webnovel

KABANATA 29

Hera never cried this hard before. Kahit noong namatay ang kaniyang Ama, na siyang nag-iisang tao na nagmalasakit sa kaniya at kahit noong pinagbabato siya ng masasakit na salita ng mga tao na tinuring niyang pamilya. Kahit kailan ay hindi siya umiyak nang ganito ka grabe na para bang mawawalan na siya ng hininga at malay kapag nagpatuloy pa siya sa pag-iyak.

Mahigpit pa rin siya na nakayakap kay Lucas para pigilan ang lalaki dahil baka mapatay na nito ang kapatid ng kaniyang Ina. Natatakot siya sa maaring kahahantungan ng mga nangyayari. Hindi niya alam kung paano ba napunta sa ganito ang kaniyang sitwasyon. She was just buying food for the person she caress and now, she's in this situation where she doesn't know what to do.

"S-stop already. H-hindi na siya humihinga, baka mapaano po k-kayo..." nag-aalalang wika ni Hera na mas lalong nagpatigil kay Lucas. Sumikip bigla ang puso ng lalaki at nagtiim ang bagang sa galit. Why is she worrying about him? She should worry about herself!

She was almost killed but she still has the guts to worry about him who's completely fine. Ang mukha ng babae ay ibang-iba. Basang-basa ang buong mukha nito dahil sa pinaghalong luha at pawis. Namumula rin ang mukha nito at magulo ang buhok. Nanginginig ang katawan at nanlalamig. Somehow, it makes him even more frustrated and mad than he already is!

"Who's worrying who here? This bastard hurts you–" Bago pa man niya matapos ang sasabihin niya sana nang bigla na lang siyang putulin ng babae na nasa kaniyang likuran. Nakayakap pa rin ang maliit na katawan nito sa kaniya na para bang isang galaw lang ay mababali at masasaktan na niya ang babae.

"H-he's not moving a-anymore and the guards are almost here!" she pleaded. Nang mapansin ni Hera na halos mapatay na ni Lucas ang kaniyang dating tiyuhing ay napagtanto niya na kailangan niyang pigilan ito. Sa totoo lang ay wala siyang pakialam kung mamatay man ang kapatid ng kaniyang Ina. Ang kinakaba lang niya ay ang kakaunting tao na nakasaksi sa pagbugbog ni Lucas sa kaniyang Uncle Thomas.

Narinig niya kasing may tumawag ng guards at kapag naabutan ng mga ito na binubugbog ni Lucas ang kaniyang Uncle Thomas ay baka mas lalo lamang lumala ang sitwasyon. Hera told Lucas about it, and he seems to finally go back to his senses.

"Is that so?" walang emosyon na sagot nito sa kaniyang sinabi. Napalunok si Hera ng laway nang hawakan ni Lucas ang kaniyang dalawang braso na nakahawak sa katawan nito at pinaghiwalay. Tumayo ito mula sa pagkakaluhod at humarap sa kaniya. Parang tumigil ang pag-ikot ng buong mundo ni Hera nang sumalubong sa kaniya ang malamig at walang emosyon na berdeng mga mata nito.

Napaigtad siya ng dahan-dahan na dinampi ng lalaki ang malaki at may kagaspangan na palad nito sa kaniyang namamagang leeg. She bit her lower lip when she suddenly felt sore. Pakiramdam ni Hera ay sinasakal pa rin siya ng kaniyang dating tiyuhin kahit hindi na.

"Does it hurt so much?" Hera doesn't know why but hearing Lucas' concern and tender tone makes her want to cry. Nagsimulang mamuo ulit ang mga luha sa kaniyang mga mata at hindi na niya napigilan ang sarili at umiyak sa harap nito. Mabilis na itinaas niya ang dalawang kamay at pinahid ang mga luha sa kaniyang mga mata na walang humpay ang pagtulo.

Eversince then, no one has ever ask her if it hurts or if she's okay. Kahit kailan ay walang kahit ni isang tao ang nagtanong sa kaniya kung okay lang ba siya o kung nasasaktan ba siya. She live in a world where no one caress for her except herself. Being asked if it hurts, Hera just wanted to cry.

"I-it hurts... I-it hurts so muc–" Before she can finish her words, Lucas immediately wrapped his arms around her shoulders and pulled her close for a tight hug.

"It's fine now. I won't let anyone hurt you."

In that moment of silence where all she can hear were the painful beating of her heart and Lucas' heavy breath, Hera cried her heart that she didn't even notice that she already passed out.

"Papa... bakit po ganoon si Mama? Doesn't she love me?" a seven year old Hera suddenly asked her Father in the middle of their dinner. Sila lang dalawa ngayon ang nakaupo sa hapagan. Blangko ang isang silya at may isang plato ang nasa harap no'n. Napatigil sa pagkain ang Ama ni Hera at tumitig sa mga mata ng pitong taong batang babae.

"Of course she does. Your Mother loves you," marahan at malamyos na sagot ng Ama ni Hera sa kaniyang naging tanong. Napanguso na lang ang batang babae at tumingin sa puwesto kung saan umuupo ang kaniyang Ina at tumingin sa mga handa na nasa kaniyang harapan.

"Then why is she not here? Today is my birthday." Halos maiyak na ang batang si Hera dahil sa kaniyang nararamdaman. Nagtatampo siya dahil ang kaniyang Ina ay hindi man lang umuwi sa kaniyang kaarawan. Hindi niya alam kung nasaan ito, minsan lang ito umuuwi sa kanila. Kapag naman tinatanong niya ang kaniyang Ama ay wala itong masagot sa kaniya.

Kaagad na nataranta ang kaniyang Ama dahil sa kaniyang pag-iyak. Mabilis na tumayo ito mula sa pagkakaupo at naglakad papunta sa sala para kunin ang isang bagay na tiyak na makakapag pasaya sa kaniyang anak na babae. Nang makita na niya iyon ay kaagad na dinampot niya ito at bumalik sa dining room.

"Hera, my princess. Here, don't cry anymore." Napatingin ang batang si Hera sa kaniyang Ama ay nagningning ang mga mata nang makita itong may hawak na regalo.

"Wow! Sa akin po ba 'yan?" Parang kanina lang na malungkot pa ang batang babae, pero ngayon ay napalitan na ng saya at tuwa ang malungkot na ekspresyon nito. Hera's Father, who's name is Matteo smiled faintly.

"Yes, regalo sa 'yo ni Kurt." Nang nabanggit ng kaniyang Ama ang pangalan na iyon ay parang bigla na lang lumiwanag ang kaniyang madilim na mundo.

Tinanggap niya ang regalo at mahigpit na niyakap iyon. Kurt is her childhood friend and she really likes him! Isang buwan na noong huli niya itong nakita at hindi na sila nakakapaglaro, pero hindi kagaya ng kaniyang Ina, hindi man lang nalimutan ni Kurt ang kaniyang kaarawan.

The seven year old Hera sighed, and stared outside the window with an unknown glint on her eyes.

Ah, I wanted to meet him again!

That feeling of wanting to meet her childhood friend last long. Ang akala niya na makikita niya ito muli ay hindi nangyari. Lumipas na lang ang mga araw, buwan at taon, hindi pa rin nagpapakita ulit sa kaniya ang lalaki. Namatay na lang ang kaniyang Ama hindi pa rin. Hanggang sa may nangyari at tuluyan na nga niyang nakalimutan ang mukha at boses nito.

Everytime she tried remembering that person who always showed up in her dream, her head always hurt. Hanggang sa sumuko na lang siya at tuluyan na nga itong kinalimutan.

"Hera! Bilisan mo nga diyan! Gutom na gutom na ako!" naiiritang bulyaw sa kaniya ng isa pang kapatid ng kaniyang Ina na si Marjorie. May dalawang kapatid ang kaniyang Ina, ito ang pinakamatanda, sumunod ang kaniyang Uncle Thomas at ang pinakabunso ay ang kaniyang Auntie Marjorie.

"T-teka lang po Auntie! May g-ginagawa pa po ako," nahihirapan niyang sagot at mas lalong binilisan ang kaniyang ginagawa. Binilin sa kaniya ng kaniyang Ina na tapusin na ang trabaho na dapat sana ay sa kaniyang Uncle Thomas.

Nakahiga lang ang kaniyang Auntie Marjorie sa mahabang sofa at may binabasang magazine. Kumunot ang noo ng kaniyang Auntie Marjorie at tinapon sa kaniya ang magazine na hawak-hawak nito. Napapikit ng mga mata si Hera dahil sa sakit nang masapol ang kaniyang ulo ng magazine.

Pakiramdam ni Hera ay naalog ang kaniyang ulo at nagkasugat dahil doon. Wala siyang nagawa kung hindi tumigil at naglakad papunta sa kaniyang Auntie na may galit na ekspresyon. Bumangon ito paupo at sinamaan siya ng tingin nang siya ay makalapit.

"Mas importante pa ba 'yang ginagawa mo ha?! Alam mo ba kung anong oras na? Gutom na gutom na ako Hera! Bumili ka ng pagkain do'n kung ayaw mong masapok kita!" napakagat siya ng kaniyang pang-ibabang labi at dahan-dahan na tumango.

Umalis siya sa harap nito at nagpunta sa kaniyang silid para kumuha ng pera. Wala itong binigay sa kaniya at wala ring binilin na pera ang kaniyang Ina. Wala siyang magagawa kung hindi gamitin ang kakaunting pera na kaniyang naipon. Sa edad na trese anyos ay sinanay na niya ang kaniyang sarili na mag-ipon pero palaging nauubos dahil na rin sa mga kasamahan niya dito sa bahay.

Nang mapansin niya ang wall clock ay tiningnan niya kung anong oras na. Mas lalong naging blangko ang kaniyang mga mata nang makitang alas dyes pa ng umaga. Ang aga naman nito kumain ng tanghalian. Kahit ganoon ay bumili pa rin siya.

Nang makabalik na si Hera ay kaagad na sumalubong siya ng sampal ng kaniyang Auntie Marjorie.

"Tangina naman Hera! Bakit ang tagal mo? Ano ba 'yang binili mo?" Marahas na inagaw nito sa kaniya ang pagkain na kaniyang binili at tiningnan. Mas lalong sumama ang ekspresyon nito nang makita na gulay ang kaniyang binili.

"Bakit naman ganito Hera? 'Di ba sabi ko sa 'yo hindi ako kumakain ng gulay?" Napalunok si Hera at nagsimulang manginig ang buong katawan sa takot. Tinapon ng kaniyang Auntie ang ulam sa sahig at sinabunutan ang kaniyang buhok.

"Kanina pa talaga ako na b-buwesit sa 'yong hayop ka. Napakawalang kuwenta mo. Manang-mana ka talaga sa Tatay mong rapist!" The thirteen year old Hera just shut her eyes tightly and endured the pain.

Hindi alam ni Hera kung bakit bigla na lang niyang napaginipan ang pangyayaring iyon. Nang minulat niya ang kaniyang mabigat na mga talukap ay kaagad na sumalubong sa kaniya ang nakakabulag na ilaw.

"How's your feeling?" Lucas asked softly when Hera finally open her eyes after almost a day of fainting. Kahit na malabo ang kaniyang mga mata ay tinitigan pa rin ni Hera ang lalaki. She adjusted her sight and after a while, nakita na niya nang malinawan ang guwapong mukha ni Lucas.

"S-sir Lucas... What time is it already?" malamyos na tanong niya sa lalaki. Ang kaniyang boses ay paos at walang katiting na lakas. Sinubukan niyang tumayo kaya dali-dali siyang inalalayan ng lalaki.

"It's already ten in the morning," tipid na sagot nito. Nang makaupo na siya nang tuluyan ay sumandal siya sa backrest ng kama at nilibot ang paningin sa buong paligid. The familiar look of the hospital room welcomed her gaze. Kumunot ang kaniyang noo nang may mapagtanto.

Tumingin ulit siya kay Lucas at naguguluhan ang mga mata na tumingin sa lalaki. She stared at him from head to toe. Nakasuot ng casual wear ang lalaki at mukhang maayos na. Mabango ang lalaki at medyo basa ang kaniyang buhok. Kumunot ang kaniyang noo at binuka ang mga labi para magtanong sa lalaki.

"M-maayos na po ba ang pakiramdam mo? B-bakit po ako dito ang nakahiga?" Kahit na wala na siyang katiting na lakas na natitira sa kaniyang katawan ay pinilit niya ang sarili na umalis mula sa kama. Nang mapansin ni Lucas ang kaniyang plano ay kaagad na pinigilan siya nito. Mas lalong nalukot ang kaniyang ekspresyon dahil doon.

"You stay there, you need to rest," pinal na wika nito. Walang nagawa si Hera kung hindi ang humiga ulit at tiningnan lang ang lalaki.

Hera doesn't know why but Lucas seems to be gentler than usual. Pinigilan niya ang sarili na mapangiti at tumitig lang sa kawalan.

Right, I need to rest.