webnovel

KABANATA 31

"You're going to finally see your boss today?" nakataas na kilay na tanong ni Nathan sa kaniyang kapatid na si Natalie na busy sa pag-aayos ng mukha nito. Gamit ang may kalakihan na salamin na nasa kaniyang harap, tiningnan ni Natalie ang kaniyang kapatid at masayang tumango. Hindi talaga maipagkakaila ang kasayang na kaniyang nababatid sa pagkakataon na ito.

"Yes!" Mas lalong tumaas ang kilay ni Nathan dahil sa pagiging hyper ng kaniyang kapatid. Hindi niya pa nakita si Natalie noon na maging ganito ka excited. Parang may mali. Parang may...

"Sobrang guwapo ba 'yang boss? You're too excited. Kanina ka pa nagpapaganda, ganoon lang din naman ang mukha mo." Nathan murmured with a huge frown on his face. Ngayon ay si Natalie na naman ang kumunot ang noo dahil sa biglaang inasta ng kapatid. Hindi niya tuloy mapigilang mainis dahil sa sinabi nito.

"Why do you care? Umalis ka na nga lang! Kanina ka pa nakatingin sa akin!" bulyaw ni Natalie sa kaniyang kapatid. Napailing-iling na lang si Nathan sa pagiging brat ni Natalie at tuluyan na ngang iniwan ito. Nang si Natalie na lang mag-isa ay nagpakawala siya nang malalim na hininga at tinitigan ang sarili sa kaharap na salamin.

Kailangan niyang mag-ayos. Kailangan niyang mas lalong pagandahin ang sarili dahil minsan lang niya makikita ang kanilang CEO. At dahil bago pa siya, ngayon pa lang ang pinakaunang beses na makikita niya ito. Sabi ng mga katrabaho niya ay once every six months lang daw nagpapakita ang kanilang boss. Hindi rin alam ng mga ito ang rason.

Lucas Kurtein Whitfield is a famous and influential businessman in Asia. He's known for being ruthless and tyrant in that field. Kaunti lang ang nakakita ng mukha nito. But it was a fact that his beauty is top notch. While reading all the things he had accomplished in life at such a young age, Natalie couldn't help but like him. Despite the rumor of him being a cold blooded killer.

Bago pa siya nakapasok sa kompanya nito ay may narinig siyang mga chismis na kaya raw naging CEO si Lucas Kurtein ay dahil pinatay ng lalaki ang Ama nito. Kurt Whitfield, the former CEO and the beast in business field. Wala atang kahit ni isang business man ang hindi nakakakilala sa pangalan na iyon. But then suddenly one day, Kurt Whitfield died. And at the age of 16, his only son, Lucas Kurtein Whitfield ascended his throne.

Simula noon ay maraming mga rumor ang kumakalat. Na si Lucas Kurtein ang pumatay sa kaniyang Ama. Aside from that, there's also a lot of rumors about him but some were vague. Pero kahit ganoon ay hindi siya nagpadala sa mga chismis na iyon ay nag apply pa rin sa kompanya ng lalaki. She was lucky she got accepted

"Kiyah, excited na talaga akong makita si Sir Lucas!" Narinig ni Natalie na tili ng isa niyang kasamahan. Dahil doon ay biglang nalukot na lang ang kaniyang ekspresyon. Napansin siguro ng isa niya pang kasamahan ang kaniyang ekspresyon kaya dali-dali nitong siniko ang babaw na tumili kanina.

Natigilan ang babae na tumili at kaagad na napatingin kay Natalie na may masamang tingin. The poor woman bit her lower lips and bow her head a bit. Para hindi niya makasalubong ang nagbabaga sa galit na mga mata ni Natalie.

"S-sorry," the woman apologized. Natalie just scoffed and rolled her eyes. Palibhasa, ang mga katabi niya ngayon ay mga baguhan at hindi ata alam ng mga ito na gusto niya ang kanilang CEO. Ever since she got here, she always makes sure that she stands out and feared by everyone.

May plano siya na akitin si Lucas at kung sino man ang haharang sa kaniyang plano ay hindi niya patatawarin. Wala siyang kahit na sinong sinasanto. Maging ang kaniyang sariling kapatid na si Hera ay hindi niya sinasanto, sila pa ba na hindi niya mga kapatid?

Nagpakawala nang malalim na hininga si Natalie ay napatingin sa kaniyang wristwatch. Kaunting minuto na lang at darating na rin sa wakas ang lalaki. Malipas ang ilang minuto ay sa wakas, ang tao na kaniyang inaasam-asam ay dumating na rin.

Nang makita niya ang tunay na mukha ni Lucas Kurtein Whitfield ay nagwala ang kaniyang puso. Parang pamilyar ang mukha nito pero hindi nga lang niya matandaan kung nasaan ito nakita. Ang lalaki na kaniyang hinahangaan kahit na hindi pa niya nakikita ang mukha nito. Sumilay kaagad ang isang ngiti sa kaniyang mukha pero bigla ring nawala nang makita niya ang babae na kasama nito.

Ang simple lang nitong manamit at mag-ayos ng sarili, pero kahit ganoon ay nangingibabaw pa rin ang ganda nito. Natalie gritted her teeth and with her seething eyes, she glared at her half sister who was beside Lucas right now.

How dare she stole my man!

"What's wrong?" Napatalon na lang bigla si Hera nang magsalita si Lucas. Napatingin siya sa lalaki at mabilis na umiling-iling. Nasa loob silang dalawa ngayon sa opisina ng lalaki. Kahit na gaano ka garbo at elegante ng opisina nito ay hindi niya magawang ma appreciate 'yon dahil sa bagay na bumabagabag sa kaniyang isipan.

The woman she saw earlier was Natalie, her half sister.

Sa tuwing naaalala niya ang galit sa mukha ng kapatid ay hindi niya mapigilang mapalunok na lang ng sariling laway. Hindi niya ine-expect na makikita ang babae ulit. At sa lahat talaga ng lugar na puwede nilang pagkakitaan ay dito pa talaga sa opisina ni Lucas.

That's where it hits here that the company her sister Natalie was working is Lucas' company. Hindi niya alam kung totoo ba pero narinig niya noon na may gusto si Natalie sa boss nito kahit hindi pa naman nito nakikita ang lalaki. No wonder why when Lucas and her family met during the time she was hospitalized, hindi nakilala ni Natalie si Lucas.

Habang iniisip niya ang lahat ng ito ay mas lalo siyang nawalan ng gana para e appreciate ang ganda ng kompanya ni Lucas. She doesn't know why but thinking about the fact that Natalie likes Lucas and she has seen her with him is making her feel burdened. Pakiramdam kasi ni Hera ay binigyan na naman niya ang kapatid ng panibagong rason para kamuhian siya nito.

Hindi naman sa may pake siya. It's just that nakakapagod talaga kapag may mga tao na galit sa 'yo dahil lang sa bahay na hindi mo naman ginusto.

Kaya pala may pakiramdam siya na may masamang mangyayari kapag sumama siya kay Lucas. Kung hindi lang siguro siya marupok pagdating sa lalaki ay hindi niya siguro makikita si Natalie.

"You're thinking about something else again while facing me." Nanlaki ang mga mata ni Hera at napasigaw bigla nang ilapit ni Lucas ang mukha nito sa kaniya. Hindi man lang napansin ng babae na lumapit na pala si Lucas sa kaniya. Nanuyo ang lalamunan ni Hera at pinilit ang sarili na ngumiti sa lalaki. Pagkaraan ay napakagat siya ng kaniyang pang-ibabang labi bago binuksan ang labi para magsalita.

"H-huh? Hindi ah," pagsisinungaling niya sa lalaki at sinalubong talaga ang tingin nito para maniwala ang lalaki sa kaniya. Imbes na sumagot ay tumaas lang ang kilay ni Lucas at umupo sa kaniyang tabi.

"Before spitting out lies, you should have fix that habbit of yours of biting your lower lip when lying." Dang, she got caught.

Nahihiyang nag-iwas na lang si Hera ng tingin kay Lucas. Narinig niyang tumawa ito nang mahina kaya mas lalo siyang pinamulahan ng magkabilang pisngi.

"Tell me, what's bothering you?" Hera look at Lucas. Seryoso ang mukha ng lalaki at sa ekspresyon pa lang nito ay mukhang hindi na talaga tatalab kung magsisinungaling pa siya. Napabuntong hininga na lang si Hera.

"It's really nothing. By the way, can I look around?" pag-iiba niya ng usapan. Sa totoo lang ay willing talaga siya sabihin sa lalaki kung ano ang bumabagabag sa kaniya ngayon, but something is stopping her from telling him. Hindi niya alam kung dahil ba 'yon sa gusto ng kaniyang kapatid ang lalaki o may iba pang rason.

For now, she just wants to stroll around again. Baka sakali ay luminaw ang kaniyang isipan at makalimutan ang kaniyang kapatid.

"Alright, tell me if something happens." Napangiti na lang si Ann nang halikan ni Lucas ang kaniyang noo. Tumayo na siya at nagpaalam sa lalaki. Lucas, kissing her forehead isn't new at all. Ginawa na ng lalaki noon iyon at hindi lang ang bagay na 'yon ang ginagawa nito sa kaniya.

Nang makalabas si Hera ay kaagad na sumalubong sa kaniya ang tahimik ay malawak na pasilyo. Napangiti siya nang walang makitang kahit ni isang empleyado. Maganda na rin ito dahil kapag may nakita siguro siyang isang empleyado ay baka bumalik ulit siya sa kaniyang dinaraanan.

While looking around, Hera temporarily forgot everything that has been bothering her earlier. She was so occupied to the point na hindi na napansin ng babae na may presensiya na pala na papalapit sa kaniya.

"Hayop ka, anong ginagawa mo dito?"

"A-ah!" napasigaw si Hera nang may bigla na lang humila sa kaniyang buhok. Nang lingunin niya kung sino iyon ay parang nahulog ang kaniyang puso nang makita na ang kapatid niya pala ito. Her expression hardened as she gripped her sister's wrist and removed her hand from grasping her hair.

"Bitiwan mo ako Natalie!" At dahil malakas siya sa babae ay kaagad na nabitawan siya ni Natalie. Sinamaan niya rin ng tingin ang babae. Dahil sa kaniyang mga titig ay mas lalo ata itong nagalit sa kaniya at pinagduduro siya.

"Ang landi mo! Sa lahat ng tao bakit ang taong gusto ko pa?" nanginginig ang boses na bulyaw ni Natalie kay Hera. Ang kaniyang boses ay puno ng puot at galit. Kaya pala noong una niyang nakita ang lalaki kanina ay parang pamilyar ito. Dahil pala iyon sa nakita na niya ang kaniyang boss noon. Ang amo ni Hera na hindi nila kilala ang pangalan at ang kaniyang boss na matagal na niyang inaasam na makita ay iisa lang pala.

Somehow, thinking about it over again is making her even furious than she already is.

"H-hindi ko alam na b-boss mo pala si Lucas, Natalie." Imbes na huminahon ay mas lalong nagalit ang kapatid ni Hera na si Natalie nang sabihin ni Hera ang pangalan ni Lucas na para bang matagal na niya iyong sinasambit.

"Anong hindi mo alam? Stop lying! Ang landi-landi mong putangina ka!" Ang galit na namumuo kanina sa puso ni Natalie ay sumabog na sa kaniyang loob. Hinila niya ulit ang buhok ng kaniyang kapatid na si Hera at hinayaan ang galit na kontrolin ang kaniyang katawan. Wala na siyang pakialam kung may makakita man sa kanila ngayon. Ang sa kaniya ay ang masaktan niya ang kapatid.

Napaungol na lang si Hera dahil sa sakit at hindi magawang pigilan ang kapatid na si Natalie. Grabe ang galit sa kaniya ng kapatid sa punto na hindi niya ito makayanan. Natalie became strangely strong. Pakiramdam ni Hera ay makakalbo na siya at matatanggal na ang kaniyang mga buhok dahil sa grabe ng hila ng babae.

Wala itong patawad at sinumulan din siyang kalmutin nito. Ramdam ni Hera ang hapdi ng bawat pag kalmot sa kaniya ng kapatid at dahil wala siya sa tiyempo at tuluyan na nga siyang nadaig ng kapatid ay wala siyang nagawa kung hindi tiisin ang sakit at pilit na lumalaban.

"Ang landi-landi mo! Kakalbuhin kita–"

"What's happening here?" Sabay silang natigilan ni Natalie at napatingin sa iisang direksyon nang marinig ang boses na iyon. Sumalubong sa mga mata ni Hera ang nakatayong lalaki. Nakasuot ito ng glasses at may dala-dalang tab. The man, standing three meters away touches his own glasses and spoke again.

"I asked what's happening here?" That man, who asked that question just now was no other than Lucas' secretary.

The way that man had glared at them where sending shivers down her spine.