Sam's POV
Nagising na lamang ako sa tunog ng alarm clock ko. Agad naman akong bumangon upang makapag handa na ako sa aking pagpasok.
Pinakain ko muna si Mel at ang iba ko pang alaga sa aking pamamahay bago ako umalis. Pagkalabas ko sa aking bahay ay agad ko namang napansin ang nakabibinging katahimikan.
Ano kayang nangyari sa mga tao diyan sa kabila. Infernes, walang mang gugulo saakin, maging si Kevin ay wala ngayon. Ano kayang nangyari sakanila?
Pagkapasok ko sa Academy ay agad hinanap ng mga kaklase ko si Kevin. Paanong hindi, eh lagi kasi kaming magkasama. Anong malay ko kung asaang lupalop ng mundo yung gagong iyon. Naku, bahala siya sa buhay niya kong ayaw niyang pumasok.
"Sam, asa-"hindi na nito naituloy ang sasabihin nito ng ibinato ko sakanya ang hawak hawak kong libro.
"Don't you dare to state his name." paanong hindi ka maaasar eh nakailang beses na silang nagtatanong saakin kung asaan si Kevin. Punyeta kaya kung paulit ulit! Pakshit lang!
Tinitigan ko ito ng masama bago ako tuluyang pumunta sa upuan ko at maupo dito.
Natapos ang buong klase na walang Kevin na nang gugulo saakin. Mabuti narin yun. At least ngayon, tahimik ang buhay ko like Morioka doesn't exist all, also Kevin.
Papalabas na ako ng Academy ng bigla kong makita ang isang pamilyar na mukha.
"Asaan si Kev-" agad ko itong sinapak. Tang ina naman eh! Ayoko ng sinusundan ng mga taong nag sasabing 'Asaan si Kevin?', mukha ba akong tanungan ng nawawalang tao?
"Bakit mo ako sinuntok?" galit nitong tanong saakin habang tinitignan sa kamay nito ang dugong lumalabas mula sa ilong nito.
Tang ina! Paanong hindi kita susuntukin eh namumuro kayo sa kakatanong sa taong yan.
Hindi ko ito pinansin at dirediretso lang ako naglakad matapos ng ginawa ko dito. Maya maya ay nakaramdam ako ng masakit na hablot sa buhok ko.
Ramdam ko ang pang gigigil nito saakin at saka ako nito itinulak sa pader at saka isinubsob ang mukha ko dito.
"Asaan si Kevin?" mariin nitong sabi saakin. Aba, putang ina! Walang kadala dala.
I hold his left wrist then I turn my head to see his face. This fucking idiot. Walang kadala dala sa ginawa ko sakanya sa bar ha.
Sinipa ko siya sa tiyan ng dalawang beses dahilan upang mabitawan niya ang buhok ko at mapalayo saakin.
"Ano bang problema niyo at saakin niyo hinahanap ang nawawalang tao?" may halong inis at galit ang nararamdaman ko ngayon dahil sa mga pinag gagawa nila. Paanong hindi ka mabubullshit, hindi nga kasi ako tanungan ng mga nawawalang tao.
"Ikaw, namumuro ka na." gigil nitong sabi saka tumakbo papalapit saakin at saka ako sinakal. Putang ina, walang kadala dala. Ngumisi ako dito saka ko ulit hinawakan ang magkabila nitong braso.
Sinubukan ko siyang ibalibag ngunit hindi ko magawa. Maya maya ay napansin ko ang lumabas na marka sa kanyang leeg. Tang ina, anong klaseng nilalang ito?
"Alam kong hindi ka ordinaryong tao, sa lakas mo pa lang." sabi nito saakin saka lalo itong nang gigil saakin dahilan upang sakalin ako nito ng sobrang higpit.
Pakiramdam ko ay anumang oras ay mapuputol nito ang aking leeg. Anong klaseng nilalang ito?
Maya maya ay agad akong nag labas ng bolang apoy dahilan upang mabitawan ako nito. Ang apoy na inilabas ko ay may iba't ibang kulay na nakapalibot dito. Malamang ay kilala na ako nito dahil sa kapangyarihang inilabas ko.
"Scared?" tanong ko dito. Ngumisi naman ito saakin bago sumugod saakin ng walang takot. Napansin ko ang pagbabago ng kanyang mata dahilan upang magtaka ako. Parehas kami nito ngunit iilang kulay lamang ang mayroon dito.
Agad akong umiwas sakanya ng mapansin ko ang aurang lalong lumalakas habang palapit siya ng palapit.
"Sino ka?" tanong ko dito. Ngunit hindi nito pinansin ang aking tanong.
Naglabas ito ng bolang apoy na nagtataglay ng tatlong kulay dilaw, berde at asul bago nito ibato saakin. Agad ko naman itong sinalubong ng apoy na may katumbas ng kulay ng isang bahag-hari.
"Anong kailangan mo saakin?!" sigaw ko dito.
Tanga ka ata self! Si Kevin lang hanap niyan kanina eh, ngayon dahil sa pagmamatigas mo ayan, napapahamak ka.
"Kanina si Kevin lang ang kailangan ko. Ngayon, interesado na ako sayo." wika nito saakin. Hindi ko ito gusto. Kailangan kong makatakas sa kanya pero paano?
Ginamit ko ang bilis ng isang bampira upang makatakas dito ngunit sa hindi ko malamang dahilan ay natunton parin ako nito. Hindi siya ganoon kabilis pero sa tingin ko ay naaamoy ako nito.
"Putang ina! Bakit ba kasi naging interesado ka saakin?!" tanong ko dito. Agad naman itong nagpakita saakin ng magsalita ako.
"Hindi kita sasaktan kong hindi ka lumalaban." ani nito saakin. Ano ako? Tanga? Mamaya hindi ako lumalaban tapos ako itong kawawa ganun? Huwag nga ako! Sa teleserye at sa story book ganun, sa totoong buhay, hindi!
"Ano bang kailangan mo saakin?" tanong ko dito.
"Paano ka nagkaroon ng ganyang kapangyarihan?" sinagot naman ako nito ng tanong.
"Bakit ko sasabihin sayo? Ano ako, shunga?" sarkastiko kong sagot dito. Pakiramdam ko ay nairita ito saakin kaya ako nito binato ng bolang apoy nito.
"Ano ba?!" inis kong sabi dito.
"Tinatanong kita ng maayos, pwede bang sagutin mo ako ng maayos." wika nito. Aba, nagtanong ako kanina pero sinagot ba ako? Diba hindi? Sinagot ako ng tanong.
"Pwede ba, mag usap kayo ng maayos." dinig kong tinig ng isang nilalang. Sino nanaman ba ito? Weirdo nanaman ba? Tang ina! Anong klaseng mundo ba mayroon ang mayroon ang kapatid ko at Ina ko.
"Sino yun?" tanong nito saakin. Inirapan ko lamang ito at inantay magpakita sa paligid namin ang lalaking nagsalita. Mukha bang alam ko kung sino yun eh parehas kami kaninang abalang magtanungan.
Maya maya ay lumapag sa harap namin ang isang gold na phoenix at nagpalit anyo bilang isang tao.
"Sino ka?" tanong naming sabay sakanya.
"Ako si Solomon."
"At kailangan na kayo ng Damnivia." wika nito saamin dahilan upang magkatinginan kami ng lalaking ito.
Wow talaga. Ang maganda kong buhay dito sa mundo ng mga tao ay nagkagulo gulo dahil sa kakambal ko. Putang ina talaga!
Hindi ba pwedeng siya na lang. Huwag na ako. Nananahimik na kasi ang buhay ko dito eh. Nakakainis naman.
Nakakabullshit kaya!
A/N: A morning update again everyone! Hope you like it 💚