@ International_Pen
((( JANINE )))
Seryoso ang mukha niya. Kay ngumiti ako.
" Ako ba ang sumira ng araw mo?"
" Kailan mo pa yan nalaman, at bakit ngayon mo lang sinabi. Hindi naman sa nasira yung araw ko, ikaw, araw-araw mong nililihim yan sa akin. Sinabi ko naman diba sayo, na hindi tayo maglilihiman? Kahit anong mangyari? Pangako natin yan sa isa't-isa?"
Napatango ako.
Dahil ilang taon ko nang nililihim sa kanya ang katotohanan na… patay na ang anak namin. Kaya nga, pinupuntahan namin ang hospital na nasunog sa tuwing annibersaryo nito… at kaarawan na rin ni Aaron. Si Samuel, nagpapasalamat dahil ligtas kaming mag-ina niya… habang ako tahimik na lumuluksa sa pagkawala nga ng tunay naming anak.
Sa titig niyang to sa akin… di ko alam kung paano bubuksan ang tungkol sa … hiwalayan na mangyayari sa aming dalawa.
" Magkano ba aabutin?"
" Samuel, wag ka mag-alala may mabuting tao naman na umalok ng tulong sa akin."
Unterstützen Sie Ihre Lieblingsautoren und -übersetzer bei webnovel.com