webnovel

Chapter 9: Massacre

Paglabas ni Farrah sa Dwarf's Cave, pumunta na sya sa gate ng Juperia para lumabas at bumalik sa hotel nya.

Hinde naman masyadong mabilis ang paglakad ni Farrah kasi tinitignan pa ni Farrah ang mga magagandang lugar at gusali dito sa Juperia. Hinde tulad sa dating mundo ni Farrah, ang mga gusali dito ay makukulay at magaganda ang mga disenyo. Masarap pa ang hangin dito at sariwang sariwa. Magaganda rin ang tanawin dito, para bang paraiso.

Masarap rin pagmasdan ang mga batang naglalaro, para bang wala manlang silang kaprobli-problima.

Habang pinagmamasdan ni Farrah ang mga magagandang nasa paligid nya. May limang lalaki na lumapit sakanya mula sa likod at hinawakan sya sa balikat saka may dinikit na kutchilyo sa may likoran nya. "Wag kang sumigaw at maglaban, kundi papatayin kita." Sabi ng lalaki na may hawak na kutchilyo.

Si Farrah naman ay biglang nabigla. Pero saglit lang ito, magpapalabas sana sya ng apoy para sonugin ang lalaking nasa likod nya kaso madaming tao dito, kaya hinde ni Farrah magamit ang kapangyarihan nya. "Boss, dadalhin ba natin sya kay Lord Eron?" Tanong ng isang kalbong lalaki na kasama nung lalaking may kutchilyo.

"Oo, hehehe maganda ang batang ito so sigurado magugustohan sya ni Lord Eron. Tara na!" Sabi ng lalaki habang hinihila si Farrah at habang tinototok sakanya yung kutchilyo.

'Mukhang dadalhin nila ako sa pinono nila well heheh, edi sabay sabay kona sila sosonogin para mawala na ang mga masasamang tao dito sa mundo.' Yun ang iniisip ni Farrah since hinde nya naman pweding gamitin sa lugar na maraming tao ang kapangyarihan nya, doon nalang sa headquarters ng limang pangit na ito gagamitin ni Farrah ang mga kapangyarihan nya.

Iba iba ang mga dinaanan nilang kanto eskinita. Ang mga tao sa mga dinadaanan nila ay pakunti nang pakunti hanggang sa halos wala nang makita si Farrah na ibang tao. Pagkatapos ng napakatagal na paglalakad nila Farrah, dumating sila sa isang luma at abandonadong gusali. Ang mga katabi nitong gusali ay halatang wala nang nakatira at nag aasikaso kasi ang dumi dumi na ng mga ito at sira sira pa.

Pumasok sila dito at bumulaga kay Farrah ang 25 na lalaki na nag-iinom na sobrang pangit ng mga itchura. Pag pasok nila, nagtinginan ang mga lalaki kay Farrah. Tinignan sya mula taas hanggang baba, yung iba nga naglalaway na. "Hahaha Fuwen, buti naman nagdala ka ng babae na mapag lalaroan namin, ibigay mona sya saamin para masimolan na hahaha." Lumapit ang isang bungi bunging lalaki.

"Hintayin nyong matapos sakanya si Lord Eron saka nyo sya paglaroan. Kaya jan kalang Rukmi. At saka alam nyo ba na ang babae na ito ay napaka yaman. Kanina sa Dwarf's Cave, bumili sya ng High Quality Magical Ring. At ngayun nga nasa kanya pa iyon hehe." Sabi nung lalaki ng may hawak ng kutchilyo habang nakatingin sa kamay ni Farrah kung saan nakasoot ang Magical Ring nya.

"Huh? Yung Magical Ring kasing mahal ng kalahati ng boong Juperia? Tika yan ba yung gintong sing sing na soot ng babaeng yan? Edi ano pang hinihintay natin, kunin na natin yan at saka natin sya ibigay kay Lord Eron. Hahaha tiba tiba tayo nito." Sabi ng lalaking Rukmi ang tawag habang papalapit kay Farrah.

Si Farrah naman habang lahat ito ay nangyayari ay wala lang kibo. Kahit kaunting takot wala manlang syang nararamdaman kasi alam nya na wala nang ibang mga tao dito kundi ang mga masasamang lalaking ito.

Kaya nang nakita ni Farrah na papalapit yung lalaki na ang pangalan ay Rukmi, tinaas nya ang palad nya at itinotok ito kay Rukmi. "Oh? Bibigay mona ba saamin ng maayus?" Tanong ni Rukmi.

Ngumiti si Farrah at nagsalita. "Hehe, Hinde." Pagkasabi nya nun, biglang nawala ang ngiti nya sa mukha at "Bye bye." Naglabasan ang napaka daming apoy sa palad ni Farrah at tumama ito kay Rukmi na tumalsik sa padir ng gusali.

At yung ibang lalaki naman ay natulala nalang. "Ha-halimaw! Walang hiya ka Fuwen! Nagdala ka dito nag halimaw!" Sigaw ng isa sa mga kasamahan ni Rukmi. Sa sigaw nya nagising din yung ibang lalaki na nakatulala at nagtakbohan sila papunta sa pintoan. Sa pagtakbo nila palabas ng pinto halata na dito na mga duwag sila. Lumalaban lang sila sa mga kaya nila pero kapag mas malakas na sa kanila ang kaharap nila tatakbo na agad sila.

Pagkakita ni Farrah sa mga tumatakbo, itinaas ni Farrah ang kamay nya at ang lupa sa harapan ng pinto ay tumaas at naging malaking harang. "Hoy! Ikaw na halimaw ka! Anong gagawin mo saamin!?" Tanong ni Fuwen na tumakbo na rin papunta sa may pintoan.

"Alam nyo, dito sa mundo dapat mawala na ang mga tulad nyo kasi kung nandito kayo magigi lang itong basura at..." Bago paman ni Farrah matapos ang sinasabi nya, may nakita syang katawan sa gilid ng isang babae na walang soot at patay na. Nilalangaw at inoood na ito, kaya pala kanina pa si Farrah may naaamoy na mabaho pag pasok nya palang dito.

Namula si Farrah sa galit. Base sa itchura nung katawan parang 13 years old palamang ang katawan na iyon. Hinde lubos na akalain ni Farrah na may mga taong kayang mang rape ng bata at patayin pa sya tapos pabayaan lang ang katawan nito sa isang tabi na parang wala lang ito para sakanila.

"Mga walang puso kayo!!!" Sigaw ni Farrah. Sa sobrang galit ni Farrah, yumayanig na ang boong gusali at nahuhulog na ang mga parte nito.

"Mga kasama, wag kayong matakot nag iisa lang sya at marami tayo. Sugurin natin sya ng sabay sabay para mapatay natin sya." Sigaw ni Fuwen. At ang mga kasama nya naman ay binaliwala na ang takot nila at tulad ng sinabi ni Fuwen, nilabas nila ang mga espada at ibang armas nila saka nila pinalibotan si Farrah.

"Sugod!" At sabay sabay silang tumakbo papunta kay Farrah hawak ang mga armas nila. Tinignan lang ni Farrah ang mga lalaki na tumatakbo palapit sakanya para patayin sya nang hinde manlang gumagalaw.

Pumikit si Farrah at binuksan nya agad ang mata nya, sabay ng pag bukas ng mata nya biglang tumalsik ang mga lalaki na tumatakbo papalapit sakanya. Itinaas ni Farrah ang kanang kamay nya at naglabasan ang sampung higanteng bakal na korteng tao, may mga hawak pa itong mga espada, sibat, at palakol.

"Ang pangalan ko ay Farrah, at inuutosan ko kayong mabuhay!" Sigaw ni Farrah at ang sigaw na yun ay naging parang ilaw na pumasok sa mga katawan ng sampung bakal na pinalabas ni Farrah mula sa lupa.

Pagkatapos pumasok nung ilaw sa mga katawan ng sampung bakal na pinalabas ni Farrah, nag simulang gumalaw ang mga ito at naglakad papunta sa harap ni Farrah at lumohod. "Goddess Farrah, ano man ang e utos nyo saamin ay agad naming susundin, kahit na ang kapalit pa nito ay ang buhay namin." Sabay sabay nilang sinabi.

"Tika! Anong nangyayari dito! At ano yang mga bakal na nagsasalita!? Hoy kayo! Fuwen! Ano ito? Anong nangyayari dito magpaliwanag ka!" Pagkatapos magsalita nung mga bakal na korteng tao ni Farrah, biglang lumabas ang tinatawag nilang Lord Eron mula sa pinto sa likoran ni Farrah.

Nagtakbohan papalapit kay Lord Eron ang mga lalaking pinatalsik ni Farrah kanina. "Lord Eron, yang babaeng yan ay halimaw! Dapat na makalayo tayo sakanya kung hinde papatayin nya tayo!" Sabi ni Fuwen at sumang ayon rin ang mga kasama nya.

"Ano bang kinakatakotan nyo jan sa babae nayan!? Hoy! Ikaw na babae ka! Sino ka at anong ginawa mo sakanila para matakot sila ng ga...." Bago paman matapos ni Lord Eron ang sinasabi nya, ang isa sa sampung bakal na tao ni Farrah ay sinipa si Lord Eron ng napaka lakas, sa sobrang lakas, ang padir na tinalsikan nya ay nawasak at nagkaroon ng malaking butas.

"Haahhh!!! Walang maaring makipag usap sa aming Goddess ng ganyan! Subukan nyo lang at papatayin namin kayo!" Sigaw nung bakal na tao na sumipa kay Lord Eron.

"Lord Eron hinde! Fuwen! Ikaw ang may kasalanan nito! Kung hinde mo dinala ang halimaw na babae na yan, hinde dapat namatay si Rukmi at si Lord Eron!" Sabi ng isang lalaki na katabi ni Fuwen. "Hoy! Bago ka magsalita ng ganyan, mas isipin mo muna kung pano tayo makakatakas dito." Sigaw ni Fuwen.

"Makatakas? Pasensya na pero walang makakatakas sakahit isa sainyo. Pagbabayaran nyo ang mga kasalanan nyo!" Sigaw ni Farrah.

"Lahat kayo! Inuutosan ko kayo na patayin silang lahat! Wala kayong ititirang buhay!" Sigaw ni Farrah sa sampung bakal na tao nya.

"Opo Goddess Farrah." Sabay sabay na sinsabi ng sampung bakal na tao ni Farrah at naglakad silang lahat papalapit kina Fuwen. Bawat hakbang nila, yumayanig ang boong gusali na para bang masisira na ito. "Mga higante! Fuwen anong gagawin natin!?" Tanong ng mga lalaki kay Fuwen.

"Lalaban tayo, wag nyong ipakita na takot kayo. Mabubuhay pa tayo, kaya sugod!" Sigaw ni Fuwen at tumakbo sya papunta sa isa sa sampung bakal na tao ni Farrah at gamit ang espada nya, itinusok nya ito sa paa ng taong bakal ni Farrah pero imbes na bumaon ito, bigla pang naputol ang espada ni Fuwen.

Tumingin ang bakal na tao na sinobokang saksakin ni Fuwen sakanya, at itinaas nito ang paa nya at inapakan si Fuwen.

Craackkkkk

Nagtunogan ang mga butong nadurog ni Fuwen pag apak nung bakal na tao.

"Hinde.. Hinde! Ayoko pang mamatay! Takbo!" Pagkakita nung ibang lalaki kay Fuwen na nadurog pagkatapos syang apakan nung bakal na tao, natakot sila lahat at nagtakbohan. Pero kahit saan sila mag punta papatayin parin sila ng mga bakal na tao ni Farrah.

Haaahhhhh!!!!!!

Poro sigaw nalamang ng mga tao ang maririnig sa loob ng gusali kung saan dinala si Farrah. Si Farrah naman, ay kanina pa naka-alis. Bagamat gusto nyang mamatay silang lahat, hinde parin kaya ni Farrah na makakita ng mga taong namamatay kaya inutosan nalang ni Farrah ang mga bakal na pinalabas nya mula sa lupa para patayin yung mga lalaki.

Lumilipad si Farrah ng napakabilis gamit ang HoverBoard nya kaya kahit may makakita sakanyang sundalo o tao aakalain lang nila na malaking ibon lang sya.

Ilang minuto lang, nakarating na si Farrah sa loob ng Hotel nya. "God, sorry kasi nakagawa ako ng kasalanan. Sana mapatawad nyo po ako." Sabi ni Farrah habang nakatingin sa langit.

Wooshhhh

May biglang tumonog na kung ano sa likod ni Farrah kaya tumingin sya sa likod nya. Doon sa likod nya, may lumolotang na tv at si God ay nakatingin kay Farrah.

"Farrah, oh Farrah, alam mo ok lang na pumatay ka ng tao jan. Ang mga tao jan ay hinde na ako kilala at para sakin hinde kona rin sila kilala so ok lang kahit pumatay ka jan nang pumatay basta wag molang silang ubusin hohoho, bibigyan kita ng License to Kill so gawin mo ang gusto mo. Tulad nga ng sabi ko, Have Fun hehe." Pagkasabi ni God nun, biglang naglaho yung Tv.

"License to kill? Grabi hinde naman ako mass murderer God." Sabi ni Farrah. Naglakad si Farrah papunta sa living room at pinalabas ni Farrah ang Libro ng mga Kapangyarihan mula sa isip nya.

At binasa nya ulit ang mga kapangyarihan nya na nandito.

Page 1 (Telekinesis). Ang kakayahang mag pagalaw ng kahit ano gamit ang isipan.

Page 2 (Healing Magic). Ang kakayang magpagaling ng kahit anong sakit malala man o hinde.

Page 3 (Elements). Ang kakayang kontrolin lahat ng Elemento.

Page 4 (Aura Ball). Ang kakayahang magpalabas ng napaka lakas na enerhiya na kayang mag pasabog ng isang boong Bayan at kahit isang boong Kingdome. Base ito sa gusto ng gumagamit.

Page 5 (X Ray Vision). Ang kakayang makita ang mga bagay na natatakpan ng kahit ano.

Page 6 (Shape Shifting). Ang kakayang magpalit ng anyo. Maging hayop o gayahin ang isang tao o gayahin ang isang bagay.

Page 7 (Shield Of The Gods). Ang kakayang magpalabas ng napaka lakas na pananggalang na walang nakakasira, tanging ang mga dyos lamang ang kayang sumira nito.

Page 8 (Universal Language). Ang kakayahang maintindihan lahat ng salita kahit salita pa ng mga hayop ito.

Page 9 (Mind Reading). Ang kakayahang basahin ang iniisip ng isang tao o hayop.

Page 10. (Powerful Senses) Ang kakayahang palakasin ang kanyang mga Senses. Ang mata, ang pandinig, ang pang amoy at ang iba pang mga Senses.

Page 11 (Holy Magic). Ang kakayahang gumamit ng mga Magica na pweding gamitin na pangpuksa sa mga kaluluwa at mga masasamang nilalang na hinde tinatablan ng pisikal na armas.

Page 12 (Life Giving). Ang kakayahang magbigay ng buhay sa mga walang buhay tulad ng mga statwa, mga kagamitan, mga armas, at iba pang mga bagay na walang buhay except sa tao.

Page 13 (Super Strength). Ang kakayahang magbuhat ng kahit ano gaano man ito kabigat.

Page 14 (Shadow Master). Ang kakayahang kontrolin ang mga anino.

Page 15 (Prophecy). Ang kakayahang makita ang mga mangyayari sa hinaharap.

Sa lahat ng ito, ang kaya nang gamitin ni Farrah ay yung Telekinesis, Pag kontrol sa lahat ng Elements, Aura Ball, Healing Magic at yung last ay ang Life Giving. Kanina nya lang natutunan yun nung galit na galit sya.

Ngayun naman pag aaralan nya na yung X-Ray Vission, Shapeshifting, Shield of The Gods, Mind Reading, Universal Langguage, Powerful Senses, Holy Magic, Super Strength, Shadow Master, at yung Prophesy.

"Mukhang magiging busy ang gabi ko na ito."