webnovel

The Dieties Heiress

SecretAppreciator · Fantasie
Zu wenig Bewertungen
31 Chs

Chapter 8: Twin

Sam's Pov

"Article 1317, Title II of Chapter I. No one may contract in the name of another without being authorized by the latter, or unless he has by law a right to represent him. A contract entered into in the name of another by one who has no authority or legal representation, or who has acted beyond his powers, shall be unenforceable, unless it is ratified, expressly or impliedlt, by the person on whose behalf it has been executed, before it revoked by the other contracting party.(1259a)"sabi ko sa harap niya.

Nilapitan ko siya na ngayon ay nakanganga na. Jusme, malay ko ba naman kasi Marketing student kami parehas ni Kevin sa Academy pero bakit ganito. Bakit kami may law? Hays.

Nangulangot ako saka ko isinubo sakanya ang daliri ko na pinangulangot ko. Bawi bawi din after what you did. Tst! Gago ka ba? Akala mo hindi kita gagantihan ha.

"Tang ina nito!"sigaw nito habang dumudura dura.

"Ano ba kasing kalukuhan ito, online schooling, hindi ko na naiintindihan yung leche naming Law."pag iinarte nito saakin.

"Eh kung nag aral ka kasi diyan at hindi dada ng dada malamang may natututunan ka."sabi ko dito.

Umupo ako sa tabi niya saka ko ibinuklat ang libro nito.

"Oh ayan, aralin mo."wika ko dito. Sinimangutan naman ako nito.

"Ngunguso nguso ka pa, gusto mo bang ipahalik ko yang labi mo sa palad ng mga paa ko?"sarkastiko kong sabi sakanya.

Hinawakan nito ang libro saka inihagis. Anong problema nito?

"Wala akong ganang mag aral kung ganito. Ang mahal ng binabayaran natin sa Academy tapos ganito?"pagrereklamo nitong sabi.

Tinitigan ko muna siya bago ko siya irapan. Sige, mag inarte ka ng mag inarte. Reklamo pa, imbis na may gawin ka ganyan ka. Bahala ka sa buhay mo.

"Bahala ka diyan."ani ko sakanya saka ko itinuon muli ang tingin ko sa libro na hawak hawak ko.

Maya maya pa ay bigla na lamang lumindol ng malakas dahilan upang magulantang ang lahat ng asa loob ng pamamahay ko.

Agad kaming tumakbo nila Kevin at ng kasambahay ko palabas ng bahay ko.

Sa paglabas namin ay dala dala ko si Mel dahilan upang hindi ako lapitan ni Kevin. Alam ko namang takot siya kay Mel, paano hahaha ahas eh.

Sa kabilang banda, nakita ko ang lalaki iyon na lumabas din sa kabilang bahay. Kapit bahay ko siya?

"Hoy!"pag aagaw pansin saakin ni Kevin.

"Bakit?"tanong ko sakanya.

"May problema ba?"tanong naman nito saakin.

"Sino kaya yung lalaki doon?"tanong ko dito sabay turo narin. Lumingon naman ito sa direksiyong itinuro ko.

"Ha? Eh wala namang tao eh."pagtataka nitong sabi saakin.

Nilingon ko muli ang direksiyon na itinuro ko. Nagulat na lamang ako ng makita kong wala ng tao sa direksiyon ba yun.

"Okay ka lang ba?"tanong saakin ni Kevin.

"Tanga malamang oo."wika ko dito.

Tumigil na ang paglindol kaya naman pumasok na kami muli sa loob ng bahay.

Pumasok ako sa aking kwarto at iniwan ko naman si Kevin sa baba. Maya maya na lamang ay nakaramdam ako ng pagkahilo.

🌺🌺🌺

Kevin's POV

Ilang minuto na ang nakalilipas ngunit hindi parin bumabalik si Sam kaya naman balak ko na siyang puntahan sa kwarto niya.

Paakyat na ako ng hagdan ng makasalubong ko siya.

"Saan ka pupunta?"tanong nito saakin.

Kakaiba siya ngayon. Maputla siya at hindi ito tumititig saakin nang direkta saaking mga mata.

"Sa kwarto mo."sagot ko naman dito.

"Ah sige. Kukuha lang ako ng maiinom."pagpapaalam nito saakin atsaka tuluyang lumakad pababa ng hagdan.

Tumuloy akong pumunta sa kwarto niya upang silipin iyon.

Nakita ko siya.

Nakita ko si Sam na nakabulagta sa sahig. Eh sino yung nakasalubong ko kanina.

Ano to? Minumulto kami?

Nilapitan ko si Sam na walang malay. Binuhat ko siya upang maihiga ko siya sa kama niya at inantay kong maimulat nito ang kanyang mga mata.

"Sam, ang creepy ng bahay niyo."bungad ko sakanya. Agad naman ako nitong binatukan.

"Tanga, ang ganda ng pagkakagawa sa bahay ko tapos sasabihin mo lang na creepy, gago ka talaga."sumbat nito saakin.

"Sam, nakita kasi kita kanina, nakausap pa tapos pagpasok ko dito sa kwarto mo, nakahandusay kana."pagpapaliwanag ko sakanya. Umirap naman ito saakin.

"Edi naniniwala ka na? Kawangis ko ang pumatay kay Martin, Kev."ani nito saakin. Paano mangyayari yun? Kitang kita ko rin naman na walang asa lugar nun na may hawak na baril dahil pinagbabawal yun sa Academy.

"May kakambal ka ba?"pagtataka kung tanong sakanya. Sinipa muli ako nito sa ulo dahilan upang sumubsib ang mukha ko sa kama nito.

"Tanga ka ata eh. Kelan mo ba ako nakitang may kakambal?"sarkastiko nitong sabi saakin.

"Sa-"hindi ko palang naitutuloy ang sasabihin ko ng maputol ito dahil sa babaeng lumitaw sa harap naming dalawa.

Lumapit ako kay Sam at hinawakan siya sa braso. Duwag na kung duwag. Pero oo na! Takot na ako.

"Sino ka?"matapang na tanong ni Sam dito. Ngumisi naman ito saamin.

"Ako ay ikaw, Sam."malamig nitong sabi saamin.

"Sino ka ba talaga!?"sigaw ni Sam dito na tila ba napipikon na ito.

"Prinoprotektahan lang kita sa lahat, mahal kong kapatid."sabi nito saakin.

"Wala akong kakambal!"sigaw ni Sam dito na naging dahilan upang mabasag lahat ng salamin sa kwarto nito.

"You are so damn powerful, my dear sister." sabi nito kay Sam.

Inilahad nito ang kamay niya saka nagkaroon ng kulay pulang bolang apoy.

Itinapat niya naman ito saamin ni Sam.

"Hoy! Teka, kung magpapatayan kayong magkapatid baka gusto niyong huwag akong idamay ha!"sigaw ko sakanilang dalawa.

Ngumisi naman ito saakin.

"You're already a part of it and you'll never escape from it, Kevin!" sabi nito saka humalakhak ng malakas.

"Sam, gumawa ka ng paraan! Natatakot na ako!"sabi ko kay Sam na tila ba may lungkot sa mukha nito.

"Kevin, hindi ko alam ang gagawin ko. I don't even know that it does exist."seryoso nitong wika saakin.

Maya maya pa ay tumama na saaming dalawa ang pulang bolang apoy.

Niyakap ko si Sam atsaka ako pumikit.

Hindi ko na namalayan kung ano pa ang mga sumunod na nangyari.

Ang naaalala ko na lamang ay nawalan na ako ng malay tao pagkatapos kung yakapin si Sam.

A/N: New update for this day. Salamat po sa lahat ng readers. Don't forget to vote and give some comment guys. I love you all!