Ikatlong Kabanata
KAAGAD akong nag-iwas ng tingin noong magtama ang mga mata naming dalawa. Ang pares ang mga ginto n'yang mata ay tila nagliyab sa sandaling napagmasdan ko ang mga iyon.
"Hoy, mortal! Sinasabi ko sa 'yo, hindi ko ibibigay ang gusto mong makuha sa akin!" sigaw nito kaya kaagad akong napatingin ulit sa kaniya.
Bahagya siyang lumayo, yakap-yakap niya ang sariling katawan. Nanlaki tuloy ng hindi oras ang mga mata ko.
Teka nga! Ano ba 'yon? Ano ba'ng gusto niyang palabasin? At ano ang bagay na gusto kong makuha mula sa kaniya ay ni wala nga siyang kadala-dala ni kusing.
"Mortal ka nang mortal d'yan, may sarili nga kasi akong pangalan!" anas ko at kalauna'y napabuntonghininga na lamang.
Mabilis ko siyang pinasadahan muli ng mga tingin. "At wala akong balak na kunin ang anumang bagay mula sa 'yo dahil hindi ako interesado. Huwag ka nang sumunod sa akin."
His twitching ears stilled. Ngumuso siya ng pagkahaba-haba.
"Heh! Huwag mo 'kong diktahan!" sigaw nito. "Hindi ko talaga maintindihan kung bakit napunta sa 'yo ang sagisag ko! At 'yon ang gusto kong malaman!" dagdag pa niya. Unti-unti ay nag-iiba na naman ang hugis ng itim sa kaniyang mga mata.
"Ang sagisag ko ay ibinigay ko lamang sa iisang tao, kaya bakit? Bakit na sa 'yo 'yan?"
Passing wind grew stronger. Sobrang lamig, nakapanginginig.
Mula sa anit ay nagsimulang maging kulay puti ang kaniyang buho, umakyat ang kulay na niyebe hanggang dulo ng bawat mga hibla. Sa kaniyang likuran ay sabay-sabay na naglabasan ang siyam niyang buntot at ang mga puting tainga niyang pang-aso ay lumitaw na lamang na parang kabute.
Panandalian akong nahintakutan at hindi ko namalayan ang pag-atras ko sa 'king kinatatayuan.
"B-Bakit sa akin mo tinatanong ang bagay na 'yan? Sinabi ko nang hindi ko alam, hindi ba?" Nangangalambot akong napaurong habang ang mga kamay ko ay nakalahad sa 'king harapan para pigilan ang dahan-dahang paglapit niya.
It's like he wants to prey on me!
"Kapag nalaman ko ang dahilan kung bakit napunta sa 'yo ang aking sagisag at hindi ko nagustuhan ang dahilang 'yon ay mananagot ka!" pananakot pa niya bago ako tinalikuran. I was dumbfounded when he hopped.
Walang kahirap-hirap na tinalon niya ang mataas na sanga ng isang puno na nasisinagan ng buwan mula sa siwang ng mga dahon ng mga puno mula sa itaas. Sa kalalakad, tingin ko ay nalakbay na namin ang halos kalahati ng gubat mula sa burol na pinanggalingan namin.
"Teka lang naman Hindi ba't parang ang bilis naman yata ng mga pangyayari?"
Naguguluhan pa ako. Ang daming tanong sa isip ko na gusto kong mabigyang linaw. Sobrang bilis ng mga naganap sa 'kin.
Gusto ko ng mga kasagutan. Ang hiwagang nangyayari ngayon sa paligid ko ay halos hindi ko na mapaniwalaang totoo.
But I have no choice but to believe in it. Everything are nothing but true. Ang buhay na ebidensya ay ang nilalang na nakakausap ko ngayon sa 'king harapan.
"Ayos ka lang?" Itinagilid nito ang kaniyang ulo. Nakakunot na naman ang kaniyang noo.
Kumunot din ng bahagya ang aking mga kilay. Bakit ba napakamainitin ng ulo niya?
"Matapos mo akong gambalain at ipakita sa mismong mga mata ko na sa 'yo, isang mahinang mortal—isang tao—napunta ang sagisag ko ay may lakas ka pa ng saloobin na itanong ang mga bagay na 'yan?" bugnot na sagot nito mula sa sangang kaniyang kinalalagyan.
At talagang ipinagdidiinan niya pa ang pagiging tao ko! Para bang nandidiri pa siya!
Nakayuko siya sa akin mula sa 'king puwesto at ako naman ay nakatingala at pilit siyang inaaninag sa dilim. Salamat sa mga nag-iilaw niyang mata ay nakikita ko pa rin siya.
"Hindi na ako matatahimik sa lugar na 'to ngayong sinira mo ang banal na harang ng burol na hinihimlayan ko. Marami nang lapastangan ang susubok na gumapi sa akin magmula ngayon," malakas na sabi niya. "At na sa 'yo ang sagisag ko. Kailangan kong malaman kung paano nangyari 'yon, at kung nasaan na ngayon si..."
Hindi ko na narinig pa ang huli niyang sinabi dahil naging bulong na lamang 'yon, tanging ang pagbuka na lang ng mga labi niya ang nasundan ko.
I protested inwardly.
Bakit ba nito ipinipilit na kasalanan ko ang pagkakapunta sa akin ng sagisag niya ay ni wala naman akong kaalam-alam! At ang nakakakilabot pa ay ngayon ko lang din ito natuklasan sa tanang-buhay ko!
God! All my life, I was living in peace, and then ... and then, one moment ... this!
Kaagad kong kinalma ang aking sarili. You gotta stay calm, Sania! You need to get your senses right!
"A, ano..." Kinagat ko ang labi ko nang mapagtantong hindi ko alam ang itatawag sa taong-aso na 'to.
Naaalala ko noon na sa itim na libro ay wala akong nakitang binanggit ang pangalan niya.
Alam ko at sigurado ako na ang nilalang na ito ay ang tauhan na 'yon sa libro. Hindi makitid ang utak ko para hindi mapagtanto kaagad ang bagay na 'yon. Hindi ako puwedeng magkamali!
Sino ang sumulat ng librong iyon? Mukhang marami siyang nalalaman tungkol sa nilalang na ito.
Pero, higit sa lahat, ano nga kaya ang pangalan niya? Sino siya?
Nakatayo na siya mula sa makapal ng sanga ng puno at tinatanaw ang buwan. Maliwanag na ngayon sa napili niyang puwesto. Nakatalikod siya mula sa akin. His tall frame came in a silhouette.
Humanap ako ng puwesto para matanaw ang parteng maliwanag kung saan siya nakaharap. Ang liwanag ng buwan sa nakatutok sa kaniya. Sandali akong nagdalawang-isip kung dapat ko bang putulin ang pagmumuni-muni niya, pero nagpasiya ring kunin ang atensiyon niya. Noong muli ko siyang tinawag ay nakataas ang isang kilay na binabaan ako nito ng mga tingin.
"Ano ang pangalan mo?"
I witnessed how his lips parted. He stilled. Mukhang nagulat siya sa 'king tanong, parang saglit na naumid ang kaniyang dila. Hindi alam ang sasabihin.
Kalaunan ay lumamlam ang tingin niya at biglang nag-iba ng gawi ang kaniyang kulay-gintong mga mata.
"Wala akong pangalan!" marahas na tugon nito.
Parang may humaplos sa puso ko nang marinig ko ang kaniyang sagot. Kahit na gano'n ang paraan ng pagsabi niya ay naramdaman ko pa rin ang lungkot doon. His eyes told me so.
Ngumuso ako at napakamot na lang sa 'king sentido.
Sa ngayon, ano na lang ang itatawag ko sa kaniya? Taong-aso? Hindi. Parang ang bastos naman yata pakinggan.
"Hoy, mortal! Ano nga pala ang ginagawa mo sa gubat na 'to? Alam mo bang delikado rito para sa isang taong katulad mo?" bigla ay sinabi n'yong taong-aso kaya bigla akong natauhan.
A! Naiwan ko nga pala ang mga kaibigan ko! Lagot na!
Mabilis kong dinukot ang cellphone sa 'king bulsa at nakitang lagpas alas-nueve na. I immediately felt the chills ran against my akin.
Talaga namang malilintikan ako kina Ailyn at Lyca nito, ang masama pa ay wala pa akong nahahanap na lugar na paglilipasin namin ng ilang gabi.
"At ano naman ang bagay na 'yan?" Nilingon ko ang taong-aso at nakita ko siyang nakanguso habang nakatingin sa hawak kong cellphone.
Muntik ko nang mabitiwan ang hawak ko dahil sa gulat na nasa tabi ko na kaagad siya samantalang naro'n pa lamang siya sa itaas kanina. I didn't felt him either.
Napakainosente niyang tingnan kahit na nakahalukipkip pa siya at bahagyang sinisilip ang nakabukas na backlight ng cellphone ko. Gumagalaw-galaw ang mga tainga't mga buntot niya habang mariing sinusuri ang aking hawak.
"Cellphone ang tawag dito. Hindi mo ba alam?" nagtatakang tanong ko at bahagyang nalungkot.
Kawawa naman pala ang nilalang na 'to. Wala na ngang pangalan, ni cellphone ay hindi rin niya alam.
"H-Hoy! Ba't ganiyan ka kung makatingin sa akin?" Lumayo siya at itinuro ako.
Bigla akong nangamba na baka nainsulto ito sa titig kong awang-awa sa kaniya kaya mabilis kong iniba ang usapan.
"M-Matanong ko lang, ha? Matagal ka na ba sa lugar na 'to?" tanong ko. Tumaas ang isa niyang kilay, pero buong pagmamalaki niya pa rin akong sinagot.
"Oo naman!" Nakahalukipkip siya at nakataas ang kaniyang noo't baba. Itinago kong pilit ang lungkot ko.
Proud na proud pa siya na matagal na siyang nananatili sa malamok na gubat na ito samantalang ako ay mas lalo pang naawa sa kaniya—pero hindi ko na rin sasabihing naaawa ako dahil baka tuluyan na ako ng nilalang na ito. He looks denial, and a little proud o his self. I don't have the heart to step on his pride.
"Kung gano'n ay pamilyar ka na sa buong gubat." Nakasibi akong tumango-tango. "May alam ka bang lugar dito na bukas sa mga buitin? Iyong malalayo sa punong nakakumpol at puwedeng pagmasdan ang langit. Puwede bang dalhin mo ako ro'n?" tanong ko.
I am referring to an open-field where we can see a clear view of the sky. Magandang mag-camp sa gano'ng klase ng scenery lalo't maraming bituin ang matatanawan mula sa loob ng gubat na ito.
"At bakit naman kita susundin?" aroganteng tanong nito kaya kaagad akong napabaling sa kaniya.
Nagtitigan kami sa isa't isa, walang papatalo. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit wala na akong maramdamang takot para sa nilalang na ito habang pagtagal na nakakausap ko siya.
Sa tingin ko, mukhang hindi naman siya masama. Talagang marahas at mapagbanta lang kung magsalita. Napakagaan ng pakiramdam ko sa tuwing tinititigan ko ang mga ginto niyang mata.
"Susundin mo 'ko dahil ... dahil na sa akin ang sinasabi mong sagisag mo?" I felt so unsure, but I gotta stay calm to keep my cool and look reliable.
Bakit ko nga ba kasi naisipan 'yon? E, ano naman kung nasa 'kin? It's does look something important to him, but—but what's surprising is that ... it did falter him. Mukhang gumana ang sinabi ko dahil biglang nanlaki ang mga mata niya na para bang naalala niyang hawak ko ang leeg niya.
"Nakakainis!" galit na namang saad niya at bigla akong binuhat na parang sako. I kept myself from screaming.
Lalo na nang matanawan kong unti-unti ay tumataas ang aming kinalalagyan ay naging mahigpit ang hawak ko sa kaniya. Halos malaglag ang puso ko sa tuwing palipat-lipat siyang tumatalon sa mga sanga ng bawat punong madaraanan niya.
"I-Iveneshi!" he yelled, still jumping from tree to tree. "Bitiwan mo ang aking buntot!"
Gulat kong nabitiwan ang ilang buntot niyang halos mapipi ko sa higpit ng aking yakap. Ang hindi ko magawang pagsigaw ay doon ko, lahat ibinuhos. Pero, teka—is it just me or did he just cussed?
"S-Sandali lang! Hayaan mo muna akong abisuhan ang mga kaibigan ko!" sigaw ko habang mahigpit na nakakapit sa kaniyang damit mula sa likuran.
"Ano! May mga kasama ka pa rito!" sigaw niya pabalik, pero patuloy pa rin ang paglundag-lundag niya sa bawat sanga.
"Oo! Kailangan ko na silang balikan dahil baka nag-aalala na ang mga 'yon!" sigaw ko pabalik.
"Heh! Ayaw ko! Hayaan mo na lang sila!"
At tulad na naman ng nangyari kanina ay ang sagisag niya ang ipinangbanta ko.
"Atch! Nakakainis!"
Labag sa loob nitong sinusunod ang bawat direksyon na sinasabi ko, ramdam ko 'yon dahil bawat magsasalita ako ay susundan niyang ng isang buwisit na buwisit na ungol.
Hanggang sa matanawan ko na sina Jhoma sa 'di kalayuan, pare-parehas na nakabukas ang mga backlight ng kanilang cellphone kaya naaninag ko sila. Sa 'di kalayuan ring 'yon ay ibinaba ako ng taong-aso.
"Hindi ako p'wedeng makita ng mga kasama mo," kaagad na abiso nito sa oras na maibaba niya na ako nang tuluyan.
"Ha? Bakit?" gulat kong tanong.
"Basta! Hindi!"
Hindi ko na siya napigilan pa noong mabilis siyang tumalon sa isang puno at pinagmasdan ako habang parang aso kung makaupo siya ro'n. Ako pa yata ang nag-aalala na baka malaglag siya.
Nagkibit-balikat na lang ako at naglakad na papunta sa kinalalagyan ng mga kaibigan ko. Napansin ko 'yong taong-aso na pasunod-sunod sa akin mula sa mga punong madaraanan ko at sa mga sanga nitong pinagtutuntungan niya. Hindi ko rin alam kung bakit naaaninag ko siya ng maayos kahit pa madilim ang paligid. Siguro ay dahil na rin nga sa mga ginto niyang mata na umiilaw sa gabi.
Muntik nang maiyak si Isabelita noong makita akong papalapit, iyong apat naman ay panay ay pagngalit sa akin, sinasabi kung gaano sila kaalala at natakot na baka hindi na ako makabalik. Tahimik lang akong nagsasasabi sa 'king isip.
Kung alam n'yo lang ang pinagdaanan ko...
"May nahanap ka bang lugar?" tanong ni Ailyn noong maayos niya na ang bagahe niya sa kaniyang likuran.
Mabilis na naglikot ang mga mata ko at nahanap ang taong-aso na mariing nakatitig sa akin mula sa puno na tinatalikuran ng mga kaibigan ko. Sinenyasan ko siya na mukhang nakuha niya naman kaagad. Lumundag siya sa mga sanga papunta sa isang daan.
"Tara! Sumunod kayo sa akin..."
Sinundan nila ako habang ako naman ay pasimpleng sinusundan ang nilalang na tahimik na palipat-lipat ng mga puno. Though, I'm a little tense about my company. I should stay calm so they wouldn't suspect me about what I've gone through without them.
Dinala ko sila, I mean, dinala kami n'ong taong-aso sa isang napakagandang lugar. Isa talaga 'yong open-field na tingin ko'y isang hangganan rin ng gubat, may ilog pa iyong katabi. A valley filled with nothing but soil and few grasses.
Sa madilim na langit ay kitang-kita namin ang marami at maliliwanag na buitin. Bawat isa ay maliliwanag at napakaganda. Para kaming nakararanas ng isang napakagandang starry starry night.
"Whoah! Ang ganda rito!" Lourdell exclaimed as she glomped on me. "The best ka talaga, Sania!"
Mahina akong tumawa at hinayaan silang ihanda ang mga gamit nila. Nagtulungan kaming lahat sa pagtatayo ng isang napakalaking tent at gumawa ng bonfire sa gitna ng lugar.
Kaming anim ay paikot na nakaupo sa paligid ng sinindihan naming apoy habang kumakain ng gardenia bread na binaon ni Lyca. Saglit na inihaw pa namin 'yong sampung hotdog na binaon namin, pero hindi namin nakain kanina, lahat kami ay ipinalaman 'yon sa tinapay.
Panay ang kuwentuhan namin, pati ako ay nakikisabay na para bang walang naging banta sa buhay ko kani-kanina lang.
This is the right thing to do. Napag-isip-isip ko na rin na hindi ko na dapat pa silang idamay sa karanasan ko. I should deal with it on my own. Kung may dapat ayusin; kailangan ko 'yong harapin ng mag-isa.
"Ang tagal mong nawala kanina, Sania. Akala talaga naman, kung napa'no ka na." Lourdell and I did a toast with our bottles. Bahagya lamang akong ngumiti bago ibinaba ang bote ko ng tubig.
"Sinabi ko naman nang naligaw ako, hindi ba?" I wore my straight face while chewing my food.
I don't really know if I'm blessed or cursed or what. My calmness is unnatural. Even at a time like this. Hindi ko makuha kung bakit nagagawa kong makapagsinungaling sa mga kaibigan ko ng hindi man lang nagbabago ang ekspresiyon sa 'king mukha. Evil, but ... it does help me sometime. Ni hindi man lang nila mahulaan kung kailan ako seryoso o kung kailan ko sila inuuto.
"Sa susunod na magliliwaliw ka, magsama ka na ng kahit isa sa amin! Aatakihin kaming lahat sa nerbiyos nang dahil sa 'yo!" bulyaw ni Lyca habang ngumunguya.
Napangiwi na lang ako at naiiling na nagbato ng nabunot kong damo sa 'king tabi doon sa nagngangalit na siga sa 'ming harapan.
I managed to change our topic. I diverted it towards our plan regarding our club activities. In-open ko 'yong pagpa-publish namin ng karanasan namin matapos ng pagka-camping na ito. I can't let them ask more about what happened while I was gone. Baka masabi ko ang hindi dapat.
"'Di pa ba kayo matutulog?" tanong ni Ailyn habang umiinom ng tubig mula sa botelya ko. Tinampal ko ang kaniyang balikat ngunit ngingisi-ngisi lamang siyang lumayo sa akin habang binibilisan ang pag-inom.
Talk about buraot. Kanina lang ay inubos niya rin ang tinapay ko, nailapag ko lang ng kaunti ay nadagit niya na. Hmp.
"Hintayin na lang nating maupos 'yang apoy, saka na tayo matulog," sabi ni Jhoma. Sumang-ayon naman kaming lahat sa kaniya.
Inilibot ang paningin ko sa bukana ng gubat na. Napakadilim sa loob n'on kung susuriin mula sa maliwanag naming puwesto ng mga kaibigan ko, ngunit may kakaiba...
Bigla akong naubo at muntik pang mabulunan nang matagpuan ng paningin ko ang pares ng nagliliwanag na gintong mata mula roon. Mabuti na lang ay kaagad na inabot ni Ailyn ang botelya ko. I hastily drank water from it.
"Aba, Sania! Sino na naman ba 'yang nakaalala sa 'yo at bigla ka na lang nabulunan?" naiiling na sabi ni Lyca.
"A, wala. Mali lang ang paglunok ko," sagot ko at naiilang na tumawa. Pasimple kong tiningnan ang nilalang na nakatingin sa akin mula sa isang madilim na puwesto. Hala!
Kailangan kong gumawa ng paraan! 'Pag nagtagal pa siya ro'n ay baka mapansin pa siya nitong mga kasama ko! Malinaw pa naman ang mga mata ni Isabelita!
"Gabing-gabi na, matulog na kayo, alam kong napagod kayo. Ako na lang ang bahalang mag-aayos dito sa mga natitirang kalat." Nginitian ko sila ng pagkatamis-tamis nang silang lima ay tinitigan ako ng kakaiba at para bang nagdududa.
Go on! Minsan na lang 'to, kagatin n'yo na!
Si Lyca ang unang nakabawi. Malapad ang ngiting tinapik niya ang balikat ko bago tumayo sa kaniyang kinauupuan. Ngiting-aso niyang pinapagpagan ang kaniyang nadumihang puwitan.
"Kung gan'yan ka ba naman palagi ay magtatagal talaga ang pagsasama natin, Sania. Una na kami, ha?" Humahalakhak siyang pumasok sa loob ng tent namin.
Nilingon ko si Ailyn at kaagad siyang nag-iwas ng tingin.
"A, e ... una na rin ako! Baka magbago pa'ng isip mo, e. Tara na! Ehehehe..." Hinila niya si Lourdell.
Iyong dalawa naman na sina Isabelita at Jhoma ay mabilis ding tumayo at walang lingon-lingong pumasok sa 'ming tent. Rinig na rinig ko ang tawanan nila sa loob.
Mga uto-uto!
Sa huli ay ako na lang ang natira sa labas kasama ang maliit na lang na sindi ng apoy sa camp fire na ginawa namin.
Nang sa wakas ay nakasiguro akong wala na sila't wala nang balak pang lumabas ay kaagad akong huminga ng malalim. Tumayo ako at dala-dala sa isang tissue ang pares ng tinapay na napalamanan ng hotdog at bote ng Royal na napagtiran namin ay nagtungo ako sa puwesto n'ong taong-asong biglang naging alerto nang makita akong papalapit.
"O? Ba't nandito ka?" mataas nag boses na tanong nito nang makalapit ako sa kaniyang tabi.
Imbis na sagutin ay in-extend ko ang aking mga kamay.
"O!" alok ko sa kaniya habang nakalahad ang tinapay sa aking kamay at ang bote ng softdrink. Naro'n siya sa isang sulok ng bukana ng gubat at naka-Indian sit pa sa lupa na para bang hindi alintana ang dumi.
Tumaas ang isa niyang kilay habang nakatitig sa pagkain na lahad-lahad ko. No'ng kunin niya 'yon ay parang nahihiya pa siya. He's hesitant; kitang-kita 'yon sa kilos niya.
"Salamat sa tulong mo sa amin, ha? Ang ganda rito," sabi ko habang nagbubukas ng flashlight sa 'ming tabi para makita ko siyang kahit paano. Nakanguso siya habang tinititigan ang tinapay na hawak niya sa dalawa niyang kamay. Iyong bote naman ay naro'n sa kaniyang tapat.
"Matanong lang kita, ha? Bakit nandito ka pa?" nagtatakang tanong ko.
Sumimple akong naupo sa kaniyang tabi. Bigla ay kunot-noo siyang lumingon sa 'king gawi kaya bahagya akong napaurong. Ngumiwi ako ng kaunti nang nagsibaon ang malilit na bato sa 'king nakalapat na palad sa lupa.
"Hindi pa ba halata? Iyon ay dahil na sa 'yo ang sagisag ko. Kailangan kong alamin kung paano nangyari 'yon. Kaya sa ayaw mo't sa gusto, susunod na ako sa 'yo kahit saan!" giit nitong nakasigaw na naman.
"O-Oo na. Huwag kang magalit, nagtatanong lang naman ako." Hindi ko mapigilang mapanguso habang nakikipagtitigan sa kaniya.
Hindi ko maiiwas ang aking mga paningin mula sa pares ng magaganda niyang mga mata. Nanliliit ang kaniyang mga tingin sa akin.
"Simula ngayon, nasa panganib na ang buhay mo," aniya na walang abiso. Napakurap na lang ako sa gulat.
Ano'ng ibig niyang sabihin?
"Bakit? Ano ang ginawa ko?" bulalas ko matapos ng ilang segundong pagkatigil.
"Sinira mo ang harang sa 'king himlayan." Arogante itong tumingin at para bang lahat ng nangyayari ay sa 'kin niya dapat isisi.
Anong sinasabi niya? Hindi ko maintindihan! Wala akong maintindihan...
"Ha? Wala akong sinira!" Naguguluhan ako. Bigla ay parang natakot ako para sa 'king sarili.
Nasa ... panganib ang buhay ko? Hindi...
"Ang dahilan kung bakit walang kahirap-hirap kang nakadaan patungo sa burol ng walang nangyayaring masama sa 'yo ay dahil sa sagisag kong taglay mo. Pinoprotektahan ka niyan mula sa panganib na dala ng gubat na ito," pagpapaliwanag niya.
Hindi ako makasagot, sa gulat. His emblem ... protected me?
"At sa sandaling malaman ng mga kaaway ko na ang sagisag ko ay wala sa akin—na may nagmamay-aring iba rito—siguradong gagawa sila ng paraan para matunton ang nilalang na nagtataglay nito," anas pa niya. Kaagad akong napatingin sa 'king palad.
All because of this ... thing?
"E-E'di, kunin mo na 'tong sagisag mo na kanina mo pa binabanggit! Tahimik lang ang buhay ko! Ayoko sa gulo! Saka wala naman akong kinalaman dito, e!" Inilahad ko sa kaniya ang palad ko ngunit umiling lamang siya. He won't take it!
"Hindi muna sa ngayon." Nag-iwas siya ng tingin sa akin. "Kailangan mo muna akong gabayan at hayaang makalabas sa lugar na 'to ... marami pang bagay ang kailangan kong malaman na sa labas lamang na gubat na ito ko matatagpuan ang sagot."
He bowed his head. White stray strands of hair hid his eyes.
"G-Ganoon mo ba kagustong lumabas sa lugar na 'to?" tanong ko.
"Hindi ko gusto—kailangan ko," sagot niya. Ang kaniyang malalim na paghinga ay ramdam ko kahit sa aming distansya.
"Bakit? Para ano?" Hindi ko mapigilang magtanong. Ang kulikuti sa aking katawan ay hindi mapalagay.
Then ... he'll use me to get out of this place? It doesn't sound great, but couldn't seem to find any disagreemen from my self. I couldn't even utter any single protest.
Ang kaniyang sagot sa aking tanong ay marahas na pagkagat sa hawak niyang tinapay at nginuya 'yon, hindi rin nagtagal noong magbago ang ekspresiyon niya at walang pasabing iniluwa niya ang kinain.
Bigla tuloy nawala ang kaninang seryosong hangin sa 'ming paligid. I bit the insides of my cheeks to keep me from chuckling. Dumb!
"Pwe! Bakit ganito ang lasa ng bagay na 'to!" nagngingitngit na sabi niya.
His wrath was getting into him again, I thought we were doing fine seconds ago. Galit na naman ito na halata naman dahil sa hugis ng itim sa kaniyang mata. I really wonder how he manages to act like a furious tiger on a loose when he's actually look like a pup—really.
"Ha? Masarap naman 'ya, a?" Tiningnan ko ang parteng kinagatan niya. Napabunghalit na lang ako ng tawa nang mapagmasdan 'yon.
"E, tissue naman 'yang kinain mo!"
Tumigil lang ako nang itinapat niya sa 'king harapan ang mahahaba at matutulis niyang kuko sa isang kamay.
"H-Haha..." Napakamot ako sa 'king batok. "Tanggalin mo kasi 'to, o."
Kinuha ko ang tinapay sa panghawak niya at mukhang interesado naman siyang tinitigan ang ginagawa ko. Tinanggal ko 'yong tissue sa ilalim ng tinapay at ibinigay muli sa kaniya ang pagkain.
"'Yan. Puwede mo nang kainin," anas ko at ininguso iyong softdrinks sa harapan niya. "Pagpasensiyahan mo na 'yang inumin, wala kaming yelo, e."
Si Ailyn kasi, inubos 'yong tubig ko. Hindi naman ako puwedeng magbukas ng ibang stock namin, kailangan ko pang pumasok sa tent para magawa 'yon at kung mamalasin ay baka maghinala pa ang mga kasama ko.
Mukhang hindi niya pansin ang sinasabi ko dahil ang atensiyon niya ay nakatuon sa pagkain. Nakangisi kong pinagmasdan iyong tainga niyang gumagalaw at ang mga buntot niyang halos tumama na sa akin sa sobrang paglilikot lalo na noong mainom niya iyong Royal. Mukha siyang asong tuwang-tuwa. Waging tails, twitching ears; what a pup.
Umiling ako at napabuntonghininga na lamang.
Nasa panganib ako...
Pilit kong iwinaksi 'yon sa 'king isip, pero mukhang ngayon ako tinatablan ng takot. Hindi ko maintindihan ang sarili ko.
Hindi na 'to ilusiyon, Sania. Ang mga hiwagang gusto mong matuklasan ay unti-unti mo nang natutuklasan dahil sa nilalang sa 'yong tabi...
Ang taong-aso na naroon sa itim na libro.