webnovel

KABANATA 28

Kung puwede lang sana sumabog ang isang puso sa sobrang lakas nang pagkabog no'n ay siguro kanina pa sumabog ang sa kaniya. Hindi alam ni Hera kung ano ang gagawin. Parang na estatwa siya sa kaniyang kinatatayuan at walang magawa kung hindi ang pagmasdan ang kapatid ng kaniyang Ina na ngayon ay lumitaw na mula sa madilim na sulok.

Ang mukha nito na puno na ng kulubot ay nasisiyagan ng ilaw mula sa buwan na ngayon ay tirik na tirik sa gitna ng dilim. Ang pamilyar na mga mata nito at ang ibang parte ng mukha ay katulad na katulad ng sa kaniyang Ina. Habang nakatingin siya sa lalaki, sari-saring emosyon ang naglalaro sa kaniyang puso. Pero isa lang ang masasabi ni Hera ngayon, ang nag-iisang emosyon na nanaig sa kaniyang puso ay takot.

"Hera, hindi ko inaakala na makikita pa ulit kita." Umangat ang sulok ng may kaitiman nitong labi habang sinasabi ang mga katagang iyon. Pa simple na nilagay ng may katandaang lalaki ang dalawa nitong kamay sa magkabilang bulsa ng shorts nito at tinitigan siyang mabuti. Na para bang pinag-aaralan nito ang kaniyang magiging reaksyon.

Napahigpit ang pagkakahawak ni Hera sa cellophane na may lamang pagkain. She shouldn't have left the hospital. She thought to herself. Ang plano niya talaga ay hindi na bumili sa labas ng hospital dahil may food service naman dito but when she remembered that Lucas secretly likes fastfoods, nagbago bigla ang kaniyang isip.

Kung alam lang niya na mangyayari ito at makikita niya ulit ang hayop na kapatid ng kaniyang Ina ay hindi na sana siya nag-abala pa na lumabas. Sa lahat ng mukha na ayaw niyang makita, ang mukha ng Uncle Thomas niya na kaharap niya ngayon ang hinding-hindi niya gustong makita. Tumingin lang siya sa mga mata nito ay parang gusto na niyang masuka sa sobrang galit na kaniyang nararamdaman.

Tinitimpi niya lang ang kaniyang sarili dahil na rin sa may mga nurse pa siyang nakikita sa ibang bahagi ng pasilyo kung nasaan silang dalawa ngayon. It's not entirely empty. May mga tao pa rin kahit na gabi na.

"Alam mo bang hinanap ka ng pamangkin mong si Carl? Dapat ay nagpunta ka doon sa room niya hija..." Ramdam niya ang saya at pagkasabik ng kaniyang tiyuhin base lamang sa tono ng boses nito. Imbes na makaramdam ng saya dahil sa sinabi ng lalaki ay blangko lang na tiningnan ni Hera ang kaniyang Uncle.

"Wala po akong balak na magpunta. At isa pa, hindi ko na po siya pamangkin." Nagkaroon nang maraming linya ang noo nito dahil sa kaniyang sinabi. Halata sa mukha ng matanda na hindi nito naintindihan ang sinabi niya ngayon lang.

Why does he need to understand it anyway? Hindi naman ganito ang lalaki noon. Trying to understand what she said just now won't change anything.

"Huh? Paano mo nasasabi 'yan? Kapatid ko ang Ina–" Bago pa man nito mabitawan ang buo nitong sasabihin ay mabilis na pinutol ni Hera ang kaniyang Uncle.

"She's not my Mother anymore. At gaya rin sa 'yo, hindi ko na rin kayo tiyuhin. Kaya kung puwede lang, mauna na po ako." Alam ni Hera na naging marahas ang kaniyang dating ngayon lang sa taong kinonsidera niyang kamag anak noon but she learns not to care anymore.

Kung papipiliin siya. Mas mabuti pa na mamuhay siya mag-isa kaysa sa makasama ang mga tao na katulad ng kaniyang dating pamilya. Hindi siya sumaya sa piling ng mga ito. Puro sakit lang ang kaniyang nararamdaman at paghihirap ang nararanasan. Bakit pa siya mananatili kung may mga tao at bagay naman na puweding magpasaya sa kaniya at magparamdam sa kaniya ng mga emosyon na kailan man ay hindi niya naranasan sa sariling kadugo?

Nilampasan ni Hera ang kaniyang dating tiyuhin na ngayon ay hindi pa rin makapaniwala dahil sa narinig na mga salita na kaniyang binitawan. His reaction is exactly the same as her expectation. Sino ba naman ang hindi magugulat? Noon ay halos ginawa na niya lahat para lang maituring na pamilya ng mga ito.

"T-teka lang Hera! Mag-uusap muna tayo," nanginginig ang boses na pigil sa kaniya ng lalaki. Mahigpit na hinawakan nito ang kaniyang braso kaya napahinto siya. Hera groaned inside her mind and couldn't help but feel annoyed.

Hindi pa siya nakapag mura noon pero ngayon ay parang gusto niyang murahin ang lalaki. Gusto na niyang bumalik sa room ni Lucas dahil tiyak na nagugutom na ang lalaki. Wala pa itong kain at hindi maganda na mas lalong pa niya itong paghintayin. Kung puwede lang ay nag teleport na siya para makarating doon.

"Wala na po tayong dapat pag-usapan. Kung may tanong po kayo, sa kapatid mo na lang po kayo magtanong. Nakakaabala po kayo ng tao." Sumakit kaunti ang kaniyang puso nang sabihin niya ang mga katagang iyon. Sa totoo lang ay hindi madali ang kaniyang ginagawa ngayon. Ang sabihin ang mga salita na kailan man ay hindi niya nagawa noon. Ang tratuhin ang mga ito nang ganito. Kailan man ay hindi niya pa nagawa ang dalawa.

Hindi siya sanay at magsisinungaling siya kung sasabihin niya na hindi siya nasasaktan. Pero kaya niyang tiisin 'yon para sa sarili.

Nabigla ang kaniyang tiyuhin dahil sa kaniyang sinabi pagkaraan ay nagbago bigla ang ekspresyon ng mukha nito. Napangiwi si Hera sa kaniya nang humigpit ang pagkakahawak nito sa kaniyang braso. Sa sobrang higpit ay parang gusto na iyong mabali.

"Usap lang naman Hera. Ayaw mo ba akong pagbigyan?" may diin na tanong nito at halatang nananakot gamit ang tono nito. Hilaw na napangisi na lang siya. His tone just now was exactly as his tone before. Hindi iyong mabait. Ang lalaki na nasa kaniyang harap ngayon ay never nagsalita sa kaniya nang marahan.

Kagaya ng kaniyang Ina, hindi rin siya gusto nito at may tinatagong hinanakit nang hindi alam.

"Paano kung sabihin kong ayaw ko?" Natigilan ang lalaki pagkaraan ay parang demonyo itong tumawa. Napaigtad si Hera at naguguluhan na napatitig sa lalaki.

Nang matapos itong tumawa ay mala demonyo itong ngumiti at nanlilisik ang mga mata na tumingin sa kaniya. Ang mga kayumanggi nitong mga mata ay puno ng galit at iba pang emosyon na hindi niya pa nakita noon. Hinawakan nito ang magkabila niyang ng braso dahilan nang pagkalaglag ng mga pagkain na dala niya.

"Ang tigas din talaga ng bungo mo eh no? Ang kapal ng mukha mong sagot sagutin ako nang ganito!" Mariin na pinikit ni Hera ang kaniyang mga mata nang umaksyon ang lalaki na nasa kaniyang harap na parang sasampalin siya. Ang kaniyang katawan ay mas lalong nanginig sa takot at para na siyang isang kuneho na umurong dahil sa tamot na nararamdaman.

Lumipas ang ilang segundo pero walang palad ang lumapat sa kaniyang mukha. Nang buksan ni Hera ang kaniyang mga mata ay nag-iba na naman ang ekspresyon ng kaniyang tiyuhin.

"Akala mo ba sasaktan kita? Hindi ko 'yon magagawa Hera..." malamyos na wika nito ay hinaplos ang kaniyang mukha. Her whole body trembled even more as she stared back at her uncle in a way that she can't describe.

Kanina lang ay parang kapatid ni satanas ang ekspresyon ng kaniyang Uncle Thomas pero ngayon ay parang dinaig pa nito ang anghel sa sobrang hindi makabasag pinggan na mukha. Hera gritted her teeth furiously.

"A-ang kapal ng mukha mong hayop ka, bitiwan mo ako!" sigaw ni Hera sa lalaki kasabay nang pagtulak niya dito. Hindi pa siya na kuntento at sinampal ang lalaki.

Akala ni Hera ay makakaalis na siya, pero natagpuan na lang niya ang kaniyang sarili na nakasandal sa pader. Hawak-hawak ng tiyuhin ang kaniyang leeg at pilit na itinataas siya. Nahihirapan na siyang huminga dahil sa pagkakasakal nito sa kaniya. Tears began to formed on the side of her eyes as she glanced back at her Uncle who's looking at her with rage on his brown eyes.

"Makapal? Eh sino kaya sa ating dalawa ang may makapal na mukha? Manang-mana ka talaga sa Tatay mong rapist!" the man yielded back and grip her neck even tightly. Ramdam na ramdam ni Hera ang paninikip ng kaniyang dibdib pero wala na siyang magagawa kung hindi ang tinignan lang ang demonyong mukha ng lalaki na nasa kaniyang harap.

Rapist... It's been a while since she heard that word. Her Father, the kindest and purest man on earth, how could they call him a rapist?

Pakiramdam ni Hera ay kapag nag tagal pa ito ng lang segundo ay mawawalan na talaga siya ng hininga. No matter how much she scratches her Uncle's arms, hindi pa rin ito bumibitaw sa pagkakasakal sa kaniya. Just as when her consciousness was about to fade, may nakita siyang isang bulto ng tao na papalapit. Kahit na malabo ang kaniyang mga mata dahil sa kaniyang luha, nakilala niya pa rin ang taong iyon.

"Damn you!" Marahas na napalayo ang kaniyang Uncle sa kaniya. Dahilan nang pagkalaglag niya at pagkasalampak sa sahig. Nahihirapan na napasandal na lang si Hera sa pader at blangko ang mga mata na napatitig sa eksena na nasa kaniyang harap.

Despite the blurdness of her eyes, kitang-kita niya pa rin ang galit sa mga berdeng mata ni Lucas. Him, still wearing a hospital gown was sitting on top of her Uncle Thomas. Walang humpay ang pagsuntok ng lalaki sa taong halos patayin na siya ngayon lang.

Ramdam na ramdam niya ang panggigigil at galit ng lalaki base sa mga suntok nito. In every punches that he released, he cursed the man lying down helplessly below him. Wala nang pakialam si Lucas sa paligid at ang gusto lang ngayon ay ang patayin ang lalaki na nakita niya kanina na sinasakal si Hera.

Minutes ago, he was just patiently waiting for Hera to arrive. Hanggang sa napansin niya na mukhang natagalan ang babae at hindi mapigilang mag-alala, he tried looking for her. At nang makita niya ang babae na putlang-putla at nahihirapan habang sakal-sakal ng isang lalaki, bigla na lang nandilim ang kaniyang paningin.

I'm going to fucking kill him!

Hindi pa siya nakaramdam nang ganitong galit noon. Sa sobrang galit na kaniyang nararamdaman ay hindi na niya napigilan ang sarili. Wala na siyang pakialam kung may mapatay man siya. Total ay hindi naman ito ang pinakauna.

Lucas was so determined to kill the man who almost choked Hera to death. Hindi na makilala ang mukha ng lalaking si Thomas dahil sa tamo na natanggap nito. Nagkalat na rin ang dugo sa hospital gown na suot-suot ni Lucas at sa malamig na sahig.

Just as when he was about about to dealt his final blow, a small yet trembling arms wrapped around his waist that made him stop.

"L-Lucas please stop! Y-you're going to k-kill him!" The woman cried out that made him come back to his senses.