"Nicka Serverio. Migo Floren. Justin Miguel. Jaihanna Martel. Xhianne Garcia."
Napahawak si Hanna sa kamay ko at bahagya iyong pinisil. Humarap ako sa kaniya at bahagyang ginulo ang kaniyang buhok. Nagtaas siya ng tingin sa'kin, nginitian ko lang siya. Alam kong kinakabahan siya ngayon at gano'n rin ako, gano'n rin si Smiley and I know lahat kami dito ay parehas lang ng nararamdaman.
"You can do it. We can do it," saad ko. Agad niya akong niyakap, tumagal rin' yon ng ilang segundo bago siya kumalas sa yakap.
"Let's survive this fuckin test. Good luck for the three of us," wika niya bago naglakad patungo sa harap kung saan nakatayo na ang mga kagrupo niya. In-lead sila ng isa sa mga special force papunta sa isang tabi, may inabot sa kanilang maliit na box.
"Jahred Velasco. Nikkiel Morales. Jhanah Iyala. Mickey Morse. Zehiah Fortez."
Nailipat ang tingin ko kay Smiley na nahuli kong nakatingin rin pala sa akin. Tulad ni Hanna, sobrang kinakabahan din siya. Sino ba namang hindi kakabahan diba? Gusto nilang kami mismo ang magpatayan, and wala man lang kahit isa ang nagreklamo at tumutol. Wala ring may lakas ng loob na tumutol maski ako, dahil kaya nga nila kaming bigyan ng test kung saan kami kami mismo ang magpapatayan eh. Madali lang rin sa kanila na patayin kami kapag hindi kami sumunod.
"You can do this, I know you can," those are my comforting words for her, or is it really comforting?
Tumango siya at nagsabi ng goodluck bago naglakad papuntang harapan, lumingon pa siya sa akin for the last time bago sila i-lead patungo sa isang corner at abutan ng maliit na box.
"Kelvin Ventura. Lee Chan. Ella Mai. Mikki Padilla. Lesly Rein."
Ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko habang hinihintay na matawag ang pangalan ko. Ano na lang mangyayari sa'min? Magsu-survive ba kami hanggang matapos ang exam na ito?
Yup! Magsu-survive kami no matter what.
Meron lang talaga akong kinakatakot. Iyon ay ang...
May katapusan pa kaya ang mga test na kakaharapin namin? Or, sinasabi lang nila na kailangan naming mag take ng test para mapatunayan na karapat dapat kami sa ANU, 'yon pala ay gusto lang nila kaming ubusin sa pamamagitan ng mga tests?
"Jaiho Martel. Jairus Yu. Zelle Laborte. Felice Abrero. Khael Garcia."
Nahila ako pabalik sa reyalidad ng marinig ko ang pangalan ko. Inilibot ko ang paningin ko at saka ko lang napansin na halos wala na pala ang karamihan. Less than 100 na lang siguro kaming natitira at panigurado, na- transport na ang ibang teams papunta sa designated area nila sa battlefield.
Naglakad ako papuntang harap kasabay ng apat ko pang magiging kagrupo. Isang lalaki na singkit ang mata at halatang may ibang lahi, isa pang lalaki na malamig ang aura at walang kabuhay-buhay ang mata, isang babae na halatang suplada at maldita, at ang isa pang babae na halatang happy-go-lucky lang.
Napadako ang tingin sa akin ng babaeng mukhang happy-go-lucky, ngumiti siya at kumaway. Ngumiti rin ako pabalik at kinawayan rin siya para 'di naman ako magmukhang rude.
Lumapit ang isang miyembro ng special force sa amin at ni-lead kami sa isang tabi. Sumunod naman kami ng tahimik.
"This will be your official cards. This will serve as your key cards, ATM cards, and Identification card. It is very important, so try not to loss or damage it at all cost," wika niya habang ibinibigay sa amin ang maliit na box. Iniwan niya na kami at lumapit sa ibang teams na ka-a-announce palang.
Tiningnan ko ang mga kagrupo ko, binuksan na nila ang kahon kaya gano'n na rin ang ginawa ko. Isang maliit at manipis na card ang bumungad sa akin.
Nakalagay dito ang iba't ibang impormasyon tungkol sa akin. Sa likod ay thumb mark, left and right.
Thumb mark ko? Kailan pa ko naglagay ng thumb mark sa kahit na saan?
"Hi. Im Felice Abrero. And you are?" biglang sulpot ng isang babae sa harap ko. Inilipat ko ang tingin ko sa kaniya. Siya 'yong babaeng kumaway sa akin kanina, medyo may kaliitan siya...pwede ko nang akalain na nasa junior high pa siya dahil sa height niya, hindi halata na college student na siya.
Don't judge a person by his/her height, I guess?
"Uhmm hi. Im Jaiho Martel," wika ko na may bahid ng hiya. Bahagya akong napakamot sa leeg ko at pilit na ngumiti. Inilahad niya ang kamay niya na tinanggap ko naman makalipas ang ilang segundong pag-iisip kung tatanggapin ko ba iyon o pababayaan ko lang na mangalay ang kamay niya.
"Nice to meet you," saad niya. Ako na ang kusang bumawi sa kamay ko dahil mukhang wala pa siyang balak bitawan. Simpleng 'likewise' lang ang itinugon ko.
"Hey! My name was incorrectly spelled!" bulalas ng isa pang babae sa grupo namin, 'yong halatang maldita at suplada. Wait, ano bang pinagkaiba ng maldita at suplada?
Nalipat ang tingin ko sa kaniya, maging si Felice at ang dalawa pang lalaki sa grupo. Pati ang iba na hindi pa nagkakaroon ng grupo. In short, all eyes are on her right now.
"Oh, anong tinitingin-tingin niyo? Maaayos ba ang spelling ng pangalan ko kapag tinitigan niyo ko?" masungit na tanong niya ng mapansing halos nakatingin sa kaniya ang lahat. Binigyan niya ang lahat ng nakamamatay na tingin, at isa na ko sa mga 'yon kaya agad akong nag-iwas ng tingin.
Putekkk! Nakakahiya...nakakahiya siya grabe.
"What's your problem ma'am?" tanong ng isang babaeng miyembro ng special force na lumapit sa kinaroroonan namin, specifically, kay miss sungit slash maldita slash suplada.
"Didn't you heard me a while ago? Are you deaf? Should I repeat it again?" walang modo niyang tanong. Sinabayan niya pa ito ng pag-roll eyes.
Sarap pagulungin 'yong mata niya puteekk. 'Yong literal na roll-eyes sana eh noh..I mean, rolling eyes.
Halata ang bahagyang pagka-inis sa mukha ni Miss Ophiuchus, nakasulat sa name tag niya na nakakabit sa kwelyo ng uniporme niya. Was she named after a constellation just like Sir Andromeda? Tumikhim siya bago nagsalita at lumapit pa siya ng isang hakbang sa babaeng nasa harapan niya.
"Miss I don't who and I wanna know who...do you think I would ask you a question if I heard your concern?" pabalang niyang tanong. Nagpakawala ng isang tsk si miss sungit slash maldita slash suplada.
"Miss I don't know who and I don't wanna know who either, what's the use of your ears kung 'di mo naman pala gagamitin para pakinggan ang sinasabi ng mga tao sa paligid mo?" walang galang niyang tanong.
Napatawa nalang sa inis si Miss Ophiuchus. Pinaypay niya rin ang kaniyang mukha gamit ang kaliwang kamay. Ilang saglit pa ay napadako ang tingin niya sa akin.
"Mr.. what's your name?" tanong niya sa akin.
"Hey! You still didn't solve my complain! How could you turn your back on me!?" bulalas ni miss sungit slash maldita slash suplada, pero 'di lang siya pinansin ni Miss Ophiuchus at nanatiling nakatingin sa akin... hinihintay ang sagot ko sa tanong niya.
"I-Im miss sungit slash maldita- Ah I mean my name is Jaiho," sagot ko.
Punyawa! 'Yan, kaka miss sungit miss sungit ko, 'yon na tuloy nasabi kong pangalan ko.
Narinig ko ang bahagyang pagtawa ng isang lalaki sa grupo namin, isang matalim na tingin naman ang natanggap ko mula kay miss sungit. 'Yan na muna tawag ko sa kaniya since 'di ko naman alam ang pangalan niya, and besides, bagay na bagay sa kaniya ang nickname na 'yan.
"Okay, Mr Jaiho... What's this bitch's complaining about?" tanong ni Miss Ophiuchus.
"How dare you!" sigaw ni miss sungit na pinangalanang 'bitch'. Hmm, I kinda like the new nickname...
"Don't you dare tell her my complain. Let her guess what it is," ma- awtoridad na wika ng babaeng masama ang tingin sa akin ngayon. Pero 'di ako nagpadaig doon, hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya bagkus ay sinagot ang tanong ng babaeng nakaharap sa akin.
"Her name was incorrectly spelled ma'am," sagot ko sa magalang na tono. Nag-side glance ako kay 'bitch' at nakitang ikinuyom niya ang kaniyang kamao habang nakatingin sa akin. Halatang nanggagalaiti siyang suntukin ako sa oras na ito.
May inilabas na isang device si Miss Ophiuchus, para itong scanner pero nahahawakan lang sa isang kamay. Handheld scanner siguro tawag do'n.
Lumapit siya kay 'bitch' at itinutok ito sa kaniya, naalarma ang nilapitan at akmang aatras palayo ngunit na-scan na agad siya ng device. Tiningnan ni Miss Ophiuchus ang nakasulat sa maliit na screen ng handheld scanner bago ibinalik ang tingin sa babaeng nasa harap.
"Here's your new special card," wika niya sabay abot ng card na lumabas sa likurang bahagi ng handheld scanner. Inagaw ni 'bitch' ang inaabot nitong card saka tumalikod. Si Miss Ophiuchus ay umalis na rin sa harap namin ng walang paalam.
Lihim akong napa wow dahil do'n sa scanner na hawak hawak ng kakaalis lang na si Miss Ophiuchus.
Tumingin ako sa mga kasamahan ko. Ang dalawang lalaki na nasa kaliwang bahagi ko ay nakatayo lang ng tahimik. Mukhang masungit 'yong isa dahil salubong na salubong ang kilay at nakapangalumbaba. Ang isa naman na mukhang foreigner ay halatang inaantok dahil naghikab siya. 'Yong dalawang babae sa grupo, wala lang rin tahimik lang rin.
"So you're team 341. Follow me," wika ng isang lalaki na halatang mas matanda sa amin ng siguro ay dalawang taon na bigla nalang sumulpot sa kung saan. Sabay-sabay kaming napalingon sa kaniya, at nang magsimula siyang maglakad palayo ay agad agad kaming humabol sa kaniya.
Habang naglalakad kami sa likuran ng sumulpot na special force ay biglang may sumiko sa akin sa kanang tagiliran ko. Napahawak ako sa tagiliran ko at binigyan ng masamang tingin ang depungal na naniko sa'kin. Pero biglang nawala ang masama kong tingin ng makitang mas matalim ang tingin ng babaeng nasa tabi ko ngayon.
"Oh, ikaw na naniko ikaw pa may ganang tignan ako ng ganyan," sambit ko. Pinilit kong magtunog masungit para hindi lang siya 'yong may lakas ng loob magsungit sa kahit na sino.
"How dare you disobey me. Sinabi kong 'wag mong sasabihin pero bakit mo sinabi?" masungit at mataray niyang tanong habang naglalakad. Kaming dalawa ang nasa pinalikod kaya lumingon ang tatlo pa naming kasama na nasa harapan namin naglalakad. "What are you lookin at?" taas-kilay niyang tanong sa mga ito. Agad-agad ay nag-iwas tingin ang tatlo at nag pokus na lang sa pagsunod sa lalaking sinabihan kaming sundan siya.
"I just don't want trouble," sagot ko. Narinig ko ang malakas niyang 'tsk' saka muli akong siniko, mas malakas pa sa unang ginawa niya. "Ouch!" daing ko.
"What's your problem with me?" tanong ko na kunware ay galit. Lumingon siya sa akin, nakataas ang kaliwang kilay sabay flip ng hair kaya natamaan ako ng blonde at mahaba niyang buhok sa mukha.
"Arghh! Enough okay? Sorry for disobeying you, is that what you want?" inis kong tanong. Sa pagkakataong ito ay talagang inis na ako sa kaniya. Kung kanina puro kunwari lang na inis at pagsusungit pinapakita ko, ngayon hindi na. As in! Sinong hindi maiinis kapag nahampas ka ng mahabang buhok sa mukha? Ang sakit kaya, masakit na makati!
"You don't want trouble huh? Well, you just created trouble between the two of us," mataray niyang saad. Halatang wala siyang pakialam kahit na mainis ako sa kaniya, or kahit siguro sigaw-sigawan ko siya ngayon ay wala lang sa kaniya.
"What??? I did nothing wro--"
"Save your argument for later, if you wouldn't mind, please come in now," putol ng special force na sinundan namin kanina. Sabay kaming lumingon sa kaniya at saka lang namin napansin na nakasakay na pala silang apat sa isang maliit sa bus, tulad no'ng sinakyan namin ni Hanna no'ng sinundo kami sa Baguio.
Inis na tinignan ko ang babae sa tabi ko. Nag - hmph siya kasabay ng pagwasiwas ng buhok upang humampas sa mukha ko.
"Aishh! You!" inis na sigaw ko pero wala lang 'yon sa kaniya. Dali dali siyang sumakay at naupo agad sa pinaka gilid ng bus. Nag- inhale exhale muna ako upang kalmahin ang sarili ko dahil trust me...baka kung ano magawa ko sa babaeng 'yon kapag 'di ko kinalma sarili ko. Pinilit kong ngumiti bago sumakay ng bus at naupo sa bakanteng spot sa tabi ni Felice.
Isinara ng special force member ang pinto ng bus at humarap sa amin.
"I am Nexus. As your senior, I will give you useful advice. Don't believe Sir Andromeda's instructions about this test. He told you to kill every enemy you can spot, but that's not how it really is."
"Be straightforward please," ma- awtoridad na wika ng kagrupo kong lalaki, 'yong laging salubong ang kilay.
"A mission was given to all groups and if you fail to accomplish that mission...you will be eliminated."
"Mission failure means death, am I right?" tanong ko. Tumingin sa akin ng pangmadalian si Nexus at nag iwas ng tingin. 'Di niya sinagot ang tanong ko dahil nagpatuloy lang siya sa explanation niya.
Silence means yes, I think?
Well, hindi niya naman na kailangang sagutin ang tanong ko dahil alam kong 'oo' ang sagot sa katanungan ko. It's very obvious, if these were just mere tests, dapat walang kamatayang involve. Dapat safe and alive ang mga examinees, failed man o passed sila sa test.
"So what the hell is our mission?" tanong ni Flipsy, 'yan na bagong nickname ko kay 'bitch'.
"You have to look for your mission once you arrive on your designated area. That's all. Baka maghinala na si Sir Andromeda pag nagtagal pa ko," wika niya bago lumabas ng bus, kasabay no'n ang biglang pagkaramdam ko ng antok. Nilingon ko ang mga kasama ko at nakitang tulog na sila. Ramdam ko na sobrang bigat ng talukap ng aking mata, pero pinigilan ko ang sarili kong magpaanod sa antok. Ilang segundo lang ang lumipas at umandar na ang bus sa 'di pangkaraniwang bilis.
Parang may kung anong humihigop sa akin at pinipilit akong matulog, kahit anong pigil ko sa antok ay 'di ko magawang pigilan. Wala na akong nagawa kundi ang magpaanod na lang sa antok.
•-/-•/-•/•
"Psst gising."
"Just let him sleep... infinite sleep."
"Sisipain ko 'yan pag 'di pa yan nagising...in 3, 2."
Dahil sa takot ko ay agad akong bumangon na naging dahilan para magtama ang ulo namin ng babaeng nasa harap ko. Si Felice.
"Ouch!" daing niya.
"Im sorry, are you okay?" tanong ko sa kaniya. Hinawakan ko ang pisngi niya at tiningnan ang kaniyang noo kung nagkaroon ba ng bukol. Thank goodness at hindi naman nagkaroon ng bukol. Bigla niyang inilayo ang kaniyang mukha at tumayo, pinaypay ang sariling mukha gamit ang kaniyang palad.
"Im okay Im okay, HAHA don't worry," sambit niya habang awkward na tumatawa.
Uhmm...why is she like that?
"Get your ass moving, we have to find that mission before sunset," sambit no'ng kagrupo kong lalaki na, as usual, salubong na naman ang kilay.
Nauna na siyang lumabas ng bus na sinakyan namin, sumunod ang isa pang lalaki sa grupo, then si Felice. Naiwan kami ni Flipsy sa loob, nilingon ko siya at nahuling masama ang tingin sa'kin. Kunot-noo ko siyang tinignan saka tinaasan ng kilay. Hmm kala mo ikaw lang may kayang gawin 'yan? Kaya ko rin noh.
"Don't hold us back, got it?" mataray niyang saad bago tumayo at nag flip hair na naman sa harap ko! Talagang iniinis ako ng babaeng 'to.
"Yah!" sigaw ko. Tinawanan niya lang ako at tumakbo palabas ng bus. Kahit gusto kong magbuburyong sa inis ay wala na akong magagawa, lumabas na lang rin ako ng bus at inilibot ang paningin sa designated area namin.
Napapalibutan kami ng maraming matatayog na puno, iba't ibang uri ng halaman, at hindi masyadong tumatama ang sinag ng araw sa aming balat. In short, nasa gubat kami ngayon.
Linapitan ko ang apat kong kasama na nag kumpulan at nakatingin sa taas ng puno. Nag-angat rin ako ng tingin upang makita ang tinitignan nila.
May isang malaking tarpaulin ang nakasabit sa dalawang puno. At ang nakasulat dito ay...
WELCOME FELICE, ZELLE, JAIRUS, JAIHO AND KHAEL!
MISSION LIST:
1. Look for your personal chests around your designated area.
2. Find and complete the words to create a phrase.
3. Do what is asked on the completed phrase.
As soon as you accomplish your missions, press the red button.
GOODLUCK!
Red button? Nasaan naman 'yang red button na 'yan?
Tulad ko ay nag-ikot ikot na rin sa designated area namin ang aking apat pang kagrupo. Nakatingala ako sa mga sanga ng puno habang naglalakad dahil baka may mahagilap akong chest.
Wala man lang bang hint kung nasaan?
"I found mine!" biglang wika ng isa kong kagrupo. Lumingon ako sa kaniya at nakita ang lalaking mukhang foreigner na may kinuhang kahon sa ilalim ng mga tuyong dahong nagkumpulan sa isang tabi.
"Me too!" wika naman ni Felice na ilang metro lang ang layo sa'kin. Nakita niya naman ang kaniya sa tabi ng malaking bato. Sunod na nakahanap ng kahon niya ay 'yong masungit na lalaki, 'di ko alam kung saan niya nakuha dahil 'di man lang siya nagsabi na nahanap niya na 'yong sa kaniya. Basta ko nalang nakita na binubuksan niya ang kaniyang kahon.
Jeez, kailangan ko ng mahanap 'yong sa'kin ASAP.
Nagpatuloy ako sa pag-ikot ikot upang mahanap 'yong sa'kin. Ngunit wala talaga akong mahanap na chest or kahit na ano. Lumipas pa ang ilang minuto na paghahanap ko ng biglang may nambatok sa'kin.
"The h*ck! What was that for?" tanong ko sa babaeng malapit ko ng kasuhan ng abuse dahil sa pananakit niya sa'kin. Well, not as abusive as Xhianne, but it still hurts.
For sure, her name is Zelle. Kase sila lang naman ni Felice ang babae sa grupo. Kaya obviously, siya ang may-ari ng pangalang ZELLE.
But, I still prefer calling her Flipsy or bitch- kidding, I'm not that rude to call her bitch. So~~ Flipsy will do.
"What? Are you angry?" mataray niyang tanong, itinaas niya pa ang kaliwang kilay niya. Hayst, here we go again. Siya ang nauunang nananakit or what, tapos pag nagpakita ka ng sign na nagagalit ka, magagalit rin siya o kaya naman ay gagawa siya ng paraan para mas magalit ka.
"Why would I be angry?" tanong ko pabalik, itinatago ang katiting na inis at kunwareng wala lang para sa akin ang ginawa niyang pambabatok.
"Tsk. Get those," utos niya sabay tingin sa kinaroroonan ng tarpaulin. Tumingin din ako do'n bago nagsalita.
"Gusto mong kunin ko 'yong tarp- oh? Are those chests?" biglang tanong ko ng mapansing may dalawang maliit na kahong nakasabit sa dalawang edge ng tarpaulin na nakalaylay.
Tiningnan ko si Zelle a.k.a Flipsy at napansing wala rin ang chest niya. So, siguradong sa aming dalawa 'yong chest. The only way to get it is to climb the tree. Good thing, 'di na masyadong masakit ang nabali kong braso, at kaya ko na ring galawin kaya kaya ko ng umakyat ng mga puno.
Naglakad ako palapit sa puno sa kaliwa na kinakabitan ng tarpaulin at nagsimula ng umakyat. Mabilis lang ang naging pag-akyat ko dahil maraming sanga ang puno. In-extend ko ang kanang kamay ko para abutin ang isang kahon kung saan nakasulat ang pangalan ko.
Pagka-abot ko no,n ay hindi agad ako bumaba, tumingin ako kay Flipsy na nakatingin rin sa'kin. Malamang ay hinihintay niyang kunin ko rin ang kahong para sa kaniya.
"Hey! Faster! Get my chest!" sigaw niya na naging dahilan para madisturbo ang tatlo naming kasama na busy sa pag aayos ng weapon nila na nanggaling sa box.
Saka ko lang rin napansin na mahaba ang box ng kay foreigner, parisukat naman ang kay Felice, maliit lang na kahon kay mister laging salubong ang kilay. Akin at kay Flipsy naman ay parisukat lang rin ngunit mas maliit kase sa box ni Felice.
"Not until you promise to stop annoying me," wika ko sa malakas na tono, 'yong tipong maririnig niya lang ng sakto.
"What?! Just get it!" sigaw niya na naman.
"Promise me first," wika ko. Sisigaw pa sana siya at halatang magbuburyong, ngunit hindi niya na itinuloy. Nag roll-eys na naman siya bago taas-kamay na sinabing...
"Fine. I promise to stop annoying you," saad niya. Natawa naman ako ng bahagya bago ko inabot ang kahon na para sa kaniya at ihinulog 'yon sa harap niya. Agad niya 'yong pinulot at nag-angat ng tingin sa akin.
"Promises are meant to be broken, dumbass. HAHAHAH!" sambit niya sabay takbo habang tumatawa ng malakas.
Buseet!
"How could you!" sigaw ko.
Bumaba na lang ako dahil wala naman na akong magagawa. Wala na eh, naibigay ko na 'yong chest niya. Kung alam ko lang na wala siyang balak itigil pang-iinis niya sa'kin, sana 'di ko na lang kinuha ang chest niya at hinayaang siya ang umakyat para kunin 'yon.
Jeez, okay calm down...
Hindi naman big deal 'yon kaya okay lang. Wala ng dahilan para magbuburyong.
Binuksan ko ang box na para sa akin at nakita doon ang black gauntlet ko, a.k.a. si Moonlight.
"Good to see you buddy," bulong ko na animo'y kinakausap ang gauntlet. Isinuot ko na iyon sa kanang kamay ko at agad kong pinindot ang para sa storage. Lumabas ang hologram na nagpapakita ng kung ano ang laman ng storage ko.
As usual, ando'n si Heleus Blue at ang Nano Core Katana ko na binigay ni Hanna, and 'yong mga foods and waters na 'di na namin na-consume. Inilabas ko na mula sa storage ang katana ko at tumayo.
"Wow! Ang ganda ng item mo ah," sambit ni Felice na hinawakan ang kanang braso ko at inusisa ang gauntlet. Napansin ko ang hawak-hawak niyang mana rifle sa kaliwang kamay niya.
"So you're a marksman," wika ko. Ngumiti siya at tumango.
"And you're the swordsman," wika naman niya. Lumingon siya sa direksyon ni Flipsy at muling nagsalita.
"She's the archer."
"Khael is the lancer," wika niya habang nakaturo ang hintuturo sa lalaking laging salubong ang kilay, na may nakasabit na silver spear sa likod. Busy ito sa pagkabit ng maliit na button sa uniporme niya.
"And, Jairus is the dagger user," dagdag niya sabay turo do'n sa foreigner. Nakaupo lang siya sa malaking bato habang nakatitig sa isang papel na hawak-hawak niya.
"Ah! I get it, one member of a user class should be in one squad," saad ko ng may mapansin tungkol sa teaming pattern.
"Yeah. Anyways, do you also have a map piece in your box? The 4 of us have," tanong niya. Ipinakita niya ang papel na hawak-hawak niya.
Isa itong map piece, tulad ng sabi niya.
Tiningnan ko ang laman ng box ko at may nakita ring papel do'n. Pinakita ko iyon sa kaniya na agad niya namang kinuha.
"Help us fix the map," sambit niya bago naglakad palayo sa akin. Sinundan ko siya hanggang sa makarating kami sa kinaroroonan ni Jairus.
"I collected all the pieces," sabi niya dito.
"Good."
Inilapag ni Felice ang lahat ng map pieces sa lupa. Tinitigan naman 'yon ni Jairus at sinimulang iayos. Tutulong sana ako sa pag-aayos ng mapa ngunit wala pang limang minuto ay naayos niya na agad ito.
"Wow you're amazing! How did you manage to fix it in less than 5 minutes?" manghang tanong ko. Nahihiyang napakamot siya ng batok at ngumiti.
"Well, you see ... My major is calligraphy," sagot niya.
"Eh? Really? I enrolled as a MedTech student, but boom, ended up being here," may bahid ng lungkot na wika ni Felice. Pero nakangiti pa rin siya kahit gano'n ang tono niya.
"You?" biglang sabat ng matipunong boses sa tabi ko. Liningon ko lang ng panandalian si Khael at ibinalik rin agad ang tingin kila Felice. Im sure na ako ang tinatanong niya.
"I would have been an Engineering student by now," sagot ko.
"Yuck engineering," sabat naman ng isang babae na siguro naman ay 'di ko na kailangan pang banggitin upang malaman niyo kung sino.
'Di ko na lang pinansin ang sinabi niya.
"Civil engineering?" tanong naman ni Felice.
"Uhmm nope," sagot ko. "Aeronautical engineering."
"Hmm that's interesting. Anyways, I'm not sure what these red dots represent here. Could someone guess what it is?" tanong ni Jairus sa aming apat.
Kahit 'di ko katabi si Flipsy ay rinig ko ang pag 'tsk' niya, kasunod no'n ay ang paglayo niya sa'min. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makarating siya sa grassy area at do'n nahiga. Napa-iling nalang ako bago binalik ang tingin sa mapa.
May tatlong red na tuldok sa mapa, magkakalayo sila ng lugar. Nasa Cyberspace, Crematorium, at Amusement Park nakalagay ang mga tuldok.
So~~ anong meaning no'ng tuldok? Kailangan ba naming pumunta do'n? And kung oo man ang sagot sa tanong ko, ano namang gagawin namin do'n?
Ah, wait.
"Find and complete the words to create a phrase," basa ko sa mission 2 na nakasulat sa tarpaulin. Nagsi-angat ng tingin sa tarpaulin ang mga kasama ko.
"So, maybe the red dots indicate the place where we can find those words?" alanganing tanong ni Felice.
"Not maybe... it's for sure," pagtatama naman ni Jairus.
"We will start our exploration tomorrow morning. First, gather woods to create fire," ma-awtoridad na utos ni Khael habang nakapasok ang dalawang kamay sa dalawang bulsa ng pantalon.
"Fire? Ewww? From what generation are you?" mapang-asar na tanong ni Flipsy na bigla nalang sumulpot sa likod ko. Napalingon kaming lahat sa kaniya, binigyan siya ng masamang tingin ni Khael pero tinarayan niya lang ito.
"If your gonna use the fire as light, then what is the use of this fuckin bus? If it is for food, then what the heck is that gas stove that can be run by batteries for? If it's for warming the body, then fuck...what is the use of your freakin coats?" sunod-sunod niyang tanong habang nakataas ang kaliwang kilay.
She have a point...but,
I didn't see any gas stove inside. Where'd she see it?
"Gas stove?" nagtatakang tanong ni Felice.
"I didn't see the gas stove inside either," segunda naman ni Jairus.
"My gosh, you're not only dumb... you're also blind," mataray na wika ni Flipsy bago naglakad papunta sa loob ng bus. Kita namin mula sa labas na may pilit siyang inaabot sa taas na compartment ng bus. Pero 'di niya maabot dahil magkasalungat ang taas ng pride niya at ang kaniyang height.
Napabuga nalang ako ng hangin bago pumasok sa loob at lumapit sa kinaroroonan niya.
"Lemme get it," saad ko. Huminto siya sa ginagawang pagtalon-talon upang maabot ang gas stove, at lumingon lang siya sakin. Taas-kilay niya akong pinagmasdan habang inaabot ko ang gas stove. Nang maabot ko iyon ay binigay ko sa kaniya, tinanggap niya iyon saka ako tinarayan.
"Tsk"
Binangga niya ang braso ko nang maglakad siya palabas ng bus. Bahagya akong napa atras dahil do'n at tinignan siya ng masama ng lumingon siya sa akin bago tuluyang lumabas. Inirapan niya lang ako saka ibinigay ang gas stove kay Khael.
"Aishhh...that girl," nasabi ko nalang. Pinagpagan ko ang braso kong binangga niya dahil baka kumapit ang virus niya sa coat ko. Muli ay pinilit kong maging kalmado at ipakitang 'di ako naapektuhan sa mga pinag-gagagawa niya sa'kin.
Lumabas na ako ng bus at lumapit sa mga kasama ko na busy sa pag-uusap usap, maliban syempre kay Flipsy na, ayon...nakahiga na naman sa damuhan habang nakatingin sa medyo madilim ng kalangitan.
"... don't need to gather wood, but we need food," wika ni Felice.
"How about, may dalawang pupunta dito sa baba ng bundok to gather foods from this convenient store?" suhestyon naman ni Jairus. May itinuturo siya sa mapa, na may nakasulat na convenient store na nasa baba lang ng bundok kung nasaan kami ngayon.
Ayon sa nakasulat sa mapa, nasa Mt. Evergreen kami ngayon.
"Kung ganon din lang, bakit hindi nalang tayong lahat bumaba ng bundok?" suhestyon ko naman. "Kase nga diba, bukas dapat start ng exploration natin? But then, you suggested na baba ang dalawa to gather food. Mas okay siguro kung tayong lima na mismo ang bumaba, and do'n na rin tayo matulog sa convenient store."
Nagkaroon ng ilang segundong katahimikan sa pagitan naming apat. Pero napansin ko ang bahagyang pagtango-tango ng mga ulo nila, indicating na agree sila sa suhestyon ko.
"That's a great idea," wika ng nakangiting si Felice. Bahagya pa niyang sinabayan ng mahinang palakpak. Ngumiti ako sa kaniya pabalik.
"I agree. How 'bout you?" baling ni Jairus kay Khael na nakapangalumbaba at parang nag-iisip kung ano ba ang dapat naming gawin. Siya na leader namin kase mukhang istrikto- I mean, kilay palang niya halata ng istrikto. Tapos, natatakot kami na maging leader kase nakakatakot siyang maging member.
Basta gano'n. Being a leader suits him best.
"Okay, we'll start walking now. All prepared?" tanong niya. Pasimple akong napa palakpak at nag-click ng tongue dahil nag-agree ang lahat sa suhestyon ko... Or, lahat nga ba?
"What?! No way! Kayo nalang maglakad pababa kung gusto niyo!" sigaw no'ng impakta na ngayon ay naka-upo na sa damuhan at masama na naman ang tingin sa akin.
"Ah! Bakit pa tayo maglalakad pababa kung may bus naman na pwedeng sakyan?" tanong ni Felice kay Khael.
"Didn't you notice? Wala ng gas," simpleng sagot ni Khael. Nagsimula na siyang maglakad palayo sa kinaroroonan namin. Sumunod naman si Jairus.
"The heck?! Are you really gonna walk?!" pasigaw na naman niyang tanong. Liningon ko siya, sakto ring nakatingin pa rin siya sa'kin.
"This is your fault! Masyado kang nagmamagaling!" sigaw niya habang nakaduro ang hintuturo sa'kin.
What? How is this my fault? Nag-suggest lang naman ako ng magandang idea ah. Anong mali do'n?
Tatanungin ko sana siya kung bakit naging kasalanan ko ang paglalakad pababa ng bundok pero 'di ko natuloy dahil hinawakan ni Felice ang kamay ko at hinila na palayo.
"Let's just leave her. Susunod rin 'yan for sure" pabulong niyang wika. Tumango nalang ako at naglakad na kasabay siya.
"I guess so."