webnovel

Kabanata 4: Monday is Good Day

(Pagkatapos ng araw na 'yon tinawagan ni Jasper si Miguel...)

Jasper: Pre sinagot nako ni Juliana

Miguel: Weh? Congrats pre sana magtagal kayo

Jasper: Salamat sa inyo pre, kung di dahil sa inyo wala ako sa kinatatayuan ko ngayon

Miguel: Wala yun pre, lahat dapat tayo nagtutulungan sa isa't isa

Jasper: Salamat talaga pre. Oo nga pala pede ba kayo sa bukas? Linggo naman eh, punta kayo dito sa bahay

Miguel: Sige pre punta kami ng 1:30 diyan

Jasper: Sige pre salamat

(Kinabukasan, naunang pumunta si Miguel sa bahay ni Jasper...)

Jasper: Pre tuloy ka samin

Miguel: Laki ng bahay nyo pre

Jasper: 'Di naman pre. Nasaan nga pala yung iba?

Miguel: Tinetext ko nga sila eh di pa sila nagrereply

Jasper: Ahh ganun ba. Umupo ka muna pre

Miguel: Sige pre salamat

Celine: Jasper nakita mo ba yung- (nagulat nang makita si Miguel). Oh miguel nandiyan ka pala, kanina kapa ba?

Miguel: Kadarating ko lang din po tita

Celine: Nasaan yung iba?

Miguel: Papunta na po daw sila

Celine: Ahh. Salamt nga pala Miguel ah

Miguel: Para saan po?

Jasper: Dahil sayo nagkaroon siya ng kaibigan at nagbago na din siya, wala na rin yung galit niya sakin

Miguel: Wala po yun tita, ganun naman po kaming lahat sa mga bago namin nakikilala eh

(Dumating si Jasper...)

Jasper: Pre nandito na sila

Ivan: Tol sorry late kami

Miguel: Okay lang, nasaan nga pala si Monday?

Diana: Susunod daw siya eh. Wait tawagan ko

Miguel: Ako na lang tatawag

Diana: Sige bahala ka

Miguel: Hello, Monday nasaan kana?

Monday: Sorry di ako makakapunta

Miguel: Bakit?

Monday: Basta (parang naiinis na sinabi) *pinatayan ng cellphone*

Ivan: Oh anong sabi?

Miguel: Di daw siya makakapunta

Diana: Bakit?

Miguel: Ewan, parang naiinis nga nang kinausap ko eh

Ivan: Hayaan niyo na baka may problema lang

Jasper: Oo nga, tara na sa loob baka malamig na yung hinanda ni mama na pagkain

Miguel: Sige sige sige, tara na

(Habang nagkukwentuhan sila, napunta ang topic nila kay monday...)

Ivan: Hindi ba nagtetext sa inyo si Monday?

Diana: Hindi nga eh. Sa'yo Miguel?

Miguel: Hindi rin eh

Cris: Ano kaya nangyare dun

Jasper: Baka naman nag-break sila ng boyfriend niya

Diana: Wala nga siyang boyfriend diba!!

Jasper: Ayy sorry nakalimutan ko hehe

Miguel: Tara uwi na tayo, anong oras na oh

Cris: Mamaya na

Miguel: Kung di pa kayo uuwi, ako uuwi na nagpaalam kasi ako kay mama na di ako gagabihin

Diana: Ako din. Tara hatid moko

Miguel: Tara!!

Jasper: Paalam na kayo kay Mama

Miguel: Tita una napo kami ni diana

Celine: Ahh ganun ba sige ingat kayo ah

Miguel: Sige po tita, salamat po

(Habang naglalakad sila, kinausap ni Diana si Miguel tungkol kay Monday...)

Diana: Miguel, wala ka bang gusto kay Monday?

Miguel: Wala. Bakit?

Diana: Wala naman

Miguel: Eh ikaw, may gusto kaba kay Cris?

Diana: Sa totoo lang, wala talaga, tsaka pag lalo niya akong pinagpipilitan sa kaniya lalo akong lumalayo kase yun ang pinaka ayoko sa lalake

Miguel: Ahh ganun ba. So, wala siyang pag-asa sa'yo?

Diana: Wala, sorry ah pero wala talaga. Tsaka wag mo sabihin sa kaniya ah, hayaan mong ako magsabi

Miguel: Oo naman alam ko yun. Gusto ko lang masigurado yung kutob ko

Diana: Kutob mo? Na ano?

Miguel: Na wala talaga siyang pag-asa sa'yo. Kasi yun yung una kong napansin eh. Parang simula't sapul wala talaga siyang pag-asa sa'yo.

Diana: Ahh okay. Ay, dito na pala bahay namin. Bye ingat ka sa paguwi mo, yung pinagusapan natin ah

Miguel: Oo alam ko yun

Diana: Sige, salamat sa paghatid, bye

Miguel: Sige, bye

(Kinabukasan pag pasok nilang lahat, hindi pinapansin ni Monday sila Miguel...)

Diana: Kinausap ba kayo ni Monday?

Ivan: Hindi nga eh

Cris: Ano kaya nangyari sa kanya

Miguel: Lapitan ko

(Nilapitan nga ni Miguel si Monday para kausapin ito...)

Miguel: Oyy Monday, bakit di ka namamansin?

Monday: Sorry ah, pero mamaya mo na lang ako kausapin wala kasi ako sa mood ngayon eh

Miguel: Ahh ganun ba sige

(Paglapit ni Miguel sa mga kaibigan niya...)

Jasper: Anong sabe pre?

Miguel: Wala daw siya sa mood eh, mamaya ko na lang daw siya kausapin

Cris: Hindi ba niya red days ngayon?

Diana: Hindi pa naman siguro, wala pa nga ako eh.

Miguel: Baka may problema lang. Hayaan muna natin. Tsaka natin tanungin kapag ayos na yung problema niya

(Natapos ang buong maghapon na hindi kinausap ni Monday sila Miguel, pero nang naguwian na sila...)

Ivan: Ano pre kinausap kaba ni monday?

Miguel: Hindi eh, bukas na lang

Diana: Oo nga hindi rin ako kinausap eh

Cris: Baka bukas pansinin na tayo

Ivan: Nasaan nga pala si Jasper

Diana: Ayun oh, nakikipagpandian kay juliana

Miguel: Tara na uwi na lang tayo

Monday: Wait lang

Miguel: Ohh bakit hinihingal ka?

Monday: Hinabol ko kayo eh, pwede ba kayo ngayon? Punta muna tayo sa park

Cris: Di ako pwede sabi ko kay mama maaga ako uuwi ngayon

Ivan: Hindi rin ako pede eh, kayo na lang tatlo

Miguel: Tara na pre sandali lang naman tayo eh

Ivan: Pre lagi natin sinasabi yan pag hindi pwede ang isa pero inaabot pa rin tayo ng gabi eh. Ikaw Cris bahala ka kung gusto mo sumama sa kanila di rin talaga kase ako pwede eh

Cris: Hindi rin talaga ako pwede tol, next time na lang

Miguel: Ikaw diana uuwi kana rin?

Diana: Hindi ayoko pa nga umuwi eh

Monday: Hayaan mona umuwi yung dalawa miguel, sabihin mo na lang sa kanila bukas kung ano ang napagkwentuhan natin

(At umuwi na nga si Cris at Ivan pag kaalis nila Miguel...)

Diana: Ano nga pa lang nangyare sayo Monday?

Monday: Pasensya na kayo ah, tinotopak kasi ako minsan eh kaya di na lang ako namamansin bigla

Miguel: Tinotopak? Anong klaseng topak? Sakit?

Monday: Hindi, di ko din siya maexplain eh, pero yung feeling mo na galit ka sa mundo kaya ka nananahimik ka at di ka na lang mamamansin

Diana: Ahh minsan ganyan din ako eh, pero hindi sa mga tropa ko

Miguel: Parang moody noh?

Monday: Yah! Parang ganun nga

Diana: Akala ko gawa ng crush mo eh

Miguel: Sinong crush?

Diana: Ayy sorry nadulas hehe

Monday: Wala na nalaman na

Miguel: Sino ba kasing crush mo? Share mo naman sakin

Monday: Kilala mi si Tom?

Miguel: Tom?

Monday: Yung nakasalamin na medyo kulot na katamtaman lang ang tangkad

Miguel: Ahh si Tom Andrei!!? Eh ang tahimik ni Tom ah, bakit mo siya nagustuhan??

Monday: Wala, ang cute niya kase pag nakasalamain, tsaka bilog na bilog ang mata niya pag tinanggal niya yung salamin niya

Miguel: Nagkukwento ka lang nagpapantasya kapa. Gusto mo lakad kita dun?

Monday: Luh! Di nga kami magkakilala eh

Miguel: Bakit magkakilala ba si jasper at juliana dati?

Monday: Oo, pero hindi close

Miguel: Yun na nga eh, di nga nila kilala isa't isa nang una silang magkita pero naging sila naman diba?

Monday: Kahit na may pinagsamahan pa rin

Diana: Edi papakilala ka ni Miguel kay tom

Miguel: Oo nga. Bukas pakilala kita dun

Monday: Bahala kayo!

(Habang naglalakad sila Miguel sa park nakita ni Diana si Tom na naglalakad mag isa...)

Diana: Monday, ayun si Tom oh

Monday: Nasaan?

Diana: Ayun oh

Miguel: Tara lapitan natin

Monday: Wag na

Miguel: Tara na, papakilala ko lang kayong dalawa

Diana: Tara ako una mong ipakilala para di mahalata si Monday haha

(Paglapit nila kay tom...)

Miguel: Tom!!!

Tom: Uyy Miguel musta

Miguel: Okay lang. Si Diana nga pala tsaka si Monday classmate ko ngayon

Tom: Hello

Miguel: May hinihintay kaba? Bakit mag isa ka lang?

Tom: Wala naman akong hinihintay, pauwi na rin ako eh, kayo ba?

Miguel: Sama ka muna samin, gala muna tayo

Tom: Sige pero dapat bago 6:00 pm nakauwi nako

Miguel: 4:00 pa lang naman eh, sandali lang tayo

(Pagkatapos nilang mag gala, hinatid nila Miguel si tom sa bahay niya...)

Tom: Sige tol salamat sa paghatid sakin, ingat kayo ah. Madaldal din pala si Monday 'pag kinausap mo noh!?

Miguel: Ganun din siya samin nang una eh, kala mo tahimik pero sobrang ingay niyan

Tom: *binulong kay Miguel* May boyfriend ba si Monday pre

Miguel: Wala, trip mo ba?

Tom: Tsaka na, kilalanin ko muna siya

Miguel: Okie ikaw bahala

Tom: Pasok nako sa bahay pre, ingat kayo ah

Miguel: Sige tol salamat