webnovel

Chapter 23: Takot na Haring Edgar

"Miss Farrah, totoo ba talaga na ikaw ang may ari ng Mansion na ito?" Tanong ni Haring Edgar kay Farrah habang nag tataka. "Diba sinagot ko na yan kanina. Oo ako ang may ari ng Mansion na ito bakit may angal ka?" Sabi ni Farrah habang tinitignan ng matalim si Haring Edgar.

Noong una naisip na ni Haring Edgar na may posibilidad nga na ang batang babae na nasa harapan nya nga ang may ari ng Mansion na ito. Pero inalis nya agad ito sa isip nya kasi una, sa soot palang ni Farrah na damit aakalain na agad ng kahit sino na pulubi sya. Saka mahiwaga ang pinag mulan ng Gintong Mansion na nasa harapan ni Haring Edgar kaya hinde nya mae-konekta ang sa unang tingin palang ay masasabi monang ordinaryong bata lamang na ito ang mahiwagang Gintong Mansion na ito.

Hinde na kakaiba sa mundo nila ang mga kababalaghan kasi ang mga Elves, Dwarfs, at mga Fairies at Orcs ay may mga kapangyarihan para makagawa ng mararaming kababalaghan kaya para sa mga tao ng mundong ito natural na ito pero ang bigla nalang na pag sulpot ng ganitong Mansion sa gitna ng gubat na wala manlang katao tao na kung eestimahin ay kakailanganin ng 10 taon o baka nga 50 taon para gawin ay talagang bago sa kanilang kaisipan.

Ang ganitong pangyayari ay nangyayari lamang sa mga kwento na ginagawa ng mga magagaling na manunulat para makapag bigay aliw sa mga mambabasa. Kahit ang mga Elves, Fairies, Orcs o ang mga Dwarfs hinding-hindi kakayanin na gawin ito. Kaya nagtataka si Haring Edgar kung ano ang koneksyon ni Farrah sa biglang pag sulpot ng gintong Mansion na ito.

"Madam Farrah, ako napo ang bahala na makipag usap kay Haring Edgar. Kaya ko naman po ito." Lumuhod si Butler sa harap ni Farrah at sinabi. "Hmm sige ikaw bahala." Sabi ni Farrah.

"Haring Edgar, sigurado po ako may mga tanong kayong gusto nyong masagot pero bago po namin yan sagutin. Kailangan na muna mag bayad ng Padz na yan." Sabi ni Butler habang nakatingin ng matalim kay Padz. Kung nakakapatay lang ang tingin, sumabog na sana ang katawan ni Padz sa titig ni Butler. "Hinde naman totoo ang mga sinasabi mo! Wala ka ngang ebedinsya!" Sabi ni Padz habang nag kukunwari na sya ang biktima sa lahat ng ito.

Napangiti si Butler. "Ebedinsya? Gusto mo ng ebidensya? Meron ako nyan, gusto mobang makita Padz?" Sabi ni Butler habang nakangiti ng nakakatakot. Si Padz naman ngayon ay biglang pinagpawisan at hindi na makapag salita pagkarinig nya sa sinabi ni Butler.

"Butler meron kang ebidensya? Pwede koba itong makita?" Nagsalita na si Haring Edgar pagkatapos nyang manahimik ng ilang saglit. Napaisip si Haring Edgar na kung may ebidensya naman pala ay pwede nyang ibigay ang sundalo nya kina Farrah at dahil sa ebedinsya na sinasabi ni Butler na meron sya maari nya yung gamitin para walang masabi ang mga tao at para mapalabas ni Haring Edgar na pinapatupad nya lang ang batas.

"Opo Haring Edgar, ipapakita kopo sainyo ang nangyari noon. Mula po ito sa memorya ko kaya wala akong magagawang pagbabago jan. Tanging katutuhanan lamang po ang makikita nyo jan." Habang sinasabi ito ni Butler ay hinahawakan nya ang noo nya at may lumalabas na puting bilog na ibinato nya sa taas at naging parang screen, at doon ay pinapakita kong ano talaga ang nangyari noon.

Pinapakita doon sa screen si na buhay pa at may dala dala syang inumin na ibibigay nya sana kay Haring Edgar nang bigla syang patidin ni Padz. Kuhang kuha doon sa screen ang pag patid ni Padz kay Butler kaya huling huli na si Padz, kahit anong sabihin nya wala nang maniniwala sa kanya. Ang mga kasama namang sundalo ni Haring Edgar at si Ronnie din ay nagsimula lumayo kay Padz, kung kanina naniniwala sila kay Padz na inosente sya at sinisiraan lang sya sya ni Butler pero ngayon ay hinde na sila naniniwala sa kanya.

Naisip nila na kung tulad ni Padz ang magiging katrabaho nila ay baka magdala pa sya ng maraming problema at baka makipag kasundo pa sya sa mga kalaban nila o mas grabi pa ay tulad ng ginawa ni Padz kay Butler na naging dahilan kung bakit sya namatay ay baka gawin din sa kanila ni Padz yun. Kaya nag layoan sila kay Padz kasi ayaw na nilang masangkot sa problema ni Padz at baka makadamay pa sila.

"Padz! Akala ko ikaw ay tapat na sundalo at mabuti ang ugali, yun pala ikaw ay mas mababa pa sa baboy. Noong una pinagtatakpan pa kita para hinde ka nila makuha kasi akala ko inosente ka! Pero ngayon, pasensya kana pero sa kapangyarihan na binigay sakin ng kaharian ng Juperia, ikaw Padz ay sinisintensyahan ko ng kamatayan. Ang ginawa mo noon ay isang malaking pagkakamali na nagdulot ng pagkamatay ng isa sa ating mamamayan. Kaya pasyensya kana." Malamig na sinabi ni Haring Edgar kay Padz.

Pagkarinig ni Butler sa sinabi ni Haring Edgar na pangiti sya halatang halata sa mukha nya ang pagkasabik na patayin si Padz. Ito ang pangarap nyang gustong gusto nyang matupad kaya hinde na sya makapag hintay pa, tumingin sya kay Farrah, at si Farrah naman ay tumango at ngumiti kay Butler. Ibig sabihin nun ay simula na ng paghihiganti ni Butler.

Natakot si Padz pagkarinig nya sa sinabi ni Haring Edgar na papatayin daw sya at napatingin sya kay Butler para makita ang nakakatakot na itchura ngayon ni Butler. Para syang halimaw na lumabas sa impyerno, naging mahahaba ang ngipin nya at biglang nanlisik ang mga mata nya pati katawan nya nagbago, hinde na ito tulad nung dati na katawan ng kundi naging parang katawan na ng Tigre.

Sa takot ni Padz pagkakita nya sa itchura ni Butler ngayon ay biglang nyang pinatakbo ang kabayo nya papalayo sa kanila. Ang ibang sundalo ay pinabayaan lang si Padz na makatakas kasi alam nila na kahit gaano pa kalayo ang abutin ni Padz ay hinde parin sya makakatakas sa ngayon ay naging halimaw nang si Butler. Kahit si Haring Edgar ay nanginginig na din sa takot pagkakita nya kay Butler.

'Kung si Butler ay nagiging halimaw, ganun din kaya itong batang babae na ito. Mukhang hinde namin kakayanin ang mga nandito. Mas mabuti nang umalis muna para makapag isip ng magandang plano, baka kami naman ang e sunod na papatayin dito.' Yun ang naiisip ngayon ni Haring Edgar.

Swoooshhhhhhh

Mabilis na hinabol ni Butler si Padz. Tumatakbo sya na parang Tigre at sa bawat bagsak ng mga paa nya ay yumayanig ang paligid na para bang lumilindol o di kaya ay may bulkan na sumasabog. Si Butler ngayun ay para na talagang halimaw isama mo pa ang laki nya kasi sa mga oras na ito ay napaka laki nya na. Kasing laki na sya ng 10 tao na pinag patong patong.

"Sige takbo! Hahaha kahit saan ka tumakbo mahahabol kita. Kakainin ko ang laman loob mo at pag puputol putolin ko ang katawan mo at ang ulo mo ay gagawin kong palamuti sa kwarto ko hahahah." Sabi ni Butler, ang boses nya habang sinasabi yun ay parang pinaghalong boses ng Tigre at Tao. Unang rinig mo palang matatakot kana at mapapatakbo sa takot.

Tumingin si Padz sa likod nya at nakita nya na nasa likod nya na pala si Butler. Biglang tumigil ang paghinga ni Padz pagkakita nya sa napaka pulang mga mata ni Butler at sa nakakatakot na mukha ni Butler at ang napaka hahabang mga ngipin nya. "Magpakasaya ka sa impyerno. Hahahaha."

Biglang lumaki ang bibig ni Butler at pinasok dito ang hinde na gumagalaw na si Padz dahil sa sobrang takot, at saka nya nilunok si Padz. Hinde manlang nakasigaw si Padz bago sya mamatay.

Nakita ang lahat ng ito ng mga sundalo at pati ni Haring Edgar at hinde nila mapigilan na ang takot na lumabas sa mga puso nila lahat sila ay nanginginig na sa takot. Iniisip nila kung sila ang nasa sitwasyon ni Padz at kinain rin sila habang buhay pa sila sigurado hinde nila kakayanin ang sakit na mararanasan nila pag nangyari yun sa kanila.

Bumalik ang itchura ni Butler sa pagiging tao at lumipad sya papunta sa tabi ni Farrah.

"Mi...Miss Farrah, ahhmm pa..pasensya napo sa pag estorbo sa i..inyo. Aalis napo kami." Sabi ni Haring Edgar habang nanginginig kahit yung mga kasama nyang sundalo na dapat ay proprotekta kay Haring Edgar ay sila pa yung nangunguna na umalis.

Noong una malalakas ang loob nila na para bang wala silang kinatatakotan at napaka arogante pa ng tingin nila sa kahit ano o kahit sino na para bang lahat ng nakikita nila ay napaka baba para sa kanila para pansinin pero ngayon para silang mga aso na naapakan ang mga buntot at gusto makaalis agad at nanginginig pa sila habang nakasakay sa kabayo.

Aalis na sana sila nang bigla nilang marinig ang boses ni Butler at bigla silang kinilabotan at mas grumabi pa ang panginginig ng katawan nila.

"Tika Haring Edgar, akala ko gusto nyong makausap ang may ari ng Mansion na ito. Nandito lang sya sa tabi ko oh." Sabi ni Butler habang nakangiti. Kitang kita nya natakot na takot na sila.

"Kaya nga diba gusto nyo akong makausap, nandito lang ako hehehe." Sabi ni Farrah sabay tawa.

Pagkarinig nila sa tawa ni Farrah, hinde na nila napigilan na umalis doon at dali dali nilang pinagalaw ang mga kabayo nila. Para na silang nagkakarera kasi nagpapaunahan silang makalayo kina Farrah.

Ilang saglit lang ay bigla silang nawala at ang natira nalang ay alikabok mula sa bilis ng patakbo nila sa kabayo nila. "Madam Farrah, hinde kaya sobra naman po natin silang natakot sa ginawa natin?" Tanong ni Butler. Kahit na ganun ang tanong nya ay may ngiti parin sa mukha nya kasi nakapag higante narin sya at nakuha nya na ang hustisya na gusto nya.

"Ok lang yan, atless mawawalan muna tayo ng sakit ng ulo." Sabi ni Farrah habang naglalakad pabalik sa Mansion. "Madam Farrah bakit mawawalan muna? Anong ibig nyong sabihin?" Tanong ni Butler. Satingin nya hinde na babalik sila Haring Edgar sa Mansion nila dahil mga nakita nila.

"Oo alam ko na hinde babalik silang Haring Edgar dito pero paano kung sabihin nila ang nangyari dito sa isa sa mga Kingdom at puntahan nila tayo dito edi gulo nanaman yan. Anyways matagal tagal panaman yata yun at saka gusto konang magpalit ng damit ko, palagi na tuloy akong napagkakamalan na pulubi. Nasaan si Andrea? Sabi nya gagawan nya ako ng damit." Sabi ni Farrah at pagkatapos bigla syang lumipad papunta sa loob ng Mansion para hanapin si Andrea.

Si Butler naman ay nasa harapan ng Mansion at tumitingin sa mga ulap at ngayon ay napaka saya. Tumingin sya sa Mansion at iniisip ang unang pagkakataon na nagkita sila ni Farrah. Hinde nya mapigilan na ngumiti, dahil kay Farrah nangyari ang hiling nya kaya ngayon pinapangako nya na hinde nya iiwan si Farrah at palagi nyang susundin ang utos ni Farrah. Para sa kanya buhay nya si Farrah.