Don't ever stop smiling and keep your head held high.
@International_Pen
((( SEAN )))
Di ko talaga alam ang pumapasok sa kukuti ng baliw na ito. Natawa na lamang ako… dahil baka naman pinagbibiro niya ako. Sa daming gustong hilingin.. bakit para kay George pa?
"Sean… seryoso ako." Sabay taas ng kilay niya… at di na nga nakangiti. Inalis ko ang gloves sa kamay ko. Saka pinanghila siya ng upuan, dahil baka nga di gumagana ng maayos ang ulo niya.
"Maupo ka."
Naupo naman siya, at ako itong naupo sa harapan niya. Di ata niya alam ang pinagsasabi niya. Sapat na sa akin ang dinadala niyang sakit sa ulo sa loob ng pamamahay ko… wag lang sa ikot ng negosyo. Nakangiti akong humarap sa kanya.
"Ano ba talaga ang pumapasok sa kukute mo Sena?"
"Sean…"
"May kinalaman ba dito si George? Kinausap ka ba niya?"
"hindi ah!" agad niyang tangi sa akin.
"Seryoso ka ba sa kahilingan mong yan Sena?"
"Oo nga Sean."
Unterstützen Sie Ihre Lieblingsautoren und -übersetzer bei webnovel.com