webnovel

KABANATA 7

Patuloy parin kami sa paglalakad habang si Troi busy sa mapa si Maya naman kamot dito kamot doon. Ako hito nkabuntot lang sa kanila palinga linga . Namamangha parin tlaga kasi ko sa lugar nato .napakalaki ng buwan kahit na araw ngayon mistulang walang araw at gabi sa lugar na to. At Puro berdeng kulay ng mga dahon ang nkikita ko mula sa matatayog na mga puno. sa baba naman at sa dinadaanan namin nababalutan nmn ng mga bulaklak na iba iba ang uri. Me minsang maliligaw na waring paru paru sa ibabaw ng mga bulaklak nayon at sumisipsip sa mga talululot nito .ibang iba to sa lugar na kinagisnan ko. Maski sino siguro mamamangha kapag nakita nila toh . Mayapay nakarinig ako ng isang tinig na wariy kumakanta . Hindi ko maintindihan yong kanta pero alam ko tinig ng isang babae yon.

"Maya!Troi!" tawag ko don sa dalawa . Lumingon nmn agad yong dalawa at agad na lumakad palapit sakin.

"Naririnig nyo ba yon?"

"Naririnig ang alin?" si maya . Naririnig ko parin yong boses

"pakinggan nyo" tumahimik nmn agad yong dalawa . At pinakinggan kung ano man yong naririnig ko

"Banda ron" turo ni Troi sa bandang kaliwa . Me isang malaking puno don . At doon nga nanggagaling ang boses. Dahan²x kaming lumapit sa punong iyon. Magkasunod lng kami ni Troi habang si Maya e mahigpit na nkakapit sa damit ko mapupunit p nga ata😒. Nagtago kami sa likod ng puno at dahan dahang sumilip. Me nakita kami pero bago ko sabihin kong ano . Tiningnan ko si Troi at yong reaksyon nya ? Parang "hoWow! What the. chix to pare" kolang nlng ganon sabihin nya sakin ,me pagnanasa sa mga mata nya e . Nakakainis .! Babae kasi yong nasa harap namin hindi lang basta babae isa yong diwata, diwata na tulad ng nababasa ko sa mga kwentong bayan matatalas ang mga taenga nito sobrang puti at kinis ng balat na wariy purselanang kumikinang may pagka kulot ang buhok matangos ang ilong mala rosas ang mga labi at dalawang maririkit na tila nangungusap na mga mata . Nkasuot sya ng asul na parang bistida na sing ganda ng mga pakpak ng asul na paru²x at sing kinang ng tubig sa dalampasigan kapag palubog na ang bukang liwayway nakasandal sya isang puno habang inaawitan ang mga lumilipad na maliliit na nilalang sa paligid nya.

Pinukaw ko ang atensyon ni Troi sa pamamagitan ng paghila sa kanya kaya naman napa upo sya.

"Bat moko hinila?" inis nya

"Baka mkita tayo" palusot ko. Naiinis na kasi ko sa reaksyon nya halos hindi na kumurap.

"Ano ba yon?" Si Maya hindi nya pa kasi nkikita . Sumilip syang saglit .

"Hala ,sino yon.?" Tanong nya

"Malay ba namin. Taga rito ba kami ?" pamimilosopo ko.

"Hoy hinaan nyong boses nyo . Baka marinig tayo" pabulong na sabi ni Troi. Kunware pato

"Tss kunware kapa . Parang gusto mo na ngang lapitan e"asar ko

"Bat ko naman lalapitan baka mamaya ano pang gawin sakin non " angal nya

"E parang yon nga yong gusto mo e. Yong me gawin sya sayo" double meaning kung sagot

"Rhem.?Troi? Nagtatalo ba kayo .?" pasok ni maya

"Hindi"sagot namin pareho

"Ahh akala ko nagtatalo kayo e. " sagot nya habang kumakamot sa leeg.

"Sino kayo.?" me diing tanong mulasa isang mayuming boses mula sa aming likuran na pumukaw sa atensyon namin . Agad kaming napatayot umatras ng makita naming yong Diwata yon. para namang mangangarati yong porma ni Troi si Maya naman pumulot ng pamalo . Ako wala nasa likod na kasi nila ko para safe.😅

"Wag kayong matakot hindi ko kayo sasaktan" pagsesecure nya samin

" ako si Catalena Ang tagapangalaga ng kagubatang ito" pagpapakilala nya

"Ca-catalena? Catalena ba kamo?" nauutal kung tanong . Para akong na star truck .Nakaramdam ako ng sobrang pagkatuwa at kaba narin.

"Ou matagal na akong nariritot binabantayan ang kagubatang ito," nagkatinginan kami nila Troi at Maya sabay ahhhh!!! Nagtakbohan sila kaya pati ako napatakbo rin bumalik kami sa pampang kung san naroon yong mga gamit namin? Napahawak ako sa tuhod habang hingal na hingal si Troi at Maya naman e napasandal sa puno . Pareho²x kaming naghahabol ng hininga.

"Rhem sya na ba yon? Yong Catalenang hinahanap natin?" tanong ni Maya habang naghahabol ng hininga. Kinuha ko yong libro naalala kong me larawan si papa sa nilalang nayon. Saglit kung pinagmasdan

"Ito yon e'" inabot naman agad ni Troi . Pinagmasdan nila ng maigi yon

"Sya nga !" sambulat nya habang nakaturo yong kamay sa likod ko pag lingon ko . Anak ng! Napatumba ako sa sobrang gulat ko nasa likod ko na pala yong diwata napatago naman sa likod ng puno si maya at Troi na bahagyang nakasilip . Bweshak!nmn kasi! Kung san²x nmn pala sumusulpot tong babaeng toh. Grabeng kaba ko sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"Ikaw si Rhem tama ba?" banggit nya sa pangalan ko . Normal lng sya . Habang ako kabadong kabado pa.

"Kilala ka nya Rhem, k-kamag anak mo?" nauutal na sawsaw ni maya na hanggang ngayon natatakot parin. Sira ba to? Moka ba kaming magkamag anak nito ? Sa koko pa ngalang walang wala nako?

"Sira hindi" nasabi ko nalang.

"Bat kilala ka nya Rhem?" si Troi nmn ngayon . Isa pato e . Malay ko ba? Bka nmn me internet narin dito at senearch pangalan ko? Birong pumasok sa utak ko

"Kilala ko ang yong ama. Minsan narin syang nakarating dito ngunit sa kasamaang palad—"

"Kilala mo ang papa ko?" singit ko . Nabuhayan ako ng loob ng marinig ko sa kanya yon . Ngayon napatunayan kung tama nga ako. Nandito si papa . Nandito sya !

"Ou Rhem, ngunit wala dito ang yong ama" pagpapaliwanag nya

"Huh e nasan si papa.? Alam mo po ba kung nasan sya .? Sabihin nyo na po sakin . Walong taon ko na po syang hinahanap at hanggang ngayon …" hindi ko na naituloy nkaramdam ako ng lungkot.

"miss ganda baka nmn po matulungan nyo si Rhem . At ng makauwi narin po kami samin." Singit ni Maya tila binalot nmn ng lungkot ang mukha nung diwata

"bihag sya ngayon ni Zafira pinuno ng mga Batsalom. Mapaminsalang nilalang sa kaharian ng Darcksebia" pagsisiwalat nya natigilan ako at hindi nakaimik naramdaman kong me humawak sa balikat ko at si Troi yon. Lumabas na pala sila na hindi ko napapansin dahil natuon sa diwata ang atensyon ko Alam nya kasi yong nararamdaman ko at ganon din si Maya .

"pwede po ba naming malaman kung nasa anong kaharian kami ngayon?" si Troi

"Narito kayo sa Luthia ang kaharian ng mga Paru at mga maliliit na nilalang sa himpapawid man o sa tubig maging sa lupa . Mga nilalang na maaring lumaki o lumiit kelan man nila naisin. Ngunit noon iyon . Untin unting sinakop ni Zafira ang bawat kaharian at inangkin ang kakayahan ng bawat nilalang na kanyang makakasagopa" wika nyang balot ng kalungkutan. Medjo nawala na ng kaonte ang kaba at pagkailang ko sa kanya maging si Troi pero si Maya mukang hindi pa.

"Pwede mo po ba kaming tulungan na iligtas ang papa ko?" pakiusap ko.

"Maari Rhem,ngunit malakas ang pwersa ni Zafira walang laban ang hangin sa lakas ng apoy nya kahit ang tubig sapagkat hawak nya narin ngayon ang lupa " masasalamin sa mukha nya ang kalungkutan habang sinasabi nya yon samin.

"Ilang Araw nalamang at tuluyan narin nyang masasakop ang aming kaharian . Ang tinig ng sentilia at lapia ay nkuha nya na . Tanging kaming mga paru nalamang ang hindi nya malapitan dahil sa pwersa ng kagubatan ang matatayog na puno ng Gerbando at Argu ang nagsisilbi naming panangga sa tuwing sumasalakay sila . Ngunit dahil sa paulit ulit na pangyayare unti²x na silang nanghihinat namamatay" Pagsisiwalat nya pa

"Ano pong pwede nating gawin ? Pano po namin mababawi ang papa ni Rhem?" lakas loob na wika ni Troi.

"Sa ngayon wala tayong magagawa.hindi sapat ang mga sandatat magdirigma namin para puksain si Zafira at ang napakalaking Grupo ng Batsalom" paliwanag nya. me naalala ako. Sinabi ni papa na wag na wag kung makakaligtaang dalhin ang bagay na iyon .

"Si papa. Me bagay syang pinadala sakin" tumayo agad ako at kinuha yong hanger.

"Ito . Hindi ko alam kung bat nyako pinagdala ng ganto" pinakita ko sa kanya iyon at agad nya naman itong inabot.

"Rhem hanger yan diba ? Bat me dala ka nyan?" pagtataka ni Maya .

"Ewan hindi ko nga rin alam" sagot ko

"Sumama kayo sakin" utos ng diwata

"Huh sumama kami sa inyo? E hindi nga po namin kayo kilala tyaka baka ano pong gawin nyo samin?" Reklamo ni Maya halatang natatakot pa kasi sya.pero hindi sya pinansin nong diwata at tumalima na. Tiningnan ko lang si Maya ng makahulugan ,kinampay naman sya ni Troi . Parang mabigat naman sa loob nya na sumunod samin. Nakabuntot lang kami ngayon sa diwata .

"Rhem sigurado kaba talaga na sasama tayo sa babaeng yan? pwede nmn nating hanapin ang papa mo ng tayo lang ah" wika nya sa mahinang boses

"Nagiisip kaba? Ni hindi nga natin alam kung sang lupalop ng lugar nato natin hahanapin yong papa nya " anas ni Troi. Wan b kasi sa babaeng toh?

"eh diba me mapa ka? Marunong kang magbasa sabi mo pa " pangangatwiwan nya

"Maya minsan pwede wag ka nalang mag reklamo ? Magtiwala k nmn kahit minsan lang pwede?" naiinis nako

"Pano ako magtitiwala jan e hindi nga natin kilala yong babaeng yan" angal nya pa

"Kaibigan sya ng papa ni Rhem , sa kanya na mismo nanggaling yon na magkakilala sila , kaya dapat magtiwala tayo sa kanya" paglilinaw ni Troi

"E pano ba kayo nakakasiguro na nagsasabi nga sya ng totoo? Aber?" kulit tlaga ng babaeng to!

"Bahala ka . Kung ayaw mo sumama mag iba ka ng rota . Ewan kolng kung san ka mapunta." Pananakot ko

"Tama tas mkakatagpo mo don si Zafira papalapa ka nya don sa mga alaga nyang Batsalom!" gatong pa ni Troi na mistulang natatawa sa sinabi nya.

"Eehh!! Sige na nga . Kainis naman kayo e. Pero pag me nangyare talaga satin dahil jan sa pagsama natin sa babaeng yan . Kakalbohin ko talaga kayong dalawa" yamot nya . Haha ang kulit kasi. Tsk.

"Nandito na tayo" Ang salitang pumukaw ng atensyon namin. Pagtingin namin sa harap .. Howow!!! Totoo ba to? Naisaloob ko para kaming nasa loob ng isang Virtual Game . Napakaraming nagliliparang nilalng ang nakikita ng mga mata ko . Ibat ibang uri at kulay ng mga nilalang na lumilipad sa himpapawid at lumalangoy sa sapang sin linaw ng at kinang ng dagat sa katanghalian . Sa palibot ng mga matatayog na puno ay naglalakihang mga makukulay na bulaklak na nagsisilbing tirahan ng mga lumilipad na nilalang at sa ilalim nitoy waring dambuhalang kabuti na pinalilibotan ng malilit na uri ng halaman. Sobra akong namamangha sa mga nakikita ko

"Guys nakikita nyo ba ang nakikita ko?" namamanghang tanong ko sa dalawa. Tiningnan ko sila . At gaya ko . Sobra din silang namamangha sa mga nilalang na nkikita nila. Me minsang bughaw na nilalang ang dumapo sa ilong ni Troi sandali lang at lumipad na . Kahit mga nilalang nato naaattract din sa mokong nato. Napalingon sya sakin at nagbitaw ng matamis na ngiti . Para naman akong nakarinig ng musika at naramdaman kong umiinit ang pisnge ko . Napansin kong natawa sya . Namumula bako? Shocks! Umiwas agad ako ng tingin at binaling yon kay Maya nasa gitna kasi namin sya . Napansin ko na parang kinikiliti nya yong isang paru sa palad nya . Masaya sya gaya ng nararamdam ko.

"Halikayo" aya samin ni Catalena patungo sa isang Nilalang

"Ano pong nilalang yan?" pormal kong tanong . Hindi nako masyadong naiilang sa kanya ngayon. Ganon din siguro si Troi . Ewan ko lang kay Maya.

"Ang Sentelia"matipid nyang sagot . Malaking ibon iyon mahaba ang pilik mata na kulay ginto at mabilog sa dulo ganon din ang isang mahabang balahibo nito sa ulo . Kamukha sya ng ibong adarna ngunit kakaiba ang mga pakpak nito parang dahon iyon at me mga nkalugay na waring maliliit na baging sa dulo nito ganon din ang buntot nito . At ang paay waring paa ng isang dragon . Kamangha mangha . Pinasakay kami ni Catalena doon at sumunod naman agad kami . Pinakita nya samin ang ganda ng Luthea .mula sa himpapawid kitang kita namin ang lawak at ganda ng kaharian . Sa hilaga nakita kong parang puro krystal ang kahariaNg iyon samantalang malawak na lupa at matatayog na bato sa parting kanluran . Pero kakaiba ang kaharian sa Timog . Me malaking bulkan doon na naglalabas ng lava. Madilim ang kalangitang naglalabas ng kidlat. Naisip ko , Yon ba ang kaharian ng Darksebia?

"Catalena yon ba ang Darksebia?" Hindi ko na napigilang magtanong.

"Ou Rhem, at naryan ang yong Ama" wika nya

"Bat d pa po natin sya puntahan?"

"Hindi muna sa ngayon, kailangan nyong magsanay. Kung nais mong mabawi ang yong ama . Kailangang magapi si Zapira "

"What ? Magsanay ? Lalaban kami? Oh my pano kung mapatay kami?" pag aalala ni Maya

"Kaya nga magsasanay" malamig na tugon ni Troi

"At ok lang kayo don?" si maya uli

"Bakit hindi .? Gagawin natin to para kay Rhem at para sa papa ni Rhem" matapang nyang tugon. Tumingin sya sakin na parang sinasabing Wag kang magalala kakayanin natin yan. Sisiw lang yan' habang nakangiti. Cute nya talaga lalo na pag ganyang nakangiti sya.

"Salamat Troi ." nasabi ko nalang. Mayapa inutusan na ni Catalena yong ibon na ibaba na kami . Me binanggit syang keyword pero diko gets? Sa isang parte ng Gubat sa harap ng isang malaking bato nagpasyang lumapag si Catalena . Hindi ko alam kung bakit . Me mga nkaukit sa batong iyon na hindi ko maintindihan. Mayapa hinawakan yon ni Catalena

"Abre.Abre." yan lang yong naintindihan ko. Yong iba diko na talaga magets. At biglang nahati yong bato sa dalawa. Pumasok kami madilim wala akong makita sa loob . Mayapa nagbanggit uli sya ng engkantasyon at nagliwanag ang mga bato at maliliit na kabuti sa gilid ng Kweba . Mayapa tumambad samin ang isang talon na may bughaw na tubig .

"Halikayo ,Ilapat nyo ang dalawa ninyong palad sa tubig" utos samin ni Catalena . Hindi na kami nagpakeme pa at agad na sumunod . Baka mamaya magalit pato tas gawin kaming lampshade sa kwebang to. Dahan²x kung nilapat yong kamay ko sa tubig ganon din Sila Maya . Mayapa napansin ko na unti unting gumagapang yong tubig sa katawan ko

"Wag kayong matakot . Wag kayong magpapakita ng kahit anong tanda ng takot na maaring maging dahilan para saktan kayo ng tubig" nasabi lang nya. Bat ngayon lang nya sinabi . Akala ko pa naman maghuhugas lang kami ng kamay. Ayon nga pinilit kong irelax ang sarili ko at tuluyan ng binalot ng tubig ang buo kung katawan

Nagwika uli si Catalena ng isang engkantasyon at nagkaroon ng porma ang tubig sa katawan ko maging sa ulo ko. Sobra akong namangha . Pero nagulat ako ng marinig kung sumigaw si Maya

"Ahh!!! Tulong !!" nahihirapan nyang sigaw nakita kung sinasakal sya ng tubig

Hinawakan ni Catalena ang tubig iwinasiwas ang kanyang kamay kasabay ng paglabas ng isang sandata . Mukha yong espada na pumutol sa kamay ng tubig na sumasakal kay Maya.

"Binalaan na kita ngunit hindi ka nakinig. Kulang ka sa pananalig . Hindi mo pinaniniwalaan ang mga nakikita mo" sermon nya kay Maya na hindi agad nakaimik ubo lang sya ng ubo. Nilapitan naman agad sya ni Troi At tumingin kay Catalena

"Pagpasensyahan nyo napo sya . Tulad namin naninibago din sya sa mga nangyayare . Hayaan nyo po maintindihan nya rin po ang lahat kalaunan" paliwanag ni Troi . Lumapit narin ako

"Ok kalang Maya?" pag aalala ko

"O-ou . Kinabahan kasi ko kaya bigla akong nag panick nung gumagapang na yong tubig sa katawan ko" medjo naiilang nyang sabi . Naawa ako sa kanya. Kasalanan ko to eh. Ako nagdala sa kanila dito . Ngayon nadadamay na sila sa mga kalokohan kung toh. Tigas kasi ng ulo ko. Kainis.

"Sorry Maya . Sayo din Troi . Kasalanan ko to e. Ako dapat sisihin dito . Hindi naman tayo mapupunta dito konde dahil sa kalokohan ko"

"No Rhem. I insist . Kami yong nagpumilit sayo na sumama remember .araw²x ka naming kinulit kaya napilitan k nlng pumayag . Kaya kami dapat magsorry . Pabigat lang tuloy kami sayo" garalgal ng yong boses nya

"Hindi Maya wag mong sabihin yan. Kahit naman naiinis nako sa kakareklamo mo . Thankful parin ako kasi kasama ko kayo. Natatakot din ako ,sobra. Pero iniisip ko si papa . Nandito ako dahil sa kanya . Kasi gusto ko syang makita . Labas kayo don kasi personal toh. Pero sumama parin kayo. Kaya thank you at sorry narin"

"We understand that Rhem . That's why Were here and theres no way to backout " matapang na sagot ni Troi. Tinulungan naming makatayo si Maya . Pero nagulat kami sa sumunod na ginawa nya . Hinawakan nya uli yong tubig. Kinabahan ako

"Maya anong ginagawa mo?" pag aalala ko

"This time Rhem trust me" ngumiti sya at tinuloy ang binabalak nya . Mayapa binalot na ng tubig ang buong katawan nya. Nagbanggit ng engkantasyon si Catalena pero iba yon sa binanggit nya kanina. Mayapa unti²x naring nagkakaporma ang tubig sa katawan nya . Kusa ring natanggal ang saplot nya sa katawan at hinalinhinan yon ng tubig ilang saglit pa tumambad sa harap namin ang isang babaeng sobrang ganda hindi ko nga masabing si Maya pa yon. Sobrang kakaiba ng dating nya ngayon. Me bilog sa magkabilang balikat nya mistulang panangga yon ganon rin sa kamay nya at mga dibdib na napapalamutian ng asul na mistulang halamang tubig . Ganon din sa kanyang pang ibabang kasuotan .

"Mayaaah. Grabe ikaw paba yan?" namamangha kung wika

"Huh ? ba bakit?" pagtataka nya pagkatapos ay tiningnan nya ang sariling reflection sa tubig . Halata sa mukha nya na namamangha din sya sa itsura nya.

"Ito ang magsisilbi ninyong sandata" inabot ni Catalena yong tatlong hanger samin .

"Ho?" si Troi

"Seryoso po ba kayo ?"si Maya

"Ou nga po . Hanger lang po to gamit sa pagsasampay ano pong magagawa nito sa totoong labanan?" sunod²x naming tanong

"Masasagot ang tanong nyo kung iloloblob nyo ang mga iyan sa tubig " Nagkatinginan lang kaming tatlo nagtataka parin kasi kami.

"Hito" abot nya samin nung asul sa bracelet na may hiyas sa gitna. Ano n nmang gagawin namin don . Passion Competition ba paglalBanan namin? Ang OA na kasi nito .

"Isuot nyo iyan palagi . Kaya nitong manipulahin ang tubig . At maging sandata na naisin nyo. Kelangan nyo lang ikumpas sa hangin ang inyong kamay ." paliwanag nya. Wow! Napaka high-tech nMan pala ng mga gamit nila dito . Pero bat sabi nya kulang parin ang mga sandatang pandigma nila kung meron nmn pala silang magagandang sandata gaya nito? Sinubukan namin . Kumumpas ako sa hangin at naisip ko yong Sibat. At nangyare nga. Namangha sila kaya sumubok din sila . Shield kay Maya at Espada naman kay Troi . Sobrang astig nito! Naisaloob ko . Tuwang tuwa kami nasa naging resulta .

"Ngayon . Iloloblob nyo nmn ang mga iyan " tukoy nya sa hawak naming hanger. Hindi na kami nagpatekateka at niloblob nga namin iyon.habang nagbabanggit ng engkantasyon si Catalena Napansin naming nagiiba ang anyo nung hanger . Humaba iyon at naging Panang may talim sa magkabilang dulo at itak sa kabilang hawakan. Ibang klase! Para kaming mga bata dahil sa mga reaksyon namin .

"Ngayon sumunod kayo sakin" utos nya sumunod nmn agad kami binaybay namin ang kanang bahagi ng kweba . Ilang sandali pay Me natatanaw nakong liwanag.