webnovel

The Boy Behind The Red Door (Tagalog Version)

R-18 (MATURE CONTENT) Romance/Mystery/Sci-fi Ang alam ni Lesley ay janitress ang tinanggap niyang trabaho sa Maridona Nobles Asylum, kaya laking gulat niya nang sabihing magiging tagapangalaga siya ng isa sa pinaka-agresibong pasyente sa mental hospital na iyon. They called him V-03. He was the most dangerous, violent, and deadly patient in the hospital. Akala niya ay katapusan na niya. To her surprise, V-03 was one of the sweetest people she ever met, but only to her. He was also handsome as hell. Mukhang mag-e-enjoy siyang alagaan ito. They are starting to develop a deeper relationship with each other until one day...she found out he wasn't human anymore... What more hellish secrets does this hospital hold? And what is her connection to all of this? She will do everything to find out, and save the love of her life.

BenitaBoo · Urban
Zu wenig Bewertungen
39 Chs

Fire And Wood (Part 2)

"May gusto po ba kayong sabihin?" tanong niya nang mapansin ang kakaiba nitong pagtitig sa kaniya.

"Sana huwag mong masamain, pero, may gusto sana akong itanong."

"Ahm, ano po iyon?"

Tumikhim muna ito bago nagsalita. "Hindi lingid sa amin kung paano ka tratuhin ni Amanda. Kaya nagtataka ako kung bakit ganiyan pa rin ang turing mo sa kaniya."

Ilang segundo siyang natulala rito bago nakapagsalita.

"Ah..."

Ngumiti siya tapos ay tumingala sa kalangitan na nababalot ng mga makikinang na bituin. Minsan na rin niya itong naitanong sa sarili. She have always wanted to please her. Kahit na masakit ito magsalita sa kaniya, ginagawa pa rin niya ang lahat para mapasaya ito. Bakit nga ba?

"Si mama, madalas niya akong pinagmamalupitan," saad niya habang nakatingala pa rin sa kalangitan.

"Hindi ko maintindihan noon kung bakit ganoon na lang niya ako tratuhin. Parang galit na galit s'ya sa akin at nasisira ang araw niya sa tuwing nakikita ako. Lininaw naman niya sa akin na ampon ako pero sobra pa rin yung mga ginagawa niya kahit hindi niya ako tunay na anak. Ang gusto ko lang naman ay maranasan iyong pagmamahal tulad nang ibinibigay niya kay Patrick. Hindi ko alam bakit hirap na hirap s'yang ibigay 'yon samantalang ginagawa ko naman ang lahat ng gusto n'ya."

"Tapos isang araw, nasabi n'ya sa akin ang dahilan. Doon ka naunawaan kung saan nanggagaling yung poot na nakikita ko sa mga mata niya sa tuwing nakatingin s'ya sa akin. Sa kasamaang palad, pamilya ko ang pumatay sa asawa at mga magulang n'ya."

Huminto siya ng ilang segundo bago nagpatuloy. "Noong nalaman ko 'yon, nabawasan yung mga kinikimkim kong galit sa kaniya. Tapos bigla kong naalala iyong mga maliliit na bagay na ginawa niyang mabuti para sa akin."

"Naalala ko, noong bata pa ako, kahit lagi niya akong pinapagalitan at sinisigawan, araw-araw pa rin niyang tinitirintas ang buhok ko para hindi ako masyadong pagpawisan. Kahit na laging pagalit yung tono niya sa akin, lagi niyang pinapaalala na umuwi ako ng maaga kasi marami raw siraulo sa panahon ngayon."

"Tapos, nung nakaraang birthday ko, rinegaluhan niya ako ng ballpen na may cute na teddybear sa dulo at kulay blue. Hindi ko inaasahang alam pala niya ang favorite color ko. Iyon nga lang, si Patrick ang nag-abot sa akin dahil siguro ayaw niyang ipakita sa akin yung soft side n'ya."

Huminga siya ng malalim at nakangiting tumingin kay Dan.

"Oo, malupit si mama, pero, hindi ko s'ya masisisi. Pinatay ng pamilya ko ang pamilya n'ya. Alam ko na mali na pagbayaran ko ang kasalanan ng mga magulang ko pero sobrang sakit ng pinagdaanan niya. Siguro kung nangyari sa akin 'yon, kung may pumatay sa pamilya ko at kay Bangs, baka nabaliw na ako. Buti nga kinupkop pa rin n'ya ako at pinakain. Kaya pinapatawad ko na s'ya sa lahat ng nagawa n'ya sa akin at nagpapasalamat akong inampon pa rin n'ya ako."

Matamis na ngumiti si Dan na tila namamangha sa kaniya.

"Tama ang impormasyon namin sa'yo."

Kumunot ang noo niya rito. "Impormasyon?"

"Na mabuti kang tao at mapagkakatiwalaan ka namin."

Napakurap-kurap siya. "Ah..." Hindi niya napigilang mapangiti sa papuri nito. "Sa-salamat..."

Tumango ito sa kaniya tapos ay nagdagdag pa ng isang kahoy sa apoy.

"Magpahinga ka na. Maaga pa tayo bukas."

Nakangiti siyang tumango. "Kayo din po, Kuya Dan."

"Hindi maaari. Kailangan na may magmatyag sa paligid. Huwag kang mag-alala, sanay na ako sa mga ganitong sitwasyon. Magpahinga ka na," sagot nito tapos ay tumayo at nagpagpag ng kamay. "Kukuha pa ako ng mga panggatong. Babalik din ako agad."

Tumango siya at ngumiti. "Sige. Salamat po ulit sa pagprotekta n'yo sa'min ni Bangs."

"Walang anuman." Matamis siya nitong nginitian tapos ay naglaho na sa dilim

Nang mawala na si Dan sa paningin niya ay tumayo siya at nag-inat ng binti at braso. Hindi na rin niya napigilang humikab dahil sa antok na bigla niyang naramdaman.

Saan kaya ako pupuwesto?

Tanong niya sa sarili habang palinga-linga sa paligid at naghahanap ng mahihigaan. Napatingin siya kay Bangs at pilyang napakagat-labi.

Maghulus-dili ka nga Les! Hindi lang kayo ang tao dito! sigaw ng boses sa kaniyang isipan.

Marahas niyang iniling ang ulo at tumingin sa ibang direksyon. Hahakbang na sana siya palayo nang otomatikong humarap muli ang katawan niya kay Bangs at humakbang palapit dito.

Lagot na! Hindi ko mapigilan ang sarili ko!

"Ahem!"

Napaigtad siya sa malakas na tikhim ni Dan at natatarantang humarap dito.

"A-ahm... Wala kasing kumot tapos medyo malamig pa rin kahit malakas na 'yang apoy. Baka, alam mo na, ginawin si Bangs. Wa-wala naman akong ibang naiisip na gawin, tatabi lang ako," nauutal niyang paliwanag.

Makahulugan itong ngumiti. "Wala naman akong sinabi. Sige na, mahiga ka na." Nanunukso ang mga tingin nito sa kaniya.

Lumabi siya at nahihiyang tumalikod tapos ay tumabi na siya kay Bangs na nakatagilid ng higa at nakaharap sa kaniya. Kung nakikita lang niya ang sarili ngayon sa salamin siguradong nangangamatis na naman ang pisngi niya sa sobrang hiya. Muli namang umalis si Dan para maghanap pa ng mga tuyong kahoy.

'Di bale! Ang importante katabi ko si Bangs, sabi niya sa sarili nang mabawasan ang hiya na nararamdaman.

Binaling na niya ang atensyon sa binata at hinawi ang buhok na nakatabon sa mukha nito tapos ay mas lalo niyang pinaglapit ang kanilang mga katawan. Nararamdaman na niya ang pagbilis ng tibok ng kaniyang puso habang pinagmamasdan ang kagandahang lalaki nito.

Bumuntong-hininga siya nang maalala ang huli nilang pag-uusap. She broke his heart last time they spoke. Sinabi niya na may nobyo siya, na may gusto siyang iba kaya imposible na may mamagitan sa kanilang dalawa. Naiinis siya sa tuwing naaalala ang pagkakamaling iyon. Sana ay magising na ito para masabi na niya ang tunay niyang nararamdaman at kung ano talaga ang nangyari.

Pinaglakbay niya ang kaniyang mga daliri sa mukha nito. Mula sa noo, pababa sa nakapikit nitong mga mata, papunta sa matangos nitong ilong at sa malambot nitong labi. Napako ang mga mata niya rito hanggang sa hindi na niya napigilan ang sarili at hinalikan ito. Saglit lang niyang pinagdikit ang mga labi nila tapos ay hinawakan niya ito sa pisngi at pinagdikit ang mga noo nila.

"Gumising ka na Bangs. Namimiss na kita," malambing niyang bulong dito saka sinundan niya ulit ng matamis na halik sa labi.

Tatlong beses pa niyang inulit ang pasimpleng paghalik dito bago nakontrol ang sarili.

She really missed his lips on hers. Pansamantala niyang nakalimutan ang mga problema niya sa mga simpleng halik na iyon. Kakaiba talaga ang epekto ni Bangs sa kaniya. He makes her feel good. Kinagat niya ang ibabang labi para pigilan ang kilig na gustong kumawala sa buong katawan niya.

"Hay... Tama na nga 'to," pagpigil niya sa sarili.

Kailangan niyang kontrolin ang pagnanasa rito. Baka mahuli na siya ni Dan na pinagsasamantalahan ang mga labi nito. Nakakahiya na talaga iyon. Natawa na lang siya sa sariling kapilyahan.

Hinimas niyang muli ang mukha nito at buong pagmamahal na pinagmasdan ang gwapo nitong mukha. Bawat segundo na nakatitig siya rito ay siya namang paglalim ng kaniyang paghinga at paglakas ng kabog sa dibdib niya.

"Bangs, bakit ang irresistible mo?" aniya saka dumako na naman ang mga mata niya sa labi nito.

Kinagat niya ang ibabang labi. "Last na talaga, promise," pagkasabi noon ay pumikit siya at hinalikan itong muli, ngunit sa pagkakataong ito, mas madiin at mas malalim na ang kaniyang halik.

Bahagyang kumunot ang noo niya nang may kakaibang maramdaman sa kaniyang kaibuturan habang nilalasap ang mga labi nito. Hanggang sa maramdaman niya ang mainit na palad ng binata na humawak sa bewang niya at mabilis na umakyat sa mayaman niyang dibdib.

Napamulat siya ng mata sa gulat. Sumikdo ang puso niya nang masilayan ang abo nitong mga matang nakatingin din sa kaniya.