webnovel

Takot sa Dilim

Takot ka ba sa dilim? Iyong tipong hindi mo kayang mabuhay nang walang ilaw. Halina't basahin ninyo ang kababalaghan sa librong ito. Copyright © by timmyme All rights reserved.This book or any portion thereof may not be reproduced or used in any manner whatsoever without the express written permission of the author except for the use of brief quotations in a book review.

timmyme · Horror
Zu wenig Bewertungen
24 Chs

SALAMIN

Mga polusyong bumbalot sa paligid, mga ingay na nililikha ng tao at maging mga sasakyan...mga sasakyang walang humpay sa pag-bubusina dahil sa usad pagong na galaw ng ibang sasakyan.

Ganito pala sa Maynila, walang pakialam kahit na madugutan ka ng mga mahahalagang bagay ay walang kahit ni isang anino ng tao ang handang tumulong sa'yo. Dahil na rin siguro sa mga kurakot na senador kaya ganun nalang ang asal ng mga pulis at mga iba pang awtoridad.

Natuto na silang tumanggap ng mga palagay ng mga ibang drayber kaya natutunan din ng mga drayber na kahit anong maling gawin nila ay palagay lang ang katapat nito.

Kasalukuyan kong tinatahak ang daan patungo sa Quezon. Dito ko kasi itutuloy ang naudlot kong kurso sa aming probinsya. Gagawin na kasi nilang Barangay Hall an gaming eskwelahan.

Wala na rin kaming magagawa dahil sinang-ayunan na rin ng aming Mayor ang sinabing pag-iiba ng aming Paaralan.

Habang umaandar ang sasakyan ay naisipan kong isandal ang aking ulo sa bintana ng dyip. Inilibot ko ang aking mga mata, hindi ko alam kung anong susunod na mangyayari pagkababa ko rito. Kanina lang nung paalis na ako sa aming bahay ay magkahalong tuwa at saya ang nadarama ko, pero bakit ngayo'y hindi ko na nararamdaman iyon sa mga oras na ito?

Lungkot at pangamba ang isinisigaw ng puso ko. Oo, nga pala, hindi ko na mamasdan ang mga halamang tanim ng aking Inay. Ang mga sermon niyang 'pag tinatamad akong pumasok nang maaga sa aming Paaralan at mga hagikgikan, biruan, at tawanan na aming pinagsaluhan 'pag wala kaming magawa.

Ganito pala ang pakiramdam ng mawala sa tabi ng iyong minamahal, masakit ngunit kinakailangan... kinakailangan upang makamit ang inaasam kong tagumpay.

Hindi ko na namalayan na ang aking luha ay nagsisimulang nangilid sa aking mga mata at dahan-dahang dumaloy sa aking mukha. Napasinghap ako at agad pinawi ang mga luhang ebidensya ng aking kalungkutan.

Nagising ako sa aking wisyo matapos tumunog ang aking cellphone. Si Inay pala, siguro miss niya na rin ako?

Sinagot ko ito. "Hello, Nay?" pinilit kong palitan ang lungkot na aking nadarama para hindi siya makaramdam ng kalungkutan doon.

"Nak, kamusta ka na diyan? Kumain ka na ba? Huwag kang magpapagabi, ah. Lagyan mo palagi ng tuwalya yang likod mo para hindi ka magkasakit, mag-aral kang mabuti at-"

Hindi ko na ulit napigilan ang aking luha, unti-unti itong dumaloy hanggang sa dulo ng aking mukha. Napasinghap ako dahilan upang siya'y magtaka sa'kin.

"Nak, umiiyak ka ba?"

"Wala 'to, Nay, I miss you po."wika ko. Basag na ang aking boses sa mga oras na iyon. Narinig ko na rin na humahagulgol ang aking Inay.

"M-miss you rin, Nak. Sige, ingat ka diyan, magpakabait ka sa mga magiging guro mo." Bakas ko rin ang pangamba sa kanyang boses.

"Sige po, Nay bye po. Ingat ka rin po diyan."

Pinawi ko muna ang aking luha bago ko putulin ang aming usapan. Napa-ngiti na lang akong bigla sa 'di ko alam na rason.

Ganito pala ang pakiramdam ng malayo sa mga mahal mo sa buhay. Umiigting ang inyong pinagsamahan dahil sa pagsubok na dumarating.

Hindi ko namalayang nasa tapat ng bahay ng aking tiya. Agad akong sumenyas sa drayber upang huminto at dahan-dahang bumaba ako ng dyip.

*******

"Kath, bakit ngayon ka lang?" Inilapag ko muna ang aking mga gamit bago ko ako magmano at sagutin si Tiya.

Kumuha ako ng tuwalya sa aking bulsa upang punasin ang namumuong pawis sa aking mukha. "Pasensya na po, Tiya. Medyo nagkaroon po kasi ng trapik papunta rito." pagrarason ko.

Hindi pa rin nakatutok ang aking mata sa kanya dahil sa inililibot ko ito sa buong paligid ng bahay niya. Sa matagal kong hindi pagdalaw rito ay malaki na rin ang pagbabago ng bahay ni Tiya.

Mga dinding na dati'y kahoy na kulay marmol, ngayo'y sementado na at pinunturahan na ito ng kulay berdeng pintura. Ang sarap sa mata, nakaka-enganyong pagmasdan ang bawat detalye sa tahanan na ito, nakakamangha ang pagkakagawa.

Bigla akong bumalik sa aking diwa matapos akong makarinig ng sigaw...

Teka, sumigaw si Tiya sa akin?

"Kath, makinig ka sa'kin! Ang pinakaayaw ko sa lahat ay yong mga taong hindi marunong makinig at tamad sa gawaing bahay. Pinapunta ka rito ng iyong magulang upang mag-aral at hindi para magliwaliw!" mahaba niyang litanya.

Mukha nga yatang naging suplada na ang aking Tiya. Masyado na itong naging strikto dahil na rin siguro sa pagkamatay ng kanyang nag-iisang anak.

"Naiintindihan mo ba, Katherine?" Isa ba yong tanong o isa ba yong malakas na bulyaw?

Tumango nalang ako at sumagot ng "O-Oo" na halatang nauutal.

Pinasadahan ko ng tingin ang daanan patungo sa aking kwarto. Medyo may kasikipan ito pero okay na ito. Hindi naman ito makakasira sa pag-aaral ko.

Inaayos na rin ni Inay ang lahat sa paaralan na aking lilipatan, wala na akong proproblemahin pa. Siguro matutulog na akong maaga para naman mabawi ko ang pagod sa biyahe papunta rito at para naman maging maaga rin ang pagpasok ko sa aking papasukan.

Nang umaga rin na iyon ay kaagad akong naligo, kinuha ang damit na nasa loob ng aking bagahe. Nagataka ako kung bakit wala pang ni isang pagkain ang nakahanda sa lamesa.

Nakita ko ang mga mata ng aking tiya na nakatingin sa akin. Animo'y isang tigre na kahit anong oras ay maaari akong sakmalin dahil sa nanalilisik na mga titig nito.

"Hindi naman pwedeng pumunta ka rito nang mag-aaral lang. Dapat alam mo rin ang magtrabaho." Nagkibit-balikat na lamang ako at gumawa ng aming pagkain.

Pagkatapos naming kumain ay hinugasan ko na iyon kaagad dahil baka mapagsalitaan na naman ako ni tiya.

Ang naging resulta nun ay nahuli ako sa unang klase. Sinermunan ako ng aking guro.

Halos sumayad ang aking braso papunta sa lupa. Hindi ko na kaya ang sermon sa bahay, sermon din dito sa paaralan. Wala na bang matinong tao ngayon? Na makakaintindi ng aking sitwasyon?

Habang tinatahak ko ang aking dinadaanan patungo sa aming bahay ay may isang bagay akong muntikang matapakan- isang SALAMIN!

Medyo, may kalumaan na ito may konting gasgas na rin ito. "Sino kayang nakaiwan nito?" pagtataka kong tanong.

Inilibot ko ang aking paningin, mukhang wala ngang nagmamay-ari nito. Yes, sa akin nalang ito tutal wala pa akong salamin na nabili.

Nang makarating ako bahay ay agad ko ulit itong tinignan. Laking gulat ko nang mawala ang gasgas nito, parang naging bago ulit ang itsura nito?

Wala na akong pakialam basta't meron na akong pagtitinginan ng aking sarili. Habang minmasdan ko ang aking repleksyon sa naturang salamin ay may nahagip ang aking mga mata, isang pigura ng isang babae. Mahaba ang buhok at kumakanta ito.

Ang kantang ito ay nagpanindig ng aking balahibo. "Malapit...malapit...malapit na siya. Mag-ingat... mag-ingat papatayin ka niya..."

Pilit itong umaalingawngaw sa aking utak hanggang sa hindi ko nakayanan at tuluyan akong napasigaw.

"Ahhhhhhh!" Ang sigaw na 'yon ang umalrma sa aking Tiya.

"Ano ba, Kath. Itigil mo nga 'yan, kung gusto mong mag-ingay pumunta ka roon sa labas!" mataray niyang sigaw. Kasabay nun ay isinara niya nang malakas ang pinto

Pero hindi talaga ako mapakali kung sino ang nagpakita sa'kin. Baka nama'y guni-guni ko lang 'yon? Baka nga... sana nga.

Dumaan ang araw ng aming Semestro. Ang pagsusulit ay sadyang mahirap dahil na rin siguro sa hindi ako nakapag-review nang mabuti. Si Tiya kasi kahit na alam niya na malapit na ang aming pagsusulit ay patuloy pa rin itong utos nang utos kaya heto ako ngayon. Walang mai-sagot, walang alam.

Habang nagsasagot ang aking ka-kolehiyo ay nakaisip ako nang magandang plano. Inilabas ko ang napulot kong salamin atsaka maiingat ko itong iniharap sa mga test paper ng iba kong kaklase.

"Mass is blablabah..." mahina kong sinabi kasabay ng pagsulat nito sa aking papel.

Malapit na ako sa huling sagot matapos akong maudlot. Napalunok ako nang sunod-sunod matapos kong makita ang repleksyon ng aking mga kaklase.

NAAGNAS NA ANG KANILANG KATAWAN, MGA MUKHA NILA'Y SUNOG-SUNOG, AT ANG MGA UPUAN NILANG UNTI-UNTING TINUTUPOK NG APOY. HINDI PWEDE, MASUSUNOG BA AKO RITO?

Nanginginig ko itong nilibot sa lahat ng aking ka-kolehiyo at maging sa aking guro. Muntikan na akong maluwa dahil pare-parehas sila ng mukha sa salamin. Naagnas at nilalamon ng apoy.

Dahan-dahan ko itong itinapat sa aking repleksyon ngunit hindi ko na mamukhaan ang aking sarili. Punong-puno ng dugo at unti-unting napupunit ang balat ng aking mukha dahil sa apoy.

Hindi ko na kinaya pa kaya nama'y sinigawan ko ang aming guro. "Sir, kailangan na nating umalis dito. Mamatay tayo, mamatay tayo dahil sa isang sunog!"

Napatigil ang lahat sa pagsusulat, maging ang mga nangongopya ay napatigil din. Isang hagalpak ng tawa ang isinukli nila sa akin.

Pero bakit hindi pa nangyayari ang nasaksihan ko roon sa salamin? Posible bang wala lang 'yon? Isa lang iyong guni-guni?

Nang maipasa na namin ang aming papel ay bigla nalang may sumabog sa aming klasrum.

Mahapdi, masangsang at masakit sa katawan ang bumungad sa aking sarili. Kahit hindi malinaw ay kitang-kita ko lahat ng aking kaklase, nilamon na sila ng apoy at pati ang aming papel ay tinupok ng naglalakihang apoy.

Hindi ako makatayo kaya nama'y gumapang ako palabas pero bago pa man ako makalabas ay humarang ang salamin sa aking harapan. May isang babaeng nakangiting nakakaloko.

Nakatingin ito sa akin. "Patay na patay na sila.... Isa nalang... isa nalang at ikaw na iyon!"

Pakanta niya kasabay nang paglapit niya sa aking ulo, may hawak itong isang basag na Salamin at walang awang tinarak ito hanggang sa bumaon. Ramdam ko ang sakit, napakagat ako sa aking labi sa mga oras na 'yon.

Ramdam ko ang pagdaloy ng aking sariwang dugo. Unti-unting nandilim ang aking paningin dahil siguro sa dami ng dugong nawala sa akin.

Bago ako mawalan ng hininga ay narinig ko pa ang bulong ng babaeng. "Bakit mo pa kasi kinuha ang salamin na iyon at bakit mo iyon ginamit sa pangongopya, iyan tuloy mamatay ka nang may kasalanan!"

Humalakhak siya nang ubod ng lakas hanggang sa mawalan na ako ng malay.