webnovel

THE CALLING

The Calling, ang tawag ng tungkulin. Siya ay ganap na madre. Siya ay kakampi ng Diyos. Siya ay instrumento upang ibalik ang tao sa Diyos. Siya ay tinawag ng itaas sa isang misyon, the calling.

scribble_web · Horror
Zu wenig Bewertungen
3 Chs

THE CALLING : 1

Ginambala ng malakas na ingay ang labas ng simbahan nang marinig ang kumpulan ng mga kalalakihan na animo'y parang may pinagpipiyestahan sa labasan. Napatahak naman agad-agad si Padre Liam nang hindi na niya makayanan ang sobrang pag-aalburato ng ingay sa labas. Nakakasakit ito sa kaniyang tenga.

Sobrang pagkadismaya sa kaniyang damdamin ang sa kaniya ay kasalukuyang namutawi. Hindi niya malaman ang dahilan kung ano ang nangyari sa mga kalalakihan sa labas. Hindi niya maiwasang mainis dahil sa sobrang ingay na dulot nito.

Nasa likuran siya ng mga ito at hindi niya parin tanaw kung ano ang pinaguguluhan ng mga ito. Pinahinahon niya muna ang kaniyang sarili bago magsalita. Nang naging kalmado na ay agad niyang tinanong ang mga ito at pinigilan. "Paumanhin sa inyo. Ano ba ang dahilan ng pagagawa niyo ng ingay?"

Imbes na pagtuonan siya ng pansin ng mga ito ay wala manlang siyang natanggap ni katiting na sagot. Mas lalo siyang nainis ngunit ito'y kaniyang pinigilan sapagkat nakakasira ito sa kaniyang reputasyon bilang pari.

Siya sana ay ulit na magrereklamo ngunit napatigil siya nang masilayan niya ang alindog na kaniyang nakikita. Hindi niya maiwasang mapatitig sa maamo ngunit napakagandang  mukha ng isang dalaga. Ito pala ay ang dahilan ng ingay galing sa mga nagkumpulang mga kalalakihan.  Ngunit, nakakawalang respeto ito sa dalagang ngayon lang dumating sapagkat hindi lang siya basta-basta isang dalaga, kundi isa siyang madre.

Nagsialisan naman ang mga kalalakihan sapagkat muli niyang pinagtaboy ang mga ito. Lumapit sa kaniya ang hindi pamilyar na madre at napamaang naman siya nang masilayan sa malapitan ang kagandahan neto. Isang klase ng kagandahang sa matagal na panahon ay ngayon niya uli nasilayan at hindi niya mawaring sa isang madre pa.

"Ako nga pala si Sister Louisiana, dito na ako mamalagi," napangiting wika nito kay Padre Liam. Naiba naman ang gawi ni Padre Liam at nakadungaw ito sa mga bagahe na dala-dala ni Sister Louisiana. Tinulungan niya itong dalhin sa iba nitong kasamahang mga madre sa kumbento. Nangungunang maglakad ang madre na animo'y alam na ang daanan patungong kumbento. Hindi naman maiwasan ni Padre Liam na hindi mapatingin sa kahali-halina nitong katawan. Pinigilan niyang pumikit ngunit may kusang umaakit sa kaniya para ipanatili ang titig doon sa madre. Kusang pumatak nalang ang mga pawis sa kaniyang katawan at hindi niya mapigilan ang sensasyong kanina pa niya naramdaman ng makita niya ang kaakit-akit na si Madre Louisiana. Parang may humihila sa kaniyang utak upang gawin ang mali ngunit siya ay hindi nagpatinag. Bumuntong-hininga siyang muli saka pinahid ang mga pawis. Tuminging muli sa kaniya si Sister Louisiana at inilaan ang mga matatamis na ngisi doon sa Padre. "Maraming salamat sa paghatid sa akin rito Padre," sabay kuha sa kaniyang mga bagahe.

"Ako nga pala si Padre Liam at maligayang bati sa iyong pagdating dito sa kumbento ng simbahang San Pedro," mabuting gawi ni Padre Liam doon sa madre. Tinahak na ng madre ang loob ng kumbento at naiwan namang napatitig muli si Padre Liam sa madre sa hindi kalayuan. Parang may ultimong kuryente ang kusang dumadaloy sa kaniyang pagkalalaki ngunit nasambit niya sa sarili, "Ito ay mali, hindi maaari."