@International_Pen
((( LUIS )))
"Welcome them well… dito ko puputulin ang sungay ng kapatid ni Sean."
Nang nanikip ang dibdib ko… saka ko namalayan na dumugo na naman ang ilong ko. I need to hold more time here in the surface… bakit kamatayan, sumasama ka pa sa problema ko. Di ka na ba makapaghintay na masagutan ko ang lahat ng ito!
Sh*t!
Saka inis kong itinapon ang panyong hawak ko para pinasan ang dugong yun.
Napayuko lamang ang tauhan ko… dahil sa tingin ko. Talagang nagagalit na ako sa mundong to. Masakit na sa ulo.
((( SENA )))
Tahimik kaming kumakain ni Sean.
May kasalanan din ang lalaking to sa akin. Nagpadala din kasi kay Rymalene… kaya lang… bakit nga ba nagpadala kaagad siya? Wala ba siyang tiwala sa akin?
"Sean…" malumanay na tawag ko sa kanya.
"…" naghihintay siya sa kasunod na sasabihin ko.
"Bakit ka kaagad na naniwala kay Rymalene? Wala ka bang tiwala sa akin?"
Unterstützen Sie Ihre Lieblingsautoren und -übersetzer bei webnovel.com