webnovel

Talk Back and You're Dead!

Simple lang naman ang gusto ni Samantha sa buhay, ang maka-graduate na may highest honors at talunin ang karibal niya sa academics na si Audrey. Pero nagulo ang buhay niya nang makilala niya si TOP, isang notorious na gang leader sa lugar nila. At dahil sa isang pagkakamali na dapat niyang pag-bayaran, masasangkot siya sa maraming gulo. Makabalik pa kaya sa dati niyang buhay si Samantha o habangbuhay na siyang masasama sa gulo na dala ni TOP?

AlesanaMarie · Urban
Zu wenig Bewertungen
126 Chs

Chapter One Hundred-Five

Tinignan nya lang ako na parang hindi sya makapaniwala. Minasahe na naman nya ang noo nya. Tinignan nya ako nang kunot ang noo.

"Miracle, naka-drugs ka ba?"

"Gusto mo sapak?"

"You're so violent."

"Coming from the guy who beats random people! Che!"

"Nagseselos ka ba?"

"Hindi! Nagagalit lang!"

"Bakit? Dahil may 'girlfriend' ako?" ipinagdiinan nya yung salitang girlfriend habang nakangising parang demonyo.

"OO NA! OO NA! NAGSESELOS NA AKO MASAYA KA NA?! KAYA HWAG MO NANG IPAGDIINAN NA MAY GIRLFRIEND KA NA PWEDE?! KASI ANG SAKIT HA!" tinalikuran ko na sya. Kainis! Nasaktan ako don. Hinawakan nya ako sa braso, inikot nya ako.

Nawala yung ngisi nya. Akala ko ngingiti sya o ano pero seryoso lang ang mukha nya.

"Mag-seselos ka na nga lang sa maling babae pa." Kinurot nya ang pisngi ko.

"Wala ka na don!" Lumayo ulit ako sa kanya.

"Halika nga dito."

"Ayaw." Nag-cross arms ako.

Umayos sya sa tayo nya at mula sa pagkakasandal nya sa pader lumakad sya palapit sa akin.

"Oh? Dyan ka lang Timothy!"

"Ayaw mo lumapit, ako ang lalapit sa'yo."

Mukhang hirap sya maglakad. Para syang lasing na walang focus sa lakad nya.

"Oy Timothy ano ba ang nangyayari sayo? Bakit ganyan ka mag-lakad?"

Hala. Halaa.. Para syang lasing kung maglakad. Parang matutumba.

"Timothy!" sinalo ko sya.

*BLAG!*

Nasama ako sa pagbagsak nya.

"Okay ka lang ba Timothy?"

"No."

"Hala ano'ng masakit?" nag-aalalang tanong ko. Nasa ibabaw nya ako.

"Ito," turo nya sa puso nya. "Sinaktan mo."

"Loko-loko!" Hinampas ko sya sa dibdib.

"It's true." Niyakap nya ako.

"T-Timothy!"

"Don't move Miracle." Hinalikan nya ang ulo ko. "I really missed you."

Natigilan lang ako. Hindi na ako makagalaw. Sumunod lang ako sa gusto nya. Gusto ko rin naman eh. Namiss ko talaga sya nang sobra sobra.

"I missed your warmth. I missed laying beside you. I missed you very much Wifey."

Inangat ko ang ulo ko at tumingin sa kanya. Hinaplos nya ang isang pisngi ko. Nakatitig lang kami sa isat-isa.

"Can you forgive me for being insensitive? For making you jealous and for hurting you, unintentionally?"

"I-I can do that.."

"Did you miss me Wifey?" he smiled.

"Yes. Of course I missed you."

Ngumiti sya nang malapad. Ngumiti rin ako. Ayos na kaming dalawa. Gumaan ang pakiramdam ko.

"Oooyy, bati na sila!!"

What the..? Napatingin kami ni TOP sa bahagyang bukas na pinto at sa apat na ulo na nakasilip dun.

"Waaah! My eyes! I must cover them! May damit ba sila?!" tanong ni Amarie.

Napatingin ako sa pwesto namin ni Timothy. Nagmamadali akong tumayo. Hinila ko si TOP para makatayo sya. Tinignan ko silang apat.

"CRAZY TRIOS!!!! AMARIE!!! LAGOT KAYO SA'KIN!!!!" sigaw ko.

"AAAAAAHHH!!! RUN FOR YOUR LIFE!!!!" sigaw nila at mabilis na nawala. Kakainis ang mga yun ah!

"Wifey."

"Ano?"

"Ang ingay mo talaga."

"Ano'ng sinabi mo?!"

"Sabi ko mahal kita."

Natunaw naman ako sa sinabi nya. Napangiti ako.

"Halika nga dito. Di pa ako tapos sa'yo." Hinila nya ako at mahigpit na niyakap.

Natawa ako at niyakap ko rin sya. Unti-unting nawala ang sakit na naramdaman ko. Ngayong yakap ko sya, parang hindi nagdaan ang mga araw na nasaktan ako. Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya.

"May atraso ka pa sa'kin."

"Ano na naman?" buntong hininga nya.

"Si Amarie! Di ka pa nagpapaliwanag sa'kin! Bakit close kayo? Bakit may kiss sa cheeks at hug pa kayong dalawa huh?!" naka-pout na tanong ko.

"Selos ba 'yan?"

"Sagutin mo nalang.." mataray na sabi ko.

Huminga sya nang malalim at umupo ulit sa sahig. Bakit kaya sya nanghihina? Nag-aalala na talaga ako.

"Timothy kailangan mo ba ng doktor?"

"No Miracle. I'm fine. Masakit lang ang ulo ko."

"Okay Timothy. Sabihin mo lang kapag sumakit pa ha."

"I will," nakangiting sabi nya.

"So back to the topic. Kayo ni Amarie."

"She's my sister.."

"Eh?! Sister daw!"

"It's true."

"Weh?!"

"I'm serious."

"Eh bakit sya Du Courdrey ang last name ikaw Pendleton?"

"My father had an affair, a mistress. He cheated on my mother."

"Oh..." speechless ako.

"He killed my mother.." I was again speechless. "My mother loved him more than anything in this world and when she discovered his affair, she.." Naikuyom nya ang kamao nya. Nakita ko na nanginginig ito.

"Timothy.." niyakap ko sya.

"She killed herself.. And can you believe that after two months of my mother's death he remarried?"

"Timothy.."

"And that woman was my mother's bestfriend. My step-mother."

"I'm so sorry. I-I didn't know. I'm sorry."

"No. Don't say that Miracle. It's not your fault."

Saglit kaming natahimik. Ina-absorb ko pa ang mga sinabi nya sa'kin. Si Amarie ay kapatid sa labas ni Timothy. Nakakabatang kapatid.

"Timothy can I ask you something?"

"Yes. Anything Miracle. I missed talking to you."

I cleared my throat. "What happened to Amarie? A year ago, did you really kidnap her?"

"Yes I did."

"Why?"

"I was trying to save her."

"Save her?"

"Her mother married a drug addict. I hate her mother but she's still my sister. I had to help her so I took her away from them."

Oh my God. Then that means..nagsinungaling sa'kin si Amarie nang gabing 'yon. Hindi boyfriend kung hindi amain nya ang nanakit sa kanya. Hindi nya boyfriend si Timothy, ang nanakit sa kanya ay ang step-dad nya.

"Safe na ba sya ngayon?"

"One good thing about my father, his power over people. Yes, she's safe now. She's under our protection."

"That's good!"

"Yeah," he smiled.

I hugged him tighter.

"I'm sorry.."

"For what?"

"For... not trusting you enough. For doubting you. I'm sorry."

"Do you still love me?"

"Yes, I do. Hindi naman nawala 'yon eh."

"If you love me, then don't doubt me."

"Promise hindi na talaga! Hinding hindi na Timothy!"

"Totoo ba na pakakasalan mo si Red?"

"Hindi ah!"

"That's good." Huminga sya nang malalim.

"Akala mo talaga pakakasalan ko sya?" tumaas ang isang kilay ko.

"Alam mo naman na madali akong maniwala sa'yo. Don't ever lie to me again."

"Waah! I'm sorry! Kasi naman natakot lang ako kanina kasi di ka gumigising! Akala ko talaga wala ka na eh."

"Kaya mo naisip na pakasala—"

"Hindi na Timothy! Hindi naman totoo 'yon eh! Sorry na!" niyakap ko sya nang mahigpit. Isiniksik ko ang mukha ko sa dibdib nya.

"About that.. Should I punish you?"

"Huh? Sorry na nga eh."

"Sorry isn't enough."

"Eh anong gusto mo? Kiss na naman?"

"How about.." he trailed off.

"Ano?"

"I want a son.."

"S-Son?!"

"Yes. Let's make a baby!"

"Nako Timothy tigilan mo nga ako!" sabay tulak sa kanya.

Tumayo na ako at naglakad paalis.

"I was just kidding! Wifey, come back here!"

Lumabas na ako. Kidding ka dyan! Patulan ko 'yan eh!

"Si Sam! Hayan na! Tago! Tago!" sigaw ni Maggie.

"Waaahh! Sorry Unnie!"

Ano na naman kalokohan yan? Si Michie nakatago sa likod ng kurtina, kita naman ang paa. Si Maggie naman nasa likod ng TV. Si China nasa ilalim ng lamesa.

Si Amarie.. Kapatid ba talaga ito ni TOP? Sobrang creative eh. Ipinatong lang nya yung lampshade sa ulo nya habang nakaupo sa tabi ng sofa. Kailan kaya magbabago ang mga ito?

Hindi ko napigilan ang tawa ko. Salamat sa kanila, kahit pasaway pa sila, gumagawa sila ng paraan para maayos ang problema ko.

Vote and Rate pls! Thank you! :D

AlesanaMariecreators' thoughts