webnovel

That Guy!

"Long time no see, Ms. Azi or should I call you Police Officer Azi?" ngumiti siya sa akin at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Nakatingin lang ako sakanya habang ramdam na ramdam ko ang panginginig ng katawan ko sa galit. It's been 2 years pero fresh parin sa akin lahat ng kagaguhang ginawa niya. Sinong mag aakalang mag kikita kami matapos ang lahat? Halata siguro sa mga mata ko ang galit, titig na titig siya sa akin na para bang binabasa kung ano ang tumatakbo sa utak ko. Tinalikuran ko na siya at hahakbang na sana pero nag salita siya. "I missed you" mahina niyang sabi.

DaoistVa0g10 · Teenager
Zu wenig Bewertungen
1 Chs

Chapter 1

Ano ba 'yan, ang ingay naman! Tahimik akong tumingin sa paligid, nag babakasakaling may kakilala ako. Ganto ba talaga pag first day? Mukhang magkakakilala sila ako nalang ang hindi. Muli kong tinignan ang schedule ko at 20 minutes nalang mag sisimula na ang klase.

"Miss?" napatingin ako sa kumalabit sa akin, si Manong Guard.

"Papasok ka na ba? Kanina ka pa kasi namin tinitignan mukhang wala kang balak pumasok" napalingon ako sa entrance at totoo nga, nakatingin sa akin ang mga interns na kasama ni Manong Guard. Nahihiya akong tumingin kay Manong Guard kaya ngumiti nalang ako ng pilit.

"Pasensya na po hindi ko po kasi alam kung saan room ko at nahihiya pa po akong pumasok kasi madami po kayo sa entrance hehe" totoo naman ang dami nila. Mahigit sampo plus si Manong Guard, nakakahiyang pumasok kasi dadaan muna ako sakanila.

"Ganun ba? Naku pasensya na dibale mababait mga 'yan. Seniors mo mga 'yan kaya wag ka mahihiya. Tutulungan ka pa nilang mahanap room mo" nag lakad na siya pabalik sa entrance ng school, sa may Guard desk kaya wala na akong nagawa kundi sumunod.

Kinakabahang pinacheck ko laman ng aking bag sa mga interns na nakatayo doon.

"First year ka siguro ano? Forensic o criminology?" napatingin ako kay kuyang intern na nag check sa bag ko. Napatingin din sa akin mga kasamahan niya na parang nag hihintay sa sagot ko.

"Opo, criminology po" papasok na sana ako pero muli nanaman may nag salita sakanila.

"Akala namin Forensic student ka, crim pala. May kulay kasi buhok mo bawal 'yan dito"

"Oo nga ading at mukhang ang bata mo pa para maging college. Patingin nga sched mo para matulungan ka namin kung saan room mo" lumapit sa akin si kuyang intern na matangkad, kalbo siya. Actually kalbo silang lahat--I mean naka semi kalbo.

Binigay ko agad sakanya ang enrollment form ko at hinintay siyang mag salita.

"Itong L301 sa may taas, akyat ka lang sa hagdanan na 'yan makikita mo agad. Dibale maliit lang naman ang University natin kasi nakahiwalay tayo sa ibang courses kaya madali mong makakabisado mga lugar dito" ngumiti ako at nag pasalamat kahit nahihiya parin ako. Nag lakad ako paakyat sa hagdanan, dahan dahan lang habang inoobserba ko ang paligid. Kainis naman kasi! Sabi ko naman kasi kay Chad sabay kaming mag enrol para pareho kami ng block pero late naman siya nag enroll. San na kaya iyon? Ay oo pala mamaya pa klase niya.

Agad kong nahanap ang L301, mukhang wala pa instructor namin. Napatingin ako sa itsura ko, ayos naman. Naka black sando ako sa loob pero naka denim jacket naman ako, skinny jeans at boots. Mukhang okay naman itsura ko kaya papasok na ako. Huminga muna ako nang malamin bago pumasok. Natahimik sila pero hindi ko pinansin mga tingin nila at diretsong umupo sa pinakalikod.

Shit! Mura ko sa utak ko. Bat ganyan sila makatingin at bat sila natahimik? Mukhang mag kakakilala na sila kahit first day ito. Shet saya naman maging college, feeling lonely ako!

"Pst!" may kumaway sa akin sa harap. Hindi ko sigurado kung ako kinakawayan niya kaya hindi ko nalang pinansin. Kumaway ulit siya kaya papansinin ko na sana pero kumaway din iyog katabi ko---pota, siya pala kinakawayan. Namula ako pero hindi ko pinahalatang nahihiya ako kaya tumingin nalang ako sa phone ko.

9:30 am nang dumating ang Criminology 1 instructor namin. Mukhang bata pa at maganda siya.

"Good morning everyone! I'm Jen Rosario and I will be your instructor until the end of 1st sem. Since it's our first day, hindi naman na siguro bago sainyo ang mag pakilala, right? So please let's start so that we can get along and know each other's name. Let's start from the back. Miss?" napalingon silang lahat dito sa likod. Nakatingin sila sakin kaya bahagyang nanlaki mata ko. Tinuro ko sarili ko kaya bahagyang natawa si Ma'am bago tumango.

"Ahh haha" awkward akong tumawa bago tumayo. Shet, hindi ako ready!! Paano ba ako magpapakilala?

"Uhm h-hello. I'm Raisha Shullamite Azi and it depends on you how you're going to call me, I'm 18" maikli lang pagpapakilala ko kaya umupo ako agad. Tumango tango si Ma'am habang sumunod naman na nag pakilala mga kaklase ko. Marami kami kaya medjo natagalan. Hindi ako nakinig sa pagpapakilala ng mga kaklase ko kasi wala din naman akong pake at hindi ko sigurado kung may balak silang kaibiganin ako, sa tingin ko wala. Tingin palang nila sakin mukhang hindi ko na sila makakasundo.

"That's all for today, I hope na makakabuo kayo ng maraming set of friends! You are a future police officers kaya dapat maging mabait kayo sa isa't isa okay? I will just give the module then you can do whatever you want"

Hinintay kong makaabot sa akin ang kopya ng module namin bago ako lumabas. Naiihi na kasi ako at hindi ko alam kung saan ang CR dito.

"Saan ba iyon?" bulong ko sa sarili ko. Tumingin ako sa paligid bago ko naramdaman ang kalabit sa akin. Bakit ba ang hilig nila akong kalabitin ngayong araw? Sabagay hindi pa naman nila ako kilala.

"Mukhang nawawala ka nanaman?" si kuyang intern pala na matangkad. Napatingin ako sa uniform niya

'De Leon'

"Ah hinahanap ko po cr. Saan po ba?" rinig ko ang mahina niyang pagtawa kaya napatingin ako sakanya. Inilahad niya ang kamay niya sa harap ko at ngumiti.

"Po?" nagtataka akong tumingin sakanya. Comfort room tinatanong ko pero nag lahad siya ng kamay? Ano daw iyon.

"Mukhang lagi kang nawawala kaya lagi din kitang hahanapin. I'm Axel De Leon" napatingin ako sa kamay niya, ang laki, ang haba at mukhang malambot. Inabot ko ang kamay niya at nagpakilala na rin.

"Raisha Shullamite Azi" napapagod na leeg ko kakatingala sa kanya kasi nga matangkad talaga siya at hanggang dibdib niya lang ako.

"Diretsuhin mo 'yan makikita mo sa pinaka dulo" ngumiti ulit siya sa akin kaya ngumiti din ako--pilit.

Tumalikod na ako sakanya at akmang mag lalakad na pero muli niya akong tinawag.

"Shulla" napahinto ako, Shulla? May nickname na agad ako. Lilingon na sana ako pero naramdaman kong nasa likod ko siya at sobrang lapit sa akin. Ramdam na ramdam ko katawan niya sa likod ko.

"H-ha?" nagulat ako sa biglang paglapit ng bibig niya sa tenga ko kaya bahagya akong nanigas sa kinatatayuan ko.

"May tagos ka" bulong niya.

'May tagos ka'

'May tagos ka'

'May tagos ka'

Ano daw? May tagos ako? Bahagya akong napatigil sa pag hinga at muling prinoseso ang sinabi niya.

'May tagos ka'

Nanlaki ang mata ko at bigla nalang ako ng namula.

SHIT!!!