webnovel

The Day You Said Good Night

Jungkook can't move on because his first love (Taehyung) left him 2 years ago and He decided to work in Canada for his life and he ready for moving on stage. Will they meet again as Jungkook told him 2 years ago? or he really wants to decide to say Goodbye? (Sorry to my English "it's too barok" haha)

pengkwan15 · Prominente
Zu wenig Bewertungen
3 Chs

Chapter 1: Drunk all Night

Jimin's POV

Tumakbo ako papunta sa Entrance ng Bar kung saan tumawag sakin ang waiter.

"Good Evening Sir. Pasensya na po kung kayo po yung natawagan namin. Magsasara na po kasi kami kaso ayaw nya po umalis" sabi sakin ng waiter na tumawag sakin

"Humingi na po ako sa pasensya sa inyo sa inasal ng kaibigan ko? Sorry po talaga" sabi ko sa waiter at nagbow ako

"Pasensya na rin po Sir!" sabay tinuro nya kung saan naka pwesto si Jungkook na tila Umiiyak mag-isa at lasing na lasing.

Pinuntahan ko siya upang alalayan ko siya pauwi kanila.

"Tangina naman Jungkook! Tama na yan"

Tumingin sakin si Kookie sakin na halos namamaga na ang kanyang mga mata.

"Oh! Jiminssi, andito ka na pala tara mag inuman tayo" yaya nya sakin ngunit ibinaba ko na ang baso na galing sa kanya

"Umuwi na tayo! at ayoko naman malaman ni Jin Hyung to"

Biglang pumiglas sa pagkahawak ko sa kanya dahil alam kong hindi siya titigil ito.

"Jiminssi naman eh, pagbigyan mo na ako" nagmamakaawa nito

"maraming beses na kitang pinagbigyan Jungkook kaya ako naman pagbigayan mo ngayon Please lang"

Buti na lang at nakinig sakin si Kookie. Inaalalayan ko siya maglakad dahil halata na sa kanya pasuray suray na sya. Nakasakay na kami ng sasakyan at katabi ko siya sa driver seat para alalayan ko sya habang nagdadrive ako.

"Kookie naman gabi gabi na lang ba tong ginagawa mo?" habang siniseat belt ko sya tsaka binaba ko yung Upuan nya para maging komportable sya

Hindi nya na ako sinagot sa katanungan ngunit bigla itong umiyak. Halos araw araw na syang umiiyak simula nung iniwan siya ni Taehyung almost mag tutwo years na silang magkahiwalay.

Oo, almost 2 years na pero hindi pa rin sya nakakamove on dahil naniniwala syang babalik si Taehyung. Hindi ko alam kung bakit iniwan sa ere ng walang paalam yung lalaki na yun, pati kami hindi nya kami kinontak kung saan man lang siya ngayon. Parang kapatid ko na silang ituring pero bakit ganun siya. Wala siya pakundangan kahit mga kaibigan niya kami pero hindi namna nun sapat para iiwan si Kookie na halos magkamukha na silang dalawa.

Magkaklase kami ni Taetae at mas ahead kami ng isang taon kumpara kay JK. Pero nagkakilala kaming tatlo sa isang compitation sa school namin noon kaya sobrang close ko silang dalawa. Saksi ako sa lahat ng pagmamahalan nitong dalawa na to kung pano sila nagkagustuhan, pano nangligaw si JK kay Taetae kaso bigla na lang nagbago si Taetae. Almost 7 years na silang magkasintahan mula 4th year High School hanggang sa nag college kami.

"Jiminssi, tumawag na ba sayo si Mahal?" sabi nya

Tinitignan ko siya ng maiigi at nakakaawa syang tignan ngayon. Ayaw ko sabihin ito kila Kuya Jin at RM dahil alam kong magagalit sila kapag nalaman nila na ganito na naman ang ginagawa ni JK araw araw.

"Wala ka talagang galang JK no?" pabiro kong sabi. Kumuha ako ng tissue sa bag ko at pinunas ko ang mga luha niya. Hindi pa rin to tumitigil sa kakaiyak nya

"Jiminssi, mahal naman ako ni Taetae Diba?" habang pinupunasan

Hindi ako nakasagot sa tanong nya na halos araw araw nya sinasabi sakin. Hindi ko alam ang sasagutin ko sa kanya dahil alam kong umaasa siyang ulit na babalik si Taetae sa kanya. Biglang may tumawag sa telepono ko at wala nang iba kundi si Yoongi hyung.

"Hello" sambit ko sa kabilang linya

"Asan na kayo ni Kookie"

"Paalis na kami Be. bakit ka napatawag?" tanong ko

"Tumawag sakin si Jin Hyung kung kamusta na si Kookie"

"Anong sabi mo naman?"

"Ayun sinabi ko na mukha naman siya Okay kahit hindi"

"Buti na lang hindi mo sinabi kundi malilintikan na naman tong batang to"

"Hay nako! Gago kasi tong Taehyung na to nang iiwan na lang sa ere na walang paki sa nararamdaman ng iba" galit na sinabi ni Yoongs

"Hayaan mo na Be! Halos dalawang taon nang walang paramdaman. Mababaliw na tayo kung iniisip natin siya ang mahalaga dito si kookie na halos hindi nauubusan ng luha sa kakaiyak"

"Sige na Be! Ihatid mo na yan dito inayos ko na yung magiging kwarto nya dito"

"Sige Be"

Pinatay ko na sa kabilang linya at nag umpisa na ako mag drive. Naririnig kong umiiyak si JK sa kinaupuan niya, alam kong lasing ito pero yung utak at puso nya si Taetae pa rin ang iniisip nito.

"Kung may magagawa lang ako Kookie hahanapin ko talaga yung mokong na yun para bumalik lang sya sayo" sabi ko habang nagmamaneho

"Taehyung, bumalik ka na Please!" mahinang sabi ni JK

Binilisan ko ang pag drive ko para makarating na kami sa bahay namin.

Yoongi's POV

"Ang Bigat mo naman Kookie" reklamo ko habang pinigi bank ko siya

"Bakit mo kasi binuhat eh pwede naman akong tumulong tsk" reklamo ni Boss Jimin

"Ayaw kong mahirapan ka" biro ko sa kanya

"Ulol" natawang sabi nya

"Ang lalandi nyong dalawa maghihiwalay naman din kayo" walang pakundangan na sinabi ni JK habang buhat ni Yoongi

Natawa si Jimin sa sinabi ni JK sa amin na umaalalay samin. Nilapag ko sa kama at tinanggal ni Jimin ang lahat ng suot nya pwera lang sya damit nya na TShirt at Boxer short.

"Hindi ko alam kung bakit pa umaasa na babalikan pa siya ni Gago" sabi ko habang pinapanuod ko sila

"Wala eh Mahal niya pa! Alam mo kasi saksi ako sa lahat ng pinaggagawa nilang dalawa kaya wala ka na dun"

"Bakit saksi ko naman din ah kahit na mas ahead lang kaming Apat"

"Yun nga pero ang point dun is Bakit biglang lumaho ng parang bula si Taetae. Gets mo?" paliwanag nya

Biglang umahon si JK at nagsalita ito na halos magang maga ang kanyang mga mata mula sa pagkakaiyak nito

"Yoongi hyung, Mahal naman ako ni Taetae diba?" tanong nya habang nakapikit

"Matulog ka na Kookie" sambit ko at inalalay pahiga at inayos ko ang kanyang kumot samantala si Jimin naman ay hinanger ang damit na itinanggal niya kay JK

Umalis na kami sa kwarto para naman maayos ang pagtulog ni Kookie. Samantala pumunta si Jimin sa Kusina para kumuha ng pagkain dahil alam kong hindi pa ito kumakain. May Relasyon na kami ni Jimin, almost 3 Years palang kami pero ang pinakamatagal talaga sina Taetae at Kookie na halos magkamukha na sila and Magkalive in na halos same din kaming lahat pwera lang kay Hobi.

"Be, diba my ibinigay sayo si Taetae na Box bakit hindi mo pa ibibigay kay Kookie" sabi ni Jimin

"Hmmm, sabi kasi ni Gago kapag 2 years na daw, dun ko na daw ibibigay. Hindi ko nga gets kung anong punto nya eh , tangina yun pala kung kelan siya lilisan siya yun din date na ibibigay ko kay Kookie" habang nagtitimpla ng kape

"Nabasa mo ba yun?" tanong nya

"Hindi eh pero ang nakalagay sa Card "FOR YOUR EYES ONLY" ayun lang. Alangan naman papakialaman ko yun eh hindi namna akin yun"

"Ang sungit mo naman Be" sabay tawa

Totoo narinig nyo may ibinigay sakin si Taetae bago siya naglaho mula kay JK. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay JK kapag ibinigay ko na kanya.

FLASHBACK

Galing akong Studio nila RM nang nagtxt sakin si Taetae na magkita kami. May Importante daw siya ibibigay sakin, hindi ko alam kung ano yun basta nakipagkita ako sa kanya. Nagkita kami sa Restaurant kung saan daw kami magkita

"Hyung andyan ka na pala." masayang sambit nito galing sa upuan niya

"Galing lang ako sa Studio bakit nga pala?" sabi ko sabay umupo

May inabot sakin na Paperbag na may kasamang Card at ibinasa ko iyon.

"FOR YOUR EYES ONLY, Huh? para sakin ba to" pagtataka ko

"Hyung, hindi eh pero ibigay mo yan kay Kookie after 2 years"

"Ha? 2 years? bakit ayaw mong mismo ikaw mag bigay sa kanya" halong pagkakaka ko sa kanya hindi ko magets yung punto nito

"Please Hyung. Ikaw lang naman ang tanging nakakaalam nito" nagmamakaawa nito

"What do u mean? Ako lang talaga?"

"Yes Hyung. Kaya Please" sambit nya. Pati ako naguguluhan na rin sa kilos nya na para bang may tinatago sya sakin.

"Aalis ka ba?" biglang tanong ko sa kanya na halos kinagulat nya

"A-aah Hindi Hyung. Basta ibigay mo sa kanya yan Please?"

Wala na akong nagawa kundi pumayag na ako sa gusto niya.

END OF FLASHBACK

"Love, pano kung hindi na talaga babalik si Taetae kay Kookie. Anong mangyayari kay JK kung ganun na yung scenario?" sabi ni JM

"Tignan mo naman yung Buhay ni JK ngayon halos mababaliw na, eh tayo naman bilang Kaibigan at kapatid eh need natin syang i-guide baka isang araw na Hit and Run na yan sa kalsada" sambit ko

HIndi na lang nagsalita ni JM. Pero sa mukha ni Taetae na huling kita namin na parang halos maga din ang mata galing sa iyak nito. Hindi kaya nagka problema sa Pamilya si Taetae kaya iniwan si JK nang ganun ganun lang. Ang dami kong iniisip dumagdag pa to.

Wazzup! Guys.

How's your day? Please don't forget to Comment and mag vote para ganahan akong sumulat. Okie

Borahae ?

pengkwan15creators' thoughts