webnovel

KABANATA 1

"Wala ka talagang kwenta babae ka! Ano bang silbi niyang mukha mo? Mag-prostitute ka na lang kaya para may maitulong ka naman dito. Pagbigat ka na nga, hindi ka pa nahiya." Hindi mapigilang mapakagat labi ni Hera dahil sa narinig na mga salita galing sa kaniyang sariling Ina. Nakaupo siya ngayon sa silya sa kanilang sala habang kaharap niya ang kaniyang Ina na mukhang stress. Katabi ng kaniyang Ina ang kaniyang stepfather na tila pinapakalma ang kaniyang galit na Ina.

Nasasaktan siya dahil sa mga sinasabi nito pero totoo naman talaga na pabigat siya sa kanilang bahay. Ang kaniyang dalawang kapatid sa ina ay nakapagtapos na ng pag-aaral at may mga trabaho na. Siya ang pinakamatanda sa kanilang magkakapatid pero kung itrato siya ng mga ito ay para itong walang respeto sa kaniya. Pero hindi niya magawang pagsabihan ang mga ito dahil siya lang naman ang mapapahamak.

Kung itrato siya ng kaniyang Ina ay parang hindi siya nito sariling anak. Itim na tupa ang turing sa kaniya ng mga tao dito sa kanilang bahay. Minsan ay parang gusto na lang niyang lumayas kapag hindi na niya makayanan ang mga salita na pinagbabato ng mga ito sa kaniya. Pero kung lalayas man siya ay hindi niya rin alam kung saan siya pupunta. Kung ayaw sa kaniya ng kaniyang sariling pamilya ay ganoon din ang kaniyang mga kamag-anak. Hindi niya alam kung bakit ganoon sila pero hindi na rin siya nag-abala na mag tanong pa.

Kasalukuyan siyang nagtratrabaho ngayon sa isang sikat na restaurant sa kanilang lugar. Maayos na man ang suweldo sa waitress na katulad niya. Kaya lang ay nabawasan ang kaniyang suweldo dahil sa nangyari noong nakaraang mga araw. May nang bastos kasi sa kaniya kaya hindi niya napigilan ang sarili. Nagalit ang manager dahil sa kaniyang ginawa. Mabuti na lang at hindi siya tinanggal, 'yon nga lang ay binawasan ang kaniyang suweldo. Okay na rin 'yon sa kaniya kaysa sa matanggal siya.

Suweldo niya ngayon at hinahanap ng kaniyang Ina. Nang binigay niya ang kaniyang pera ay nagalit ito. Bakit daw ito kulang at kung pinagbibili niya ba ito ng kung ano-ano at ginastos. Galit na galit ang kaniyang Ina na halos sa sampalin na siya. Mabuti na lang at nasa tabi ng kaniyang Ina ang stepfather niya. Kung hindi ay baka nabugbog na siya.

Lahat ng suweldo niya ay napupunta sa kaniyang Ina. Walang kahit na barya ang natira sa kaniya kaya kahit na may gusto siyang bilhin ay hindi niya magawa dahil wala siyang pera. Hindi rin siya binibigyan ng mga ito. Ang pera na pinaghirapan niya ay napupunta lang sa kaniyang mga kapatid at sa pagsusugal ng kaniyang stepfather. Parang walang konsensya ang kaniyang Ina, at nasanay na siya na ganoon ito.

"Hon, kalma ka lang okay? Ako na ang bahala kay Hera. Magpahinga ka na lang doon okay?" malamyos na ani ng stepfather ni Hera sa kaniyang Ina. Nanindig ang balahibo sa kaniyang buong katawan nang pasadahan siya ng kakaibang tingin ng kaniyang stepfather. Napahilot ang kaniyang Ina sa kaniyang noo at tumango. Umalis ito at pumunta sa kanilang silid.

Hindi mapigilang mapalunok ni Hera nang lumipit ang tingin ng kaniyang stepfather sa kaniya. Nagsimulang bumilis ang tibok ng kaniyang puso dahil sa kaba nang lumapit ito sa kaniya at umupo sa kaniyang tabi.

"Ikaw naman kasi eh, bakit mo kasi binawasan ang pera? 'Yan tuloy, nasampal ka pa," marahan na wika nito kasabay nang paggalaw ng kamay nito. Nanlamig ang kaniyang buong katawan nang sinubukan siyang hawakan ng kaniyang stepfather sa kaniyang nakalitaw na hita. Mabilis na tumayo siya para umiwas.

"A-ah sige po, una na ako sa kuwarto," nanginginig na saad niya at hindi na hinintay pa ang sagot nito at mabilis na naglakad papunta sa kaniyang silid. Nang makapasok na siya ay mabilis na ni lock niya ito. Bumigay ang kaniyang nanginginig na tuhod at napasalampak na lang sa malamig na sahig.

Natatakot siya, lalo na kapag lumalapit ang kaniyang stepfather. Simula noong una niya itong nakita ay hindi na siya mapakali. Iba kasi ang mga tinginan nito sa kaniya. Parang may balak itong masama sa kaniya. Kaya kapag feel niya na may gagawin ang kaniyang stepfather sa kaniya ay mabilis na pupunta siya sa kaniyang silid or lalabas ng bahay. Kahit kailan ay hindi siya nagpa-iwan na mag-isa sa kanilang bahay, lalo na kapag kasama niya ito. Natatakot siya na baka ay may masama itong gagawin sa kaniya.

Nagpakawala nang malalim na buntong hininga si Hera at naglakad papunta sa kaniyang kama. Humiga siya roon at pagod na pinikit ang kaniyang mga mata. Napahawak siya sa kaniyang kumukulong tiyan at napabuntong hininga na lang ulit. Matutulog na naman siya na walang laman ang kaniyang tiyan.

Aalis ang kaniyang Ina, kasama ang kaniyang stepfather at dalawang kapatid para kumain sa labas. At syempre hindi siya kasama, kahit na ang pinaghirapan naman niya ang ipangbabayad ng mga ito. Napailing-iling na lang siya at tiniis ang gutom. Kailangan na niyang magpahinga sapagkat may trabaho pa siya bukas.

Nang magising siya kinabukasan ay hindi niya mapigilang mapadaing dahil sa sakit ng kaniyang tiyan. Mabilis na bumaba siya at sumalubong sa kaniya ang tahimik na sala na naka konekta sa kanilang kusina. Hindi niya makita ang kaniyang stepfather na maaga gumising. Sabagay, alas 3 pa naman ng umaga.

Mabilis na pumunta siya sa kusina at naghanap ng pagkain. Mabuti na lang at tinirhan pa siya ng mga ito na isang piraso ng manok at sabaw ng nilagang baka. Akala niya ay makakakain na siya pero wala pa palang kanin. Napabuntong hininga na lang siya at nagsaing sa rice cooker. Nang matapos na siya ay mabilis na pumunta siya sa banyo upang maligo.

Alas 6 ang kaniyang pasok kasi maagang nagbubukas ang restaurant na pinagtatrabahuhan niya. Nang matapos na siya sa pagligo at nakapagbihis na ng kanilang uniform ay kumain na kaagad siya. Sa kalagitnaan ng kaniyang pagkain ay nagising ang kaniyang nakakabatang kapatid na lalaki.

Hindi siya nito pinansin at dumiretso sa kaniyang likod para uminom ng tubig. Hindi niya rin ito pinansin at nagpatuloy na lang sa pagkain. Sanay na siya na tratuhin ng kapatid na parang hangin. Ayaw niya rin naman na kausapin nito dahil sa talas ng dila ng lalaki. Baka insultihin lang siya nito ay ayaw niyang mangyari iyon.

Nang matapos na siyang kumain ay mabilis na umalis siya ng kanilang bahay upang pumasok. Hindi na siya nag-abala pa na magpaalam dahil wala namang pake ang mga ito sa kaniya.

Hinihingal na dumating siya sa kaniyang pinagtratrabahuan. Mabuti na lang at hindi siya late. Mabilis na pumasok siya roon. Nang makapasok na siya sa staff room ay sumalubong sa kaniya ang nakangiti niyang kaibigan sa trabaho.

"Oh? Ba't ganiyan mukha mo?" nakataas kilay na tanong ng kaniyang kaibigan na si Marie habang nag-aayos sila ng kanilang mga mukha. Kumunot ang kaniyang noo at tiningnan ang kaibigan mula sa salamin.

"Huh? Bakit?" takang tanong niya. Napabuntong hininga si Marie at nagpamaywang na humarap sa kaniya.

"Hulaan ko, kinuha na naman ang suweldo mo niyang bruha mong Ina no? Nako, sabi ko sayo huwag mong ibigay!" naiiling-iling na saad ni Marie. Napatigil si Hera sa paglagay ng lipstick sa kaniyang manipis na labi at hindi mapigilang mapabuntong hininga.

"Wala naman akong magagawa Marie. Kapag hindi ko binigay ay mapapalayas ako," mahina niyang sabi at inayos ulit ang mukha. Narinig niyang napabuntong hininga si Marie sa kaniyang gilid at hindi nagsalita.

Mga isang oras ang lumipas at bumukas na ang restaurant. Kaagad na dinagsa sila ng customer kaya kahit na umaga pa lang ay halos bumigay na ang kaniyang katawan sa pagod. Dinala niya ang mga pagkain na inorder ng isang matandang lalaki at lumapit sa table nito.

Dahan-dahan siyang yumuko at nilapag ang mga pinggan na may mga pagkain. Marami ang inorder ng matanda kahit na mag-isa naman ito. May ngisi sa mga labi nito habang pinagmamasdan siya na nilalagay ang mga pagkain. Ngumiti rin siya sa matanda pero kaagad din napawi ang kaniyang ngiti nang bigla na lang may gumalaw at hinawakan ang kaniyang puwetan. Muntik na siyang mapasigaw dahil sa gulat.

Nanlalaki ang mga mata na napatingin siya sa lalaki na manyak na nakangisi sa kaniya. Kumulo ang kaniyang dugo dahil sa ginawa nito at hindi na mapigilan ang sarili at sinampal ito nang pagkalakas-lakas. Umalingaw-ngaw sa buong restaurant ang tunog ng pagsampal niya sa matanda pero wala siyang pake.

Walang karapatan ang matandang ito na hawakan ang katawan niya!

Natigilan ang mga nakasaksi at napatingin sa kanila. Napakagat siya ng kaniyang labi at mabilis na umalis at pumunta sa staff room. Sobrang bilis nang tibok ng kaniyang puso at hindi alam ang gagawin. Pangalawang beses na itong nangyari at pangalawang beses na rin na may nasampal siyang customer. Sure siya na baka ay kaltasan na naman ang kaniyang suweldo. Ayaw niya noon, baka ay mapatay na talaga siya ng kaniyang Ina.

Napabuntong hininga na lang siya at kinalma ang nagwawalang puso. It's okay. Kunti lang naman ang nakakita. Mag dasal na lang tayo na hindi magreklamo ang matandang iyon–

Napaigtad si Hera nang marahas na bumukas ang pinto ng staff room. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang galit at nanlilisik ang mga mata na pumasok ang kanilang manager. Napalunok nang paulit-ulit si Hera at hindi mapigilang kabahan.

Oh dear, makakaltasan na naman ba ang aking sahod? Sana naman hindi!