webnovel

The Billionaire's Baby Maker

Lumaki sa hirap si Lyana Dela Merced kaya't maaga siyang namulat sa realidad. Hindi siya pinanagutan ng dating karelasyon at kapagkuwan ay namatay din ang anak niya dahil sa sakit. Mahirap mang tanggapin ang pagkamatay ng anak, pinilit pa rin ni Lyana na bumangon at huwag malugmok sa lungkot dahil sa kaniya umaasa ang kapatid na may sakit sa pag-iisip. Raket dito, raket doon-- lahat na ng trabahong maaari niyang mapagkuhanan ng pera sa legal na paraan ay natanggap na niya. Kaya naman nang isang gabi ay alukin siya ng kaibigang doktor ng trabaho para sa pamilya ng mga Tejada, agad niya itong tinanggap. Subalit mukhang nabahag ang buntot ni Lyana nang malamang hindi lamang simpleng trabaho ang inio-offer ng mga ito sa kaniya. Instead of being just a normal housekeeper, they want her to be a surrogate mother. Ayon sa kaibigang doktor, hindi magkaanak ang mag-asawa kaya't gusto siya ng mga itong kuhanin bilang surrogate. Would she accept the offer and be the billionaire's baby maker or just let the opportunity slip away because she's still longing for her child? Paano kung makalipas ang ilang taon ay muling pagtagpuin ng tadhana ang biyudong si Preston Tejada at ang naging surrogate ng anak nito na si Lyana Dela Merced? Maitatama kaya ni Lyana ang maling ginawa niya noon sa pamilya ng mga Tejada o unti-unti lamang mahuhulog ang loob niya sa binata? The Billionaire's Baby Maker written by: heatherstories

untoldjins · Urban
Zu wenig Bewertungen
30 Chs

30

Lumingon akong muli sa babaeng nakausap ko kanina at seryoso siyang tiningnan. "Sigurado ka bang hindi mo nakita si Chantal?" tanong kong muli sa kaniya,.

Agad naman siyang t umango kaya't hindi ko na napigilan pa ang pagtatagis ng bagang ko. Malakas akong bumuntong hininga at inis na nilampasan siya bago naglakad papunta sa bodega kung saan ko narinig ang ingay.

Nang i-check ko iyon noon ay doon nakalagay ang mga ginagamit sa paglilinis ng hardin at pagtatanim ng mga halaman kaya't alam kong madilim at masikip doon. Kapag tama ang hinala ko, pasensiyahan na lang talaga at mukhang may makakatikim na muli ng sampal na mula sa akin.

Sinubukan akong tawagin ng babae ngunit hindi ko siya pinansin at sa halip ay dire-diretsong naglakad papunta sa medyo masukal na bahagi ng hardin kung saan naroon ang madilim at masikip na bodega.

Saglit kong ipinikit ang aking mga mata nang muling marinig ang hagulhol mula sa loob niyon. Naka-lock mula sa labas ang pintuan kaya't kahit na anong pilit ng kung sino mang nasa loob, hindi ito makakalabas. Bahagyang kumuyom ang aking kamao bago ako humugot ng malakas na buntong hininga at binuksan ang pinto.

"M-Mama!"

Nakumpirma ang hinala ko nang tumambad sa akin sina Jarvis at Chantal na naka-upo sa maruming sahig ng bodega. Nakayakap si Jarvis at animo'y inaalo ang umiiyak na si Chantal.

Dali-dali akong lumapit sa dalawa at hinila sila palapit sa akin. "Anong ginagawa niyo rito? Paano kayo napunta rito?" seryosong tanong ko kahit na alam ko na naman ang sagot.

Mas lalong umiyak si Chantal at isiniksik ang kaniyang sarili sa akin. Ipinikit ko namang muli ang aking mata upang maikalma ko rin ang sarili ko dahil nagpupuyos na ako sa labis na inis—hindi lang pala inis— galit pala. Galit na galit ako at parang gusto kong manampal.

"Mama, niaway no'ng bata si Chanty t-tapos… n-nagalit 'yong Mama ng bata k-kaya…"

Tinapik ko ang balikat ni Jarvis at marahang umiling bilang tanda na huwag na niyang ituloy ang sasabihin dahil maging siya ay halatang takot din ngunit dahil hindi makapagsalita si Chantal dahil abala ito sa pag-iyak at labis na takot, sinubukan pa ring magsalita ni Jarvis.

Lumingon ako sa mag-inang hindi pa rin umaalis at masama rin ang tingin sa akin. Tinaasan ko ng ilay ang ginang bago ko ibinalik ang aking tingin kay Jarvis. "Sila ba, Jarvis?" tanong ko.

Ngumuso si Jarvis at nagpipigil ng iyak na tumango.

Hindi na ako nagsayang pa ng oras at agad na tumayo upang puntahan ang walang modong gumawa ng bagay na iyon kina Jarvis at Chantal. Sinamaan ko siya ng tingin ngunit hindi siya natinag sa akin.

"Tinanong kita kanina pero sabi mo, hindi mo alam kung nasaan sila. 'Yon pala, ikinulong mo."

Umirap sa akin ang babae at ipinagkrus ang kaniyang dalawang braso. "Those kids are messing with my daughter. Nauna 'yang mga batang 'yan kaya gumanti lang ako para sa anak ko—"

"Eh gaga ka pala. Bakit nakikisali ka sa away ng mga bata?" Inis na tanong ko.

Mukha namang nagulat siya dahil sa sinabi ko ngunit hindi na ako nakapagpigil pa dahil sa labis na inis at agad na sinuntok ang kaniyang mukha. Sabi ko, sampal lang ang gagawin ko pero dahil nagdilim ang paningin ko nang maalala ang lagay nina Jarvis at Chantal kanina, hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at sinuntok na siya.

Letse siya.

Umani ng atensiyon ang ginawa kong pagsuntok sa babae dahil may ilan nang nakiusyoso sa amin. Agad namang sinapo ng babae ang mukha niya at humarap sa akin.

"What the fuck did you just do to me?!" Malakas at eskandalosang sigaw niya.

Tinaasan ko siya ng kilay at taas noong tumingin sa kaniya. "Sinuntok lang naman kita. Bakit? Ngayon ka lang ba nakaranas ng suntok, ha?" Maangas na tanong ko sa kaniya.

Hindi bagay sa suot kong damit ang kilos ko pero wala akong pakialam. Kung siya kaya ang ikulong ko sa loob at nang maintindihan niya kung anong pakiramdam nang makulong doon?

Inambaan niya ako ng sampal ngunit agad kong napigilan ang kaniyang kamay. Walang pag-aalinlangan ko siyang sinabunutan dahil sa labis na galit. "Ang tanda-tanda mo na pero sumasali ka pa rin sa mga away ng bata. Bakit? Wala bang nakikipag-away sa 'yong matanda at pati bata, pinatulan mo na, ha?!" sigaw ko habang hinihila ang buhok niya.

Hindi naman siya nagpatalo at hinila rin ang buhok ko. "Why do you even care? O-Ouch! Fuck! My hair! Bumitaw ka nga, ilusyonada! Daig mo pa ang nanay kung magalit—Ouch! Ano ba? Oh my gosh!"

"Nanay? Daig ko pa ang nanay? Ay malamang, nanay ako ng mga 'yan. Ano? Lalaban ka, ha? Oh, ayan!" Mas lalo kong hinila ang buhok niya kaya't mas malakas siyang napadaing dahil sa ginawa ko. Hindi na naman ako nag-alinlangan pa at malakas na sinampal ang mukha niya. "Hindi ko nga hinahayaang saktan ng tatay niya si Chantal tapos ikaw, hahayaan ko? Ano? Uulit ka pa, ha?!"

Sasampalin ko pa sana siyang muli ngunit may pumigil na sa kamay ko. "Ano ba? Bitiwan mo nga—" Naputol ang dapat kong sasabihin nang makita kung sino iyon.

"What the fuck are you doing?" Mariing tanong ni Sir Preston at pinanlakihan ako ng mata. "May mga bisita. Nakakahiya."

Agad na tumaas ang isang kilay ko dahil sa sinabi niya. "Pakialam ko sa bisita mo?" Inis na ganti ko at muling ibinaling ang aking tingin sa kaaway ko.

"Ano ba? Let go of me!" Eksaheradang utos niya.

Umismid ako at sa halip na sundin ang utos niya ay walang pag-aalinlangan ko siyang kinaladkad habang hawak ang kaniyang buhok sa bodega kung saan niya ikinulong sina Chantal at Jarvis kanina. Isasama ko pa sana ang anak niyang nang-away sa dalawang bata pero hindi ko na ginawa dahil hindi ako pumapatol sa bata tulad niya.

"What the—" Hindi na niya natapos pa ang sasabihin nang itulak ko siya sa loob at mabilis na isinara ang pintuan kaya't nakulong siya sa loob.

"Lyana!" Malakas na sigaw at pigil ni Sir Preston ngunit hindi ko siya pinansin at sa halip ay ini-lock ang pintuan gamit ang susi na nakuha ko kanina. Sinubukan iyong agawin sa akin ni Sir Preston ngunit iniipit ko ang susi sa dibdib ko kaya't natigilan siya at walang nagawa.

Seryoso ko siyang tiningnan at malakas na bumuntong hininga. "Huwag mong palalabasin ang babaeng 'yan," galit na bilin ko sa kaniya bago ko siya tinalikuran at naglakad palapit kina Chantal at Jarvis.

Hindi na umiiyak si Chantal tulad nang kanina ngunit inaalo pa rin siya ni Jarvis. Inalis ko ang suot kong heels at sa halip ay nagyapak na lamang bago ko binuhat si Chantal samantalang humawak naman sa gilid ko si Jarvis.

"Sabi ko naman sa 'yo, ako ang bahala sa 'yo, e," mahinang bulong ko kay Chantal na ngayon ay nakasubsob na ang ulo sa aking leeg.

Akmang maglalakad na ako palayo nang makita ko ang batang anak ng nakaaway kong babae kanina—ang batang nakaaway nina Chantal.

Tinaasan ko siya ng kilay bago ko kinuha ang hawak niyang hairclip. "Sa anak ko 'to," malamig na sambit ko at nagpatuloy na sa paglalakad.

Ibinigay ko ang hairclip kay Chantal na ngayon ay humahagulhol nang muli habang nakayakap sa akin. Kinagat ko naman ang aking ibabang labi para kahit papaano ay kumalma ako dahil hanggang ngayon ay nagpupuyos pa rin ako sa labis na galit.

"Tahan na," mahinang alo ko sa ngayon ay umiiyak pa ring si Chantal. "Huwag ka nang umiyak. Nandito naman ako… kami ni Jarvis. Tahan na."

---