@ International_Pen
((( JANINE )))
Pauwi na nga kami. AKo itong nauna sa sasakyan… at ng pumasok na siya… saka umalis na kami. Walang imikan na nangyari sa loob ng sasakyan. Wala. Mas makakabuti sa lahat kung… mananahimik na lamang ako.
Ngunit nagulat na lamang ako ng ang daan na tinatahak namin ay papunta sa amin. Hindi pa ako nakakapamalit ng damit.
At ibig lang nitong sabihin… ihahatid nila ako sa harapan ng bahay namin?!
" Anong ibig sabihin nito?"
Tanong ko na lamang.
" Kailangan mo ng tulong diba, simula ngayon hangang sa natitira mong araw, mismo sa bahay ninyo kita ihahatid."
" Itigil mo na ang sasakyan na ito! "
" And why? Ayaw mo ng tulong ko? Para mapadali ang pagtangap ng asawa mo na wala siyang panama sa akin?"
" Itigil mo ang sasakyan na ito!" Bago pa man nga kami makarating sa harapan ng bahay namin.
Ngumisi siya. Tumigil ang sasakyan. Agad akong lumabas…
Unterstützen Sie Ihre Lieblingsautoren und -übersetzer bei webnovel.com