webnovel

Chapter 1

"Samantha! Wake up! Malalate kana sa class niyo!"

Minulat ko ang mata ko at iritadong tumayo dahil sa sigaw ni mommy. Kinuha ko ang alarm clock na kanina pa tumutunog.

"Oh shit! I'm going to be late!"

Agad agad akong tumayo at tumakbo papuntang c.r para maligo. Dali dali akong bumaba at kumuha ng makakain sa kusina bago katukin ang pinto ng kapatid ko.

"Cooper! Come on wake up!" I shouted.

Binuksan ko ang pinto at dali dali siyang inalog alog para magising.

"Ouch! It's hurt!" Humawak siya sa braso niya bago ako samaan ng tingin.

"Bilis bro malalate kana oh" saad ko at itinuro ang orasan niya kaya napatingin din siya.

"Okay okay" saad niya sabay kamot sa mata niya para alisin ang muta.

"Iw" saad ko bago tumayo at sinarado ang pinto.

Nakita ko naman si mommy at daddy na naka upo na at kumakain sa mesa.

"Samantha, you're not going to eat?" Mommy asked.

"Hindi na po. Sa cafeteria nalang" saad ko kaya napatango siya.

"Tara na" inis na sigaw ng kapatid ko bago ako hatakin palabasa ng pinto.

"Alis na kame" saad ko sabay taas pa ng kamay.

Sumakay na siya sa kotse kaya agad agad din akong sumakay.

"What?" Inis kong saad dahil kanina pa nakatingin ang kapatid ko saakin.

"Babae ka ba? Bakit wala kang make up?" He asked.

Tinaasan ko siya ng kilay bago ngumisi at pinag cross ang braso bago humarap sakaniya.

"Kase maganda ako" simpleng saad ko ng ikinairap niya kaya tumawa ako.

Nang huminto ang sasakyan ay dali dali akong bumaba at tumakbo upang humabol sa klase. May nabangga pa akong lalaki kaya napaupo siya ng ikinatigil ko.

"Are you hurt?" Saad ko sabay tingin sakaniya ngunit naka upo lang siya kaya napatingin din ako sa relo ko.

"Uh I'm so sorry, una na ako malelate na kasi ako" saad ko sabay takbo.

Binuksan ko ang pinto ng classroom bago kumaway kay alyssa na nakatingin din saakin.

"Ah akala ko late na ako" saad ko sabay hingal na umupo sa tabi niya.

"Good morning class I'm your substitute teacher for today..."

Mabilis natapos ang klase kaya nag ligpit na ako ng gamit bago humarap kay aly na kanina pa nag mamake face.

"Anong problema mo?" I asked.

"Kanina pa ako tinatawag nung prof e hindi ko nga alam yung sagot tapos argh!" Saad niya sabay kuyom ng kamao.

"Nagugutom na ako" saad ko sabay simangot kaya inirapan niya ako sabay hila.

Pumunta kaming cafeteria at nag order ng kung ano ano syempre libre daw niya.

"Look"

Ibinaling ko ang tingin sa grupo ng mga kalalakihang kakapasok lang at Nakatayo na ngayon sa harapan ng counter para sabihin kung ano ang gusto nila.

"Gwapo talaga nila"

Napairap naman ako sa sinabi niya dahil lagi ko nalang naririnig sakaniya yon.

"Gwapo nun oh" saad niya sabay turo sa lalaking kulay asul ang mata.

Nang lumingon iyon ay napaubo ako maski si alyssa ay napaiwas ng tingin bago humarap sakin. Nakita ko naman ang pag pipigil niya ng tawa kaya kumunot ang noo ko.

"Hayop ka" she laughed.

"Alyssa!" Rinig kong saad ng isang lalaki sa likod kaya lumingon siya maski ako ay napalingon din.

Nag tama ang tingin namin nung lalaking kulay asul ang mata kaya bahagya akong napaiwas at napabaling nalang sa cake na kinakain ko.

"Oi! Ben! Tara sabay na kayo samen" saad niya sabay ngiti pa.

Rinig ko naman ang yapak nila papalapit kaya napapikit ako ng mariin bago sumimsim sa iced tea na nasa harap ko.

"Idugtong niyo nalang mesa niyo" inis na saad ng kung sino bago umupo sa tabi ko.

Iniangat ko ang mata ko para makita kung sino siya ng mapagtantong malapit pala ang mukha namin sa isa't isa kaya namilog ang mata ko.

"Shawn" rinig kong saad niya sabay lahad ng kamay sa harapan ko, muli ko iyong tinignan bago makipag kamay.

"Uh Samantha? Nice to meet you" nag aalangang saad ko sabay bitaw sa kamay niya.

Malambot ang kamay niya parang hindi sanay sa gawaing bahay o kung ano ano.

"Sam sam" he called.

I heard Alyssa's laughed kaya isinipa ko ang paa niya sa baba ng mesa ng mas lalo siyang napahalakhak.

"Stop calling me like that" i rolled my eyes sabay kain ng cake.

"Uh What should i call you then? Baby? My love? Babe? Sweetheart? Huh? You choose" ngumisi siyang tinaas ang kilay kaya napaawang ang labi ko.

"Nah I'm not interested" Saad ko sabay higop sa iced tea nakita ko naman ang waitress na inilagay ang mga pagkain sa harap ko.

"Eat baka ikaw kainin ko" bulong niya sakto lang para marinig ko.

"Lakas! Grabe na yon!" Kantyawan ng mga kaibigan niya pati si alyssa ay nakisabay den.

I heard him chuckled a bit before look at me kaya umiwas agad ako ng tingin bago tumayo at tumalikod sakanila.

"Hey Samantha Nicole De vera" He shouted my full name.

I scoffed and rolled my eye before look at him. I mouthed 'ano'.

"Ganda mo" He said before winked.

Tumalikod na ako at dali daling pumunta sa restroom dahil kanina pa ako ihing ihi.

"Hoy sam sam" she said and laughed.

"Stop it Alyssa" sinamaan ko siya ng tingin bago pumasok sa c.r at umihi.

Agad din akong bumalik sa room at nag basa ng libro. Ilang oras din ay natapos na ang klase kaya kinuha ko na ang bag ko at nag lakad na palabas.

"Samantha! Sorry na! Bagay na bagay kasi kayo ni shawn e sorry na!"

"Okay okay stop it" saad ko sabay talikod.

______________________________________________________________________________