Forbidden Fact #2: Tho, a little manipulated and revised, most events and scenes happened in their home, especially, in school did occur in real life.
****
Ikalabing-limang Kabanata
MALAKAS na hinampas ni Lyca ang mga dyaryong baon niya sa 'ming harapan. Kasalukuyan kaming may gagawing group activity. Noong nakaraan pang meeting iyon pinag-usapan at ngayon gagawin. Nagawa naming i-request sa 'ming teacher na magkakabarkada na lang ang magkakagrupo kaya maingay na naman kaming walo.
Sa tiles na sahig ay nakapaikot kami ng mga kaibigan ko. Mga ginupit na art paper, lumang magazine, dyaryo, glue, illustration board, at gunting ang mga ni-require sa aming dalhin.
"Binibigyan ko lang kayo ng isang oras para tapusin ang activity na 'to," malakas na sambit ni Ma'am Allison sa harapan. "Gamit ang mga pinadala ko, gagawa kayo ng poster na nagpapakita ng..."
"Inggit na naman mga kaklase natin sa atin," ani Vanessa kaya napatingin kami sa kaniya mula sa pakikinig sa guro namin.
"Bakit?" ani Dian.
"Paano, 'pag tayo-tayo kasing magkakaibigan ang magkakagrupo, productive. Marami tayong nagagawa kaya outstanding palagi ang dating. Hindi katulad nila na puro tawa at kalokohan kaya wala silang nagagawang matino," may pag-irap nitong sagot.
"True!" ani Lourdell.
"Kaya ayaw nila ng magkakabarkada ang mga magkaka-group, wala kasing kikilos sa kanila," natatawang sabi ni Dian. "Buti na lang, malakas tayo! Napapayag ulit natin si Ma'am na ganito ang set-up ng groupings."
Tumango-tango ako habang sinisimulang i-illustrate ang lineart na susundin nila para madikitan ng mga ginupit-gupit na papel. Bilang may ideya sa paggawa ng poster at art ay hindi na nila ako kailangang sabihang kumilos. Gusto ko na ring matapos agad kami, last subject na namin ito, at makulimlim na rin sa labas. Baka abutan pa kami ng ulan.
It happenend last time, too. Iyong ganito ang groupings namin—magkakaibigan. Kumanta kami noon na gamit lamang ay mga tunog na puwedeng na magawa ng tao. Pagtapik sa balat, pagpalakpak ... ganoon ang ginawa namin. Presentableng presentasyon at nagawa naming makuha ang pinakamataas na marka. Kaya siguro nagrereklamo na naman itong mga kaklase namin, ayaw nang magkakaibigan ang magkakasama dahil hindi hamak na lamang kami.
"Sinulatan ko na kung anong kulay ang dapat ninyong ipakat sa bawat space, ha. Ayos lang kung paano at gaano kalaki ang gupit, idikit n'yo lang ng hindi lalagpas sa mga guhit," sambit ko nang matapos akong mag-drawing. Kumuha na rin ako ng gunting para makatulong sa paggugupit.
"Yes, leader~" sabay na sambit ni Jhoma't Isabelita, pawang nakatokang magdikit ng mga nagupit na papel.
"Diyos ko naman! Nawawala ang poise ko rito!" pag-iinarte ni Lyca. Hindi alam kung paano pupuwesto ng maayos. Naka-P.E. uniform naman kami, hindi kaso ang sumalampak sa sahig. Aywan ko sa kaniya.
"Umayos ka nga, Lyca! Nahihilo ako sa 'yo!" Magkasalubong na naman ang kilay ni Ailyn.
Tumutok kaagad ang mga mata ni Lyca sa kaniya at tila ba naglabasan ang mga kuryente sa mga mata nilang dalawa nang sandaling magtama ang mga tinginan nila.
"E, bakit pinagmamasdan mo 'ko? Gandang ganda ka ba?" Gumagalaw-galaw pa ang leeg ni Lyca habang ine-emphasize ang mga huling sinabi.
"Maganda? Wow, ha! 'Gang bubong na naman 'yang confidence mo! Manahimik ka na dahil malapit nang bumagyo!" balik sa kaniya ni Ailyn.
Nagulat na lang sila nang hampasin silang dalawa ni Jhoma ng nirolyo nitong dyaryo.
"Tumigil na kayo! Mga baliw!" asik nito.
Ngumisi ako. Sige pa, Jhoma. Hampasin mo pa.
"Wow~ Ang bibilis n'yong kumilos!" Napaangat kami ng mga tingin nang tumapat sa amin si Ma'am Allison. Kanina pa itong nagpapaikot-ikot, tinitingnan ang mga ginagawa namin. "At ang ganda na, hindi pa man natatapos. Nakikita ko na 'yong kalinawan ng message ng poster n'yo. Si Sania ba ang gumawa n'yan? Halata, o. Drawing palang."
"Opo, Ma'am. Utak namin 'yan, e," sagot ni Isabelita.
"Utak sa kalokohan," pasabit ni Ailyn na siyang katabi ko kaya hinampas ko kaagad siya. Gagantihan ko 'to mamayang dismissal.
"Ang productive n'yong magkakaibigan, 'no? Marami kayong matitinong nagagawa ng magkakasama kahit hindi halata," komento pang muli ni Ma'am Allison.
"Ma'am naman!"
"Ganiyanan na ba tayo ngayon, Ma'am?"
"Seryoso kami sa mga buhay, Ma'am!"
Tumawa si Ma'am Allison, naiiling pa. "Pero, seryoso. Ganiyan dapat 'yong magbabarkada, nagtutulungan para makagawa ng maganda. Ideal ang friendship n'yo. Nakakainggit. Sana all."
"Siyempre, Ma'am~" sagot ni Lourdell na namamawis pa ang ilong habang seryoso ginugupit pa-kuwadrado ang kulay pulang art paper.
"Mahirap talagang humanap ng ganiyang mga kaibigan, Ma'am," sabi ni Vanessa. "Hangga't maaari, inaalagaan namin ang isa't isa."
"Ano ba ang sikreto?" nakangiting tanong ng teacher namin, umupo na ito sa silyang nasa likuran ni Isabelita.
"Balance lang, Ma'am," sagot ni Jhoma. "Basta, magkakasundo kami. Hindi naglalamangan, open sa lahat, hindi nagtataguan ng sikreto, at nagtutulungan."
"We push each other up, Ma'am," sabi naman ni Isabelita. "A wonderful and great friendship goes by helping each others up."
"Aww~ Ang cute naman," sambit ng teacher naming medyo napapatagal na sa pag-i-interview sa 'ming grupo.
"Kami-kami lang naman ang nagkakaintindihan, Ma'am, kaya no choice kami sa isa't isa," banat bigla ni Ailyn kaya nawala iyong awrang nakaka-touch dahil nga sa ang suwerte namin sa isa't isa. Napatingin tuloy ang lahat sa kaniya.
"Walang ibang tatanggap sa mga 'yan kundi kami-kami lang din," sabi ko pa, naghahanap ng letrang 'T' sa lumang magazine.
"Kung sa ibang grupo napunta ang bawat isa, magtatakwilan lang sila," dagdag pa ni Lyca. "So, no choice talaga."
"Grabe ngang friendship 'yan. Kakaiba," naiiling na lang na sabi ni Ma'am. Malapad ang ngisi nitong umalis.
"Wala talaga kayong sweet bones sa katawan, e, 'no? Minsan nga, ipakita n'yong proud kayo!" ani Vanessa, hindi malinaw sa mukha niya kung natatawa s'ya o disappointed ba sa 'ming tatlong magkakatabi na bumasag sa magandang awra kanina.
"Kasalanan 'tong lahat ni Mago," tila hindi naaapektuhang sambit ni Ailyn habang binubuksan ang isang glue. Tutulong na yata sa pandidikit.
"Oo, kasalanan ng gagong 'yon." Tumaas ang kilay ko sa sinabi ni Lyca.
Tama ba ang narinig ko? Sang-ayon siya ngayon kay Ailyn? Hindi madalas mangyari 'to, mukhang babagyo nga.
Tumango-tango ako at nagpatuloy na rin sa ginagawa. "Oo," sabi ko. "Kasalanan ni Kuya Mago."
"Isa pa nga pala ... mapa-pride ang mga tao sa grupong ito," naiiling na sabi ni Jhoma.
Natapos namin ang activity in less than an hour. Kami ang pinakaunang natapos sa lahat, and not just being bias, maganda ang output namin na nakakuha ng tumataginting na ninety-eight points in red mark mula kay Ma'am Allison.
And serving as another achievement of our friendship and unity, nag-groupie kaming magkakaibigan sa labas ng classroom kasama ang output namin, naisama pa ang mga classmate naming hindi pa rin tapos mula sa loob ng classroom na siyang kitang-kita sa kuha ng camera ni Vanessa.
Bilang tapos narin naman ay pinayagan na kaming maunang makauwi. Sakop naming walo ang pathway habang binabagtas ang daan patungong gate. Malakas ang hampas ng hangin. Malamig ang paligid at madilim na para alas tres ng hapon. Salungat sa direksyon namin ang hangin kaya nagliliparan ang buhok namin palikod.
"Babagyo~ Babagyo~ Babagyo~" pakantang anas ni Ailyn, may pagkembot pa habang naglalakad.
"Sabado na naman bukas. Sa wakas, hindi ko na naman kayo makikita! Pasmang pasma na mga mata ko sa inyo, lalo na sa isa riyan!" Halatang nagpaparinig itong si Lyca kay Ailyn.
"Hay, oo nga! Hindi ko na nga makikita 'yong isa riyang gandang-ganda sa sarili, nakakasulasok naman tingnan~ Mahapdi sa mata~" pakanta pa ring saad nitong si Ailyn, may pa-sway-sway pa ng buhok, feel na feel ang hangin. Nasa commercial ba 'to para gumano'n siya?
"Ayaw kong may pasok, pero ayaw ko rin ng walang pasok. Feel n'yo ba 'ko, guys? Can you understand me?" ani Vanessa habang itinuturo ang sarili.
Nagtanguan kami. Naiintindihan talaga namin siya, para yatang iisa lang ang utak namin.
"Boring kasi sa bahay, puro utos si Mama," nakasimangot na ani Dian.
Mabuti nga't kasama na naman namin ang isang 'to. Friendly kasi kaya maraming kaibigan. But, of course, as her 'home friend', ito't bumabalik pa rin sa amin kahit na halos buong tao sa campus, kaibigan n'ya na. Madalas siyang sitahin ni Lyca dahil doon.
"Punta na muna kaya tayo kina Sania? Ano? Sa kanila na tayo makipaghapunan!" suhestiyon ng walang-hiyang si Lourdell.
Bilang isa kaming diretsong row habang naglalakad ay nagpatiuna siyang kaunti, bahagyang naglalakad ng nakatalikod para lang maharapan kami.
"Ayaw ko ng mga palamunin," sambit ko ng diretso ang tingin sa daanan.
"Walang'ya ka talaga, Sania!"
"Filter-an mo naman 'yang bunganga mo!"
"Isa ka rin namang matakaw 'pag na sa amin, a!"
"Sakim ka talagang animal ka!"
"Uy, grabe ka!"
"Hoy!"
"Taragis! Nanunuot hanggang buto ang mga salita!"
"Kuyugin si Sania!"
Inayos ko ang buhok kong nagulo dahil sa mga panghihila nila. Ang mga baliw na 'to...
"Settled na, ha! Kina Sania muna tayo ngayon!" Malakas pa ang boses nitong si Ailyn. Pinanliitan ko siya ng mga mata. Natural, gustong-gusto n'yan sa amin dahil kay Kuya Ihara.
"Pumayag ba ako? Pumayag ... ba ... ako?" Tumagilid ang aking ulo.
"Taragis ka, Sania! Nananakot ka na, wala ka pa ring emosyon!" ani Ailyn. Ngumiwi na lang ako at napailing.
Hindi ko na nga talaga sila napigilan sa majority win nilang desisyon. Ako lang naman ang kontra. Aywan ko kung paanong madalas ko namamg nauuto ang mga taong ito, pero, minsan talaga, 'pag sanib-puwersa na sila, parang hindi na nila kailangan ang opinyon ko.
"Tita! Tito! Hello poooo!" pambungad ni Ailyn na siyang mas nauna pang pumasok sa akin sa 'king bahay. Naroon sina Mama sa tapat ng nakabukas na TV.
"O! Nandito kayong lahat! Ano'ng mayro'n? Mayro'n ba kayong pagpaplanuhang buhay para sirain?" mapagbirong ani Mama habang tinatanggap ang mga pagmamano ng kaibigan ko, ganoon din si Papa na maliit na nakangiti.
"Wala naman po, 'Ta," sagot ni Lourdell. "Pero may pinagbabalakan kaming bangko ngayong gabi." Sinamahan n'ya pa 'yon ng masamang paghalakhak.
"Mga baliw!" ani Jhoma. "Manahimik kayo, baka sabihin nina Tita, bad influence tayo kay Sania!"
"Hindi 'yan! Si Sania nga ang bad influence sa atin, e!" banat pa ni Lyca.
Napailing na lang ako habang nagtutungo sa hagdanan ... kaya ayaw kong narito ang mga taong 'to, e.
Saktong maratng ko ang tuktok ng hagdanan ay ang pagsalubong sa akin ng humahangos pang si Akinse. Malaki ang ngisi nito habang nakatingin sa akin. I could imagine seeing his tails wagging kahit pa nakabalat-kayo siya ngayon.
"Tagal mo! Kanina pa kita hinihintay!" Ngumuso siya nang guluhin ko ang kaniyang buhok. Sumabay siya sa akin sa paglakad patungo sa 'king kuwarto.
"Nagpakabait ka ba ngayon? Si Baito?" tanong ko.
"Bakit mo siya hinahanap!" Bigla ay nakasimangot na ito
Imbis na tapatan ang pagsusungit niya ay ngumiti na lang ako ... ang asong 'to...
"'Asan nga siya?" Binuksan ko ang pinto ng kuwarto ko at magkasunod kaming pumasok.
Sarado iyon kaya malamang ay maghapon siyang nasa kuwarto ni Isaiy. Hindi kasi siya marunong magbukas ng pinto kaya hindi niya ito mabubuksan kahit pa gusto niya, ang bilin ko kasi'y huwag niyang sisirain kaya huwag na niyang pilitin. The last time I let him, muntik niya nang espadahin ang front door namin, mabuti't napigilan ko sa tamang oras. Nakaka-trauma siya.
Ibinato ko ang bag sa 'king kama at paika-ikang nagtungo sa tapat cabinet dahilan sa pagtatanggal ko ng suot kong rubber shoes habang naglalakad. Sinipa ko kaaga ang mga iyon sa ilalim ng aking kama nang tuluyan kong matanggal.
"Bakit ba parati mo na lang hinahanap ang Ive-ng iyon sa tuwing makikita mong wala siya! Bakit! Itinatangi mo ba siya!" Kumunot ang noo ko habang nangangalkal sa 'king drawer.
"Itinatangi ... gusto? Gusto ba ang ibig sabihin niyon?"
"Oo!" asik niya at humalukipkip. "Nakakainis!"
"Oo. Gusto ko siya." Tumango-tango ako habang isinasara ang drawer, dala na ang mga napili kong pamalit-pambahay pabalik sa kama.
Natahimik ang alaga kong maingay kaya nagtaka ako. Nang balingan ko siya ulit ay nakita kong tulala siya habang nakatingin sa akin.
"G-Gusto mo siya?" Halos bumulong siya sa kaniyang pagsasalita.
Tumango ako. "Oo naman. Ang bait na ibon ng kaibigan mo, e." Basta mabait, gusto ko. Wala nang eksplanasyon. Saka, sino ba ang may ayaw sa mabait? Medyo maingay lang si Baito, pero ... okay na.
"K-Kung ganoon ay sa kaniya ka na! Ayaw ko na sa 'yo! Sa kaniya ka na!" Halos bumakat pa ang ugat sa kaniyang leeg dahil sa pagsigaw. Naging parang makintab na kristal ang mga mata niya na tila ba naluluha.
Napailing na lang ako sa pag-iinarte ng taong-aso. Hindi ko talaga lubusang maintindihan ang nilalang na 'to. Ang dami niyang concern sa buhay.
"Akinse..." malaumanay kong saad bago ngumiti. "Talikod."
Dis-oras siyang napatalikod mula sa puwesto ko nang bumilog sa paanan niya ang asul na liwanag. Dahil doon ay sinumulan ko nang hubarin ang mga damit ko, bahagyang nagmamadali.
"Huwag kang haharap hangga't hindi ko iniuutos." Mas lalong nagliwanag ang bilog sa paanan niya.
"Bakit mo akong inuutusan! Kay Baito ka na, hindi ba? Ayaw ko na sa 'yo!" pagrereklamo pa nito.
Hindi ko na lang siya pinansin at mas binilisan ang pagpapalit ng damit. Baka umakyat pa ang mga kaibigan ko rito 'pag hindi ako nagmadali.
"Nariyan ang mga kaibigan ko kaya huwag kang hihiwalay sa akin. Baka kung ano ang maitanong nila sa 'yo," bilin ko habang pababang muli sa hagdanan. Sisima-simangot siyang nakasunod sa aking likuran, para bang dinadamdam pa rin ang sinabi ko kanina.
"Akinse..." Hinintay kong pumantay ang mga paa niya sa baitang na kinalalagyan ko. Nang tuluyan iyong mangyari ay mabilis ko siyang inakbayan dahilan ng pagkabukot niyang bigla sa pagkakatayo.
"Huwag ka nang magtampo." Ginulo ko ang buhok niya. "Mas gusto pa rin kita kumpara kay Baito."
Ngumuso siya habang titig na titig sa akin. Malapit ang mukha namin sa isa't isa kaya tanawko ang pamumula ng matangos niyang ilong.
"Ako?" Tumango ako.
Kumunot ang noo niya. "Ako, ha! Ako!"
Natatawa akong tumango. Oo naman. Mas gusto ko ang aso kaysa ibon.
Nang makababa kami ni Akinse ay wala na sa sala ang mga kaibigan ko, mga magulang ko na lang ang nandoon na busy naman sa panonood. Maingay ang bukana ng dining area namin kaya siguradong nandoon ang mga iyon.
"Kumain ka na?" tanong ko kay Akinse.
Tumango siya kaya napatango rin ako. Kung sabagay, palagi kong bilin kay Mama na pakainin siya ng eksaktong alas tres. Lagpas alas-quatro na.
"Miryenda kayo riyan, mga puga! Huwag kayong mahihiya, sige lang!" Nasa bukana pa lang kami ni Akinse ay sumasalubong na sa amin ang boses ni Ailyn. Nandoon pa siya at inilalabas ang mga naumit niyang pagkain sa ref.
"Hoy! Tulungan n'yo kong magluto rito!" sigaw ni Vanessa mula sa konektadong kitchen sa dining area. "Huwag puro lamon, ha! Tulong-tulong din 'pag may time!"
"Ito na, ito na." Tumayo si Jhoma at nagtungo roon.
"Anong kahayupan 'to?" tanong ko kaya napatingin silang lahat sa gawi namin.
"Hi, Akinse!"
"Hi, bebe-boy!"
"Naka-contacts ka na naman, Akinse?"
"Nasaan si Baito?"
"Si Ihara ko, hindi n'yo nasalubong sa itaas?"
Parang asong mangangagat si Akinse kaya mabilis ko siyang itinago sa likuran ko kahit pa napakaimposible dahil matangkad siya. Naaalibadbaran yata sa pagmumukha ng mga kaibigan ko.
"Ang aga n'yong maghahapunan, wala pang ala-sais," komento ko habang hinihila ang upuan sa tabi ni Lourdell, sa dulo na iyon kaya si Akinse ay naupo sa kabisera para malapit pa rin sa akin.
"E, gutom na kami, e. Movie marathon tayo pagkatapos nito,��� ani Lyca. Reyna ang dating nito na siyang nakaupo sa salungat na puwesto ni Akinse.
"Wala si Baito? Nasaan?" taas-kilay na tanong ni Lourdell.
Nagkibit-balikat ako. "Hayaan n'yo. Gala 'yon kaya madalas mawala rito sa bahay."
"Sayang. Makikipag-get-to-know sana ako," anito kaya napangisi ako.
"Dito kay Akinse, ayaw mo?" Itinuro ko ang alaga kong mukhang natutulog na habang nakaduko sa mesa. Oras naman ng pagtulog niya kapag ganitong tapos na siyang kumain. Anti-social 'tong asong 'to, tutulugan itong mga kaibigan ko.
"Ih ... gusto ko sana, kaso, nakakatakot 'yang isa. Parang mananakmal!"
Natawa ako. Anong 'parang'? Talagang nanakmal 'to.
"Uy! Sania! Pansinin mo ako!" anas naman ng katapat kong si Ailyn. "Nasaan si Ihara? 'Asan!"
"Malay ko." Tumaas ang kilay ko.
"Anong malay mo, 'di ba, dapat, nandito na siya? Kabisado ko schedule ng kapatid mo!"
"Baka inaya ni Kuya Mago na mag-basketball sa covered court ng barangay hall."
Umangat ang nakayukom niyang palad. "Bubugbugin ko talaga 'yang Mago na 'yan. Palagi niya na lang kinakaladkad sa gala niya ang babe ko! 'Dinadamay niya sa pagiging bulakbol niya!"
"Sino? Sino? Sino? 'Yong gago?" Alertong lumipat ng puwesto si Lyca, iyong malapit sa amin. "Ano? Ano pa? Bulakbol siya, ano pa!"
"Manahimik ka mga riyan! Ayaw kong pag-usapan ang tukmol na 'yon!"
"Hala! Sino'ng tukmol?"
Napabaling kami sa bukana ng dining. Naroon si Kuya Mago na nagpapaikot pa ng bola sa kaniyang hintuturo, kasama si Isaiya, at si Kuya Ihara. Pare-pareho pa silang naka-full basketball uniform at pawang naliligo sa pawis. Nagkikintaban ang mga mapuputing balat ng mga kapatid ko, lalo na si Kuya Mago na kayumanggi ang balat.
"Hi po~" bati ni Isaiya sabay takbo kay Isabelita. Mabilis siyang naupo sa hita nito kaya napangiwi ako.
Nagsisimula na naman ang pabibong ito. May crush 'yan kay Isabelita, e.
"Hi," nakangiting anas ni Kuya Ihara bago nagtungo sa gilid ko. "Anong mayro'n? Kumpleto yata kayo." Bahagya pa siyang sumilip sa dalawang busy sa kusina.
"Wala, na-trip-an lang namin, Kuya!" sagot ni Dian na nangingiti.
"Uy! Tagal mong hindi nakapunta rito, Dian, a?" sabat ni Kuya Mago na humila ng upuan mula sa tabi ni Lyca. Hindi niya yata napansin ang huli dahil kay Dian siya nakatingin.
"E, na-miss ko, e!" Humagikik pa si Dian sa ngiting-ngiting Kuya Mago. Naglilitawan na naman ang mga pangil niya.
"Inaaya namin si Akinse kanina, umaayaw. Hihintayin ka raw niya," ani Kuya nang mapatingin sa natutulog na nilalang sa tabi ko
Napangiti ako at sinuklay ang malambot na buhok nito. He purred making me smile turned wider.
Well ... siguro nga, nasasanay na siyang hinihintay ako.
"Kuya, ang babaho ninyo," saad ko bigla na nakakuha ng atensyon nilang lahat.
"Ang arte mo, Sania! Hindi naman, a!" kontra ng walang'yang si Ailyn. Naroon pa siya, malapit kay Kuya.
Aywan ko kung paano siya nakarating doon samantalang katapat ko lang siya sa pag-upo kanina.
Inirapan ko siya. Natural. Basta si Kuya Ihara, mabango sa kaniya. 'Ta mo, kung si Kuya Mago 'yan, nakailang shower na ang huli, mabaho pa rin sa kaniya.
"Kakain na kami ng hapunan, sabay na kayo!" aya ni Jhoma mula sa malayo. Tumatango sa tabi niya si Vanessa.
"Sure, sure!" nakangiting sagot ni Kuya. "Sho, let's go. Ligo muna tayo. Naiinis si Ate Sania sa atin." Sinimangutan ko si Kuya bago lumipat ang mga mata ko Akinse na tulog na tulog. Laro siguro nang laro 'to kasama si Alpha kaya napagod nang husto.
"Pre! Dito na rin ako kakain, pahiram ng damit! Umuulan na, hindi na ako makakatakbo sa bahay para makapagpalit!" anas ni Kuya Mago na tumayo na nang makitang papalabas sina Kuya ng pintuan. "Hindi ako puwedeng umuwi! Minsan ko lang makitang kumpleto 'tong mga 'to!"
Tuluyan silang lumabas kaya kani-kaniyang balik sa concern nila ang lahat.
Ngumiti ako at isa-isang pinagmasdan ang mga kaibigan ko—nakasimangot na bumubulong-bulong si Lyca. Oara bang naghahanda ng bakanteng upuan sa tabi niya si Ailyn. Magkakuwentuhan sina Isabelita at Lourdell habang nagse-cellphone sa tabi si Dian. Si Jhoma at Vanessa ay hindi pa rin tapos sa pagluluto.
Kumpleto kami. Sana ... hanggang huli ... ganito.