@ International_Pen
((( SENA )))
Ang problemang ito may kinalaman sa akin. Siguro naman may magagawa tayo tungkol dyan Sean… kahit gaano kalaki pa ng problemang yan. Di'ba Sean?
" Maari ko bang malaman?"
Inilayo niya angtitig sa akin.
" Gusto mo ba malaman."
Tumango ako. " Oo naman. Ikaw na nga tong napakaraming problema tapos bibigyan pa kita ng Malaki?"
OA din ng laking problemang yan. Kasya pa ba sa Earth yan? Ngumiti ako sa kanya.
" Kaya sabihin mo na."
Napabuntong hininga si Sean…
" Maaring di tayo magka-anak Sena."
Nang marinig ko yun… halos nabitawan ko si Sean. Parang di ko alam ang sasabihin ko dahil malinaw ang sinabi niya.
Nang bitawan ko ang kamay niya… tuluyan ng nagkalayo ang kamay namin. Pakiramdam ko bigla akong naitulak sa napakataas na gusali. Di ko alam ang gagawin ko… Di ko alam ang sasabihin sa kanya.
((( SEAN )))
Unterstützen Sie Ihre Lieblingsautoren und -übersetzer bei webnovel.com