webnovel

Talk Back and You're Dead!

Simple lang naman ang gusto ni Samantha sa buhay, ang maka-graduate na may highest honors at talunin ang karibal niya sa academics na si Audrey. Pero nagulo ang buhay niya nang makilala niya si TOP, isang notorious na gang leader sa lugar nila. At dahil sa isang pagkakamali na dapat niyang pag-bayaran, masasangkot siya sa maraming gulo. Makabalik pa kaya sa dati niyang buhay si Samantha o habangbuhay na siyang masasama sa gulo na dala ni TOP?

AlesanaMarie · Urban
Zu wenig Bewertungen
126 Chs

Chapter Sixty-Eight

"Sam? Sam? Okay ka lang?"

"Huh? Ah teka ha, pupunta lang ako sa washroom!!!" sabay takbo ko.

WAAAAHHH!!! Thirty minutes na pala 'yun, ano'ng sasabihin ko kapag nagtanong sya? Sasabihin ko maraming tao sa washroom! Oo, yun nga!!

Binalikan ko si TOP kung saan ko sya iniwan kanina. Nandon nga sya, kasama si Red. Aba, akala ko aalis na sya?

"Hubby!!" tumakbo ako sa tabi nya at dahil madulas ang floor nadulas ako.

WAAAAHHH!!

IM FALLING!!!

FALLING!!!!!

NOT FALLING ANYMORE!!!!

Pag-mulat ko, nasalo pala ako ni TOP.

Ang lapit ng mukha nya. KYAAAAAAHHHHH!!!!

"Kayong dalawa, hanggang kailan nyo balak manatiling ganyan? Pinagtitinginan na kayo ng mga tao oh."

Napaayos tuloy kami ni TOP. Waaah! Kakahiya naman. (>人<;)

"Kung magpapaka-mushy-Hubby-Wifey kayong dalawa, aalis na ako. Kailangan ko pang bantayan ang practice ng team. Ciao!" umalis na si Red nang umiiling.

"Ano'ng problema nun?" tanong ko habang nakatingin sa likod ni Red.

"He's just nervous," sagot ni TOP.

"Eh ikaw? Hindi ka ba sasama sa kanya? May practice pa kayo di'ba?"

"Pinapaalis mo na ba ako?" -___-

"H-Hindi ah!" mahirap lang kasing pag-sabayin kayong dalawa ni JG.

Pakiramdam ko tuloy I'm a cheater! Pero friend ko lang naman si JG, hindi ko nga lang masabi kay TOP kasi enemy sila at napaka-selosong tao nitong boyfriend ko.

"Then let's date," ngumiti siya at inakbayan ako.

Yung ngiti nya. Nakakatunaw! Nakakasilaw! Parang gusto ko nalang syang titigan forever! Pansin ko lang. Kapag ngumingiti sya lumiliwanag ang paligid pero kapag nagagalit sobrang dumidilim. Hindi kaya supernatural talaga si TOP? Di kaya isa syang Greek God?

Kinatok nya ang ulo ko. "Aray!"

"Tulala ka. Ano'ng iniisip mo?" tanong nya sa'kin.

"Huh?" Wala iniisip ko lang na sobrang gwapo mo TOP, 'yun lang, pero syempre ayokong sabihin 'yun. "Nagugutom na kasi ako."

"Hindi ka pa ba kumakain?"

"Hindi pa," nag-pout ako.

Tinitigan nya ako nang matagal. Ang tagaaaaaal.

"Bakit?"

"Stop pouting your lips wifey," sabi nya at tumingin sa paligid.

"Why?"

"Do you want me to kiss you in front of these people?"

I DON'T MIND KISSING YOU IN FRONT OF THESE PEOPLE!! KISS ME!! KISS ME!! KISS MEEEE!!! PLEASE?!! JUST KISS ME, DARN IT!!

"Let's go," kumalas sya sa pagkakaakbay at hinawakan nalang ang kamay ko.

Aray! Rejected! Where's my kiss? Nakakainis!

***

"Wifey," tawag ni TOP.

"What?"

"May kasalanan ka sa'kin," sabi nya sabay subo ng fries.

"Ano na naman yon?" Ikaw nga itong may kasalanan! Bakit wala akong kiss? Asan na yung kiss ko?! Kiss ko! AH! Kailan pa ako naging kissaholic?

"You ruined my schedule." -___-

"May schedule-schedule ka pang nalalaman dyan, ano naman yun?"

"Practice," sabay pitik nya sa noo ko.

"Ah!" Hinimas ko yung noo ko.

"Dahil sa'yo nasira ang schedule ko."

"Pauli-ulit ka ng sinasabi. Alam ko na yan, sinira ko ang schedule mo o tapos?"

"Don't talk back, Wifey."

"Yan na namang line na 'yan, naiinis na ako ah!"

"Meron ka pa rin ba hanggang ngayon Wifey?" parang wala lang na tanong ni TOP.

Nag-init ng husto ang mukha ko. Kung kaya ko lang syang sapakin ngayon, nagawa ko na. Pero syempre hindi ko rin pwedeng gawin 'yun. Kakatakot kaya yan. Magkaharap kaming kumakain ngayon, nakaharang yung table sa gitna namin. Hindi ko sya abot. Gustong-gusto ko syang i-kiss. Ahh! Bakit ba ako nagkakaganito?! Kapag tumitingin ako sa mukha nya, gulp, napapatingin ako sa labi nya. Kasalanan nya 'tong lahat! Masyado syang gwapo!

Hindi ko nalang sya titignan! Tama! Ang talino mo talaga Samantha! You're a freaking genius! Umiwas ako ng tingin. Kunwari nagmamasid ako sa paligid o kaya naman paglalaruan ko yung tissue sa lamesa or mag-co-concentrate sa pagkain na nasa harap ko ngayon. (>人<;)

"Wifey."

"Bakit?" nakatingin ako sa pagkain.

"Bakit ba kanina mo pa ayaw tumingin sa akin?"

"Huh?" Napansin nya ba?!

"Tumingin ka sa'kin" utos nya.

"Nag-co-concentrate ako sa pagkain, hwag kang magulo dyan TOP."

"Hubby, tawagin mo akong Hubby," utos ulit nya.

*chomp.chomp.chomp*

"Look at me."

Ang kulit nya!

"Miracle."

"Kumain ka na nga lang dyan." Tigilan mo na nga ako. Ayoko nang tumingin sa'yo!

Bigla syang lumapit at hinawakan gamit nya ang mukha ko gamit ang dalawa nyang kamay.

"Look at me," Napatingin tuloy ako sa kanya nang di oras.

"Tell me, nagsasawa ka na ba sa mukha ko kaya ayaw mo na akong tingnan?"

"H-Hindi ah!" tinanggal ko yung dalawang kamay nya at umiwas ulit ng tingin.

KYAAAHH!! Ayokong tumingin sa... mapang-akit at... mapula. Grabe, ang init ng mukha ko.

"Fine, be that way. I'm leaving," naiinis na sabi nya.

"HUH?!"

"It seems like you're here with me but your mind is somewhere else," tumayo sya.

Pinanuod ko syang lumakad palayo. Ang akala ko nagbibiro lang sya pero hindi sya lumingon o tumigil sa paglalakad. Nakalabas na sya ng restaurant.

"Ah! Hubby!" tumayo ako at hinabol ko sya.

Nakita ko naman sya at hinigit ko ang braso nya. Tumingin sya sa'kin.

"Seryoso ka iiwan mo ako?!"

"Para saan pa at nandito ako kung hindi naman ako ang tinitignan mo?"

"Hubby naman, k-kasi ano—"

"Sabihin mo nga, bakit mo ba ako pinapunta dito kung hindi mo naman pala ako gustong makita?"

"H-Hindi naman sa ganon..."

"O baka naman..." tumingin sya sa'kin nang matagal. "Hindi mo talaga ako balak na papuntahin dito. May itinatago ka ba sa'kin Miracle?"

"Huh? Itinatago?" bigla kong naalala si JG, nakalimutan ko! Naghihintay nga pala sya sakin ngayon!

"Miracle!"

"Huh?"

"Bakit mo ba ako pinapunta dito?"

"A-Ano. Di'ba sinabi ko na sayo kanina kung bakit?"

"Bullshit. You don't act like you missed me one bit."

Lagot, ano'ng sasabihin ko?

'Oo, TOP, nag-sinungaling ako para kay JG dahil alam kong magkakagulo kung malalaman mo na magkasama kami.'? Hindi ko pwedeng sabihin yun!

"Uhh. Kasi.."

"Forget it," with that, he walked away.