumipat ang mga mata ko sa bukana ng dining nang pumasok si Kuya. Ang mga mata niya ay sa puwesto kaagad nina Ailyn nakatutok.

"Ang sweet."

Napatingin ang babaita sa nakangiti kong kuya, para bang nakilala ang boses nito. Nanlaki ang mga mata niya at biglang itinulak si Baito na maayos na sana ang lagay na nakayakap sa kaniya.

"H-Hindi! Hindi, Kuya Ihara! Huwag kang masasaktan! Walang ibig sabihin 'yon!"

Nanunukso pa siyang tiningnan noon ni Kuya. Mabilis akong binalingan ni Ailyn, para bang gusto niya pang ipagpaliwanag ko siya, tinaasan ko nga ng kilay.

Bahala ka riyan.

Mabilis akong nilapitan ni Ailyn nang sandaling wala na sina Kuya sa dining area, kaming dalawa na lang ang natira dahilan pa isinama nina Kuya Mago at Eydi sina Akinse at Baito, seryoso pa ang mga mukha nila nang sumama na para bang talagang may seryoso silang pag-uusapan.

"Sania! Sania! Sania!" Gigil niyang niyugyog ang mga balikat ko. "Anong gagawin ko! Baka nagselos si Ihara sa nakita niya!"

Nanlaki ang mga mata ko at napatitig ng mabuti sa mukha niyang puno ng nunal. "Hala, ang kapal ng mukha mo..." anas ko.

Napangiwi ako nang lumapat ang mabigat niyang palad sa likuran ko. Dinama ko iyong mabuti, para nagkapilay yata ako bigla.

"Sania, 'pag hindi kami nagkatuluyan talaga ni Ihara dahil dito, hindi ko alam kung saang mental ako pupulutin! Baka nagselos siya!" Gigil niyang hinila ang laylayan ng buhok niya, sinasabunutan ang sarili habang pasulong na kami sa kanto ng compound namin.

Hindi na naman sumabay si Lyca, pinauna na kami dahil may gagawin pa raw siya. Wala rin namang maghahatid sa amin sa school kaya magdyi-jeep na naman kami nito papasok.

"Kahit pa hindi nakita ni Kuya 'yon, hindi pa rin kayo magkakatuluyan," sabi ko bago pinara ang paparating na jeep.

"Taragis ka talaga! Wala ka man lang concern sa akin!" asik nito ng malakas, hindi man lang nahihiya sa mga pasahero ng jeep habang papasok kami upang makasakay.

"Paano naman kasi, unang-una, ikaw lang 'tong nangangarap na nagselos kuno ang kapatid ko. Pangalawa, imposible talagang magselos 'yon dahil wala 'yong pakialam kahit pa sinong Poncio Pilato pa ang yakapin at halikan mo sa harapan niya, at panghuli ..." Tinitigan ko siyang mabuti sa mga mata niya.

Napagmasdan ko pa kung paanong namilog ang mga mata niya at lumunok.

"A-Ano?"

"Hindi ka gusto ni Kuya Ihara."

Umiiyak si Ailyn sa gilid ko habang binabagtas namin ang pathway mula sa napakalawak na gate ng school namin. Mula sa hindi kalayuan ay tanaw na tanaw namin ang hugis barkong building para sa mga Marine Engineering students at related pang courses.

Maraming nagkalat na kung anu-anong booth bilang Foundation Day ngayon sa school namin. Sina Kuya Ihara at Kuya Mago ay kasama sa basketball team. Ang alam ko ay mamaya pa iyong alas-dos ng tanghali kaya malamang ay mamaya pa sila papasok.

"Uy, ano ba? Tumigil ka nga riyan kaiiyak," sabi ko nang muling mapatingin sa 'king kaibigan.

Huminto ako sa paglalakad at hinarap siya. Sa mahabang pathway mula main gate ay may parteng may bubungan at wala. Naupo ako sa tapat na bench ga nahintuan namin upang makasilong.

Kumunot ang noo ko nang mapagmasdan ko siya. Pulang-pula ang mata't ilong niya.

"Para kang tanga," sambit ko.

"Ang sakit kaya ng sinabi mo!" bulyaw niya. "Taragis ka! Nagbubulag-bulagan na nga ako, e! Tapos ipapamukha mo naman sa akin na hindi ako gusto ng kapatid mo! Ang sakit, sakit, n'on!" Nagsimula na namang magluha ang mga mata niya kaya napatalikod na siya sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko habang pinagmamasdan ang nanginginig niyang balikat. Alam kong gusto niya si Kuya Ihara, pero iyong ganito?

Hindi kaya ... hindi kaya ....

"Sorry na." Nilapitan ko siya at sandaling niyakap. Ipinagdikit ko ang pisngi namin dalawa, naramdam ko agad ang mainit na luha mula roon. "Babawi ako. Promise."

"Dapat lang! Walang'ya ka, pinasakit mo ang puso ko!" asik niya.

Natawa na lang ako habang naglalabas ng tissue. In-offer ko iyon sa kaniya na mabilis niya namang hinablot.

Pinagmasdan ko siya habang maingay niyang sinisingahan ang tissue. Mapula pa rin ang halos buong mukha niya, pero wala nang bakas ng pag-iyak niya kanina.

Hindi ko kaagad napansin na ganito na pala kaseryoso...

Nagpunta na muna kami sa kani-kaniya naming booth. Napaghiwa-hiwalay kaming magkakaibigan kaya halos hindi kami magkakasama ngayong foundation. Iba-ibang tao ang kasama namin sa isang booth, may grade eleven at twelve, tapos ay iba-iba ang section. Pero ang mabuti ay makakatabi lang ang booth namin nina Dian at Ailyn kaya nagkikita-kita kami.

"Uy! Tara na! Huwag ka nang tumulong diyan!" Nakasimangot na anas ni Ailyn habang nakadungaw sa loob ng booth na napuntahan ko. Karaoke booth ang sa amin kaya paniguradong mag-iingay kami 'pag nag-umpisa na.

"Nasaan ba si Dian? Kasama mo 'yon kanina, a? Akala ko ba, sasamang lumibot sa atin?" tanong ko habang ikini-clip ang ginupit na letrang 'H' para sa huling letra ng 'booth'.

Last naman na iyon at aalis na talaga ako. Gusto ko lang tumulong sa pag-aayos para hindi nakaka-guilty 'pag hindi na ako bumalik ng booth namin pagkatapos nito.

"Hay, nako! Tinawag lang ng mga katropa niyang taga-kabilang section, iniwan na ako!"

Napailing-iling na lang ako habang pababa ng monoblock chair na tinuntungan ko. Hinablot ko kaagad ang backpack ko at nilundagan ang mababang bench na nasa pagitan namin ni Ailyn para makapagsimula na kami sa paglilibot sa buong campus.

"Sina Lourdell? 'Yong iba?" tanong ko habang naglalakad kami.

"Kasama raw ni Lourdell si Isabelita, naglilibot na rin. Kita-kita na lang daw tayo kung magkakasalubong tayo. Ewan ko sina Vanessa at Jhoma," sagot nito habang lumilinga-linga sa mga booth na nadadaanan namin.

Tumango na lang ako. Sinabihan na ako kagabi ni Jhoma na hindi raw siya papasok. Ganoon din si Vanessa dahil tinatamad daw.

Madami kaming na-try na booth ni Ailyn, mostly, mga booth ng pagkain. Nag-try rin naman kami ng ilang games, pero hindi kami nag-e-enjoy. Wala kaming nakukuha, e.

Mag-a-alas onse na nang pumunta kami ni Ailyn sa canteen. Inabutan namin doon sina Sarah kasama ang mga kaibigan niya.

"Hey, Sarah! Makikiupo kami~" ani Ailyn, tamang-welcome lang sa sariling naupo sa bakanteng puwesto sa tabi ni Sarah.

Hindi naman na kami nahihiya ni Ailyn sa circle of friends ni Sarah dahil pa-minsan-minsan din kaming sumasama sa kanila. Lalo na noong grade eleven kami, kaya ito't magkakapalagayang-loob kami. Mabuti ring samahan ang grupo nila dahil matatalino, kumbaga, bookworms ng klase.

Sa isang mesa ay nakapalibot ang dalawang magkaharap na bench na pangtatlong tao at dalawa pang pang-single na upuan sa maglabilang kabisera. Naupo ako sa bakanteng puwesto ni Laika kaya magkatapat kami ni Ailyn.

"Hi, Erika~" bati pa ni Ailyn sa babaeng nakaupo sa kabiserang nasa gitna naming dalawa, si Ronelyn naman ang nakaupo sa kabiserang nasa gitna nina Sarah at Laika.

Tumaas lamang ang mga kilay ni Erika, indikasyon ng pagbati pabalik sa kaniya. Ang tahimik talaga ng taong ito.

"Ang init, mga bra," anas ko at marahang pinaypayan ang loob ng suot kong T-shirt na nahablot ko kay Laika.

"Ang boring nga rin, e," ani Ronelyn. "Gusto ko na umuwi." Namamawis pa ang ilong niya habang pinipirat-pirat ang hawak niyang papel.

"Ako nga, masakit na ang ulo ko. Ang init masiyado ng sikat ng araw," ani Sarah habang nagpapahid na kung ano sa pagkabilang sentido niya.

Tumuon ang mga mata ko sa hawak niyang bilog na lalagyan. Katinko pala iyon, kaya pala nangangamoy V-fresh sa paligid.

"Mag-truth or dare tayo," ani Ronelyn, tulala pa rin sa pagpipirat ng papel. "Boring kasi, e."

"O, sige."

"Game!"

"Ih?"

"Awts. Gege."

"Ayaw."

Bilang majority decision ay maglalaro nga kami. Pipitso-pitsong agreement lang naman kaya iyong hawak na Katinko ni Sarah ang ginawa naming kunwari ay botelya. Wala man lang kaming ka-rules-rules nang magsimula.

Dahil na kay Sarah, siya ang unang pumitik sa bilog na lalagyan ng Katinko. Agad iyong pumunta sa gawi ni Laika kaya nakahinga ako ng maluwag. Ayaw ko talaga ng larong ito.

"Truth or dare?" tanong ni Sarah na pangisi-ngisi.

"Dare," matapang na sagot ni Laika. Napa-'ooh' kami. Straight pa noon ang likuran niyang sumagot.

"Makipag-shake hands ka kay Quinto," ani Sarah.

Ang tinutukoy niyang Quinto ay 'yong crush ni Laika sa Marinee Engeneering Department. Ang alam ko ay kaklase iyon ni Kuya Ihara.

"Sure!" aniya. "Kaniya lang, alam ko, wala siya ngayon. Sa ibang araw na lang."

"Sa ibang araw, ha..." Matatalim ang mga mata tiningnan namin siya. Aba, dapat, gawin niya.

Nagpatuloy pa iyong pagpitik-pitik namin sa Katinko. Unfortunately, na-exempt si Ailyn at Rodelyn dahilan na hindi magawi-gawi sa puwesto nila iyong pamato namin kaya sumuko na lang kami at in-exempt sila.

"Truth," mabilis kong sagot nang sa wakas ay sa akin na nagawi ang Katinko.

But too much to my horror, they all said in unison, "Dare~" Mga nakangisi pa sila at parang kontrabida sa isang penikula.

Nagulat na lang ako nang tawagin nila iyong grupo ng mga lalaking nakaupo sa isang bench sa hindi kalayuan. Tinawag nila ang isa sa mga iyon, and then, one moment, hinihila na niyong mga lalaki ang isa sa mga kasama nilang tinawag nina Sarah patungo sa gawi ko. Tumayo at umalis pa si Laika sa tabihan ko.

Then it came to my senses right away that they're planning something that against my principle and likes kaya mabilis na rin akong tumayo para makaalis na sa lugar na iyon. Nasa panganib ako!

Patakbo na ako nang biglang may dumagan sa likuran ko. Bumilog ang mga mata ko nang makitang nakayapos si Erika sa akin, ayaw akong patakasin.

What ... the...

At ang mas masakit pa riyan ay pinagtulungan nila ako ni Ailyn na hilahin pabalik sa puwesto ko kung saan nakapuwesto na iyong lalaking wala man lang akong ideya kung sino.

"Ailyn! Putragis ka! Ito ba ang ganti mo sa akin dahil sa nasabi ko kanina!" Minura ko siya ng malulutong habang hinihila pa rin nila akong dalawa ni Erika. Halos humiga na ako sa sahig, nagmamakaawang huwag nilang gawin iyon sa akin.

Masama ang pagtawa ni Ailyn, para siyang naloloka na aywan. Kinilabutan ako.

Natanaw ko nang naglabas ng camera si Ronelyn, at nang tumulong pa si Laika sa paghila sa akin ay tuluyan na akong walang nagawa.

"Dali na, Sania! Papa-pictute ka lang kay kuya!"

I could almost feel my soul leaving my body. Tuluyan na nila akong naibaliksa puwesto ko kanina. Tawanan ng mga kasama ng lalaking nasa tabi ko at ng mga kaibigan ko ang mga naririnig ko.

"Tang'na! Ano ba 'yan, pre! Huwag ka nang mahiya, minsan lang 'yan!" Iyon ang narinig ko kasabay ng pagbigat ng kabila kong balikat.

Halos lumuwa ang mga mata ko nang makita may nakaakbay sa akin!

Nandidilim ang paningin ko. That Ailyn better be running for her life now. Sasakalin ko silang dalawa ni Erika...

Tulala ako matapos ang lahat. Ang pagyanig ng umaatikabong tawa ni Ailyn na nangunguna pang nakikitingin sa cellphone ni Ronelyn ang una kong narinig.

"Diring-diri 'yong itsura mo sa lahat ng picture, Sania!" Tumawa silang lahat habang ako ay pilit na tumatayo. Para akong tinakasan ng lakas.

"W-Walang'ya kayo..." Halos bulong na lang ang lumabas sa bibig ko.

Tawanan pa rin sila nang tawanan hanggang sa humiwalay na kami ulit ni Ailyn sa kanila. Ang babaitang ito naman ay ngingisi pa sa tabi ko kaya ngali ko siyang sikmuraan.

"Nanginginig ka pa rin? Grabe, gaano mo ba kaayaw na malapit sa mga lalaki, ha? Phobia ba 'yan? Hatred? Picture lang kaya 'yon."

Mabilis pa sa alas-quatrong sinamaan ko siya ng tingin. Hindi ko ayaw, hindi lang ako komportable. Pero dahil sa nangyari, ayaw ko na talaga!

"Sorry na~ Huwag ka nang magalit~" Humagikik siya at yumakap sa braso ko, halos ibalibag ko siya dahil asar ko. "Huwag mong babawiin 'yong sinabi mong babawi ka sa akin, ha? Nag-promise ka~"

Talagang babawian kitang walang'ya ka...

Bago mag-alas dos ay dumating ang basketball team nina Kuya Ihara. Para-parada silang nagmamartsa patungong gymnasium kasama ang kanilang cheerleading squad. Ang makakalaban nila ngayon ay sa iba't ibang department. Goes to say na kalaban namin sila dahil sa Senior High Department kami.

"Hay, ang guwapo talaga ni Ihara ... ang puti niya pa~" Para na namang pumupuso ang mga mata ni Ailyn habang nakasilip mula sa likuran ko. Ba't ba naroon nakapuwesto ang babaeng ito?

"'Yong maskels niya sa braso ... ih! Ang sarap niyang iuwi! Pinagpapawisan na, fresh pa rin tingnan!" aniya pa.

Nailing-iling na lang ako at lumipat ang tingin sa katabi ng kapatid kong si Kuya Mago. Nakangisi na naman ang lalaki kaya litaw na naman ang mga pangil niya. Kulay sky blue na basketball jersey ang suot ng kanilang team.

Nakatanaw lang kami ni Ailyn sa kanila mula sa 'di kalayuan habang hinihintay ang team namin na nasa bandang likuran pa ng kanilang parada. Doon kami sasabay sa paglakad.

"Hoy! Hoy! Putragis, Sania!" Halos mabali ang leeg ko dahil sa lakas ng pagyugyog ni Ailyn sa akin. "Si Lyca 'yon, 'di ba!"

May itinuro siya sa isa sa mga naka-sky blue rin na cheerleaders na nasa likuran ng team nina Kuya Ihara.

Umawang ang mga labi ko nang mamataan nga roon si Lyca—si Lyca?

Nakakunot pa ang noo ng babaita habang may sinasabi sa dalawang babaeng nasa magkabilaan niya, ang isa'y pinapaypayan siya at ang isa ay pinupunasan pa ng tissue ang kaniyang pisngi.

Pero ang mas nakagugulat ay ang mga letrang naka-imprinta sa puting bandanang nakabuhol sa kaniyang ulo.

"Go, Mago?!"

Nagkatinginan kami ni Ailyn dahil sa sabay naming naibulalas.

"May hindi ba ako alam?" tanong ni Ailyn.

"Wala rin akong alam," sagot ko bago bumalik ang tingin sa papalayo nang team ng department nina Kuya.

Ano'ng nangyayari?

Kahit pa nakasunod na kami sa team naming taga Senior High ay iyon pa rin ang pinag-uusapan naming dalawa ni Ailyn. Hindi kami makapaniwala kaya hanggang makapasok kami ng gymnasium ay pinag-uusapan namin iyon.

"Ano'ng gusto niyang iparating? May gusto ba siya kay Mago?" Nanlalaki pa ang mga mata ni Ailyn na luminga-linga, mukhang hinahanap si Lyca sa crown ng team nina Kuya. "Sasabunutan ko ang babaeng 'yon mamaya! Wala man lang siyang sinasabi sa atin! At bakit nandoon siya sa team ng iba nakapuwesto? Traydor!"

"Traydor?" tanong ko.

Ang alam ko, puwede naman iyon lalo pa't kulang ang cheerleading squad ng ibang team. Puwedeng kumuha sa ibang department.

Pinamulatan ako ni Ailyn ng malalaki niyang mata. "Traydor siya dahil hindi niya ako isinama! Sana, nakiki-cheer din ako sa Ihara ko!"

Napahilamos na lang ako ng mukha at napailing na ibinaba ang tingin sa team ng department namin. Nasa bandang itaas kami ng mga bleachers kaya nakakadungaw kami paibaba.

Wala akong kilala sa mga ito...

Napatingin ako sa kaliwang gawi ko nang maramdam kong may kumalabit sa 'king balikat. Mukha ng nakangiting babae ang unang sumalubong sa mga mata ko.

"Oh. hi, Natalya," bati ko. Kanina pa ba siya nakaupo sa puwesto ko? Hindi ko napansin.

"O! Ikaw palang sakitin ka!" Ngumuso si Ailyn nang pamulatan ko siya. Siraulo talaga ito. Sino na naman ang sakitin?

"Pasensiya na, ha? Puwedeng sumama na muna ako sa inyo? Wala kasi akong kasama, e," tanong nito. Mabilis naman akong tumango.

"Ano? Bakit ka naman sasama? Paano kung ayaw ko?"

Tuluyan ko nang kinurot ang tagiliran ni Ailyn nang magtigil siya. Hindi ko nilubayan ng ngiti ko si Natalya para hindi niya mapansin ang pangugurot ko sa isa ko pang katabi.

"Huwag mong pansinin si Ailyn, mahilig talagang magbiro 'yan." Sinagi ko ang paa ni Ailyn nang marinig kong may balak na naman siyang sabihin.

"Oo nga, e. Nakakatawa siya." Mahinhin itong bumungisngis.

Hindi ko na pinansin pa ang pagmamaktol ni Ailyn lalo pa't nag-announce nang mag-umpisa na.

Naunang mag-perform ang cheerleading squad ng team nina Kuya. Naroon si Lyca kaya maigi kaming nanood.

"Ang power makagiling ng Lyca na 'yan at makabilak-bilak, akala mo naman, magaling talaga siyang sumayaw, ha!" umaatikabong komento ni Ailyn. "At ang mas nakakahiya pa, nakakabit pa rin ang pangalan ng walang'yang si Mago sa noo niya na may mga pulang heart sa magkabilang dulo! Hindi ba siya nahihiya? Dahil ako ang nahihiya para sa kaniya!"

"Hayaan mo na nga. Kakaisapin natin siya 'pag natapos na 'to," sabi ko.

"E, hindi ko mapigilan, e! Sa lahat na lang ng maiisip niyang pangalang ilagay sa bandana niya, iyong sa mukhang unyango pa!" Hindi siya mahinahon habang nagdadadadaldal sa tabi ko.

"M-May gusto ba si Lyca kay Mago?"

Napatingin kami kay Natalya dahil sa tanong niya. Nakayuko siya habang kinukutingting ang kaniyang mga kuko.

"Hindi namin alam, e," sagot ko.

"Nako, Natalya! Huwag mo sabihing may gusto ka rin sa bisugong 'yon? Nako! Nako talaga! I'm so stressed!" Napahilot pa si Ailyn sa kaniyang mga sentido.

Hindi na nagsalita pa si Natalya at nagpatuloy na lang sa pagyuko. Hindi ko tuloy makita't masabi kung ano ang iniisip niya.

Nang magsimula nang tuluyan ang game ay ang team nina Kuya at sa Tourism Department ang unang nakasalang. Kuntodo cheer si Ailyn sa tabi sa tuwing nakakabira ng puntos si Kuya Ihara.

"Go, Kuya Ihara! Go, go, go, Diaz! Aaaaaaah!" Nakatayo na si Ailyn sa stands at kumekendeng, halos mamaos na rin siya sa kasisigaw. Napapa-facepalm na lang ako dahil nakatingin ang halos lahat sa amin dahil sa ingay niya.

Hindi pa siya kasama sa cheerleading squad nina Kuya niyan, ha.

"And another three points from Marine Engineering Deparment, number four, Captain Diaz!"

Biglang humarap si Kuya Ihara sa puwesto namin matapos niyang makapuntos ulit at saka ipinunto ang hintuturo niya bago tumakbo patungo sa kanilang court. I'm so certain it was Ailyn who he pointed out.

Nagulat na lang ako nang pabagsak na napaupong muli ang kaibigan ko sa 'king tabi.

"Napa'no ka?" tanong ko.

Tulala siya at kipkip ang kaniyang dibdib. "Para sa akin daw 'yong shot na 'yon," pabulong na anas nito.

Kumunot ang noo ko. Luh. Wala namang sinabi si Kuya, a?

"Okay! Wearing jersey number six, it was Meriales who took three pointers from the side of the court! What a wonderful shot!"

Napapalakpak na lang kami. Ang galing nilang maglaro—

"Oooooooh ... Oh! Oh! Oh! Go, Mago! Go, Mago! Go, go, go! Goooooooo, Mago!"

Napatingin kaming lahat sa tatlong babaeng may sariling steps sa pinakataas ng stands na nasa kabilang side ng gymnasium. Naroon pa sa gitna si Lyca na naiiba ng kaunti ang steps sa dalawang nasa magkabiling gilid niya.

"Juskuuu! Saan niya ba nadampot iyang mga alipores niya? Ang sakit nila sa mata!" anas ni Ailyn.

Umiling ako. Wala rin akong alam sa nangyayari, 'no.

Napamulat ako ng mga mata nang maramdaman kong nag-iinit ang aking kanang palad. Sa sobrang init ay nakapapaso na.

Sinilip ko iyon. Nagliliwanag. Pilit kong itinago at inipit sa ilalim ng aking bag para walang ibang makita ngunit mas lalong lang nag-init iyon. Nagmamanhid na ang halos kabuuan ng kanang braso kuntodo pilit kong hindi 'yong pansinin.

Padarag akong tumayo at ipinasok ang kamay ko sa loob ng backpack kong nakasuot paharap sa akin.

"Aalis muna ako," paalam ko at nagmamadaling bumaba ng stands.

Kailangan kong makaalis dito. Nasa lang malapit si Akinse. May nangyayaring hindi maganda.

Nasa labas na ako nang marinig ko ang pagtawag ni Ailyn sa 'king likuran. Napamulagat ako nang lingunin ko siyang tumatakbo patungo sa akin. Bakit siya sumunod!

"Bumalik ka na roon, Ailyn! Huwag mo akong sundan!" Mas binilisan ko ang pagtakbo para hindi niya ako maabutan.

"Hindi! Nawiwirduhan na ako sa 'yo! Saan ka ba pupunta!"

Umaalingawngaw ang mga boses namin sa pagtakbo dahilan na walanng ibang tao sa paligid, nasa gymnasium lahat. Patungo na ako sa swimming pool area ng aming campus. Doon ko nararamdaman ang presensiya ni Akinse.

My hunch was proved right when I stumbled on seeing Akinse having havoc in the middle of the swimming pool area. Tumutok ang mga mata ko sa nagyelong tubig ng swimming pool na siya ngayong inaapakan ni Akinse.

Naroon din si Baito, kasalukuyang pumapagaspas ang itim niyang mga pakpak sa ere.

At si Eydi ... nanlaki ang mga mata ko ... si Eydi!

May kaharap silang itim na itim na pigura. Parang itim na usok na may pigura ng isang matangkad na tao. Pula ang nag-iilaw nitong mga mata habang matatalim ang tingin sa kaharap na si Akinse.

"J-Jusku, ano 'to!" Napabaling ako kay Ailyn na nasa tabi ko. Namimilog ang mga mata niyang nakatingin sa mga kakaibang nilalang sa hindi kalayuan.

"Bakit ka pa sumunod! Ang sinabi ko, huwag mo 'kong sundan!" bulyaw ko. Mukhang nagulat siya sa pagsigaw ko kaya ang mga nanlalaki niyang mata ay napabaling sa akin.

"Nawiwirduhan kasi ako sa 'yo, e! H-Hindi ko napigilan!" asik niya. "Sania, ano ba 'to! Alam mo ba 'to? Hindi na cosplay 'to!"

"Mamaya na ako magpapaliwanag!"

Binunot ko ang palad kong kanina ko pa itinatago sa loob ng aking bag. Mas lalo yatang napamulat pa ang mga mata niya nang makitang nagliliwanag iyon. I even saw her took a step backward.

"Huwag kang aalis sa puwesto mong ito. Huwag na huwag. Dito ka lang sa makikita kita," pirming bilin ko nang itulak ko sa kaniya ang bag ko na mabilis niya namang niyakap.

"Babalikan kita..."

Dahan-dahan siyang tumango kaya napangiti ako at tuluyan nang tumakbo kung saan naroon sina Akinse.