webnovel

Chapter 10

Malamig. Napakalamig. Dumagdag pa sa lamig na nararamdaman ko ngayon ang katahimikan ng paligid maliban na lang sa agos ng alon na maririnig ko galing sa dagat na kaharap ko ngayon.

Yes, dagat nga.

Hindi ko alam kung saan ako dinala ng mga paa ko simula ng tumakbo ako palayo sa kinaroroonan nila Felice kanina. Halos ilang oras na rin ang nakalipas matapos ang ganap na iyon.

Actually, nang matagpuan ko ang sarili ko na nasa gilid na pala ng dalampasigan ay nag desisyon akong maupo na lang. And guess what? Hindi ko sure kung anong oras na pero alam kong mahigit tatlong oras na akong nakaupo at nakatitig sa papalubog ng araw. Siguro ay alas-sais na ng hapon o mag aalas-sais pa lang.

Pinagsisisihan ko na tumakbo pa ako palayo kila Felice kanina. Sana pala ay nagmakaawa na lang ako kay Khael at ni-reassure siya na 'di na muling mauulit ang pagkawala ko ng control sa aking sarili tulad ng nangyari kaninang madaling araw.

Kung sana ay nagmakaawa ako kanina,edi sana kasama ko silang apat ngayon. Sana kompleto kami, sana masaya kaming nagtatawanan nila Jairus at Felice ngayon. Sana...hindi ako nilalamig ngayon dahil meron sila na nagbibigay init sa pagkakaibigan namin, kung kaibigan man ang tingin nila sa akin.

Kase ako, kaibigan na ang tingin ko sa kanila kahit wala pang tatlong araw na nakilala ko sila. Si Felice, mabait 'yon at maalaga. Si Jairus, na katulad rin Felice. Silang dalawa talaga ang pinaka nami-miss ko sa mga oras na ito dahil ramdam ko sa sarili ko na kaibigan rin ang tingin nila sa akin. Si Zelle, kahit na inaabuso niya ako physically, kaibigan pa rin ang tingin ko sa babaeng 'yon. Why? Kase niligtas niya ako, at kahit anong pilit ko sa sarili ko na i-hate pa rin siya matapos 'yon ay hindi ko na magawa. At isa pa, kita ko sa mga mata niya kanina nang pigilan niya ako ang pag-aalala at awa. At si Khael, he may be bossy and cold, but he has a very passionate heart. He is caring and I can feel it.

I really miss them, pero may part din sa puso ko na hindi nagsisisi sa desisyon kong mag solo.

This can be a challenge for me to face everything on my own, without the help of my peers. This will serve as a test of my independence.

Para sa oras na magkita-kita ulit kami, dito man sa battlefield o sa camp, at least mas better na ako kesa sa huling time na nakita nila ako. And I can be a much much better kuya kay Hanna.

Speaking of my sister, asan na kaya siya? Is she fine? Maganda ba ang trato ng mga kagrupo niya sa kaniya? May nakaharap na kaya siyang ibang grupo? And lastly....natulad rin kaya siya sa akin na nakapatay ng kapwa examinee?

But if she did face other examinees, did she kill them?

Nang matapos na ang sunset at nagdilim na ang paligid, napag desisyunan kong mahiga na lang sa dalampasigan. Dito na ako magpapalipas ng gabi, at isa pa, ang sarap sa pakiramdam 'yong nakahiga ka sa dalampasigan at ang tanging maririnig mo ay ang alon, tapos sa kalangitan naman ay ang mga bituin ang sasalubong sayo. Diba, ang sarap sa pakiramdam no'n?

Pero mas masarap sana sa pakiramdam kung may kasama ka. 'Yong komportable ka sa presensiya nila.

"Hayst..." mahinang sabi ko bago nagpaanod sa kaantukan na nararamdaman ko.

(>-<)

"AHHHH! D-dad...P-please st..op!" sigaw ng isang batang babae na nasa kusina. Rinig hanggang kwarto ko ang sigaw niya at ang paghambalos sa kaniya ng kaniyang ama. Idagdag mo pa ang pagtawa ng kaniyang ina na pinapanood lang ang ginagawang pananakit ng kaniyang asawa sa kanilang anak.

Bawat gabi, ito na lang ang aking naririnig. Walang araw na hindi ko makikitaan ng pasa sa mukha at katawan si Jaz. Ayaw ko na, pagad na kong marinig ang sigaw at iyak niya. Pagod na akong marinig ang hagikgik ng kaniyang ina at tunog ng sinturon na hinahampas sa kaniya ng kaniyang ama.

Ayaw ko na. Ayaw ko na. Kailangan ko ng bigyan ng katapusan ito.

"E-eth..an..." pilit niyang wika ng makita akong pababa ng hagdan habang hawak ang matigas na pipe na nakatago lagi sa ilalim ng aking kama. Tiningnan ko ang nakakaawa niyang itsura, kita ko sa mga mata niya ang takot at pighati, parang humihingi siya ng tulong.

"AHHHH!" muli niyang sigaw kasabay ng sunod-sunod na paghampas sa kaniya ng ama gamit ang sinturon.

Sobrang awa na ako sa kaniya ngunit nagdadalawang isip ako kung tama ba ang aking gagawin. Baka mas lalo ko lang siyang masaktan sa gagawin ko.

Nanlaki ang mata ko at natuod ako sa aking kinatatayuan ng biglang kumuha ng kutsilyo ang kaniyang ama sa kusina at binalikan ang kaawa-awa niyang anak. Itinaas niya ang kaniyang kamay at sinaksak ang kaawa-awang anak.

"JAZ!" biglang sigaw ko at napaupo. Napahawak ako sa aking ulo at napayakap sa dalawa kong binti.

Nightmares...again

It's been how many years simula nong tumigil ang mga nightmares ko, pero bakit bumalik ulit? Bakit ngayon pa?

Nagflash sa utak ko ang mukha ng dalawa kong napatay at napagtanto kung bakit bumalik ang alaala na ibinaon ko na sa limot 11 years ago.

That's it. It must have triggered that memory.

"May narinig akong boses dito!"

agad akong napatayo mula sa kinauupuan ko at inilibot kung saan nanggaling ang boses na iyon. Saka ko lang rin napagtanto na madilim pa rin ang kapaligiran, ngunit sumisilip na ang haring araw. Sunrise.

Badtrip!

Dahil nasa dalampsigan ako, at ang dalampasigan ay patag...wala akong mahanap na mapagtataguan. Walang malaking bato, walang bahay, walang kahit na ano! Paano na ako nito?

May dalawang paraan lang para makatakas ako, pero wala pang kasiguraduhan kung makakatakas nga ba talaga ako.

First, pwede akong lumangoy pailalim upang hindi nila ako makita habang tumatakas ako. Pero, wala na akong oras para makalangoy palayo bago pa sila makarating sa kinaroroonan ko. At isa pa, black ang suot kong uniporme, kahit makalangoy ako palayo, kitang-kita pa rin ako. But since hindi pa tuluyang maliwanag ang paligid, may 25% na gagana ang plano na ito.

At second, just run. As easy as that. Run as fast as I can habang 'di pa nila ako nahahanap. Pagnahanap na nila ako at nagsimula na silang magpaputok, saka ko na lang gamitin ang mana shield ng gauntlet ko. Basta ang mahalaga ay makalayo ako sa kanila bago pa sila magsimulang magpaputok ng baril.

This plan will put me in a very dangerous situation dahil nga nasa patag ako. Pero mas okay na 'yon, kesa naman na nasa tubig ako at 'di makalaban ng husto.

Or...I can just fight them face to face. Oh, no no no! That's the last thing I wanna do. Five laban sa isa? Wala pa siguro akong napapatumba sa kanila eh tumba na agad ako pag ginawa ko 'yon.

"ANDUN!" rinig kong sigaw ng isang boses. Lumingon ako sa bandang kaliwa ko at nakita ang limang examinee na patakbong lumalapit sa akin. Walang ano ano'y kumaripas na ako ng takbo. Nagsimula na rin silang magpaputok ng baril at pana na nagbigay kabog sa puso ko.

Halos rinig ko na nga ang tibok ng puso ko kahit na malalakas na putok ng baril at pagsabog ng granada mula sa aking likuran ang maririnig.

"T*ngina!" nasabi ko na lang habang tumatakbo.

Lumiko ako ng ruta papunta sa may kalsada at mas binilisan ang takbo palapit sa isang motor na nakaparada ilang metro ang layo mula sa akin.

"Faster! He's going to escape!" sigaw ng isa nilang miyembro. Habang tumatakbo pa rin ay bahagya akong lumingon sa kanila dahil nahinto ang pagpapaputok nila ng baril. Nawalan na siguro ng bala ang marksman nila dahil isinabit niya nalang ang rifle sa kaniyang kaliwang braso. Agad ko namang in-activate ang mana shield ko ng makitang may palaso na parating sa akin.

Mabuti na lang at nasangga ko iyon. Nang makalapit sa motor ay agad kong hinanap ang susi, buti nalang ay naka ready na pa lang nasusian ang motor. Agad ko iyong pinaharurot ng hindi nag dadalawang isip.

Sana lang ay hindi ako matumba dito dahil 3 years ago pa simula no'ng huling time akong nag motor.

Liningon ko ang limang humahabol sa akin at nakita ang frustration sa mukha nila. Huminto sila sa paghabol at napaupo sa kalsada, panigurado ay napagod sila dahil gano'n din ako.

Nang tumingin na ako sa dinadaanan ko ay nanlaki ang mata ko. May malaking bato sa pupuntahan ng motor. Agad kong niliko dahil sa gulat at buti naman ay nailagan ko ang bato, ngunit nadisgrasya pa rin ako dahil pagliko ko ay puno naman ang tumambad sa akin. Hindi na agad ako nakaliko at nakapreno dahil mabilis ang nangyari.

Bumangga doon ang motor at natumba. Nahulog ako sa lupa at mabuti na lang ay hindi nabagsakan ng motor ang binti ko. Ilang metro pa lang ang layo ng napuntahan ko at heto, nabangga naman.

Kita ko kahit malayo na ang grupong humahabol sa akin kanina, ay agad silang nagsitayuan at tumakbong muli papunta sa kinaroroonan ko.

Nasapo ko na lang ang noo ko dahil sa kapalpakan ko.

I already had the chance to escape, but because of my stupidity, here I am... back to square one. I didn't waste any seconds and stood back up.

Sinubukan kong itayo muli ang motor ngunit hindi ko nagawa. Gawa na rin siguro ng pagod kaya hindi ko na kayang itayo ang motor na ito. Napatayo na lang ako ng husto at hinarap ang grupong ilang metro na lang ang layo sa akin.

In-activate ko ang baril sa gauntlet at itinutok sa kinaroroonan nila. This is my only choice, and besides...I already killed 4 people in my 18 years of existence, why not add 5 more in my collection, right?

Habang palapit na sila ng palapit sa akin, nakita ko ang isa sa kanila na nagsimula ng maglagay ng palaso sa kaniyang pana at ang isa naman ay akmang ibabato na sa akin ang spear na hawak-hawak.

Ngunit bago pa nila ako maatake ay pinaulanan ko na sila ng bala na naging dahilan para makarinig ako ng samu't saring sigaw at iyak na nagmumula sa kanila ng matamaan sila ng bala sa iba't ibang parte ng katawan nila.

"T-takbo!" pilit na sigaw ng isang lalaki at pinilit na maglakad kahit na ilang beses ng natamaan ng bala ang kanyang katawan at binti. Ngunti hindi ko pinayagang makatakas ang ilan sa kanila.

Patakbong lumapit ako sa kanila dahil lahat sila ay sugatan na. Tumingin sila sa akin ng may pagmamakaawa sa kanilang mga mukha.

"P-please, d-don't kill us," pakiusap ng babae na may hawak na espada. May tama ng bala sa kaniyang binti at kamay. Kita ko rin ang pulang likido na umaagos sa may bandang tiyan niya.

Isa isa ko silang tiningnan at naawa ako sa itsura nila.

"If we change places, and I'm the one whose injured...will you not kill me if I beg you?" tanong ko sa kanila. Nagkatinginan sila bago ibinalik ang tingin sa akin.

"W-we will g-give you mercy...i-if y-you're on our s-situation," wika ng lalaking may hawak ng pana. Pilit akong ngumiti kahit na alam ko naman na sinasabi niya lang ito para hindi ko sila patayin. Pero for sure, I know they will kill me kung ako ang nasa kalagayan nila.

I'm not that stupid to buy his statement. Pero dahil sa awa na nararamdaman ko ngayon at sa guilt na pinipigilan akong patayin sila kahit sila naman ang naunang nagtangka sa buhay ko, ay tumalikod ako at naglakad palayo sa kanila.

Ngunit wala pang limang metro ang layo ko sa kanila ng biglang may palasong tumama sa aking kanang tagiliran. Napadaing ako dahil do'n at galit na nilingon sila. Mas bumakas ang takot na naramdaman nila at nagsisihan sa nangyari.

"W-why did you do it?" galit na tanong ng babaeng may espada sa lalaking pumana sa akin.

"Why? Kahit anong mangyari, mamamatay pa rin tayo. Either loss of blood, or i-massacre tayo ng ibang grupo na makakita sa atin," wika naman ng lalaki.

"P-please, d-don't kill me. K-kahit siya na lang p-patayin mo," makaawa ng babaeng may espada. Sumang-ayon naman sa kaniyang sinabi ang kasama niya maliban sa lalaking pumana sa akin.

Habang pinapanood ko silang magbangayan, ramdam ko ang mainit at malapot na likidong umaagos mula sa aking tagiliran pababa ng aking hita. Ramdam ko rin ang hapdi sa bawat galaw ko. At higit sa lahat ay nakaramdam ako ng antok sa gitna ng pagbabangayan nila.

"W-Why the heck do I feel sleepy?" natanong ko sa lalaking pumana sa akin. Nakita ko kung paanong ngumisi siya sa akin bago nagsalita.

"HAHAHA sabi ko naman sayo, isasama kita sa hukay. Nilagyan ko ang arrow na 'yan ng lason, na sa oras na makatulog ka...goodbye world ka na," nakangisi niyang sagot.

I scoffed as soon as I heard him and the next thing I did was the least act that I regret. I killed all five of them with my own hands using the katana that my sister gave me.

The smell of blood-my blood and their blood -reeks all over me. And it makes me sleepier. I can feel my vision blurring while I walk away.

"Damn it" nasabi ko nalang at napa facepalm.

Kung sana ay pinatay ko na agad sila, edi sana hindi ako inaantok ngayon. Edi sana walang dugong umaagos mula sa aking tagiliran ngayon.

So, paano na ako ngayon? The time I let myself drown in my dreams...I'm dead. Kahit gaano ko kaayaw matulog sa mga oras na ito, sobrang lakas ng effect nito sa akin. Na kahit siguro lagyan ko ng calamansi ang sugat ko ngayon ay makakaramdam pa rin ako ng antok.

Naupo ako sa ilalim ng isang puno matapos kong tanggalin ang palasong tumama sa tagiliran ko. Naging dahilan ito ng mas paglakas ng agos ng dugo.

I'm doomed.

Kung 'di man ako mamatay dahil sa lason, sa kawalan naman ng dugo ako made-deads. Either way, I'm still dead. Maybe my name was already written in hell, and today is the day for me to meet him.

Do I regret killing those 9 people?

I'll proudly say no. why?

Easy, yes I killed them, but I also saved lives.

I killed Jaz' parents, but at the same time... I saved her. I killed those two back then...but I saved Felice and myself. And the 5 people just a while ago, I killed them...but I saved other examinee that will be their targets if I hadn't kill them. And also, I saved myself from them...or maybe not?

"Hanna...please be safe," sabi ko habang nakatingin sa malayo. "Please be safe, while I sle"

PAKKKKK

Isang malakas na sampal ang nagpabalik sa aking ulirat. Kahit gaano ako kaantok ay nagising ang diwa ko dahil sa lakas ng sampal na iyon.

"Who said you're going to sleep?" tanong niya habang nakatingin sa akin. Gulat ako ng makita kung sino ang sumampal sa akin.

Should I be thankful kase sinampal niya ako? Or dapat akong magalit kase nga sinampal niya ako?

Isinabit niya ang kaniyang compound bow sa kaliwa niyang braso at inalalayan akong tumayo. Dahil nga nanghihina ako ay hindi ako lubos na makapaglakad ng walang alalay niya, good thing at nandito siya para tulungan ako.

"Just leave me here. Mamamatay rin naman ako kahit anong mangyari," wika ko sa kaniya. Narinig ko na natawa siya ng bahagya, ngunit nagpatuloy lang sa paglalakad, gano'n rin ako.

"Just leave you here? But your action says the opposite," sagot niya. Dinala niya ako sa malapit na bahay. Maliit lang ito ngunit okay na ito. Pwede na kaming magpahinga dito pansamantala. At isa pa, maliwanag na sa labas. Kapag pinagpatuloy naming maglakbay na ganito ang sitwasyon ko ay malalagay lang kami sa panganib.

"Why are you here, Zelle?" tanong ko sa kaniya ng paupuin niya ako sa couch na maalikabok. "Aren't you supposed to be with Khael and others?"

Hindi siya sumagot. Bagkus ay dumiretso siya sa kusina at naghalunggkat. Pagbalik niya ay may hawak siyang first aid kit at painkillers. Lumapit siya sa akin at kumuha ng bottled water sa storage ng gauntlet ko.

"Drink this," ma- awtoridad niyang saad bago iniabot ang tablet ng painkiller at bukas ng water bottle. Kinuha ko naman 'yon mula sa kaniya at ininom. Nang matapos ay pinatanggal niya sa akin ang pang itaas kong saplot na sinunod ko naman agad.

Nilinisan niya ang sugat na natamo ko at sa bawat dampi ng cotton na may alcohol sa sugat ko ay napapadaing ako. Tumulong naman ang alcohol upang manatili akong gising. Ang tanong lang, ay ilang minutes o oras ang epekto ng lason sa katawan ko? Gaano katagal kong mapipigilan ang pagtulog?

"Why are you here?" ulit ko sa tanong ko kanina. Huminto siya pansamantala at inangat ang tingin sa akin, ngunit agad rin niyang ibinalik ang atensyon sa ginagawa.

"Im asking you."

"Aren't you supposed to say thank you first, before asking me the reason why I'm here?" suplada niyang tanong. Tumikhim ako at tumingin muna sa kawalan bago nagsalita.

"T-thank you," nahihiya kong saad. I never expected that she will save me...again, for the second time.

"Now, answer my question," dagdag ko pa. Ibinalik ko ang tingin ko sa kaniya na kakatapos lang maglagay ng gauge sa sugat ko. Inayos niya ang first aid kit at ipinatong sa mesa bago tumingin sa akin ng diretso.

"I was just walking and saw you, that's all," sagot niya. Naupo siya sa katabing couch at pumikit.

That's it? Naglalakad lang siya doon then nakita niya akong nakaupo at sugatan sa ilalim ng puno?

"Do you think I'll buy that reasoning?" tanong ko sa kaniya matapos kong magsuot ng uniporme pang itaas.

She sighed and rolled her eyes. May kinuha siya sa bulsa niya at binato sa akin. Papel iyon at buti nalang ay nasalo ko. Nagtatakang tiningnan ko siya ngunit tinaasan niya lang ako ng kilay. Itinuon ko ang tingin ko sa papel at binuksan.

"What the? Bakit nasa iyo ito?" nanlalaking matang tanong ko sa kaniya. She shrugged before answering.

"I stole it, obviously," sagot niya at pinan-ikutan na naman ako ng mata. " You're stupid enough if you can't figure out why I gave you that," dagdag niya pa bago muling ipinikit ang mata at sumandal sa couch.

She gave me the map. Yes, the map. 'Yong mapa ng battlefield at kung saan nakalagay ang 3 red dots sa magkakaibang lokasyon (Cyberspace, Crematorium, Amusement Park).

Basically, she gave me this because...

"You want me to get the pieces before them?" nagtataka kong tanong. Hindi siya nagmulat ng mata ngunit nagsalita siya.

"I want you to make their duty easier," saad niya. Sa wakas ay nagmulat na siya at tumingin ng deretso sa akin. "We will get all the pieces before them, and babalik tayo sa kanila pag kompleto na natin ang pieces para gawin ang main mission."

"Then paano sila?"

"What do you mean, pano sila?"

"Magpapagod lang sila sa pagpunta sa mga lugar na ito tapos na sa atin napala ang mga pieces."

"Kaya nga ninakaw ko ang mapa na 'yan diba?" sarcastic niyang saad. "To prevent them from wasting their energies. Unless...naalala lahat ni Jairus ang location ng mga pieces."

Huminga ako ng malalim at pinagmasdan ang mapa.

Will I be able to survive until then? Once I sleep, that's the end for me...

"What do you mean?" tanong niya. Napatingin ako sa kaniya ng may pagtataka sa mukha.

"Huh?"

"You said, once you sleep, it means your end," sagot niya. Bahagyang nagulat ako sa sinabi niya ngunit hindi ko pinahalata. Did I say it out loud?"

"Yes you did," sagot niya. For the second time, nagulat na naman ako. Punyawa...

"So, back to my question. What do you mean when you said, sleeping will be your end?" tanong niyang muli. Huminga ako ng malalim at isinandal ang katawan ko sa couch bago in-explain sa kaniya ang kalagayan ko.

Nang matapos kong sabihin sa kaniya ay nanatiling blanko ang mukha niya. Hindi ko mawari kung nag-aalala ba siya or walang paki-alam sa kalagayan ko. Parang malalim ang iniisip niya dahil hindi na siya nagsalita. Nakatingin siya sa akin ngunit halatang may mga iniisip siya ngayon na ginagawang busy ang kaniyang utak.

I just hope na bago ako tuluyang makatulog ay natulungan ko man lang siya sa pagkuha ng mga pieces, para naman may silbi na ninakaw niya ito at iniligtas ako. That's the only way I can surely thank her.

"Then, I should prevent you from sleeping at all cost," saad niya. " Let's rest for 30 minutes then let's start our adventure" dagdag niya pa. Tumango naman ako bilang sagot. Kumuha ako ng dalawang packs of cereals sa storage ng gauntlet ko, ibinigay ko sa kaniya ang isa at akin naman ang isa.

" Let's eat first," sabi ko na ikinatango niya naman.

"So tell me, how many have you killed already?" biglang tanong niya sa gitna ng katahimikan. Napahinto ako sa pagkain at sandaling liningon siya bago pilit na itinuloy ang pagkain nang hindi naaapektuhan.

"9," maikling sagot ko. Nakita ko sa peripherals ko kung paanong natigil siya at tumingin sa akin. Nagpatuloy lang ako sa pagkain kahit na nadi-distract ako dahil sa paraan ng pagtitig niya sa akin. "Stop staring."

"As if," she scoffed. "9? How come it's 9? May napatay ka pangdalawa pagkatakbo mo palayo sa amin?" dagdag niyang tanong. Sa pagkakataong iyon ay talagang natigil na ako at na- realize ang nasabi ko.

Why did I say 9? Dapat 7 ang sinabi ko dahil ang dalawa ay 11 years ago ko pang napatay. She will be suspicious of me because of this.

"I mean 7, not 9," saad ko at nagpakawala ng pilit na tawa.

"9 and 7 are 2 digits away from each other, why did you say 9?" tanong niyang muli. Ang tono ng pananalita niya ay nagbago, para bang isa siyang detective at ako ang suspect na sinusubukan niyang hulihin sa pamamagitan ng pagtatanong.

"I was just confused. Hindi ba pwedeng nagkamali lang?" tanong ko sa kaniya pabalik at sinalubong ang mapanghusga niyang tingin. Kapag nanatili akong nakayuko sa pagkain ko, mas lalo siyang magiging wary sa presensya ko. Buti nalang ay siya na ang kusang pumutol ng eye to eye namin ng ilipat niya ang tingin sa kinakain.

"Then why 9? Pwede namang 6 or 8 ang masasabi mo right? So, why 9? What's with 9?" sunod-sunod niyang tanong.

"I was thinking of the game card lucky 9 before you asked me, so I got confused and accidentally said 9," sagot ko nang hindi lumilingon. Buti nalang at nakaisip agad ako ng pwedeng rason na paniniwalaan niya.

Tumango siya ng bahagya at hindi na muling nagtanong pa. Tulad niya ay nag focus na rin ako sa pagkain. Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa, and I'm happy because of it. I can't bare to answer another question from her regarding those people I killed. I just can't, it's hunting me everytime I close my eyes even just to blink.

Is this somehow a work of karma? I killed 9 and as a result, I got poisoned. Worst is, hindi agad siya eepekto dahil mag te-take effect lang siya once na matulog ako.

Speaking of that poison, saan naman kaya nakuha ng lalaking 'yon ang lason na inilagay niya sa palasong tumama sa akin? Does that kind poison even exist? Or, he's just scaring me? But if he's just scaring me, why do I feel sleepy?

Sa dami ng libro na nabasa ko, with genres thriller, action and mystery, wala pa akong nababasang ganitong klase ng lason. As in. So, there is a very bit of chance that it's just a hoax.

"We better get going," saad niya. Eksakto naman na natapos na akong kumain tulad niya. Tumayo na siya at nagpaumuna ng maglakad palabas, agad rin naman akong sumunod sa kaniya at nakita siyang nakatayo at naghihintay.

"So, how do we know where we are now?" tanong ko sa kaniya at ipinakita ang mapa. Bumagsak ang balikat niya at kita ko sa mukha ang pagka dismaya, gano'n rin ako.

Hindi pa nga namin nasisimulan ang paglalakbay ay may problema na agad kami. Walang marunong sa mapa sa aming dalawa. And our very first problem now is, kung nasaan ang lokasyon namin sa mapa. Kapag hindi namin alam ang lokasyon namin, malabong mahanap rin namin ang daan papuntang Cyberspace.

"We're near the ocean so maybe we're around this part," wika niya at itinuro ang lahat ng lugar na malapit sa karagatan. But that's not enough. Napakaraming lugar ang nasa gilid ng ocean, so paano namin malalaman kung saan exactly kami naroroon?

"Hmm, guess we need start walking. Maybe may mahahanap tayong mga karatula kung nasaan tayo ngayon," suhestiyon ko na agad naman niyang sinang-ayunan. Nagsimula kaming maglakad sa may gilid ng kalsada dahil nasa kalsada naman talaga madalas mahahanap ang mga karatula diba? But, we're still cautious of our surroundings. Baka mamaya niyan ay may nakakita na pala sa aming isang grupo at balak na kaming giyerahin.

Sana lang ay walang examinee na snipe ang hawak.

Habang nasa kalagitnaan ng paglalakad ay nakaramdam na naman ako ng antok. Here is it again. Pero mukhang binabantayan ni Zelle ang bawat galaw ko, dahil ng mapansin niyang inaantok ako ay agad niya akong sinampal sa magkabila kong pisngi na talaga namang ang sakit.

Rinig na rinig pa ang lagapak ng palad niya sa pisngi ko. Nagpilit ako ng ngiti at nagsabi ng "Thank you".

Ganon ang naging arrangement namin. Lagi akong makakatanggap ng dalawang sampal sa tuwing aantukin ako. And believe me or not, I think my cheeks now are as red as tomatoes. Not because of that so-called kilig though, but because of her non-stop slap dahil halos every ten minutes eh aantukin ako.

That's a big help for me, and thanks to her. But at the same time, I'm cursing her inside my head for slapping me non-stop. Can't she just say, 'Hey Jai, don't you fuckin sleep', diba? Pwede naman 'yon kesa 'yong paulit-ulit akong sampalin.

"What's with that stare? You killing me inside your head?" she asked that snapped me back to reality. I found myself staring-or rather, glaring at her. I quickly look away as I decided to fasten my pace.

"Nope,why would I?" tanong ko pabalik habang mabilis na naglalakad. Pero mabilis rin siyang maglakad at agad na naabutan ako, we're now walking side by side again.

"Because I keep slapping you," sagot naman niya nang hindi lumilingon. Gano'n rin ako sa kaniya, wala kaming lingunan habang nag-uusap.

"You're just doing that to prevent me from sleeping right?" saad ko. Biglang may ideyang pumasok sa utak ko kaya naman agad ulit akong nagsalita. " Or is it just because to prevent me, or you have other reasons?"

Kahit hindi ko siya tignan ay alam kong nangunot ang noo niya. Nakita ko sa aking peripherals ang bahagya niyang paglingon sa akin ngunit agad niya ring ibinalik ang tingin sa daan. "What do you mean?"

"I mean,are you really slapping me just to stop me from sleeping? Or, you're slapping me just because you feel like doing it?" tanong ko.

I saw in my peripherals how a smile creeps on her lips. Tapos sinabayan niya pa ng pag lipbite at halatang nagpipigil ng tawa.

P*unyeta!

"Damn you!" sigaw ko sa kaniya ng bigla siyang kumaripas ng takbo habang malakas na tumatawa. Sinubukan ko siyang habulin ngunit hindi ako makatakbo dahil sa hapdi na nararamdaman ko sa bawat galaw ko.

Wala pang 20 meters ang layo niya sa akin ng huminto siya at nag-angat ng tingin sa kaharap niyang poste na may karatula sa taas. Binilisan ko ang paglalakad at tumayo sa tabi niya.

Nagkatinginan pa kami ng mabasa namin ang nakasulat.

"Cyberspace, 1 kilometer ahead," sabay naming basa.