webnovel

CHAPTER FOURTEEN

"Fire...oh eh oh..."

Fire by BTS ang nagpe-play sa earphones ko habang nasa silid ako. Kasama ko lang naman si Elle at wala namang ibang tao kaya pwede akong kumanta ng kahit anong gusto ko. Ayoko kasing naririnig ako ng iba na kumakanta ng ganito tapus sasabihin mali ang pagbigkas ko sa lyrics. Bakit ba? Perpekto ako? Hindi naman ako Koreana para makuha agad 'yung pagbigkas pero alam ko 'yung sa Fire at sa Me Gustas Tu by GFriend.

"When I wake up in my room, room, nan mwotdo eoptji...hmm hmm hm hmm hmm hm hm..."

Habang kumakanta ako ay napagdesisyunan kong buksan ang data ng cellphone ko at biglang bumuhos ang tunog ng Messenger sa tenga ko. Pucha, ang dami namang notifications!

I opened Messenger and I saw flood of messages from Dylan. Kumunot ang noo ko nang buksan ko ang chat namin. He's saying sorry to me. Hindi niya raw kayang magpakasal kanina. Bigla kong hinilot ang sentido ko dahil sa nababasa at habang naaalala kong nasa akin pala ang certificate namin. Tangina, sorry raw? Napahiya ako doon!

I gave him damns in my mind. Napahiya ako kaya bakit 'sorry' lang matatanggap ko? Kung tinuloy niya ang kasal, eh 'di sana hindi siya nagso-sorry sa akin ngayon. HIndi siya magi-guilty. Kung sana malakas ang loob niya, sana walang nagbayad. Sayang ang 50 pesos ko! Pambili na rin 'yun ng meryenda.

I just typed that everything's fine with me. Na wala namang magagawa ang mga taong namilit sa amin. Hindi naman nilang pwedeng pilitin si Dylan na magpakasal sa akin habang matinding kaba ang haharapin niya kapag kaharap niya na ako sa kunwariang altar. I also told him na kahit ako ay ayoko sanang ma-Wedding Booth pero hindi na rin ako nagpumiglas nang hatakin nila ako doon. I am really considering things. Lalo kapag tungkol sa pera.

They're happy about it and I should be happy also, but it was ruined by 'not meritorious'. Wala eh, kabado ang loko. Takot magpakasal kahit kunwari lang. Ano ba kasing purpose ng sorry if nagawa mo na, 'di ba? Napahiya na ako at hindi niya na mababago ang katotohanang 'yun. All that I have left is my confidence.

After I sent my message to Dylan, I lay down my head on my desk when I heard the front door creak. Napairap tuloy ako bago ko iniangat ang ulo ko para tignan kung sino ang pumasok sa silid namin. Napamaang na lang ako habang itinaas ko ang isa kong kilay. Ano ang ginagawa nito dito?

Standing right in front of the door is a tall, dark, slim guy with arms showing veins. His hands are inside his pants. He's wearing a polo shirt with two buttons opened in the chest part, showing his collarbone. His hair is almost in the middle part of the head but indent half an inch from it, and his light brown eyes glister because of the light-emitting from the classroom window. 

"Oh, Gio, bakit? Nag-away na naman ba kayo ni Abi?" tanong ko habang nakakunot pa rin ang noo. Itinukod ko ang siko ko sa desk habang ang pisngi ay nasa palad.

Mas mataas siya ng isang grade level sa amin. Grade 9 student siya at jowa siya ni Abi. Mas matanda kami kaysa kay Gio pero advance siya kaya Grade 9 na siya. Iyun din ang rason bakit hindi namin siya kinu-kuya-kuya. 

"I think so," sagot niya sa katanungan ko. Kumunot ang noo ko sa sagot niya. Bakit hindi siya sure? "She's not replying to me. Maybe, you can help me find her?"

"Hindi mo ba siya nakita sa canteen?" singit na tanong ni Elle.

"No, I went there."

Lalong kumunot ang noo ko. Ang daming stress ngayong araw ah, dumagdag pa 'tong away nila. Nagsasabi rin kasi sa akin si Abi na may ugali raw si Gio na hindi niya nagugustuhan o natitipuhan pero naiintindihan ko 'yun, dahil si Dylan ay ganun din naman.

Lumapit siya malapit sa teacher's desk at tumayo rin ako para lumapit doon. Kumuha ako ng yeso at nag-lettering sa pisara ng pangalan niya.

"Baka kasama lang 'yun nina Mariel, Riel at Alluka. Baka naggala pero wala naman kasing sinabi sa akin kaya hindi ko rin alam," ani ko kay Gio.

"Just let her be. Baka ayaw naman talaga akong kausap." Sumama ang timpla ng mukha niya at sumandal sa blackboard nang magkahalukipkip ang mga braso niya sa dibdib niya.

Parang may kuryenteng dumaan sa ulo ko sa sinabi niya. Here I am again, thinking. Napaisip na lamang ako na mahirap rin umintindi ng isa pang magulong tao, base na lamang din sa naranasan ko kay Dylan. St ganun na ganun ang sitwasyon ngayon nina Gio at Abi. 

Parehas nilang hindi maunawaan ang isa't isa kaya naman paano lalago ang 'love'? At kung sakaling nandoon na ang pag-ibig ay naroroon na rin ba ang pagkakaintindihan? Ang gulo 'nun. Kaya rin ayokong magmahal pa. Alam kong masakit 'yun. Alam kong ang pangit pa ng mga pwede kong iparamdam sa isang tao. Love can make you blind. You will do whatever it takes for love.

Ilang minuto rin kaming nagke-kwentuhan sa loob ng silid nang biglang nakarinig kami ng ingay sa hallway. Kitang kita sa back door ng silid ang mga nagtatakbuhan sa labas. Kumunot ang noo ko at kinabahan sa hindi malamang dahilan. Anong meron?

"Anong meron?" tanong ko kaagad.

"Jail Booth. Kunwari if you're wearing a bracelet, and they chose that to be the category of the students who will go to jail, then if you get caught, you will be brought to jail and need to pay an amount to bail your way out or someone needs to bail for you so you can get out," pagpapaliwanag niya sa amin na ikinaisip ko ng plano.

"Ang susunod na huhulihin ay ang mga..." Pinakinggan naming mabuti ang sasabihin nila. Kung mayroon man kami ng sasabihin nila ay itatago namin 'yun sa locker. 'Yun ang plano. "...naka-sling bag!" Agad kong tinanggal sa katawan ko ang nakasakbit kong sling bag at itinago 'yun sa locker bago umupo malapit sa pintuan namin sa may dingding upang makasilip pa rin sa labas kahit papaano. May mga malalakas na yabag kaming naririnig sa hallway dahil sa mga nagtatakbuhang tao. 

Nang maramdaman naming tapus na ang panghuhuli ay kinuha na namin ang sling bags na itinago namin sa locker. Sumunod na ang mga hindi naka-ponytail. Laking gulat namin ng bumukas ang pintuan at pumasok ang tropa nina Lourine. Halatang ang layo ng tinakbo nila. Ni-lock pa nila ang pintuan para masiguradong walang makakapasok sa silid namin.

"May sanrio kayo?" tanong agad ni Mai sa amin.

"Wala ih," sagot ko.

Dalawa sila ni Lourine na walang pang-pusod ng buhok at nakitang hindi naka-ponytail. Buti na lang at nakatakas sila sa mga humuhuli kung hindi ay magbabayad sila upang makatakas sa Jail Booth.

"Ahh sige, tapus na ba?" Hinahapo pa si Lourine habang tinatanong 'yun kay Gio na nakabantay sa pintuan namin. Halata rin ang pagtataka nilang bakit nandito si Gio kasama namin.

"Oo," sagot nito at nakahinga na ng maluwag sina Lourine. Hindi rin nila inaasahan ang biglaang pagsugod ng mga SHS kaya naman hindi nila alam kung kailan sila tatakas. Nasa loob lang naman kasi sila ng campus kaya anytime ay pwede silang mahagip at mahuli ng mga naka-assign sa Jail Booth.

Lumabas na sila at nagsimula na naman kaming magdaldalan nila Gio. Nang wala na kaming magawa ay pumunta kami sa harapan ng silid at sumipa siya ng mataas sa ere na para bang isang taekwondo player. Inulit-ulit niya 'yun at pataas pa nang pataas ang sipa niya. He's fighting a ghost right now.

Kanina lang sa pagke-kwentuhan namin ay sinabi niya rin na naging parte siya ng taekwondo dati at naging black belter pero huminto na siya ngayon sa hindi malamang dahilan. Wala siyang binigay na rason pero nakakamanghang naging black belter siya. It's not easy to build up your way. Ang daming training at ang daming competitions and he did all of that. Ini-imagine ko pa lang kung ako ang mag-train sa ganun ay susuko na siguro ako, but it's all worth it for him. He can defend himself and that's all that matters.

Maya-maya pa ay may pumasok sa silid namin. Isang lalaking kulot ang buhok na may katangkaran at naka-salamin. Napatingin tuloy kami sa kanya at takang taka kaming tatlo kung bakit siya pumasok basta-basta sa silid. Nakalimutan rin naman kasi naming i-lock ang pintuan. Masyado kaming nadala ng pagke-kwentuhan namin kanina. But I know this guy. He's in the same class as Gio. 

"Aries?" ani ni Gio dito ng makalapit ang lalaki sa kanya. Hindi ito makalapit masyado kay Gio, dahil sa pustora nito. He's on defensive mode. 

Gumawi ang tingin niya sa amin at tumingin sa gawing baba namin. Napakunot ang noo ko sa ginagawa niya kaya sinundan ko ng tingin ang tingin niya at laking gulat ko ng bigla niya akong hinawakan sa pulsuhan at kinaladkad palabas ng silid namin. Hindi ako nanlaban sa hawak niya pero humihigpit 'yun. Doon ko lang napagtanto ang isang bagay. 

He is one of the jail keepers.

Hindi kasi namin narinig ang sigaw kanina ng susunod na item pero medyo narinig ko naman yata ng kaunti 'yun at pinili ko na lang na hindi pansinin dahil nga nag-uusap pa kami sa loob ng silid. At akala ko ay naka-lock ang pintuan kanina kaya wala akong pinag-alala pa pero ang next item pala ay 'relo' at 'yun ang nagpahamak sa akin.

May suot akong relo at doon siya nakahawak mismo. Sumasakit na ang pulsuhan ko sa pagkakahawak niya sa akin. Mahigpit' yun at imposibleng kang makawala sa klase ng pagkakahawak niya.

Naglalakad kami palabas ng hallway hanggang sa makarating kami sa tapat ng mga naggagawa ng Belen. Wala akong planong umimik at sumusunod sa yapak niya.

Ngunit nang makarating na kami sa gitna ng mga silong, nagpumiglas na ako. Marahas kong tinaas ang braso ko at nilagay ang lahat ng bigat sa kamao ko bago ko binagsak. Hindi pa rin natanggal ang hawak niya sa akin sa ganoong paraan. Maraming tao ang naroroon at nakakakita sa ginagawa kong pagpupumiglas pero wala na akong pakialam pa at wala rin naman silang planong tulungan ako dahil para sa event naman ang panghuhuli.

Sinubukan ko pang magpumiglas pero ayaw gumana ng mga ginagawa ko. Lalo lang akong nasaktan sa pagkakahawak niya sa akin.

"Hindi mo 'yan kaya!"

Napalingon ako sa gawing 'yun at tinignan kung kanino ang boses na 'yun. Baka kasi magkamali pa ako kung huhulaan ko pa. Medyo nagulat pa ako ng mapagtanto ko kung sino' yun. Nakangisi siya habang ang kamay niya ay nasa loob ng kanyang bulsa. Kasama niya sina Sheedise at JV.

Pagkatapus niyang sabihin 'yun, sa kanya napunta ang lahat ng atensyon ng mga taong dumadaan at nag-aayos. He became the center of the attention but he just shrugged his shoulders.

Nagkaroon ako ng pag-asang makawala nang marinig ko ang sinabi niya. Tama siya sa sigaw niyang 'yun at alam kong ramdam nila 'yun. Lahat sila sa klase namin. I'm not be the perfect leader or the perfect classmate. Or even the shy and pretty one. They knew I can defend myself in a situation like this.

Hindi ko naman talaga kailangang depensahan ang sarili ko ngayon. I just need to escape. Hassle kasi kung makukulong ako. Magbabayad pa ako. Wala namang magbabayad sa akin palabas.

If I would think Dylan will bail for me, then I should accepted my fate, but no. For sure, hindi niya ako ibabayad palabas. He's not here so how can he bail me out? And if he's here, hindi naman dadaan 'yun doon para tignan kung nakakulong ako o hindi. I don't want to expect so much. Nasaktan na ako sa ganun kaya ayoko nang ulitin pa ang umasa sa wala.

Patuloy akong nagpumiglas. Umikot ako papunta sa likuran niya bago inilagay ang kamay ko sa pulsuhan ng kamay niyang nakahawak sa akin at inikot ang braso niya. Umikot ulit ako at kasabay 'nun ang pagtaas ng braso ko upang matanggal ang pagkakahawak niya sa akin. Natanggal ang pagkakahawak niya sa akin sa paraan na 'yun. Medyo tumilapon siya ng ilang hakbang sa akin at umikot sa hindi niya malamang direksyon.

Tumakbo ako pabalik sa JHS building at muntik pa akong matipalok. Naharangan ako nina Ate Satine at Ate Lyra sa entrada ng building kaya naman napahinto ako. Napalingon ako sa likuran ko at nakatayo na ng maayus ang jail keeper at handa na siyang habulin ako kaya naman nakiraan na ako.

Nahawakan niya ang strap ng sling bag ko. Naroroon pa rin sina Ate Satine at Ate Lyra at halatang nagtataka sa mga nangyayari. Hinatak ko ang strap ng sling bag ko at itinulak siya palayo. Nabitawan niya ang strap kaya kumaripas na kaagad ako ng takbo papalayo sa kanya at pumasok sa silid kung nasaan sina Gio at Elle.

Gulat ang mababasa sa kanilang mukha nang makita ako sa harap ng pintuan ng silid. Ni-lock ko ang pintuan at nagtago bago naupo sa sahig, at inisip ang ginawa ko ngayong araw. I saved my money. I saved myself from being imprisoned.

Tumingin ako sa pintuan para tignan kung hinahabol pa ako ng jail keeper pero wala na siya sa paligid kaya nakahinga ako ng maluwag. Huhulihin pa kasi ako habang may sama ako ng loob kay Dylan. Nasaktan ko tuloy siya at muntik nang mabali ang buto sa ginawa ko. Kung hindi niya ako pinatakas, siguro ay mas malala pa ang natanggap niya.

Maling mali rin na ako ang pinili niyang hilahin papunta sa Jail Booth. I cannot bail myself and mostly, I cannot get myself imprisoned. Kahit event 'to, ayokong makulong. Sira rin ang kaanghelan ko ngayong araw kaya hindi niya talaga ako kakayanin. Ang astig ng pagtakas ko pero mas astig sana kung naikasal kami ni Dylan, kaso hindi. Nakakawala ng kaastigan ang sinipot pero tinakbuhan rin naman.

"Woah, how did you--Just wow. For a minute you're here and was taken away by--Then...Woah..." His finger is pointing to the back door of the classroom to me. Hindi pa rin yata siya makapaniwalang nandito ulit ako sa silid kasama nila.

"Twisted lang naman ang kamay niya at medyo hinilo ko siya dahil sa ginawa niya sa akin. Ang sakit na kaya ng ganto ko."

I show my wrist to him with my watch. Tinanggal ko 'yun at nilagay sa loob ng sling bag ko. Hinawakan ko ang pulsuhan ko at hinimas 'yun. Namumula 'yun at humapdi dahil nadaplos 'yun ng kaunti.

"But, how did you manage to escape? Just like--wow," ani na naman niyang bilib na bilib sa akin.

Napairap na lang ako sa naging reaksyon niya at hinimas na lang ulit ang pulsuhan ko habang pumunta ako sa upuan ko para umupo.

Maya-maya pa ay narinig namin ang pagkalampag sa pintuan kaya naman napalingon kaming tatlo doon. Naroroon sa harap ng pintuan ang jail keeper na nanghuli sa akin kanina ng sapilitan. Kumunot ang noo ko. Bakit nandito 'to?

Pinagbuksan siya ng pintuan ni Gio at pumasok naman siya sa silid. Wala pa rin akong reaksyon habang tinitigan ko siya. Kung manghuhuli at manggugulo ulit siya rito, huwag niya nang subukan. Sana naman spaat na ang naranasan niya sa 'kin kanina.

Pero nakaka-guilty pa rin. I didn't hurt anybody in my whole existence. Ngayon lang, dahil gusto kong tumakas. Bakit kasi may Jail Booth ngayong taon?

"Kuya, sorry sa ginawa ko. Masakit ba?" pag-aalala kong may halong pangsasarkastiko. Kalahati sa akin ang hindi nagsisisi sa ginawa ko at kalahati sa akin ang nagsisisi dahil nasaktan ko siya dahil sa ginawa ko. Hindi naman kasi ako masama para hindi magsisi sa ginawa ko, 'di ba?

"Hindi naman. Aries pangalan ko," ani niya sa akin kahit hindi ko naman tinanong kung ano ang pangalan niya. At least, he knew how to introduce himself. Hindi katulad kanina na basta-basta na lang siya nanghahatak ng estudyanteng huhulihin dahil may suot na relo.

"What brings you here again? May huhulihin ka na naman ba sa amin at dadalhin sa Jail Booth?" tanong ni Gio.

Napalingon ako sa kanya bago binaling muli ang tingin kay Kuya Aries na naroroon sa harapan ko. Sinamaan ko siya nang tingin habang magkakrus ang mga braso ko sa dibdib ko. Napakamot siya sa batok.

"Sa totoo lang ay nasita ako ni Ma'am Jane sa ginawa ko dito kay ano." He's pertaining to me. "Kaya hindi na ako kasama sa mga nanghuhuli, dahil sinabi ni Ma'am Jane na umalis daw ako doon at nakikiali-ali pa daw ako sa mga seniors," pagpapaliwanag ni Kuya Aries.

Tumingin siya sa akin bago sumilip sa likuran ko kung nasaan si Elle. Kumunot ang noo niya at inulit ulit ang pagpapalit ng tingin sa akin at kay Elle. Napairap ako sa reaksyon niya. First time niya bang makakita ng kambal?

"Teka, kambal kayo?" gulat niyang tanong sa amin.

Halos lahat ng makakakita sa amin ni Elle ay ganun na ganun ang unang tanong sa amin.

'Kambal kayo?'

'Magpinsan kayo?'

'Magkaano-ano kayo?'

'Bakit magkamukha kayo?'

Nasanay na lang siguro kami at nagagawa pa naming mangsarkastiko bilang sagot sa kanila.

"Ayy, hindi po! Magpinsan lang kami!" sarkastiko kong sagot.

"Ay, ganun? Akala ko kambal kayo kasi magkamukhang magkamukha kayo," ani niyang napakamot ulit sa batok.

Napamaang ako sa naging reaksyon niya. Seryoso? Naniwala siya sa sinabi ko? Gaano kahina ang utak ng kausap ko ngayon? Hindi ba halatang sarkastiko ang bises ko? Mas matanda pa siya  sa akin ng isang taon sa lagay na 'yan ah.

"Aries, they're twins! You had fallen from her sarcasm," matawa-tawang pagpapaliwanag ni Gio sa kanya. He tapped Kuya Arie's shoulders.

"Ahh..," tugon niya sa nasambit na eksplanasyon. Napagtanto niya na sigurong nahulog siya sa patibong. "Ikaw ah nakuha mo ako doon ah." Tinuro niya ako pagkatapus niyang mahimasmasan at napairap ako dahil doon.

"Ellaine ang name ko, siya naman si Ellenie," kapagkuwang pagpapakilala ko.

Nag-usap kami tungkol sa kung anu-ano para palipasin ang oras. Hindi na rin naalala ni Gio na kaya siya pumunta sa room ay para manghingi ng tulong sa akin tungkol kay Abi. If they would break up, then they will.

Naboryo na ako buong maghapon dahil wala ng ginagawa masyado. Nakayuko ako sa lamesa at umiiglip nang may nag-alog nito. Tinaas ko ang aking ulo para lang makitang nakaupo si Dylan sa upuan ni Riel habang nakangiting nakatingin sa akin.

"Bakit ba?" kusot matang tanong ko sa kanya.

Nawala ang ngiti sa labi niya at hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin. Nagtaka tuloy ako sa pagbabago bigla ng ekspresyon niya. Hindi ako sanay na pagkatapus ngumiti ng isang tao ay bigla-bigla na lang sasama ang timpla ng mukha nila.

"Sorry," aniya.

Mahina ang boses niya nang sabuhin niya 'yun. Napayuko na naman ako, ngunit hindi na ako pumikit. Nanikip ang dibdib ko sa narinig ko. Galit pa rin ako. Napahiya ako. Walang magbabago doon. Sorry ulit? Sorry lang? Para saan pa? Para ulitin niya ulit?

Hindi na ako naniniwala diyan, Dylan. Nadala na ako kay Harold.

Kinausap ko ang sarili ko sa utak ko. Punong puno ako ng mga ideyang dapat hindi ko na lang iniisip pero paano ko ititigil ang pag-iisip ko kung 'yung trauma ko ay lagi na lang binabato pabalik sa akin? Sumpa ba 'to?

"Okay lang," 'Yun lang ang nasabi ko sa panghingi na naman niya ng kapatawaran. "Nangyari na. Wala na tayong magagawa," dagdag ko pa.

Iniangat ko ang ulo ko at tumingin sa kanya. Ngumiti ako sa kanya ng mapait at ngumiti rin siya pabalik sa akin. Naninikip ang dibdib ko habang nakikita ang ngiti niya. Hindi pala siya observer. Hindi rin niya nararamdaman na hindi okay para sa akin ang ginawa niya at dapat alam niya 'yun pero...Siguro kinalimutan niya na 'rin ang nangyari kanina nang makita niyang ngumiti ako. Siguro kailangan kong galingan sa pagpapalabas ng totoong damdamin ko. Hindi ko kasi kayang gawin 'yun eh. Iniiwan nga ako tapus hindi ko pa nailalabas lahat ng sakit na nararamdaman ko.

"Salamat. Salamat ng sobra, Ellaine! Promise, hindi ko na uulitin," aniya. Hindi ko tinanggal ang ngiti ko sa harapan niya nang tumayo siya para i-celebrate ng mag-isa ang pagkakaayus namin. Maayus lang kami pero walang makakabura ng ginawa niya. 

Ang alam niya ay napatawad ko na siya ng buong buo, pero may parte pa rin sa aking hindi sumasang-ayon roon. Kulang pa ang ipinapakita niyang paghingi ng kapatawaran. Kulang pa 'yun sa pamamahiya niya sa akin. Sa loob ng limang buwan ay walang nadagdag sa ugali niya at wala ring nagbago ni isa, kaya naman hindi na nakakapagtaka pang wala siyang napulot na aral sa akin at hindi niya ito kinonsuma. 

Baka nga tama din ang iba na kaya hindi kami nagkakaintindihan ay iba kami ng paniniwala at unti-unti ko na rin na naiisip na sumang-ayon sa opinyon nila, ngunit may parte pa din sa aking labag pa din ang opinyong 'yun. Minsan, hindi ko na maintindihan ang sarili ko dahil sa dami ng bumabagabag sa isipan ko. Tama na ang isang beses na nasaktan ako kay Harold and I won't let any other man do that to me again.

Sabog akong yumuko ulit sa lamesa ng kinalabit na naman ako ni Dylan. Iniangat ko ang ulo ko nang nakanguso. Tinignan ko siya ng masama pero agad na anwala 'yun dahil sa iniabot siya sa akin. Nanlaki ang mata ko dahul 'dun. "P-Para sa 'kin?" tanong kong naguguluhan at tinuro ko ang aking sarili. Baka kasi sa kanya pala 'yun at hawak-hawak niya lang. Pero kasi imposibleng sa kanya kasi nakalahad 'yung kamay niya sa akin habang hawak ang plastic bag.

"Ayy, hindi, hindi!" Sinamaan ko siya ng tingin at natawa siya dahil 'dun. Umirap ako. "Oo, sayo 'yan," sagot niya na aking ikinanganga ko pa nang tumingin ulit ako sa kanya.

Biglang natigil ang smile moment ni Dylan nang may sumigaw sa may tapat ng pintuan sa harapan ng silid namin. Napatingin kami doon. Nakahalukipkip ang braso nito at mukhang inis na inis. Nakatingin siya kay Dylan na para bang gusto niyang patayin sa inis. Kung nakakamatay lang talaga ang tingin, patay na talaga si Dylan sa harapan ko ngayon.

"Hoy, Kuya Dylle! Kaya ka pala namili ng dalawang fries para ibigay 'yung isa kay Ate Ellaine ah! Madaya ka! Kaya pala hindi mo 'ko nilibre!" dinig kong reklamo ni Katlyn sa hindi kalayuan.

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Nakita ko rin sina Ate Yhesa at Kuya Ranran na medyo tago sa tabi kabilang side ng pintuan sa labas, halatang nakiki-chismis sa nangyayari sa magpinsan. So, kasama din pala sila ni Dylan? Sinamaan ko sila ng tingin at agad nagbigay sa akin ng 'peace sign' si Kuya Ranran habang marahan silang naglalakad paalis ni Ate Yhesa. Napairap na lang ako at inismiran siya.

Wala akong kaalam-alam sa lahat ng ginawa nila pero nakakabigla lang namang may ibibigay sa akin si Dylan pagkatapos ng nangyari kanina sa Wedding Booth. So sweet of him naman para bigyan ako ng fries. May peace offering ang lolo niyo! May kakainin na naman ako, nice!

Tumayo ako at pumunta sa likod tsaka nagpaikot-ikot sa tuwa habang nakatitig lang siya sa akin habang ginagawa ko 'yun. Binuksan ko ang plastic ng fries at susubo na sana nang makita ko si Katlyn na nakatingin sa akin na para bang naiinggit at nananakam sa hawak kong pagkain. Na-guilty ako sa itsura niya dahil hindi siya nalibre ng guilty niyang pinsan, kaya tinawag ko siya para mabigyan ko siya ng fries. Share kami! Hindi siya nalibre eh!

"Katlyn!" tawag ko sa kanyang ikinailang niya bigla. Nawala ang pagkahalukipkip ng mga braso niya at napatayo ng diretso sa tapat ng pintuan namin habang medyo nakapasok na rin siya sa silid. Namumutla siya at namumula na rin ang magkabilang pisngi. "P-Po?" utal niyang tugon sa akin.

Ngumiti ako sa kanya bago siya pinalapit.

"Gusto mo?" 

Ipinakita ko ang fries sa kamay ko at halatang nanakam siya doon. Pinasadahan niya ng tingin si Dylan na nakasandal ngayon sa desk ko bago ibinalik sa akin ang tingin. Nagtatanong pa rin ang mga mata niya kung lalapit siya o hindi.

"Eh, Ate Ellaine...bigay sayo 'yan ni Kuya Dylle, baka...magalit pa sa akin," bulong niyang ikinasinghal at ikinairap ko.

Talaga naman oh, nag-iinarte pa ang bata! 

Nilapitan ko siya at hinatak papuntang likod ng silid habang pinapanood pa rin kami ni Dylan. Wala akong pakialam kung magreklamo siya diyan na bibigyan ko ng fries ko ang pinsan niya. Hindi siya makakatanggap ng shares ang damot sa pinsan. "Ako ang bahala." Inilabas ko ang isang lalagyan ng fries at itinapat 'yun sa harapan niya.

"Ako din pahingi!" sigaw ni Elle.

"Ayoko nga!"

"Isa lang!"

"Madami ka kumuha, Elle. Huwag kang painosente."

"Aba!" reklamo niya.

"Aba ka din!" 

Binelatan ko siya pagkatapus. Inirapan niya lang ako. Lumapit ako kay Katlyn at itinapat ulit sa kanya ang lalagyan ng fries na hawak ko. "Kuha na," ani kong inalok pa lalo ang hawak ko.

Nakatitig lang siya doon at nagtitiis na huwag kumuha pero halata namang gusto niya ng mangburaot sa akin. "P-Pero, ate..." Napairap na lang ako sa naging sagot niya. Kanina pa siya pakipot. Kumuha na lang kaya siya? Hindi naman ako mamamatay kung kukuha siya.

"Sige na." Nilapit ko pa sa kanya ang lalagyan ng fries na hawak ko at muli siyang inalok hanggang sa pinahawak ko na sa kaniya 'yun. Ayaw pa kasing tanggapin ng lola niyo! "Tanggalin mo na ang hiya mo sa 'kin, Kat. Kumuha ka na lang." Wala siyang nagawa kung hindi kumuha ng fries. Pilitin ka ba naman ng ilang beses, hindi ka pa sumuko?

"Thank you, ate!" 

Sinubo niya ang nakuhang fries sa lalagyan habang nakangiti. Napangiti rin ako sa naging reaksyon niya nang kinalabit ako ni Elle. Nawala ang ngiti ko ng makita ang palad niyang nakalahad sa harapan ko. Umiling ako sa kanya at doon na nagsimula ang war sa silid. 

"Hoy, ako rin! Madamot!"

Sinimulan na niyang subukang agawin ang fries sa kamay ko pero masyado akong magaling mag-iwas kaya hindi niya 'yun maabot-abot. Natawa na lang ako sa ginagawa ni Elle at humalukipkip na lang siya, at sumuko na rin naman siya nang hindi niya maabot ang pagkain. Dahil 'dun ay binigyan ko na lang rin siya ng fries. Nakita ko ang pagkislap ng mata niya dahil 'dun. Para siyang maliit na bata na binigyan ng lollipop.

"'Yun! Magbibigay ka rin naman pala eh!"

Napalingon ako kay Dylan na nakalipat na sa upuan niya at naglalaro ng ML. Napangiti akong parang tanga ng maalala ko ulit ang ginawa niya. Nabawasan ang tampo at galit ko dahil lang sa pagbigay niya ng fries ng wala akong sinasabing ilibre niya ako. Little things matters.

Lumapit ako sa tapat niya at kinalabit siya pero hindi siya lumingon dahil naglalaro siya. Medyo nainis ako doon. "Thank you nga pala dito," ani ko na lang. Napansin kong hindi niya ako narinig dahil mayroon siyang suot na earphones. Nanlumo ako dahil doon. Hindi niya man lang ako lingunin dahil nagpapasalamat ako. 

Sinamaan ko siya ng tingin habang nakatayo pa rin sa gilid niya at tinitignan ko kung mapapansin niya ang presensya ko pero masyadong nakatuon ang atensyon niya sa nilalaro. Sa inis ko ay hinatak ko ang kable ng earphones niya mula sa tenga niya at doon siya napalingon sa akin na para bang naiinis na tigre o leon. Nilabanan ko ang titig niya sa akin bago nagsalita nang may halong pangsasarkastiko. "Thank you sa fries!" Pagkatapus kong sabihin 'yun ay umalis na ako sa gilid niya at pumunta muli sa likod nang nakakunot-noo dahil sa inis.

"Anong problema, ate?" tanong agad ni Katlyn sa akin nang mapansin niya ang presensya ko. Buti pa 'tong pinsan niya napapansin ang presensya ko, siya hindi! Manhid ang pucha!

"Ayan si Dylan ang problema!" sabay turo ko sa gawi ni Dylan na bumalik ulit sa paglalaro ng ML. Sumunod naman ang tingin ni Katlyn sa daliri ko. "Ako na nga 'tong nagpapasalamat tapus hindi pa ako lilingunin. Kailangan pang hatakin ko 'yung earphones niya para marinig niya ang pagapapasalamat ko. Kabanas lang ah." 

Hinilot ko ang sentido ko sa inis. Ang ayaw ko sa lahat ay kinakausap kita tapus hindi mo ko lilingunin. Nakakainis ang ganun. Nakakakabanas. Nakaka-bwiset. 

"Ganyan talaga si Kuya Dylle. Loner kasi dati," ani ni Katlyn.

Alam kong loner siya dati, pero sumobra naman yata sa pagka-loner 'yang si Dylan. May ka-MU po siyang kailangang pansinin. Nakakaloka siya! Pati ako idadamay niya sa pagka-loner niya at hindi ako papansinin pag busy maglaro? Ipakain ko kaya sa kanya ang ML niya? Ugh! Kabanas!

"Basta nakakainis pa din siya, Kat!"

Pinagkrus ko ang magkabilang braso ko. Gigil na gigil ako ngayon kay Dylan. Like what the heck? Ginawa niya akong pillar. Mukha ba akong Corinthian Pillar? Oo, maganda ako pero hindi ako pero hindi ako pillar 'no?! Aaminin ko namang flat ako pero nagsasalita ako. Hindi katulad ng pillar!

Alas-kwatro y media na ng hapon at sobrang boryo na ako. Gusto ko man manood ng Battle of the Bands mamayang alas-sais ay hindi naman kami papayagan. Feeling ko ay hindi naging masaya ang first Foundation Day namin sa eskwelahang ito. Hanggang ngayon kasi ay limitado pa din ang pwede naming gawin na para bang elementary pa rin kami. Ganun ang parents namin, lalo na si mommy, dahil daw mararanasan din naman namin 'yun pag nagkatrabaho na kami. Pero ang naiisip ko lang ay pwede ba naming ma-enjoy ang teenager at highschool life namin kahit isang beses lang ng kami lang? 'Yung hindi kami babantayan at hindi sasamahan.

Pinayagan kami noon tungkol sa English Project sa Lamao. Pero pag tungkol na sa gagabihin at kahit may service, hindi pa din kami pinapayagan. Are we still little? Sa tingin ko kasi hindi na. Kaya na naming mag desisyon sa sarili namin. Kaya na naming protektahan ang sarili namin. Alam na namin ang tama at mali kaya bakit kailangan pa kaming diktahan hanggang ngayon?

"Wala pa bang reply si daddy, Ella?" tanong ni Elle sa akin na inip na inip ng umuwi.

Isa pa 'tong masyadong masunurin sa magulang namin na para bang gusto niya laging kontrolado kami. Kung ano ang sinabi ng mga magulang namin, 'yun din ang gagawin niya. I'll just imagine na kung kailan siya matututong ipaglaban ang gusto niyang gawin sa kanila. Baka mas matindi pa siya sumagot kaysa sa akin pag dumating ang mga panahon na 'yun.

"Wala pa. Gusto ko pa ngang manood ng Battle of the Bands, kaso ayaw mo, ayaw din nila daddy," reklamo ko.

"Eh, sabi nila bawal, eh 'di bawal. Matigas na naman ulo mo, Ella."

Ako ang panganay tapus ako ang pangangaralan niya? May I tell her that she's obeying our parents na hindi kami hinahayaang ma-enjoy ang highschool life namin?

Napairap na lang ako sa sinabi niya, dahil mainit pa rin ang ulo ko sa hindi pagpayag ng mga magulang namin sa kagustuhan kong makapanood ng Battle of the Bands. Unang beses na sana ito na makakapanood ako ng ganung klaseng labanan pero hindi pa rin ako pinagbigyan. Panigurado naman sa susunod na magkaroon ulit ng ganito sa isang event, hindi na naman ako pagbibigyan.

Minsan, napapatanog na lang rin talaga ako sa sarili ko na 'Kung lalaki kaya ako, ganito rin ba ang patakaran nila?', 'Kung lalaki kaya ako, papayagan ba akong gabihin?', 'Kung lalaki ba ako, papayagan na kaming sumakay sa bus pauwi?', 'Papayagan na ba akong maggala kung lalaki ako?'. Madaming tanong sa isip ko habang naiinis ako.

Habang naghihintay kami sa isa sa mga benches malapit sa entrance ng school ay nakita ko sina Lexie, Jason at Dylan na nagfi-film pa rin yata ng kanilang music video para sa project namin. Lumingon sa amin si Lexie at kumaway.

"Oh, anong ginagawa niyo diyan? Uuwi na kayo?" tanong niya.

"Oo eh." Wala ako sa mood kaya ganun lang kaikli ang isinagot ko sa kanya.

"Marunong kayo mamasahe?" tanong niya pa.

"Marunong naman, pero susunduin daw kami."

Kumunot ang noo niya sa sagot ko ngunit ngumiti rin siya pagkatapus. Nahalata niya sigurong dismayado ako dahil hindi kami pinayagang magpagabi. " Ingat kayo ah." 

"Ingat," ani rin ni Dylan kung tama ang pagkakarinig kong ako ang sinabihan niya noon.

Napansin ko rin habang nagshu-shoot sila ay magkadikit lagi sina Lexie at Jason na medyo hindi ko inaasahan. Alam kong normal lang na magkasama sila dahil magkagrupo sila, ngunit ang ganito sila kalapit sa isa't isa? Magkahawak-kamay? Napapaisip na lamang ako at naiilang ng sobra. Para akong nagseselos at naiingiit na dapat ay hindi naman, dahil wala naman akong pakialam kay Jason, pwera na lang sa concern ko tungkol sa may crush siya kay Lynarne.

Patagal ng patagal naman kasi ay parang may umuusbong sa akin na damdamin para kay Jason na lagi kong itatanggi sa sarili ko at sa isip ko. Ayokong magloko, kaya naman sinisikap ko na lamang kalimutan ang malabong damdamin ko para kay Jason. Sinusubukan ko mang umiwas ng tingin o iwasan siya ngunit hindi ko 'yun magawa. May bagay na nagsasabi sa aking huwag akong lumayo sa kanya, ngunit wala ako sa posisyon para aminin at pausbungin pa 'yun, dahil mayroon pa akong iba. 

Ang hirap nitong nararamdaman kong hindi ko maintindihan at hindi ko maamin. Hindi pwede. Umiling-iling ako sa kadahilanang nalilito na rin ako sa sarili ko, sa nararamdaman ko at sa iniisip ko. Kung kailan ako nagpapakatotoo sa sarili ko ay doon ko dapat pigilan 'yun.

Bumuntong hininga na lang ako sa naiisip ko. Wala akong dapat ikabahala patungkol sa kanya, dahil magkaibigan lang naman kami. Again, 'mag-ka-i-bi-gan'. 

Nagpapatulong lang siya sa mga bagay na hindi niya kaya at kay Lynarne. Dahil lang din naman kay Lynarne kung bakit kami nagkakaroon ng komunikasyon ni Jason at siya lang din naman ang naging daan ko para pag buksan ako ni Jason ng pintuan sa buhay niya bilang kaklase at kaibigan niya. Marami pang mangyayari sa sarili kong kwento kaya naman sasabayan ko na lang lahat ng mangyayari at hahayaan na lang ang mga aalis sa buhay ko.

Nang matapus nila kaming mabati ay bumalik na ulit sila sa shooting ng project at nanood lang ako sa kanila hanggang sa matapus sila sa ginagawa nila at pumunta na sa ibang lugar. Nakita ko lang na saglit na napatingin sa akin si Jason at tinanguan niya ako at tinanguan ko lang rin siya bilang tugon. Naghantay kami hanggang sa dumating na ang kotse na sasakyan namin at umuwi.

I didn't say anything about the Battle of the Bands. I muted myself. I don't need to repeat myself to them. It's automatic that the answer's no. I just hope I enjoyed my teenage years before I step into Senior High School. Because life in SHS is near to college and I know that. I cannot have enough fun those days. I think stress will wrap up me at that time and I will be drained. That's why I want to enjoy my teenage days. I am just raising my hopes high for that.