webnovel

Talk Back and You're Dead!

Simple lang naman ang gusto ni Samantha sa buhay, ang maka-graduate na may highest honors at talunin ang karibal niya sa academics na si Audrey. Pero nagulo ang buhay niya nang makilala niya si TOP, isang notorious na gang leader sa lugar nila. At dahil sa isang pagkakamali na dapat niyang pag-bayaran, masasangkot siya sa maraming gulo. Makabalik pa kaya sa dati niyang buhay si Samantha o habangbuhay na siyang masasama sa gulo na dala ni TOP?

AlesanaMarie · Urban
Zu wenig Bewertungen
126 Chs

Chapter One Hundred-Eighteen

"Reeed.." lasing na tawag sa akin ni Samantha.

"Bakit?" tanong ko.

"Na-Nasusuka akooo."

Ibinaba ko sya mula sa likod ko. Sumuka sya sa may puno. Kalalabas lang namin sa isa pang bar. Doon sya nagpakalasing. Hindi ko sya pinigilan, kailangan nya 'yon. Pero ngayon hinihiling ko na sana pinigilan ko nalang sya, masyadong naparami ang nainom nya. Madali pala itong malasing. Kailangan ko pa syang buhatin sa likod ko dahil hindi na nya kaya ang sarili nya.

"Tapush naaa." Pinunasan nya ang bibig nya gamit ang likod ng kamay nya.

Nilapitan ko sya at pinunasan ang bibig nya gamit ang panyo ko. Pinunasan ko rin ang kamay nya. Itinapon ko ang panyo sa malapit na basurahan.

"Sumakay ka na ulit sa likod ko."

Umupo ako para makasakay sya sa likod ko. Ang gaan nya. Parang hindi nakain. Nagpatuloy na ulit ako sa paglalakad habang nasa likod ko sya.

"Samantha magaling ako magluto. Kapag naging asawa kita, patatabain kita."

"Shii Shop jin magaaaling maglutooo...hik"

Shop? Shop? TOP?

"Tsk! Kalimutan mo na sya. Sabi ko bawal sya banggitin ngayong araw."

"Pero mahaaaal ko syaa hik!"

"Ako ang fiance mo. Kalimutan mo na sya."

"Salbahe sya! Salbaheee. Na..hik! Nakita ko syaa kaninaa may k-kasamang linta! Salbahe! Sal..hik! Salbahe sya!"

"Kapag ako napangasawa mo bibigyan kita ng maraming bulaklak. Araw-araw."

"Ayukuuu!"

"Ayaw mo? Ano'ng gusto mo?"

"Play...boy ka! Hihihihi!"

"Ano'ng gusto mo?" tanong ko ulit. Hindi na sya sumagot. "Nakatulog na."

Isinakay ko sya sa kotse ko. Kailangan ko na syang iuwi sa kanila. Habang nagmamaneho ako, hindi ko masyadong pansin ang sarili ko na nililingon si Samantha. Nang muntik ko nang maibangga ang kotse ko sa isa pang paparating na kotse, doon lang ako natauhan. Kakalingon ko sa babaeng kasama ko muntik na kaming maaksidente. Ipinilig ko ang ulo ko. Pinilit kong hindi lingunin si Samantha.

Pagdating namin sa tapat ng bahay nila hindi ko muna sya ginising para bumaba. Tinitigan ko lang muna sya. Mukhang hindi sya nakatulog kagabi. Ako rin naman. Pero mas malala ang problema nya kaysa sa'kin.

"Takte. Sabi ko hindi kita hahayaan na masaktan pero unang araw palang natin umiyak ka na kaagad."

Para syang babasagin na manika. Nakakatakot hawakan dahil baka mabasag kung hindi iingatan. Maganda sya. Napaka-inosente ng mukha. Mukha syang anghel na natutulog.

"Hindi ko alam kung gaano kalalim ang sugat na naiwan sa puso mo Samantha." Inayos ko ang buhok nya na nakatakip sa mukha nya. "Kung kaya ko lang ilipat 'yan sakin, ginawa ko na."

Kahinaan ko talaga ang mga babae. Lalo na ang mga inosente. Kaya hindi ako nalapit sa mga babaeng inosente eh. Madali silang masaktan. Mabilis lumuha, mabilis masira.

"I'm sorry Samantha." Unti unti akong lumapit sa kanya at hinalikan ko sya sa labi. "Simula ngayon gagawin ko na ang dapat ginawa ko noon pa."

*MIRACLE SAMANTHA PEREZ*

"Langya ka Red, ang sakit ng ulo ko," reklamo ko sa kanya habang hawak ang ulo ko.

"Kasalanan mo 'yan. Bakit ka kasi uminom nang napakarami kung hindi mo naman pala kaya?"

Bakit nga ba? Eesh! Naalala ko na! Lechugas! Ah! Ang sakit ng ulo ko. Pero mas masakit ang puso ko. Kung kaya lang sana itong gamutin katulad ng hangover.

"Bakit di mo ako pinigilan?" tanong ko sa kanya.

"Inaagaw ko sa'yo yung bote pero nag-wawala ka."

"Eeesh! Excuses! Excuses!"

Nandito kami sa bahay namin at kasalukuyang nag-aalmusal. Dito pinatulog ni Mama si Red nang ihatid nya ako kagabi. May sasabihin daw si Mama sa amin ni Red. May pakiramdam ako na masamang balita 'yon para sa'kin.

"Hi Ma! Good morning!"

"Good morning po Tita."

"Good morning din sa inyo." Umupo na si Mama at pinagsalin sya ng coffee ng maid namin.

Si Papa kasama ni kuya at inaasikaso nila ang business namin. Lagi nalang business, kailan kaya sila magbabakasyon mula sa trabaho?

"After Christmas may pupuntahan tayo, kasama ka Jared."

"Nasabi na po sa akin ang tungkol sa bagay na yan kahapon."

"Good. Si Samantha nalang pala ang hindi pa naka-ready."

"Bakit po Mama? Saan tayo pupunta after Christmas?"

"Sa France."

What the-?! Ilang segundo akong natigilan.

"Kung ganon Mama sa France po tayo mag-cecelebrate ng New Year?"

"Hija.. your father and I decided that you two should live there too with us."

"I don't—I don't understand Mama."

"Pupunta tayo sa France at titira na tayo roon...for good."

"For... good? You mean to say.. doon na tayo titira? Hindi na tayo babalik dito?"

"Yes. Aren't you excited? Matagal mo na kaming kinukulit para tumira sa France kasama kami di'ba?"

"W-What about school?"

"Naka-enroll ka na sa isang sikat ng school sa France, kasama na rin si Jared," nakangiting paliwanag ni Mama. "Ang isa pa pumayag ang St Celestine na pakuhanin ka nalang ng final exam sa France. Magpapadala sila roon ng isang instructor."

"Pero Ma—" naputol ang sasabihin ko. Tumunog ang cellphone ni Mama.

"Excuse me. I have to take this call. We'll talk about this later. Jared ikaw na muna ang bahala sa baby ko," tumayo si Mama at umalis.

Tumingin ako kay Red.

"Sasabihin ko sana sa'yo kahapon."

"For good? Hindi na tayo babalik dito?"

"Hindi ko alam. Depends."

"On what?"

"Kung gusto mo pang bumalik."

Tumambay muna kami sa balcony. Iniisip ko ang sinabi ni Mama. Kung pupunta kami ng France hindi ko na makikita si Timothy. At may pag-asa na makapagsimula ako ng bagong buhay doon. Pwede ko syang makalimutan. Pwede ko na rin matutunan mahalin si Red. Siguro?

"Red, wala ka bang balak lumayas sa bahay ko?"

"Sabi ng Mama mo ako raw muna ang bahala sa'yo." Binuklat buklat nya ang magazine na hawak nya.

"Hindi naman nya sinabi na bantayan mo ako eh."

"Uy! Si ano to ah—si... Tsk! Sino nga pala 'to?" tanong nya sa sarili habang nakatingin sa babaeng cover model ng magazine.

"Umalis ka na nga.." kinuha ko ang magazine. Si Vannessa ang nasa cover, pinsan kong model.

"Fine! Gwapo kong nilalang pinapalayas mo na ako?" tumayo na sya.

"You know Jared, I like you but you're too conceited. Go."

"Babalik ako mamayang lunch. Hehe!"

"Huh?! Bakit?!"

"Sasamahan kita mag-lunch. Wala kang kasama dito diba? Maliban sa mga maid. Wala kang kasabay mag-lunch."

"Sus! Sanay na akong kumain mag-isa."

"Basta babalik ako."

"Bahala ka."

"Bye! Bye!" Nag-wave sya.

Napatitig ako sa kanya. Ang lapad ng ngiti nya. Masyado syang gwapo. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Bakit ganito? Ang bilis ng tibok ng puso ko. Ano ba 'to?

"H-Hwag ka na ngang ngumiti dyan, alis! Shoo! Shoo!"

"Oo na. Oo na. Aalis na."

"Ingat! Sila sa'yo!"

Nag-wave sya habang nakatalikod sa akin at naglalakad. Pinanuod ko syang makasakay ng kotse nya. Ano ba 'yon? Bakit ako kinabahan? Huh?! Haay. Ang playboy na 'yon. Eeesshh!! Tinablan ba ako ng charms nya? HINDI! HINDI! Ano ba?! Si TOP lang ang mahal ko!! Kung ganon Crush ko si Red? Err. No way. Dala lang ito ng hangover.

***

"Hoy! Hoy! Saan ba tayo pupunta?" tanong ko habang hinihila nya ang kamay ko.

"Hoy Hoy? Yan ang tawag mo sa'kin? Hoy? May pangalan ako babae." Tumigil sya sa pagkaladkad sa'kin at hinarap ako. Nakakainis na 'to ha!

"JARED!!!!" sigaw ko.

"Aray ko! Ang sakit sa tenga!" Nagtakip sya ng tenga.

"Saan ba talaga tayo pupunta?! Kanina mo pa ako hinihila! Ang sakit na ng paa ko! At gutom na ako!"

"Ang reklamador mo naman babae. Kailangan mo ng exercise, masyado ka kasing nasanay sa kotse."

"EH SA MASAKIT NA ANG PAA KO EH!!!"

Ngumiti sya nang nakakasilaw. "Dadalhin kita sa lugar na hindi mo pa napupuntahan," sabi nya at nagpatuloy sya sa paghila sa kamay ko.

"Eeeh! Naman eh! Pagod na ako eh!"

"Dali na Samantha! Diba gutom ka na? Bilis."

"Humanda ka sa bill mamaya! Sisiguraduhin ko na mamumulubi ka."

Tumigil kami sa isang karinderya. KARINDERYA?!! Tinignan ko si Red nang masama.

"Dinala mo ako sa isang KA-RIN-DER-YA?" nagtitimpi sa galit na bulong ko.

"Tsk! Hwag mong maliitin ang kainan na 'to! Class A karinderya 'to!"

"Lechugas Barabas Hestas." Nag-walk out ako.

"Sam! Sandali!" Hinabol nya ako.

"Gusto mo ba akong magkasakit? Pakakainin mo ako dyan? Yuck!"

"Ang arte mo Samantha. Malinis ang mga pagkain dyan."

Nainis ako sa sinabi nya. "Ako maarte? Sorry ha! Gusto ko lang talaga mag-ingat sa mga kinakain ko no. Ayokong magka-sakit!"

"Malinis dyan matagal na akong kumakain dyan, sige ganito nalang. Tikman mo lang ang pagkain nila, kung ayaw mo eh di lilipat tayo sa iba."

"Bakit ba gusto mo kumain dyan?"

"Basta! Oh ano? Deal?"

Tinignan ko ang kainan at tinignan ko sya. HOLY SHIZ! Ginagamitan nya ako ng puppy-dog-eyes technique. Jared Dela Cruz PLUS Puppy-Dog-Eyes. Not a good combination at all.

Hwag mo akong tignan nang ganyan baka pumayag ako.