webnovel

The Boy Behind The Red Door (Tagalog Version)

R-18 (MATURE CONTENT) Romance/Mystery/Sci-fi Ang alam ni Lesley ay janitress ang tinanggap niyang trabaho sa Maridona Nobles Asylum, kaya laking gulat niya nang sabihing magiging tagapangalaga siya ng isa sa pinaka-agresibong pasyente sa mental hospital na iyon. They called him V-03. He was the most dangerous, violent, and deadly patient in the hospital. Akala niya ay katapusan na niya. To her surprise, V-03 was one of the sweetest people she ever met, but only to her. He was also handsome as hell. Mukhang mag-e-enjoy siyang alagaan ito. They are starting to develop a deeper relationship with each other until one day...she found out he wasn't human anymore... What more hellish secrets does this hospital hold? And what is her connection to all of this? She will do everything to find out, and save the love of her life.

BenitaBoo · Urban
Zu wenig Bewertungen
39 Chs

The Good Daughter (Part 1)

"Sorry na..."

Natutulilig na si Lesley sa paulit-ulit na paghingi ng tawad ni Patrick. Pagkatapos ng ginawa nito sa kaniya kanina, hindi na niya ito pinapansin. Pasalamat sila hindi sila nakita ng kanilang ina. Kulang na lang ay halikan siya nito.

Palagi itong ganito. Malapit na niyang isipin na may gusto ito sa kaniya. But they can't go down that path. Magkapatid sila. Hindi man sila magkadugo, inampon siya ng ina nito na siya na ring nagpalaki sa kaniya. He is her brother whether he likes it or not.

Kahit saan siya magpunta ay nakabuntot ito at panay ang hingi ng tawad. Pati sa kwarto niya ay sinundan siya nito. Hindi pa ito nagpaawat at tinabihan din siya sa kama niya. Siya iyong tipo na hindi titigil hangga't hindi nakukuha ang gusto.

"Nababaliw ka na ba? Umalis ka nga rito!" sigaw niya. Pumaupo siya sa kama niya at masama itong tinignan. "Tantanan mo na ako please! Gusto kong magpahinga! Pagod ako!"

Humaba ang nguso nito at nagpapa-awang tumingin sa kaniya.

"Sorry na kasi."

"Sorry ka d'yan?! E halos araw-araw mo ngang ginagawa sa'kin 'to!" inis na inis niyang sabi tapos ay pinalo niya ang balikat nito. "Bumaba ka na sa kama ko! Mamaya dumating na si mama makita ka pa rito! Sasabihin na naman niya nilalandi ko ang anak niya!"

Imbis na bumaba ito sa higaan niya ay ngumisi pa ang loko na lalong kinainis niya.

"Edi sasabihin ko ako ang lumalandi sa'yo," sabi pa nito na tuluyang nagpakulo ng dugo niya.

Sunud-sunod na hampas ng kamay niya ang natamo ng balikat at braso nito. Pinagtulakan rin niya ito ngunit hindi ito matinag.

"Baba! Alis! Lumayas ka sa higaan ko!" sigaw niya pero matigas ang ulo nito.

"Aray! Hoy, masakit na, tama na!"

Sinasalag ng mga kamay nito ang bawat palo niya hanggang sa hinawakan na siya nito sa braso.

"Masyado ka nang bayolente. Tama na," mahinahon nitong saad habang pinipigilan ang mga kamay niya.

Pilit na binabawi niya ang kaniyang mga kamay. "Hindi ako titigil hangga't hindi ka umaalis! At saka bitawan mo nga ako Patrick!"

Akala niya ay hindi siya nito pakakawalan sa higpit ng pagkakahawak nito pero ngumiti ito at pinakawalan ang mga kamay niya.

"Ano'ng nginingiti-ngiti mo?" masungit niyang tanong.

Patuloy lang ito sa pagngisi. Binasa pa nito ng dila ang ibabang labi habang may kakaibang mga kislap ang mga matang nakatitig sa mukha niya.

"Tinawag mo kasi akong Patrick. Syempre kinilig ako," walang pakundangan nitong sabi. "Isa pa nga? Lagyan mo naman ng kaunting lambing."

Umawang ang labi niya at hindi makapaniwalang iniling ang kaniyang ulo.

"Please naman, tumigil ka na! Kapatid mo ko!"

"Hindi kaya."

"Patrick!"

"O diba? Hindi naman kuya ang tingin mo sa'kin? Patrick na lang ang tawag mo sa akin ngayon e. Feeling ko tuloy mas close na tayo."

Napatakip siya ng bibig. She called him Patrick again. Siguradong mas lalakas ang loob nitong gumawa sa kaniya ng kalokohan.

"P-paanong hindi, mapilit ka masyado. O, ano? Masaya ka na ba tinawag kita sa pangalan mo? Pwede ka na bang umalis?" mataray niyang sabi habang pilit na tinatago ang hiya. "At h'wag ka masyadong matuwa kasi walang ibig sabihin 'yon!" pahabol niya tapos ay humalukipkip siya at inirapan ito.

Sa ibang direksyon na siya nakatingin. Naiinis siya sa pag-ngisi nito. Ayaw niyang makita ang pagmumukha nito. She should make the word Patrick one of her taboos. Para hindi na niya masabi. Tuwang-tuwa na naman ang loko. Ewan ba niya pero malaking bagay dito na tinatawag niya ito sa pangalan nito.

Naramdaman niya ang paglubog ng kaniyang kama sa pag-upong muli ng kapatid niya kaya napatingin siya rito.

"Sabing umal—"

Napigil niya ang hininga nang pagharap niya ay sobrang lapit na ng mukha nila sa isa't isa. She can smell his minty breath.

"E kung ayaw kong umalis?" he whispered.

Diyos ko po! Ang kulit talaga! Suko na ako.

Gamit ang mga palad niya, tinakpan niya ang mukha nito at dahan-dahang itinulak palayo saka malalim siyang huminga.

"Tumigil ka na, Kuya. Sige na naman o! Gusto ko nang magpahinga kaya please iba na lang ang kulitin mo. Kagagaling ko lang sa sobrang nakaka-stress na pag-apply sa MNA kaya please, please, pagpahingahin mo na ako."

Wala na siyang lakas makipagtalo. Pagod na talaga siya. Physically, mentally and emotionally. Marahan nitong inalis ang kamay niya sa mukha nito at saka bumuntong-hininga.

"Oo na sige na aalis na ako. Tutal naman tinawag mo na akong Patrick ng ilang ulit. Sana next time baby naman," anito sabay kindat sa kaniya tapos ay tumayo na sa kama niya.

Inilingan niya lang ang huli nitong sinabi. Bagay nga itong tawaging baby. Baby damulag. Mama's boy kasi.

"Pero grabe yung mga hampas mo a. Ang bigat ng kamay mo!" daing nito habang hinihimas ang braso at balikat nitong tinamaan sa kaniya kanina.

"Kasalanan mo naman 'yan!" mataray niyang sagot. "Porke sampid ako sa pamilya n'yo ginaganito mo ako."

Nagulat ito sa sinabi niya at natulala. Unti-unting nabura ang abot-tenga nitong ngiti kanina.

"Bakit ganyan ka makatingin? Totoo naman ang sinabi ko."

Umawang ang mga labi nito at napakurap-kurap sa kaniya. Marahan nitong iniling ang ulo.

"Les, alam mong hindi ga—"

Natigilan ito nang marinig nilang bumukas ang pinto sa sala. Sabay silang napatingin sa dako ng pinto ng kwarto.

"Pat! Nakauwi na ba si Lesley?" ani Amanda na kauuwi lang.

Narinig nila ang ilang hakbang nito mula sa sala papunta sa kusina.

"Pat?!"

Hindi niya maipaliwanag ang takot na biglang bumalot sa kaniya. Her heart raced like a horse on tracks. Bumalik sa ala-ala niya ang matinding gulping inabot niya nang makita nitong hinalikan siya ni Patrick sa pisngi noon. She can never forget how she hit her.

Pinandilatan niya ng mata si Patrick. Natataranta siyang tumayo at mahigpit na hinawakan ito sa braso.

"Tawag ka ni mama! Lumabas ka na! Makita ka pa rito!"

Akmang kakaladkarin niya ito palabas ng silid nang pigilan siya nito.

"Ano?! Nasa kusina na si Mama, Kuya! Sige na alis na!" pilit niya.

Nang tingalain niya ito, nakita niya ang lungkot sa mga mata nito habang nakatitig sa mukha niya.

"Bakit ganyan ka mag-isip?" anito.

Kung kanina ay panay ang ngisi nito, ngayon, kunot na kunot naman ang noo.

"H-ha?!".

"Bakit mo iniisip na ginagawa ko 'to sa'yo kasi ibang tao ang tingin ko sa'yo?"

Mariin niyang ipinikit ang mga mata niya. This is not the time to talk about this.

"Mamaya na tayo mag-usap, please? Lumabas ka na muna!" pakiusap niya pero walang pagbabago sa ekspresyon ng mukha nito at hindi matinag sa kinatatayuan.

"Ayoko. Bawiin mo muna yung sinabi mo!" diin nito.

Pero bakit? Iyon naman talaga ang dahilan ng pang-a-alaska nito sa kaniya. Just like what her mother said to her years ago, she is not a family. She is not one of them. She is just a pathetic kid who was left behind by her parents who promised to come back for her but did not. Yes, nobody wants her.