Shanaia Aira's Point of View
MADILIM na nung bumalik ang ulirat ko. Nang maalala ko yung nangyari na syang dahilan ng pagkawala ng malay ko ay muli na naman akong napaiyak.
" Shh. baby stop crying. Everything will be alright." boses ni mommy yung narinig ko. Noon ko lang napansin na nasa tabi ko pala sya, nakaupo sa may side ko.
" Mommy?"
" Yes bunso. Kasama ko ang tita Mindy mo sa coffee shop nung tumawag ang kasambahay mo. Kaya pumunta kami kaagad dito anak. " turan nya. Yung coffee shop na tinutukoy nya ay yung pinatayo nilang dalawa ni tita Mindy. Magkasosyo sila at bukas nga ang grand opening nun. Si ate Shane at si Gelo nga sana ang magka-cut ng ribbon bukas. Nang maalala ko si Gelo ay muli na naman akong napaiyak.
" Mom si Gelo po." umiiyak kong sambit. Niyakap naman ako ni mommy at hinimas-himas ang aking likod.
" Anak hindi pababayaan ng Diyos si Gelo. Nandoon na ang daddy mo at si tito Archie mo sa Davao para alamin ang lagay nya. Magiging maayos ang lahat bunso. Huwag kang mawalan ng pag-asa." pinilit kong kumalma at nanalangin kami ni mommy para sa kaligtasan ni Gelo.
Matapos ang ilang sandali ay tinawag kami ni tita Mindy para sa hapunan. Tila balisa din sya at mukhang katatapos lang din niyang umiyak. Natural lang na mag-alala siya dahil ina sya ni Gelo.
Tahimik kaming kumakain ng magsalita si tita Mindy.
" Elize tinawagan ko na yung mga nabigyan natin ng invitation para sa ribbon cutting ng coffee shop bukas. Sabi ko na matutuloy tayo pero si Shane na lang magka-cut." sabi ni tita kay mommy.
" Sige mare. Kung kailangan ng kapartner pwede naman yung co-host ko na si Paulo Zaragosa, ako na ang bahala dun. " tugon ni mommy kay tita Mindy.
" Salamat mare." wika ni tita kay mommy tapos hinarap nya ako. " Anak kumain ka ng mabuti. Huwag mo ng isipin si Gelo, nakausap ko na ang tito Archie mo, he's already out of danger. Mabuti na lang malapit yung ospital dun sa mall kaya naagapan yung sobrang pagdurugo nung natamo nyang saksak. Wala rin naman daw napinsalang vital organs dahil sa may balikat tumama yung knife. Salamat sa Diyos at hindi Niya pinabayaan ang anak ko. " I felt relief sa sinabi ni tita Mindy. God is really good all the time.
Hindi ako natulog hangga't hindi pa tumatawag ulit si daddy o si tito Archie. Si mommy ay umuwi na dahil aasikasuhin pa nya yung para sa opening ng coffee shop nila bukas. Sinundo siya ni Mang Simon. Si tita Mindy naman ay nagpaiwan para samahan ako at para sabay kaming makabalita sa lagay ni Gelo.
Bandang 11pm nang tumawag si tito Archie kay tita Mindy. Inilagay ni tita sa loudspeaker yung cellphone nya para marinig ko rin.
" Hello Min!" bungad ni tito Archie sa kabilang linya.
" Hello Chi. Oh ano kumusta na dyan? Nandito si Aira katabi ko. Kumusta ang lagay ng anak natin?" tanong ni tita.
" Stable na si Gelo, huwag na kayong mag-alala dyan. Tulog pa rin sya. Kinakausap na ni pareng Adrian yung doktor kung pwede na ba naming ibyahe pauwi ng Metro si Gelo. Siguro naman papayag sya dahil may dala naman kaming chopper para maibyahe si Gelo ng maayos. Kung papayag, aayusin lang yung release papers ng ospital at baka bukas lang ng umaga nasa St. Lukes na kami para doon na lang muna si Gelo. Mahigpit ang seguridad doon kaya hindi basta mapapasok ng mga fans nya. " sabi ni tito Archie.
( Pare pumayag na yung doktor. Binayaran na nung producer nila yung bill dito sa ospital. Pinaayos ko na yung record ni Gelo dito para madala natin sa paglipat nya sa St. Lukes. Maghintay lang daw tayo. Si mare ba yang kausap mo?) dinig ko ang pag-uusap nila ni daddy sa kabilang linya.
" Oo pare, ang mare mo at si Aira." sagot ni tito Archie kay daddy.
" Anak huwag ka ng mag-aalala. Gelo is out of danger now. Bukas nandyan na kami." si daddy ang nagsalita.
" Okay po dad. Mag-ingat po kayo pauwi. Salamat po." sagot ko.
" O paano Min, tatawag na lang ako kapag nailipat na namin si Gelo sa St. Lukes. Ingat kayo dyan. " si tito Archie.
" Sige Chi, balitaan mo agad kami. Kayo na ang bahala ni pare dyan. Salamat. " pagtatapos ni tita Mindy sa tawag.
_________________
MAAGA akong ginising ni tita Mindy kinaumagahan. Dumating na daw si daddy at tito Archie at nailipat na nila si Gelo sa St. Lukes. Nagmamadali akong naligo at nagbihis. Kape at sandwich lang ang inalmusal ko at umalis na kami ni tita Mindy.
Yung kotse ko ang sinakyan namin dahil si Mang Simon ang naghatid sa kanila ni mommy papunta sa akin sa condo kahapon.
Halos 30 minutes lang tumagal ang byahe namin ni tita papunta sa St. Lukes. Malapit lang kasi ang Ortigas sa BGC. Pagdating namin sa ospital ay agad naman naming nahanap ang room ni Gelo. Nasa private suite ito sa pinaka-itaas na floor. Ito ang pinili nila tito Archie na room para marahil sa privacy ni Gelo.
Si daddy ang nagbukas ng pinto sa amin. Agad akong yumakap sa kanya at nagmano naman ako kay tito Archie.
Tiningnan ko ang nakahigang si Gelo na kasalukuyang natutulog. Lumapit ako at hinagkan ko siya sa noo. Umupo ako sa upuan sa tabi ng kama nya at hinawakan ko ang kanyang kamay.
Naiiyak na naman ako habang pinagmamasdan ko siya. Inilagay ko ang kamay nya sa pisngi ko habang tinitingnan ko lang sya. Paano kung medyo napasama yung pagkakasaksak sa kanya? Paano kung tumagos iyon sa lungs nya o sa puso nya? Sa isiping yon ay kinilabutan ako at ginapangan ng takot. Hindi ko alam kung paano ako mabubuhay ng wala si Gelo sa tabi ko.
" Gumising sya kanina pero sandali lang tapos natulog ulit. Epekto daw yun ng pain reliver na itinurok sa kanya nung doktor sa Davao. Maya-maya lang daw ay tuluyan na siyang magigising." sabi ni daddy.
" Uuwi muna kami ni kumpare, wala pa kaming tulog. Kayo na muna dito ni Aira. " sabi ni tito Archie kay tita Mindy.
" Ako na lang po muna dito tito Archie. Isama nyo na po si tita Mindy, opening po nung coffee shop nila ni mommy mamaya. Wala pa rin po syang pahinga mula kahapon. " turan ko kay tito.
" Anak baka hindi mo pa kaya, mahina rin ang katawan mo." nag-aatubiling saad ni tita.
" Bakit bunso ano ang nangyari sayo? " tanong ni daddy. Wala pa nga pala syang alam sa nangyari sa akin sa school, kay mommy ko lang sinabi kahapon.
" Medyo mahina po ang dugo ko kaya nag- collapse po ako sa school nung isang araw. Maayos na po ako dad, binigyan po ako ng vitamins ng doktor, ni ate Faith po." paliwanag ko.
" Huwag ka na lang masyadong magpupuyat. At kumain ka ng mga gulay at prutas." si daddy.
" Daddy, mahirap po talaga sa med school kaya palagi po akong puyat. Wag na po kayong mag-alala ayos na po ako. Sige na po isama nyo na si tita Mindy para makapag-pahinga na po sya para sa opening ng coffee shop mamaya. " pangungumbinse ko pa kay daddy.
" Alright bunso, nag-aalala lang naman ang daddy." sabi ni dad saka ako inakbayan at hinalikan sa ulo.
" Sure ka ba anak na kaya mo na dito? " tanong ni tita Mindy sa akin.
" Opo tita, tulog naman po si Gelo. "
" Okay, babalik na lang ako mamayang gabi, dadalhan kita ng pagkain. " pinal na turan ni tita Mindy.
" Sige po tita." humalik ako sa kanila bago sila umalis.
Naiwan na nga akong mag-isa sa tabi ni Gelo. Muli kong hinawakan ang kamay nya at dinala sa labi ko.
" Bhi kung alam mo lang ang takot ko nung mapanood ko ang balita. Pakiramdam ko para akong kandila na nauupos ng mga sandaling yon. Paano kung napahamak ka ng tuluyan? Paano na ako? Hindi ko kakayanin bhi. Alam mo naman na ikaw ang karugtong ng buhay ko, kaya huwag mo akong iiwan, ikamamatay ko bhi. " naramdaman ko na kumilos sya. Tiningnan ko ang unti-unting pagmulat ng mata nya.
Nung tuluyan na nyang maimulat ang mata nya, tiningnan nya ako at biglang nangunot ang noo nya.
" Sino ka? " medyo mahina at paos ang boses nya pero narinig ko naman.
" Ha?" nagtataka ako. Posible ba na nagka-amnesia siya?
" I said, who are you?" inulit nya yung tanong, this time medyo malakas na.
" What? Ako si Aira, ang asawa mo. Bhi, naman wag mong sabihin na may amnesia ka, I won't buy it."
" Aira? Asawa? Really, kailan pa?" tanong nya ulit. Napaisip ako. Pinagti-tripan ba ako ng mokong na ito? Teka nga.
" Ay sorry hindi pala, nagkamali lang ako. Single pa pala ako and ready to mingle. Sige sir, pasensya na, mali yata ako ng room na pinasok. " sabi ko saka ako tumayo. Tingnan natin kung hindi umepekto tong style ko.
Akmang aalis na ako ng hilahin nya ang kamay ko. Sabi ko na nga ba eh.
" Baby naman, nagbibiro lang ako. Masyado ka kasing nag-eemote kanina. Narinig ko lahat ng sinabi mo habang nakapikit ako." nag-pout pa sya matapos nyang magsalita. Pa-cute!
" Ganon? Pinagti-tripan mo pa ako. Hindi naman talaga ako naniniwala na nakalimot ka bhi. Malayo sa utak yung pagkakasaksak sayo kaya malayong magka-amnesia ka. "
" I'm just kidding. Halika nga dito, payakap. " lumapit ako saka ko sya niyakap.
" Baby akala ko hindi na kita mayayakap ng ganito. Mabuti na lang hindi ako napuruhan, sa ilalim ng balikat tumama pero malalim din kaya masyadong maraming dugo. Ikaw yung iniisip ko habang ginagamot ako ng mga doktor. Bago ko ipikit ang mga mata ko, ikaw pa rin yung naisip ko. Kaya ang laking tuwa ko nung boses mo agad yung narinig ko ngayong nagising ako. "
" Uhm, tapos pinag-tripan mo pa ako paggising mo. Kahit kailan ka talaga bhi, mapang-asar kang tunay! " kinurot ko sya sa tagiliran.
" Aray baby! Hayan dumugo yata ang sugat ko. Tsk! "
" Heh! Tigilan mo ako. Ang layo ng tagiliran mo sa balikat mo. Ano, tapos ng balikat bewang agad? "
" Hahaha. patawa ka baby. Aray! " bigla syang napahawak sa balikat nya.
" Hayan, tawa pa more. Baka dumugo yang sugat mo. Gusto mo bang kumain bhi? " pag-iba ko sa usapan namin.
" Mamaya na. Kiss mo na lang muna ako. "
" Hayun! Yan tayo eh. " sabi ko pero hinalikan ko rin naman sya. Isang halik na marubdob at punong-puno ng pagmamahal.
Natapos ang isang hindi inaasahang unos sa buhay namin. Ang lahat ng bagay ay nalalampasan basta magtiwala lamang sa Diyos. Siya na higit na nakakaalam ng makakabuti sa Kanyang mga anak.
Stand in Faith even when you're having the hardest time of your life.