@International_Pen
((( SEAN )))
"Pasok!" Pabalikwas kong bangon, pati si Sena… napa-upo bangon. At nagulat ako na si Leo itong bumukas… at agad na pumasok si Elaine…
"Kuyaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!" parang eroplano na lalapag ng yakap sa akin. Yakap ni Sena ang kailangan ko, hindi yakap ng hyper kong kapatid na ito! Letche, sino ba ang nanay nito. Kaya nabitin siya sa ere ng pigilan ko siya sa noo niya.
Bakit ang aaga ng dating ng mga to?! Kala ko pa naman mamaya pa.
Saka inis na inalis ni Elaine kamay ko, may kasama pang kurot.
"Kala mo naman ikaw ang pinunta ko dito. Syempre ang Ate Sena ko. Ateeee…." Umikot sa higaan at pumunta nga sa tabi ni Sena.
"Okey ka na ba Ate?Di ka ba pinabayaan ni Kuya Sean, bakit ikaw tong naging paborito na kagatin ng lamok na yan… gusto mo Ate kagatin ko rin sila para sayo?"
Unterstützen Sie Ihre Lieblingsautoren und -übersetzer bei webnovel.com