webnovel

THAT'S HOW IT IS

Isang nakakalokong ngiti ang sumilay sa mga labi ni Veronica nang mga sandaling yun. Pasimple siyang lumapit kay Jenny tsaka bumulong.

"Help me create the protective barrier. Dito ko pansamantalang ilalagay ang lahat ng Huluwa bago ako pupunta sa Forbidden Mountain."

"Forbidden mountain?! Nababaliw kana ba?! Alam mo naman na sa bawat Firmaments, ipinagbabawal ni Nyuweku ang pumunta sa Forbidden Mountain. Gusto mo na bang mamatay?!" Pabulong at pabulyaw na sagot ni Jenny sa kanya.

Sina Ravi at Rowel naman ay nananatiling nagpapakiramdaman. Hanggang ngayon kasi ay hindi parin sumasagot si Ravi sa tanong ni Rowel. Si Zion naman ay pasimpleng kinausap si Yohan tungkol sa sitwasyon ng Abyssal World.

"Pwede bang makinig ka muna bago mo ako sermonan? Hindi ko ginusto ang magkaganito ang sitwasyon sa mundong ilalim. I've been dead for more than 10,000 years at kamakailan ko lang naalala kung sino ba talaga ako." Pagtataray ni Veronica sa kaibigan na napa-kunot ang noo.

"Dead..? Ibig mo bang sabihin, na-reincarnate ka rin?"

"Something like that. Nalaglag lang ako dito during our flight. Then Ravi found me. But let's forget that. Ang dahilan kung bakit gusto kong pumunta sa Forbidden Mountain ay dahil sa nakita kong memories sa Soul Bead." Isang seryosong tingin ang ibinigay ni Veronica kay Jenny.

"Anong memories?"

Isang malalim na buntong hininga ang kanyang pinakawalan bago muling nagsalita.

"Someone is feeding the Creftus."

"Creftus?!" Napalakas ang boses ni Jenny kaya napalingon ang lahat sa kanilang dalawa.

Creftus. Ito ang pangatlo sa pinaka-malakas na nilalang sa God Domain. Tinawag itong Creftus dahil sa taglay nitong kapangyarihan na kung saan ay halos katulad ng kay Nyuweku. Gayunpaman, dahil sa pinag-samang kapangyarihan ng Gwanty(Acon) at ni Nyuweku, nagtagumpay silang i-kulong ang nasabing nilalang at itinapon dito nga sa Abyssal World. Ang problema, ayun sa Soul bead, isa sa mga pinag-kakatiwalaan ni Nyuweku sa God Domain ay pasikretong tinutulungan ang Creftus.

Iyon ang dahilan kung bakit nagkaroon ng pagbabago sa lahat ng Firmaments. Ang mga crystals na nahulog mula sa God Domain ay palatandaan nang matinding laban na nangyari. Sa ngayon, hindi alam ni Veronica kung ano ang totoong sitwasyon sa God domain at kung sino na ang tumatayong hari doon ngayon. Well, sana lang, Nyuweku is still alive.

"Yeah, kailangan nating pumunta sa God Domain upang malaman ang totoong sitwasyon." Sagot ni Veronica.

"But that's impossible." Naka-yukong sagot ni Jenny.

"Why?" This time, si Veronica naman ang napa-kunot noo.

"Suzerain, naka-akyat ako sa Spirit World gamit ang katawan na meron ako ngayon dahil may taga Spirit World na bumukas ng lagusan. Ibig kong sabihin, ang bago nating katawan ay walang acces to go up there directly. Maliban na lang kung may mag-bubukas ng lagusan galing sa itaas. That way, our mortal body can get the access or should I say, being recognized by those who are above us." Mahabang paliwanag ni Jenny.

"But... Ang katawan ko na ito ay galing na mismo sa pangalawang Firmament. Bakit hindi ko parin mabuksan ang lagusan?"

"Well, galing ka nga sa mortal World, pero that time, naka-sealed pa ang totoong katauhan mo. The barrier recognition didn't recognize you. Yan ang dahilan kung bakit hindi mo mabuksan ang portal. Ganyan ang nangyari sa akin back when I was hunting the murderer of Banawa." Ang anyo ni Jenny ay biglang naging matapang nang maalala niya ang nangyari sa Spirit World.

"So, ibig mong sabihin, dahil binuksan mo na ang portal na naka-konek sa mortal World, pwede na akong umakyat at bumaba dito kahit kailan ko gusto?"

"Yeah. However, tulad ng gusto mong mangyari. Ikinalulungkot kong sabihin sayo na hindi tayo makaka-akyat sa Immortal World. Higit pa doon, walang protector ang mundong ibabaw sa ngayon. Kung lalabanan natin ang Creftus, kailangan natin si Siyuha. However..."

"Kaya lang?"

"Sigh.. Suzerain, Matagal nang patay si Siyuha." Malungkot na sagot ni Jenny.

"What?! Paano nangyari yun?!"

"Well, ayun sa Soul bead ng Mortal World, Namatay si Siyuha dahil iyon ang parusang ibinigay sa kanya ni Nyuweku."

"Parusa?! Huh! Kailan pa naging pasaway ang pinaka-mabait na Dyosa ng buong God Domain?!"

"Yan din ang una kong nabanggit. But, according to the memories na nakita ko sa Soul Bead ng mortal World, Ibinigay ni Siyuha ang kalahati ng kanyang life essence sa inaakala niyang kapatid ng lalakeng kanyang inibig. Sa huli na niya natuklasan na ang kanyang Asawa pala at ang babaeng binigyan niya ng kanyang buhay ay hindi totoong mag-kapatid. She's actually his mistress. Sa madaling salita, niloko nila si Siyuha at dahil dun, she died. Ang mas nakakalungkot pa, she's no chance of being reincarnated."

"Huh! What the fuck?!" Napa-atras ang mga taong malapit kay Veronica nang bigla na lang siyang nag-release ng electricity. Ang kanyang aura ay paunti-unti na ring lumabas. Senyales na galit siya.

"Calm down... Don't worry. Bago namatay si Siyuha, ginawan niya ang mas makapal na protective barrier ang tinatawag ng mga tao ngayon na Earth. Ang barrier ang pumoprotekta ngayon sa mga tao laban sa pag-atake ng nga giants creatures na kontrolado na ngayon ng dating asawa ni Siyuha. Dahil na rin sa Ice wall na nakapalibot sa invissible barrier, kahit ang hari ng Atlantis ay hindi na magawang makapasok pa." Patuloy na kwento ni Jenny.

"Wait, even the king of Atlantis?! Pero hanggang ngayon ay patuloy parin na hinahanap ng mga mortal ang Atlantis. Akala ko ba matagal ng nawala ang Atlantis?" This time, si Rowel ang nag-tanong. Nakalimutan na niya ang topic kanina.

"Yes. Well dahil iyon sa Aklat na aksidenteng iniwan ni Siyuha. Mabuti na lang at hindi niya naisulat kung saan ang eksaktong lugar ng Atlantis."

"So saan ang totoong lugar ng Atlantis?" Tanong ni Rowel ulit.

"Atlantis is located outside the Barrier. Malapit ito sa kaharian ng Venus. Rowel, naalala mo ba ang sinabi ko sayo nung papunta tayo sa kaharian ng Sediorpino? Ang Earth sa mundong ibabaw ay isang maliit lang na bahagi ng totoong sukat ng pangalawang Firmaments. Mayroong sampung kaharian ang mundong ibabaw. The Atlantis, Venus, Saturn, Neptune.. No.. Sabihin na natin na ang kinikilalang planeta ng mga mortal sa mundong ibabaw ang mga malalaking kaharian. At isa sa mga kahariang yun ang tinatawag na Earth. Bawat Kaharian ay may kanya-kanyang Barrier na pumoprotekta dito." Paliwanag ni Veronica.

"Then those UFO's?"

"Those UFO'S ay galing sa immortal World. However, tulad ng currupted spirit beasts. Ang mga Ufo na nakita mo sa mundong ibabaw ay ang mga sasakyan ng mga Immortal people na tinalikuran na ng Immortal World dahil sa kanilang mga ginawang kasalanan. Pinag-sarhan na sila ng portal at ngayon ay nag-sisikap na sakupin ang pangalawang Firmaments dahil alam nila na patay na ang Dyosa ng Second Firmament." Si Zion ang nag-paliwanag.

Nasapo ni Rowel ang ulo ng makaramdam ng bahagyang pagkahilo. This information is too much.

"It's okay, it's normal. Sasakit talaga ang ulo mo kapag nakakaranas ka ng soul awakening." Si Ravi ang lumapit kay Rowel at bahagyang itong kinabig.

"Soul Awakening? What is that?"

"Rowie, sa palagay ko, dapat ka munang magpahinga. Let me help you back to your room. Saka ko na ikukwento sayo ang iba pa kapag naka-recover kana." Sagot ni Ravi habang sinusulyapan sina Jenny at Veronica.

"I guess so. But... Hindi mo na ako nanakawan ng halik, right?" Naka-taas ang dalawang kilay na tanong ni Rowel sa Dragon na biglang namutla.

"I.... I won't.."

"Good."

Walang imik na lumabas ng silid ang dalawa at iniwan ang apat sa loob ng silid. Si Yohan ay humakbang palapit kay Veronica at tsaka walang babalang ipinulupot ang mga braso sa katawan ng dalaga.

"So, you're planning to fight the Creftus pagkatapos mong ikulong sa protective barrier ang buong Drakaya at Hanaj Kingdom? According to Jenny's reaction, delikado ang kalabanin ang Creftus." Ani Yohan.

"Yeah.. Suzerain, wala pa tayong sapat na lakas upang kalabanin ang Creftus. Well maliban na lang kung nandito ang Gwanty ni Nyuweku." Ani Jenny habang pasimpleng siniko si Zion. Throwing a signal.

"Wala dito ang Gwanty ni Nyuweku, pero dito ang anak ng kanyang Gwanty." Sagot naman ni Veronica.

"What?! May anak ang Gwanty ni Nyuweku?! Paano nangyari yun?!" Bulalas ni Jenny.

"Well, fortunately, napasakamay ng ama ni Rowel ang Gwanty. Pero kilala nila ngayon sa tawag na Acon. Luckily, Ramil didn't know the real power of that Acon. Kung nagkataon, baka wala ng Drakaya sa ngayon." Sagot ni Veronica.

"Holy shit! Whoah! Alam mo ba na pwede nating gamitin ang Acon para ipunin ang shattered memories and soul ni Siyuha?!" Bulalas ni Jenny.

This time, si Veronica ang natigilan. So, that's how it is?! Pwede pa nilang buhayin ang isa kaibigan nilang dalawa?

"Well, let's do that after killing the Creftus. Pero bago yun, let's put the barrier first." Sagot ni Veronica na napa-ngiti na.